Chapter 5

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas kami sa store. Tahimik ulit kaming naglakad ni Dylan. Nauna siyang maglakad at nasa likuran niya lang ako.

It feels so awkward kung sasabay ako sa kanya e. Ilang taon ring hindi kami nagpansinan ne kaya naninibago ako. I smiled. Ang tangkad na talaga niya. He's shoulders became broader. Ang daming nagbago, ngayon ko lang napansin. Ah tsaka yung boses niya mas naging buo.

Nabangga ako sa likod niya nang bigla siyang huminto. "Aray." Daing ko at napahawak sa noo ko.

He stared at me for a while. "Dito ka." At hinila ako sa tabi niya. Sa right side kung saan malayo sa daanan ng sasakyan. Lihim akong napangiti. Dylan looks snob and serious but he's really sweet inside. I don't know if he shows this kind of attitude sa ibang babae. Speaking of...

"So how's your relationship going with Kate?" I asked para narin may mapag-usapan kami.

"Nothing's going on." He answered.

I raised my eyebrow. "Sure ka?" paninigurado ko.

Kumunot ang noo niya parang ayaw niya sa pinag-uusapan naming. Tsk. nagsusuplado na naman. "Why?"

Napaisip ako. Baka isipin nitong nagseselos ako sa kanila. "Our classmates said na ang sweet sweet niyo daw parang magjowa kayo. Ganun." Sabi ko nalang.

Ayokong isipin niya na inoobserbahan ko sila "minsan" kaya sinabi ko yun.

"Our classmates? Really, huh?" nananantyang sabi niya sa'kin. Inirapan ko tuloy. "Ano pang ibang sinasabi ng mga classmates natin tungkol sa'kin? Are they backstabbing me?"

Nag-isip kunwari ako. Should I tell him?

"Actually, yes." Kumunot ang noo niya sa sagot ko.

"Sabi nila suplado ka daw masyado at nakakatakot ka magalit. Ang landi landi mo rin daw kasi kung sino sino lang na babae ang kasama mo."

Half of what I said was true. Hindi ko nga alam bakit sa tuwing pinag-uusapan nila minsa si Dylan e tumitingin sila sa'kin o kaya shinishare nila ang ganap sa buhay ni Dylan sa'kin.

"Sabi nila o sabi mo lang?" he narrowed his eyes while asking that.

"Hooooy! Bakit naman kita ibabackstab ha? Tanongin mo pa sila. Nagsasabi lang naman ako ng totoo e." depensa ko.

"Edi matakot sila kung tatanungin ko."

Natawa ako sa sinabi niya. He's right. Baka nga matakot ang mga yun. Eh kasi naman itong lalaking 'to napakaistrikto at suplado. Parang hindi majoke ganun sabayan pa ng boses niya na parang kulog. Manginginig ka talaga pag nagsalita siya lalo nat wala sa mood. Di niya rin kasi macontrol ang emosyon niya minsan lalo na pag galit.

"Eh ikaw? What do you think of me?" seryosong tanong niya kaya nabigla ako.

Impromptu naman to e. leche!

"You're nice. You're smart, computer-geek, suplado, sweet, ano pa ba?"

Nakita ko sa peripheral vision ko na napangiti siya. Oh God, ngayon ko lang narealized na ang gwapo niya pala ngumiti. Alam kong gwapo siya pero ngayon ko llang naappreciate. Yes, he's my ex but we're too young back then na parang laro lang yung relationship namin. Duhh! Grade 6 kami nun, 12 years old. Mga immature pa kami noon hanggang ngayon naman ata. We're still young, anyway.

"Sweet huh?" yun lang ata ang napansin niya sa lahat ng sinabi ko.

"Oo. Sweet ka sa marami." Nakasimangot na sabi ko kaya natawa siya.

Suplado at strikto siya at may mga natatakot sa kanya pero lapitin parin siya ng babae. Well, gwapo kasi. Tss. Kaya ko nasabing sweet kasi base yun sa naoobserbahan ko MINSAN.

"So are we friends now?" nagulat ako sa tanong niya.

"Huh?" kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Are we not friends, yet?"

"I thought we're not because you're ignoring me."

"Hala bakit ako? Ikaw nga di namamansin pagkatapos natin magbreak e. Di ko nga alam kung galit ka ba sa'kin o ano." Sabi ko agad.

I avoided his gaze when I realized what I said. Nakakahiya.

"I'm not. I'm just giving you space."

I stared at him for a while. Nong nakipagbreak ako sa kanya ang sabi ko we're too young to be in a relationship and that we should wait for the right time. The space that he was talking about, does that mean he's waiting for me?

Napailing ako sa isip ko. Assuming kang gaga ka! Ayoko namang tanungin kasi nakakahiya. Hindi naman makapal ang mukha ko 'no.

"Hmmm... okay. Friend naman tingin ko sayo but to make it official para klaro sayo, fine, we're friends. Okay na ba?"

Tumango siya at ngumisi. Wow, friends na kami. Ulit? Ewan ko!

Simula nong araw na yun, I and Dylan became friends again. We're back to normal. Normal nga bang lagi kaming nag-aaway? Hindi ko alam! May magkaibigan ba na laging nag-aaway? Simula non naaasar na ako sa mukha niya lalo nat ang landi landi ng ogag! Maglandian ba naman sa classroom at pagkatapos lumandi lalapit sa akin na parang walang nangyari.

"Schedule mo na, ghorl." Natatawang bulong ni Gelly nang makitang papalapit si Kit sa'min. Ayan tuloy ang naiisip ng barkada na with schedule raw ang pambabae ni Dylan at sakin ang huling schedule dahil sa akin raw umuuwi. As if naman payag akong maging babae niyan 'no. Never.

Inirapan ko si Dylan nang makalapit siya sa'kin at maupo sa tabi ko. umalis din si Gelly dahil nagugutom raw. Hindi ko mahagilap ang ibang barkada, baka gumala sa senior high building. Nagpapapansin sa mga crush nila doon.

"Ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang gamit ko.

"I'm tired." Sabi niya sabay patong ng ulo sa balikat ko. Napatingin tuloy ako sa paligid at nakita kong busy naman ang mga kaklase namin. May kanya kanyang ginagawa tsaka konti lang nandito dahil nasa labas ang iba. Vacant na naman dahil may meeting ang faculty.

Nilagay ko ang hintuturo ko sa noo niya at dahan dahang nilalayo pero imbis na lumayo inakbay niya ang isang kamay sa balikat ko at hinawakan ng isang kamay niya ang kamay ko, parang nakaside hug siya sakin ganun. Napalunok ako sa ginawa niya. Hindi parin ko sanay na ganito siya kaclingy sa'kin. I feel that my face fired up. Hindi din nakatulong na mabilis ang tibok ng puso ko at napapatingin ang ibang kaklase sa amin may napapangiti at yung iba alam kong ayaw na ganito ang nakikita. It's a frigging PDA. I don't know if it's right to feel this and he acting that way when we're just friends.

"Hey, what are you doing?" I asked then tapped his shoulder. I'm feeling uncomfortable now. He should stop this. We're in school and we're just friends for pete's sake. 

"Let me sleep." He answered. Napakagat ako sa labi nang makitang nakapikit na siya. Leche. San ba to napagod? Sa paglalandi?

"You can sleep b-but not this way, okay?" sabi ko at tinatry tanggalin ang pagkakaakap niya sa'kin but he won't let me.

"Dylan, let me go." Sabi ko sa kanya.

"I won't let you go." Sagot niya din at mas lalong hinigpitan ang yakap. I sighed. Ang tigas talaga ng ulo pero napaisip ako sa sinabi niya. I know this is not the right time to overthink.

"Kahit nahihirapan na ako? Kahit nahihirapan ka, you won't let go?" tanong ko dahilan para iangat niya ang ulo at tignan ako.

He stared at me for a while. Uminit ang pisngi ko dahil parang may ibang kahulugan ang tanong. "Ah! You see, ang hirap ng posisyon, sasakit lang leeg mo kaya..." napatigil ako sa pagsasalita dahil nakakatitig lang siya sa'kin. I don't want that stare it makes me tremble not in fear pero hindi ko din matukoy kung anong pakiramdam ito. "You can put your head on the arm rest, hindi ako aalis para bantayan ka. Okay na?"

Yun nga ang ginawa niya. May arm rest naman ang upuan niya pero sa arm rest ko nakapatong ang ulo. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to minsan. He's confusing me.

"San ka ba kasi galing? Bat ka pagod?" tanong ko sa kanya. Akala ko hindi siya sasagot kasi nga sabi niya tutulog siya.

"Secret!" sagot niya kaya kinutusan ko.

"Umalis ka nga dito!" pantataboy ko kaya natawa siya.

"Nanlandi ka lang e! Akala mo hindi ko malalaman? Huh! Pati yung grade 7, nilalandi mo rin!" inis na sabi ko sa kanya.

Chismis lang naman 'to galing sa mga classmates ko. Pinopormahan daw nito yung grade 7 na sumali sa pageant. Akala ko yung senior yung pinopormahan tas malalaman ko pati pala yung Grade 7. Hindi lang Grade 7 hindi pa nawawala sa listahan si Kate nyan! Hindi ko alam kung sino talaga ang babae ng damuhong ito!

But I sighed when I realized what I am in his life. I'm just a friend! An ex puppy lover! Lol I shouldn't act this way.

Napatingin ako sa pintuan ng classroom nang marinig ang isang pekeng ubo. Nang iintrigang tingin ang ipinukaw ng barkada nang makita ang ayos naming dalawa. Dudumugin na naman ako ng tanong ng mga iyan mamaya, sigurado ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top