Chapter 9
"Nililigawan ka ni Kiro?"
Ayan, nang iinterrogate na naman ang mga bruha matapos nilang makita sa Kiro na kasabay kong pumasok. Tinanguan ko sila bilang sagot.
"Oh my God!" nakangising sabi ni Jana.
"Bilib na talaga ako sa landi nito. Silent but deadly." Si Nicole naman na nakangisi rin. Binatukan ko nga anong silent but deadly ang pinagsasabi nito.
"Eh pano si Dylan?"
Kunot-noo kong binalingan si Rica. "We're friends and malinaw na sa aming dalawa yun." Sabi ko at inalala yung araw na nag-usap kami.
"What do you mean malinaw? Nag-usap na kayo?" si Rhea na naguguluhan.
"Yes and he said na it's better for us to stay friends."
Nakita kong nalungkot ang mga mukha nila. "That's okay! At least meron ka ng Kiro ngayon." Liza said.
Tumango naman ang ibang kaibigan. Nabaling ang atensyon ko kay Vanny na nakatulala habang nakakunot ang noo. Nang mapansin niyang nakatitig ako, she smiled.
"Kung saan ka masaya susuportahan ka namin," she said.
I hugged them all because I am so grateful that I have them.
After that cheesy moment with my friends pumunta akong Press Room para ipasa ang assignments namin kay Sir.
Napahinto ako nang makita si Dylan, pabalik na siyang room. At hindi ko alam anong gagawin ko. Ayan nan man ang effect niya sakin. My heart beats so fast and butterflies in my tummy starts to fly again. At mga tuhod ko parang nanginginig.
Huminto lang siya nang nasa tapat ko na siya. "I'm happy for you," then he left.
Mas lalo akong nanghina sa sinabi niya.
It's been a week since Kiro courted me and today is the Acquaintance Party. Kina Vanny lang kami nagbihis kasi mas malapit sa school ang bahay nila at sila ni Janna ang magm-make up sa amin.
"Wow! Ang ganda natin," Rhea giggled.
Pagkatapos naming mag-ayos ay gumora na kami sa school. Sa school gym lang naman gaganapin but the officers made sure that the venue will look good and they never failed us. Maganda nga ang kinahihinatnan.
"kasama ako sa nagplano nyan," proud na sabi ni Nicole and we all cheered for her. We're proud of her too.
By the way, I am wearing a champagne colored dress partnered with my white heels and a small bag. Simple and elegant ang theme e. char!
Chaka ayos nato para hindi mahirapan sa banda mamaya. I was looking around to greet our classmates and other friends. Nahagip ng paningin ko si Dylan. He was looking straight into my eyes kahit na kinakausap siya ni Xavi. Kasama niya rin si Rey kaya kinawayan ko sila. I smiled at them.
Lalapitan ko sana sila nang makita kong lumapit si Kate sa kanila kaya napahinto ako. Then here's Kiro who blocked my view.
"Hi Kiro. Ang yummy mo!" bati ni Janna. "You look hot." Sagot din ni Kiro kay Janna.
Sinilip ko ang kinaroroonan nila Dylan. I sighed. Maybe, they are in a relationship already. Sila naman lagi magkasama these past few days as I observe.
"Oh my! Did you hear that?" baling niya sa kaibigan namin.
"Oo hindi naman kami bingi!" bara ni Nicole.
"Tara na sa table natin." Aya ni Vanny.
"Mauna na kami, Anna." Paalam nila kaya tinanguan ko lang sila.
"Wow." Sabi niya agad nang makaalis ang mga kaibigan. He looked at me from head to toe like he was really amused. Napairap tuloy ako at natawa.
"Ang OA mo talaga!" sabi ko.
"Syempre, nagmukha kang tao ngayon!"
Sinamaan ko siya ng tingin at sinapak sa braso. "Ouch! I was just kidding!" he chuckled.
"Che!" sabi ko at lalampasan na sana siya.
"Hey! Ang ganda mo araw-araw, promise!" pambabawi niya.
"Alam ko." sabi ko nalang.
He smiled. "Hatid na kita sa table niyo, Miss beautiful." He offered.
I just nodded and he led the way.
"Pupuntahan lang kita mamaya pag malapit na tayo magperform." Sabi niya.
"Just text me."
"No," he smirked. "Alis na ako." He said after he put me on my chair.
"K. thanks!"
Tinging nang-aasar ang ipinukol sa akin ng mga kaibigan. "What?" I shot back.
Napailing lang sila but then I saw Vanny staring at Dylan kaya napatingin ako dito. Nasa kabilang table lang sila e.
He's staring at me. Hindi ko matiis ang titig niya kaya nag-iwas agad ako. Bakit iba siya makatingin? Galit ba siya? Or it's just me? para akong may nagawang kasalanan sa kanya. Hindi ko nalang pinansin ulit.
Gaya nga nang sinabi ni Kiro, sinundo niya ako sa table nang malapit na kaming magperform.
"You don't have to do this," I said while walking papuntang back stage.
Nararamdaman ko ang titig ng ibang estudyante dahil sa pagsundo niya e.
"Why not? I'm courting you, Bi baka nakakalimutan mo."
I sighed. Siguro hindi lang ako sanay sa ganitong treatment kasi hindi naman ganito si D--- no. Why am I comparing him with that guy?
"Let's welcome the Unbothered Band!" announce ng emcee.
The lights turned on and everyone cheered. Bigla tuloy akong kinabahan and napansin yun ni Kiro.
"Hey it's okay. Kaya mo yan," he smiled at me.
Pinilit kong ngumiti sa kanya. Kiro, he give warmth to my heart.
"Good evening City High!" bati ni Ashton. "I know nagtataka kayo kung bakit may isang magandang dilag ang naririto ngayon kasama namin sa stage!" he continued.
Some audience whistled. "Well, she's a new member of Unbothered! Please welcome her!" tumingin siya sakin bilang senyales na ako naman ang magsalita.
"Goodevening everyone! I am Annastacia Bianca, a new member of Unbothered and I hope you'll enjoy this night!"
Everyone cheered kaya nawala ang kaba ko. I thought they won't like me pero wala pa naman akong napapatunayan kaya let's get it on!
Nagsimula ng tumugtog ang banda. Matapos naming magduet ni Ashton, tinanguan niya ako. It means it's my time to shine.
"This song is dedicated to those people who wants to avoid someone to move on. Ang iwasan by Moira."
Everybody cheered after I said that.
Nagsimula na akong kumanta at dinama ang bawat linya. Mabuti ngang iiwasan kita ulit. I choose this song because this is what I feel since last week. Nong sinabi niyang masaya siya para sa'kin. I don't know but that hurt. I guess, I still have feeling for him kasi hindi naman ako masasaktan kung wala. And now, I should move on.
I opened my eyes then I met his.
"Nakikita kita kahit nakapikit
Kailangan pa ang mahirap oh ang sakit sakit
Nakikita kita pero titikom muna ang bibig
At baka may masabi di mo pwedeng marinig
Ohhhhhh
Kaya patawad kung mahal parin kita
Kahit nalaman na may mahal ka nang iba
Ohhhhh"
Umiwas lang ako ng tingin after kong marinig ang sigawan ng mga estudyante. Nilingon ko sina Kiro and he smiled at me. He raised his thumbs up. I just smiled at him pagkatapos bumaba na kami sa stage.
"Apakayabang mo ha! Ang galing mo!" he said while he's walking me to our table.
"Kaya lang parang may hugot."
Napahinto ako sa sinabi niya but he's still smiling.
"May hugot talaga." Siguradong sabi niya but his smile didn't leave his face.
Nabaling ang atensyon namin sa emcee nang magsalita ito.
"Programs over! Pwede na kayong sumayaw! Invite niyo crushes niyo or your dates!" maligayang sabi nito.
"Shall we?" Kiro offered his hands.
Why am I hesitating to accept his hand?
"I won't hurt you, Bi." He said. Inangat ko ang tingin ko. He's intently looking in my eyes. He's sincere I can tell.
Unti-unti kong tinaas ang kamay ko at nilapat sa kamay niya. He slowly put my hands on his shoulder and he put his hand on my waist carefully. I stiffened a bit.
Napayuko ako, Kiro can't make my heart beats faster just like Dylan do but Kiro give warmth to my heart. Kiro gives me comfort. Naguguluhan ako kung bakit nandito naman si Kiro pero iba ang nasa isip ko. That guy who only wants to be my friend because he doesn't want to hurt me and lose me. Was that even possible or was he just coward to take the risk?
And... am I willing to take a risk and give Kiro a chance right now?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top