Chapter I
Asha's POV
Nakakatuwa talagang makakita ng taong nagmamahalan.
Iyong feeling na makahanap ng comfort at pahinga sa isang tao.
'Lord, when?'
"...and they lived happily ever after," pagbasag ni Daniela sa mga pinag-iisip ko sa pamamagitan ng pagbasa ng huling parte ng kuwentong isinusulat ko.
"Sus, sinusulat mo pero naniniwala ka ba?" dagdag pa niya sabay halik sa asawang kararating lang galing trabaho.
"Sup, Harold. Oo naman bal, naniniwala naman ako sa happily ever after, tignan mo kayo ni Harold, hindi ba 'yan happily ever after?" naisagot ko na lamang habang isinasara ang laptop ko.
Well, technically, bonding sleepover namin 'to pero kailangan ko lang talagang dalhin ang laptop for urgent ideas ng kuwento. And true enough, nakatapos pa nga ng isa.
"Well, given. Pero ikaw ba, kailan mo ba kasi hahanapin ang happily ever after mo?" tanong ulit ni Daniela habang sinisimulan iprito ang lumpiang shanghai na gagawing pulutan sa inuman mamaya.
Bakit ba ako ang topic?
"Hinahanap ba 'yon bal? Hindi ba 'yon kusang dumarating?" wika ko sabay ayos na ng kable ng charger ng laptop ko.
"Aba'y oo bal, ika nga, 'nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa', quota na si Lord sa awa sa'yo, baka time na para sa gawa girl. Ilang taon ka na oh? In 4 years, trenta ka na," dire-diretsong sabi ni Daniela.
At naging sermon pa nga.
"Alam mo naman bal na sinubukan ko. May mga nanligaw noong college pero anong nangyari? 2 weeks pa lang na nanliligaw eh may jowa na, pinagsabay pala niya mga nililigawan niya. No'ng working na, puro pahaging, walang words, baka masabihan pa kong assuming. Nag-dating apps na rin ako, tinder, omegle, bumble, name it, I had it. Napagod lang talaga ko..." panimulang wika ko na para bang isang batang nagpapaliwanag sa magulang.
"...tsaka hindi ka ba masaya bal na despite not having a love life eh nakakapagproduce ako ng romantic stories," buong pagmamalaki kong dugtong.
"Eh saan mo nakukuha ang kilig no'n, sa panonood sa iba di'ba? Iba 'yong kilig kung ikaw mismo ang makakaranas," walang lingong wika ni Daniela.
Kung tutuusin, may point naman talaga si bal. I mean, iba ang feeling 'pag nagmamahal, para kang nasa Cloud 9. Pero iba rin ang sakit 'pag iniwan.
Potek. Ang tagal na no'ng sakit pero hanggang ngayon, ramdam ko pa eh.
Sa sobrang pagrereminisce ko, 'di ko namalayang hindi pala ako nakasagot sa sinabi ni Daniela.
"Oh, nanahimik ka. Tama ako di'ba? Bal, alam kong meron eh. Ramdam kong may mga gustong sumubok to pursue you, you're beautiful, smart, funny, successful writer, and you have a beautiful personality. Lagi ko ngang sinasabi sa'yo na suwerte ang lalaking mamahalin mo eh. It's just that, you're too strong, too independent. Let them pursue you. You may not see it now, pero baka magulat ka sa dami nila," wikang muli ni Daniela habang nakangisi sa'kin.
Parang I don't like this feeling.
"Oo na po, ma'am. Noted na po," pag-sang-ayon ko na lamang para matapos na.
"Sabi mo 'yan ah. Hintayin mo lang silang kumatok sa puso mo," buong ngiting sagot naman ni Daniela habang patuloy na nagluluto ng lumpia.
Bakit parang masayang-masaya pa 'tong kaibigan kong 'to? Eh alam niya naman yo'ng sakit na dinanas ko no'ng high school sa dati kong ka-M.U., alam niya rin naman na sinubukan kong magmahal ulit. Pero bakit iba yo'ng feeling ko ngayon?
*tok* *tok* *tok*
"Oh speaking of, may kumatok kaagad," wikang muli ni Daniela habang akmang maghuhugas ng kamay para siguro buksan ang pinto.
"Ako na bal," pagkukusa ko sabay bukas ng pinto.
"Delivery po for Ms. Daniela," wika ng lalaki.
"Pakuha na lang bal, bayad na 'yan," sagot agad ni kambal.
"Akin na daw po kuya, bayad na daw po 'yan," wika ko sabay lahad ng kamay ko sa lalaki.
Pero imbis na iabot ang package, tinitigan ako nito at...
"Ma'am, ikaw po ba si Asha Cordelia ng Wattpad po?" tanong ng lalaki.
"Ah eh. Yes po. Why?" takang tanong ko na lamang.
Para sa isang matipunong lalaki, sigurado akong hindi siya ang nagbabasa ng Wattpad. Maybe his girlfriend? or kapatid?
"Ma'am, I'm a fan po. Grabe, 'di ako makapaniwala. Kumpleto po ako ng libro niyo ma'am. Lagi rin po akong nasa book signing niyo kaso laging nagkakataon na cut off na ng mga magpapapirma kaya hanggang ngayon wala pa rin ako kahit isang pirma from you, puwede po bang magpapicture na lang ma'am?" walang hingang sabi ng lalaki.
Wow. Sorry na agad sa pagiging judgmental ko pero nakakatuwa naman na makatagpo ng fan sa gan'tong pagkakataon.
"Sure po," nakangiti kong sabi sa lalaki sabay bukas ng camera ng phone niya.
"Maraming salamat po ulit mam. Next time po ulit," wika nito sabay abot na ng package sa'kin ni Daniela at umalis habang nakalingon pa rin sa'kin.
Ngumiti at kumaway na lamang ako sa kaniya habang papalayo siya.
Alam kong paglingon ko kay Dani ay may makahulugan na naman itong ngiti.
At hindi nga ako nagkamali, nakaabang na pala siyang makabalik ako sa kaniya sabay wika ng, "Told yah."
Sabay naman kaming nagtawanan kasi nga timing rin talaga sa usapan namin.
"At bakit parang nagsasaya na agad kayo nang wala ako ha?!" wika ng isang babaeng walang pakundangang binuksan ang pinto nina Daniela.
-
Author's Note: Iiksian ko lang 'tong kuwentong 'to pero sana ma-enjoy niyo pa rin :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top