Chapter 4

"Magkakaroon kayo ng role play tungkol sa El Filibusterismo. Ginrupo ko na kayo into 5 groups." Sabi ni Ma'am.

Umingay ang classroom dahil sa sinabi niya. Malamang gusto namin na kami ang pipili ng grupo para magkakasama kaming magbabarkada.

"Kailangan niyo ding makipag interact sa ibang kaklase niyo kaya ko kayo ginrupo."

Mukhang hindi na nga magbabago pa ang isip ni Ma'am. 

"Okay so ang mga leaders, Annastacia, Vanessa, Nicole, Joy at Khris. Kunin niyo dito ang papel at kayo na mag announce sinong kagrupo niyo. Nilagay ko na rin anong Chapter ang ir-role play niyo. Iiwan ko na kayo dahil may meeting pa ang faculty."

Napasimangot kaming tatlo ni Vanny at Nicole. Gusto naming magkasama e. Tsk. Kinuha ko na ang papel para tingnan kung sino ang mga kagrupo ko. Una kong napansin ang pangalan ni Dylan. Dylan Ruiz.

Shit. Bakit kami magkasama nito? Si Jana at Liza naman ang kasama ko sa barkada. Nice. Inannounce ko na sa klase kung sino ang mga kasama ko. Hindi ako naging komportable nang tumayo si Dylan sa likuran ko. Hala akala ko magkasing tangkad lang kami, bat parang mas tumangkad ata siya sa'kin? Ang unfair naman ata na tumangkad siya tas ako hindi.

I faked a cough. Bakit parin ako kinakabahan na nasa malapit lang siya? What the hell!
We talked about the roles we would play and sa props na gagamitin. Next week pa naman yun. We decided that we would practice and make props on Saturday. Hindi naman kami masyadong busy pero yun napagkasunduan e.

"Hey, birthday ni Jones diba? Punta daw tayo. Alam mo naman invited ang malanding friend nating si Rhea." Bulong ni Jana nang matapos kaming magmeeting.

Ah tama nagliligawan din pala ang dalawang yun. "Eh alam mo naman 6 curfew ko diba?" sabi ko.

"Gaga! Wala ng pasok alas tres. Busy ang mga teachers. Kaya go na tayo!"

Di na ako tumanggi. Kahit anong gawin ko, alam kong di ako titigilan ni bakla kung hindi ako sasama.

After class, naglinis na muna kami sa room bago umalis kasi papagalitan na naman kami kung hindi. Kinuhako ang cellphone ko nang biglang may magtext.

From: Unknown number
Where are you?
-
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko yun. I have a gut feeling who sent that message but I don't want to expect. Pano niya nalaman number ko? hiningi niya ba? Bakit siya nagtext? Char. Di pa nga ko sure kung sino to e. Baka si Jones lang 'to nagchanged ng number. Eh hindi naman yun nag eenglish. Ahhh baka trip niya ngayon kasi bday niya.

Tss. Para na akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko. So in the end, I just assumed na si Jones yun impossible naman na si Dylan ang magtext kasi hindi naman kami nagpapansinan nun.
 

Me:
Wait lang. Otw.
-

Pagdating namin sa bahay nila Jones, nandun na ang mga kaklase naming lalaki. Tinanong ko agad siya kung number niya yun.

"New number?" tanong ko kay Jones.

"Ahhh----" natigil siya sa pagsasalita nang tapikin siya ni Dy.

"Oo. Hehe" napakamot pa siya sa ulo niya.

Hmmm.... I smell something fishy. Nagkatinginan kami ni Dylan pero umiwas agad ako. Langyang tingin yan!

"Hi guys!" napalingon kaming lahat sa kakarating lang. It's Kate.

Tiningnan ko ang reaction ni Dylan pero wala naman akong nakikitang pagbabago sa reaction niya. He's still poker face. Tsk. apakasuplado ng damuhong 'to!

"Oh guys! Kanta kayo! Dali!" sigaw ni Jones at binigay yung book ng mga kanta. Kakaraoke pa kami dito, naks!

I choose some songs to sing. Huh! Di sa pagmamayabang ehem maganda naman boses ko kahit papano. Char! Baka gusto nilang makarinig ng sample kaya it's time to shine!

Natatawa ako sa nangyayari ngayon, hindi ko alam pero para kaming nag-cocontest ni Kate sa pagkanta. Hindi ko din sure kung si Dy ba hinaharana niya. Wow, ang gwapo naman ni Dylan. Pwe! Bat ba ako biglang nabitter. Walang hiya!

I excused myself muna kasi tumatawag si Papa kaya dali dali akong lumabas ng bahay para hindi marinig yung sound.

"Pa!" bungad ko.

"Oh? Hindi ako makakauwi ngayon. Bukas pa sabihin mo kay Mama mo."

"Aww. Okay po. Ingat!" sabi ko.

Lihim akong napangiti. So pwede akong magpagabi ngayon? Char! Di parin no. mabait naman ako kaya kahit hindi siya uuwi ngayon, uuwi parin ako ng maaga. Napatingin tuloy ako sa relo ko, alas singko na pala. 5:30 uuwi na ako.

Papasok na sana ako ulit sa bahay, napatigil lang ako dahil nakasandal si Dylan sa gate. Ayan na naman ang puso ko, magkakaheart attack ata ako sa tuwing makikita ko si Dylan e.

"H-hi?" bati ko saka lalagpasan sana siya pero napatigil ulit ako nang hawakan niya ako sa braso.

"B-bakit?" I asked.

"The text message you received..."

Napaharap ako sa kanya.

"It was from me." sabi niya at iniwan ako sa gate.

Huh! Bat biglang nang-iiwan? Kaloka yun.

"Hoy sandale!" habol ko sa kanya kaya napahinto siya. Nginisihan ko siya.

"San mo nakuha number ko?"

Napakagat ako sa labi nang marealized how stupid my question was. Duhh! It's so obvious. Ang bobo Anastacia ha.

"Jones." Tipid na sagot niya. Sabi ko na nga ba e.

"Hiningi mo o kusa niyang binigay?" hindi ko napigilang itanong. I just want to know, alright?

Kumunot ang noo niya. "He gave it."

"Okay." Sagot ko nalang. Baka inutusan siya ni Jones na itext ako.

He sighed. "Fine, I asked for it."

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya at pinaningkitan siya ng mata. "What?" supladong saad niya.

Napailing ako. "Wala naman. Tara na!" aya ko sa kanya kahit nagtataka ako kung bakit niya hininga. I don't want to assume pero hindi ko na tatanungin kasi baka magalit pa.

"Ayiiieeee..." panunukso nila nang sabay kaming pumasok sa loob. Napailing nalang ako. Nahagip ng paningin ko si Kate, she's fakely smiling.

Dumating ang Sabado kaya pumunta kaming school para magpractice at gumawa ng props. Una kaming dumating ni Jana. Nakakainis naman, feel ko matatagalan pa yung iba. Ayoko pa naman ang naghihintay.

Pati si Dylan wala pa din e ang lapit lapit ng bahay nun. Kinuha ko ang phone sa bag at nag-isip ako kung it-text ko ba. Nag gm na ako kanina, siya lang hindi nagreply.

Me: San ka na?

After 5 minutes nagreply siya.

Dylan: Miss me?

Ang kapal! May pa miss me, miss me pa. Walang hiya!
Me: Iww. Magpapractice na tayo.

Maya-maya dumating na din siya. Buti naman kung hindi bubungangaan ko talaga siya.

Nagsimula na kaming magpractice at gumawa ng props.

"Nakakagutom naman!" parinig ni Liza.

Tsk. Oo nga, kanina pa kami 8 dito. 10:00 am na kaya medyo gutom narin.

"Cheap in tayo, bili tayo merienda." Sabi ko, buti naman hindi na sila nagreklamo at nagbigay nan g kanilang abuloy. Charot!

"Samahan mo dude!" sabi ni Jones kay Dylan at siniko pa ito.

Tumingin muna siya sa'kin at sa papel na ginugupitan niya. What? Sinong pipiliinn mo, ang papel o ako?

Tapos tumayo siya, lihim naman akong napangisi. Syempre, ako. Wait! I mentally slapped myself, anong nangyayari sayo Annastacia? Sana okay ka lang! aish!

Di ko siya pinansin at nagsimula ng maglakad. Tahimik lang kaming naglalakad papuntang tindahan.

"Ay!" sabi ko nang makitang close ang store na nasa harap ng school namin. Hindi kasi open ang canteen ngayon dahil Sabado.

"Kina Mama nalang tayo." Biglang sabi niya kaya nagulat ako.

May convenience store kasi sila dito kaso malapit pa sa gym kaya nakakapagod lakarin. Pero sa huli...

"Okay." Sabi ko.

Tahimik ulit kaming naglakad kaya napapaisip ako, kinakabahn ako e. para akong magm-meet the mother. Char! Baka naong isipin ng Mama niya, bat kami sabay. Ganun! Char ulit! Narinig ko kasi kay Rica na nalaman daw ng Mama niya na naging jowa niya ako. Baka nabasa ng Mama niya yung mga love letter na binigay ko sa kanya. Nakakahiya naman!

Napahinto ako sa paglalakad nang malapit na kami sa store nila.

"Oh, ikaw nalang bumili. Dito lang ako." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Why?"

Nag-isip agad ako ng palusot. Nakakahiya naman kung sasabihin kong natatakot ako sa mama niya.

"Ah k-kasi... mainit." Sabi ko at nagpasilong don sa puno.

"It's hotter here. May aircon naman doon. Let's go!" sabi niya at hinila ako sa kamay.

Nagprotesta ako pero natigil lang yun nang makapasok kami sa store nila. Nakatingin ang mama niya sa kamay naming dalawa kaya napabitaw agad ako.

"Ano 'to Dy? Magpapaalam na ba kayo?" sabi ng Mama niya.

Nag-init ang pisngi ko sa hiya. "Hindi Ma, bibili lang kami." Sagot ni Dylan.

"Ah. O-opo. Hehe" sabi ko din.

Natawa ang mama niya. "Ah buti naman." Sabi niya at huminga ng maluwag kunwari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top