Chapter 6
Bago mag uwian kumain muna kami ng kwekkwek sa tindahan ni Aleng Nena sa harap ng school. Gustohin ko mang umuwi hindi magawa dahil pinigilan ako ng mga bruhang 'to.
"Hoy gaga! Ano bang status niyo ni Mr. Ruiz?"
Ayan na nga nagsimula na si Janna. "Friends." sabi ko at nagkibit balikat.
Hinila ni Vann yang buhok ko kaya napa aray ako. "Sa ayos niyo kanina para kayong magjowa."
Napabuntong hininga ako. "Totoo nga. Alam niyo naman kung gano kalandi ang lalaking yun diba?"
"Oo at nagpapalandi ka naman!" si Nicole.
"Hindi naman. Kaibigan lang naman kami non." Depensa ko.
"Umamin ka nga mahal mo pa ba?" si Rica. Nanlaki ang mga mata ko at umiling. "Mahal? Hindi!"
Hindi ko nga alam kong minahal ko nga yun nong bata pa kami e. Talaga Anna? Yan, di na ko sure self.
"Sus, bat pa ba tinatanong yan e halata namang nafall ulit ang gaga." Si Liza naman ngayon.
Ang echosera ng mga to sa lovelife ko. lovelife nga ba? Friend life siguro.
"Hindi ko alam, okay?" sagot ko nalang.
Napaismid naman silang lahat sa sagot ko. "Masasaktan ka lang nyan, ghorl. Walang label e?" saad naman ni Rhea.
"Panong label e magkaibigan nga lang kami." Pilit ko sa kanila.
Hindi nila pinansin ang sinabi ko kaya napabuntong hininga ako. Magkaibigan lang man kasi talaga kami ni Dylan, kung may nararamdaman man ako sa kanya sakin nay un. Ayokong sabihin o alamin kasi alam kong walang patutunguhan. He has a lot of girls out there. He will never like or love me again.
Kinabukasan, sinubukan kong iwasan si Dylan. Ayokong echosen ulit ng barkada o kaya machismis ng mga kaklase kaya mabuting umiwas na.
"Goodmorning Sir." Bati ko sa adviser namin sa school pub. Wala akong ibang mapuntahan kundi dito kasi hindi naman nagpupunta yung damuhong to dito.
"Oh Anna, Goodmorning." Bati din ni Sir.
Sir Gomez is not only our adviser in school pub but also our English teacher. Siya ang fave teacher ko kasi magaling talaga siya at napabait na tao. Grabe siya umappreciate ng tao at marami kang matutunan sa kanya kaya mahal na mahal naming tong gurong 'to.
"Sir pwede paresearch?" tanong ko sa kanya.
Wala naman akong ir-research gusto ko lang tumambay dito. Vacant na kasi namin.
"Okay. Research ka lang dyan, iha. May klase pa ako sa Grade 7." Sabi niya.
Tumango lang ako at umalis naman siya agad. Tsk. napaisip na naman ako. Tama bang iwasan ko ang lalaking yun? Pano kung sabihin ko nalang kaya na ayaw kong ganun ang turing niya sa kin. Parang ginagawa niya akong babae niya. Ayaw ko nun.
"Excuse me?"
Napalingon ako sa lalaking sumilip sa loob ng Press Room. Sa pagkakatanda ko, STEM student 'to, Grade 11.
"Yes?" tanong ko.
Pumasok siya loob. "Saan si Sir Gomez?"
Oh. Si Sir Gomez pala ang hanap. "Ah sa Grade 7, may klase raw e. bakit?" ayoko naman mang echos eh kasi may dala siyang flashdrive sa kamay niya baka magpapaprint. Libre kasi printing dito sa office ni Sir kapag isa sa publication staff o SSG officer.
Iniangat niya ang kamay na may hawak na flashdrive. "Print."
Tinanguan ko siya. "Ako na magprint." Pagv-volunteer ko. Binigay niya naman agad ang flashdrive at nagpindot pindot na ako doon. Isa lang ang nakalagay na file doon kaya yun na ang clinick ko. "Lahat ba to?" tanong ko nang makita ang file.
"Yeah." Hindi ko na inechos yung file at print na agad. Napatingin ako sa tahimik lang na lalaki. Ah, naalala ko na ang pangalan niya.
KIRO DONATO VALDEZ. GRADE 11 STEM STUDENT. PEACE OFFICER. GUITARIST SIYA SA SCHOOL BAND.
Napaiwas ako ng tingin nang bigla din siyang mapatingin sa'kin. Shit! nahuli pa ata akong nagnanakaw ng tingin.
"Ikaw yung kumanta nong buwan ng wika, diba?" nagulat ako sa tanong niya.
Nahihiya akong napatawa. "Ah Oo."
"You have a nice voice."
Namula ata ako sa complement niya. "T-thanks." Hala, bat nauutal ka Annastacia?
"Do you want to join our band?" he asked na mas lalong nagpagulat sa'kin. "Diba nandyan naman si Ashton na vocalist?" tanong ko din.
"Yeah pero mas maganda din naman kung may babaeng vocalist. Actually, we planned on having an audition pero nakakapagod yun so I suggest ikaw na ang kukunin namin." Dirediretsong saad niya. "Besides, we already see you performed and we're satisfied." Dugtong niya pa.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Wala naman akong planong sumali sa banda dito sa school pero parang gusto ko na ngayon dahil sa offer niya.
"Don't worry I'll give you time to think." He chuckled. Napansin niya atang nagulat ako kaya hindi nakapagsalita.
I cleared my throat. "Sige. Pag-iisipan ko muna."
"Here." Sabay abot ng phone. "Give me your number."
Binigay ko naman agad ang number ko. teka tama ba yun? Syempre, oo hindi naman sa panlalandi yan. Ano ba tong iniisip ko. Naramdaman kong nagvibrate ang phone na nasa bulsa ko kaya kinuha koi to.
"Save it so you can text me pag nakapagdesisyon ka na." sabi niya at ngumiti. Nakalimutan kong sabihin heartthrob pala ang lalaking to.
"Sure." Sagot ko at napatingin sa phone ko. Tinext pala ako ni Vanny kung nasaan ako.
"Okay na. Thanks." Matapos ang pagprint ko sa papers niya. Tumayo din ako para lumabas na at makabalik sa room.
"Text me." sabi niya bago tuluyan ng umalis.
"Sige!" nakangiting sagot ko.
Nagulat ako nang biglang paglingon ko bumunggo ang ulo ka sa pader. Hindi pala pader, dibdib pala ng damuhong si Dylan.
"Ano yun?" nakakunot noong tanong niya. Suot na naman niya ang supladong mukha.
"Tao." Pilosopong sagot ko at nilagpasan siya. Akala ko hindi na siya susunod pero nauna pa siyang maglakad sa'kin.
"Binigay mo number mo?" tanong niya ulit.
Tinanguan ko lang siya. Ayokong magsalita kasi ayokong magsayang ng laway at iniiwasan ko nga siya diba?
Napahinto ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay para pigilan ako. "May problema ba tayo?" he asked.
I looked intently in his eyes. "May tayo ba?"
His face became more serious. Alam ko namang manhid siya kaya hindi niya malalaman kung ano ang ibig kong sabihin.
"Let me go." I whispered.
Ilang sandali pa siyang tumitig sa mga mata ko and then he let go of hand. Napaiwas ako ng tingin. I felt a pang in my chest. I really don't want him to let go. I want him to hold me tight. But what would I expect?
Iniwan ko siyang nakatayo doon. I don't want to look back mas lalo ko lang sasaktan ang sarili ko. Hindi namin directly napag-usapan but I know wala ng pag-asa. Fine. Magm-move on nalang ulit ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top