Chapter 8
After our practice, we went to the snackhaus he was talking about. Hindi nga sumama ang iba kasi may date din daw sila. Ayaw ko namang isipin na sinadya talaga nilang hindi sumama.
Wala naman kasi akong gagawin kaya sumama na ako. My friends we're busy on their own clubs kaya hindi ko sila makakasama ngayon.
"Wala ka talagang girlfriend?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang snackhaus.
"Oh, you're curious? Gusto mo mag-aapply?" he playfully said.
Sinuntok ko siya sa braso. "Ikaw ha, lagi mo nalang akong sinasaktan." Panunumbat niya habang hinawakan ang brasong sinuntok. Natawa ako sa OA na reaction niya.
"Gomenasai, Senpai!" sabi ko at nagbow pa sa harap niya.
"Kawaii." He said smiling.
Napaiwas tuloy ako ng tingin. "Alam ko." sabi ko na natatawa.
"Woah! Apakayabang mo!"
Napailing nalang ako at pumasok na sa snackhaus.
"Hello! Welcome to our snackhaus!"
Napangiti ako sa salubong ng crew samin. They're wearing a pink uniform and it's cute.
"Since, kakaopen lang ng ssnackhaus namin, we are offering free chicken wings to our couple customer!" sabi nong babaeng crew.
Napailing ako at sasabihin sana na hindi kami couple ng kasama ko. Pero naunahan akong magsalita ni Kiro at tsaka inakbayan niya ako.
"Wow, that's good. Diba babe?" tumingin si Kiro sakin and he gave me a fake smile. Gusto niya bang magpanggap kami? I shook my head to say no but he nodded and gave me that look na it's okay.
I sighed. "Yes."
Pagkatapos nun, ginuide kami ng crew sa isang table at nag-order na kami.
"Babe ha?" bulong ko at sinamaan siya ng tingin but he just chuckled.
Naghintay lang kami ng ilang minute at dumating na ang order namin. "Excuse Ma'am and Sir, can we take you a picture? Ip-post namin dito sa snackhaus like what we did sa ibang customers." Sabi ng crew at tinuro ang isang wall na may mga pictures din.
"Sure!" sabi ni Kiro. "Pero pwede din ba kaming makahingi ng copy for free?" sabi niya pa at nagpacute.
Napatingin ako sa babaeng crew. Is it my imagination or nakakita ako ng heart heart sa mga mata niya. "Sure Sir!" nakangiting sagot niya.
Teka, wala ba akong sasabihin? Go with the flow lang ang drama mo Anna?
"Babe, let's take a pic!" masayang sabi niya at tumabi sa akin.
Kinurot ko siya sa tagiliran. "Dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo, Kiro." Bulong ko.
He chuckled. "Masaya 'to wag kang mag-alala."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Okay. Ready na po. Say cheese!"
Haaays. Okay fine. "Cheese!" sabay na sabi namin ni Kiro.
"Ang cute." Sabi nong crew. "Patingin!" tumayo si Kiro para tignan yung pic, hindi na ako nag-abala pa at kumain na lang.
"Ang cute ko talaga!" sabi ni Kiro pagkatapos tingnan yung picture namin.
"Mas cute ako." Sabi ko naman.
Napasimangot naman siya. Napangiti nalang ako. Ang gaan niya lang kasama kahit na makulit. Nakalimutan ko tuloy ang nangyari kanina.
"Anong palayaw mo?" he asked.
Ang random naman nito. "Bi." Sagot ko.
"Bakit Bi?" he asked.
"Kinuha sa Bianca." Sagot ko.
"Oh right. Annastacia Bianca."
"Eh ikaw?"
"Ato."
Natawa ako sa palayaw niya. "Ato, nice."
Napasimangot siya. "Wag mo kong tatawagin sa nickname ko, Bi."
Nasamid ako sa sinabi niya. Hindi ako sanay na may ibang tumatawag sa'kin ng nickname ko. Family ko lang naman kasi ang may alam nun.
"Don't use my nickname too." Sabi ko.
"Maganda naman ah." He smirked.
Inirapan ko siya. "Che!"
"May date ka na sa Acquaintance?" he asked.
Napailing ako. "Kailangan ba yun?"
"Siguro." He shrugged. "But can I ask you to be my date?" he asked cutely.
Napatulala ako sa mukha niya. "Pwedeng mag-isip muna? Masyado akong maganda para sayo e." biro ko. Ang totoo I am nervous right now. Seryoso ba to?
"Apakayabang mo! But I can wait."
I smiled. Kiro is nice.
Natapos na kaming kumain and we paid it half-half. Hindi siya pumayag nong una but I insisted. Unang labas kasi namin 'to na kami lang dalawa kaya nakakahiya naman kung siya lang pagbayarin. Tsaka may pera naman ako.
"Ma'am, Sir! Ipinost na namin ang pic niyo." Yung crew kanina at tinuro ang wall.
Lumapit kami doon ni Kiro. I flustered. He was smiling while looking at me and I was smiling at the camera.
"Kawaii." Sabi niya.
"This is your copy Sir." Sabay bigay nong pic kay Kiro.
"Thank you." He smiled widely kay Ate crew. Hindi nakatakas sa aking mata ang pagpula ng pisngi nito.
"Let's go." Aya ko sa kanya at nauna ng lumabas.
"Here!" binigay niya sa akin yung isang picture. "Remembrance!"
Kinuha ko naman ito agad. "Thanks for today and for this." Sabay taas ko sa hawak na pic.
"My pleasure! Next time ulit." Sabi niya.
Pinilig ko ang ulo ko at tiningnan siya ng mariin.
"Do you like me?" prankang tanong ko sa kanya.
Nagulat ako sa sarili ko and naguluhan at the same time. Bakit kaya kong prangkahin ang iba but when it comes to Dylan, hindi ko kaya. Mahina ang loob ko. And wait, bakit hanggang ditto naiisip ko parin ang damuhong yun?
"Isn't it obvious?" sumeryoso ang tingin ni Kiro sa'kin. "I like you, Bi and I want to court you." Then he smiled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top