When I met you

What's my schedule for this day?" I asked my secretary.

"Ma'am you have meeting with Mr. Lim at 10am, cutting of ribbon in Makati at 11am, lunch with Ms. Santos at 12, signing of contract with Ms. Santiago at 2pm, meeting with Mr. Sy at 3pm, dinner with Cruz family at 6pm, and blind date at 7pm. That's all Ma'am." Mahabang paliwanag nya.

"Cancel the blind date."

"Ma'am, last week po tinanggihan nyo na yung date nyo, kukulitin na naman po ako ni Madam."

"Really? So kung ayaw mong icancel yung date, ikaw na lang pumunta."

"Ma'am kanina ko pa po na cancel yung date nyo." Masiglang sabi nya.

"Good. Pumunta na tayo kay Mr. Lim."

What the hell is wrong for being single at the age of 28? Well sa akin wala. Ewan ko lang sa parents ko.

**Flashback**

"Layla! Diba sabi ko sayo icancel mo yung date na 'yun?"

[Eh Ma'am nagpumilit po si Madam eh.]

"Sino ba ang boss mo?" Nakakainit ng ulo.

[Kayo po.]

"Bakit sya ang sinunod mo?"

[Pasensya na po Ma'am.]

"Ayoko ng mangyayari ulit 'to. Maliwanag ba?"

[Opo.]

Pahamak talaga yung babae na 'yun! Sinabi ng kapag nag schedule si Mommy ng date ay icancel agad.

No choice. Papunta na ako sa Restaurant nung "Makaka date" ko.

Kasalukuyan na akong nakaupo at kumakain kasama ang ka-date ko.

"So how's your business Samantha?" Tanong ng ka-date ko habang kumain.

"As usual doing great." Sagot ko sabay inum ng wine.

"I heard na magkakaroon na kayo ng branch sa korea. Totoo ba 'yun?"

"Ang bilis talagang kumalat ng balita. Yeah, totoo 'yun." Boring!

"Then good." Ano ba 'to? Meeting ko sa client o date? Mukhang business lang ang habol nito ah.

"What about your branch in--"

"You know. Kung business naman pala ang gusto mong pag-usapan natin, magpa-schedule ka na lang ng ibang araw sa secretary ko. I really hate this f*cking date." Sabi ko sa harap nya, sabay tayo.

Hindi naman sa disappointed ako dahil hindi sya interisado sa akin, eh hello? Kung gusto nya akong maki-share sa company, diretsuhin nya ako. Dami pang paligoy-ligoy.

End of flashblack.

------------

Samantha's POV

8pm na ng napag-desisyunan kong umuwi, actually dapat kaninang 4pm pa ang out ko. Kaso sobrang dami kong naiwang mga trabaho, puro kasi out of country ang mga naasikaso ko nitong mga nakaraang araw.

"Layla."

"Yes Ma'am?" Baling nya sa akin.

"Gusto mong uminom?"

"Sorry po Ma'am, hindi ako makakasama ngayon. Anniversary kasi namin ngayon ng boyfriend ko! 2 years na po kami!" Kinikilig-kilig pa na sabi sa akin ni Layla.

Isa pa 'to sa pinoproblema ko. Kapag daw hindi pa ako nakahanap ng boyfriend within 5 months, ipapakasal ako nila Mommy sa anak ng business partner nila, like what the hell?!!

"Ganun ba? San ba kayo mag-dedate?"

"Ma'am naman eh. Sasama ka ba? Baka ma-op ka." Napasapo na lang ako sa noo ko.

"Sira ka ba? It-treat ko kayo."

"Talaga po?" Hindi makapaniwalang turan nya. Inabot ko sa kanya ang isang card, at i.d ko.

"Go to that place. Ibigay mo sa kanila ang i.d ko, order anything you want."

"T-Talaga Ma'am?" Mangiyak-ngiyak nya pang sabi.

"Ayaw mo?"

"Gusto ko po. Salamat po." Sabi nya at nagmamadali ng umalis.

Minsan talaga tinatamaan ako ng kabaitan eh. Nag-dial ako sa cp ko.

"Hey B*tch, where are you?"

[I'm in her bar right now b*tch.]

"Who's with you?"

[I'm with the other b*tches. Ikaw na lang ang kulang.]

"Ok. I'll be there in a minute." Sabi ko

[Ok. Careful driving]

Agad na pumunta ako sa parking lot. After 30 mins. ay nakarating na ako sa Chocolicious Bar. Ang baduy talaga ng bar na 'to.

Tinanguan ko lang ang mga bouncer, kilala na ako dito.

"HELLO B*TCHES~!!" Sigaw ko pagdating ko sa isang private room.

"Ang tagal mo naman Sam." Angal ni Michelle, may-ari ng bar.

"Hey! 30 mins. lang naman 'yun ah." Sagot ko sa kanya.

"Stop talking b*tches. Let's start drinking!" Pag-aanunsyo ni Eunice.

And with that. Nag-inum na kami.

"B*tches, sa dance floor tayo." Pag-aaya ni Jade.

Mga party girl talaga 'tong mga 'to. Medyo maraming tao sa dance floor kaya talagang magkakabanggaan ang mga sasayaw.

"Kayo na lang, dito lang ako." Sabi ko sa kanila. Sa totoo lang, hindi ko gusto makisalamuha sa ibang tao.

"Ayan ka na naman Sam eh. Tara na!" Sabi ni Lindsey at talagang hinihila pa ako.

"Oo nga!" Pagsesegunada naman ni Nicole.

"Sige, maya-maya. Ubusin ko lang 'to." Pinakita ko sa kanila yung baso ko na may laman pang alak.

"Are you sure?" Tanong ni Rachelle.

"Yeah." I smile to them. At ayun ang mga babae, nagsasasayaw na.

Tumalikod na ako sa kanila at humarap na lang sa bartender, gumagawa kasi sya ng tricks.

"Hi. Are you alone?" May lalaki na umupo sa tabi ko.

"No. Kasama ko mga kaibigan ko." Sagot ko ng hindi sya nililingon.

"Ahh. So, I'm Jb. And you are?"

"I'm sorry. I don't talk to stranger." Bahagya pa syang natawa.

Napalingon na ako sa kanya. 'Yung.. 'yung tawa nya. Kakaiba. Parang bumagal ang paligid. Ang sarap titigan ng mukha nya.

"Baka matunaw na ako Miss." Bigla akong natauhan sa sinabi nya. "Nagpapakilala na ako sayo, para hindi na ako stranger." Pagpapatuloy nya.

"Sam." Maikling sagot ko.

"Nice name." He smile again.

"Thanks." Natahimik kami saglit bago ulit sya magsalita.

"Nasaan ba ang mga friends mo? Mukhang iniwan ka na nila." Lumilinga-linga pa sya.

"No, nandyan lang sila sa dance floor." Ayoko syang tignan dahil feeling ko ay namamagnet ako sa mga mata nya.

"Ahh. Ayaw mong mag sayaw?"

"Hindi naman ako magaling sumayaw eh."

"Pareho tayo. Let's drink na lang." Natawa na naman sya.

----

Next chapter will be SPG. OMG! Hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top