Chapter 30

Isang buwan ang lumipas, it was the 8th day of May. Nakatulala lang ako sa kisame dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay. Napatingin ako sa phone na katabi ko.

Gabi na at hindi nagtetext si Dy buong araw. Hindi narin kami masyadong nag tetext these past few days. It feels like everything is changing magmula nong umalis siya. He went to his Lola's place dahil aasukasuhin niya na ang pag enrol sa college. Pero alam kong nakauwi na siya kahapon.

I understand that he was busy pero kahit isang text man lang hindi niya magawa. Kahit sabihin niya lang na hindi muna siya makatext kasi ganito, ganyan pero wala e. Ako nalang nag-iisip kung anong ginagawa niya kaya kung saan na napapadpad ang isipan ko.

Sunod-sunod ang nagging tampuhan namin ni Dy, kahit konting bagay. Pinag-aawayan na namin. Hindi naman tulad ng dati na isang araw lang maaayos na namin kasi nagkikita kami hindi namin matiis na hindi pansinin ang isa't isa. Hindi gaya ngayon na, lumilipas na ang isang araw hindi parin kami nagkakaayos.

He was being cold and I too kasi 'yon ang pinaparamdam niya sa akin e. Parang napagod na akong ibaba yong pride ko kasi feeling ko ako nalang lagi. Parang ako nalang may gusto na ipagpatuloy pa ang relasyon namin. Parang ako nalang ang lumalaban para sa aming dalawa.

He didn't say anything but I can feel it. And my instinct doesn't fail me.

He texted me yesterday, pero sandali lang. Nag-away pa kami kasi nagtampo ako sa kanya, nagseselos ako sa artistang sinabihan niya ng maganda. I just did that kasi gusto ko lang na lambingin niya ako because I missed him so damn much! Pero nagalit siya, he didn't even say sorry kasi wala daw siyang kasalanan. My fault again.

Akala ko okay na kami. Hindi ko alam. Hindi niya pa ako tinext ngayon. I also noticed na hindi na niya ako tinatawag na babe. Nagiging cold na talaga siya. May iba ba? Nagsawa na ba siya sa'kin?

Ang daming pumapasok sa isipan ko. Walang kasagutan.

This is really hurting me, big time. Hindi na kami gaya ng dati, hindi ako tanga para hindi mapansin yun.

I love Dylan pero nakakapagod... nakakapagod siyang mahalin. Ayoko namang sumuko. Ako nalang ba ang kumakapit sa relationship na'to? Kasi diba noon pa man gusto niya ng sumuko. Should I let him go? Magiging okay ba ako kung bibitawan ko na siya? Magiging okay ba siya?

I've been thinking about this for days. I just want his consistency and assurance, mahirap bang ibigay 'yon? Mahal niya pa ba ako?

Nagdadalawang isip ako kung itetext ko ba siya pero sa huli tinext ko na. I want to know, whatever happens, happens. I will accept everything and move on. Madali lang naman 'yon diba? Madali nga ba?

Me:

I can feel that everything is changing. Cold na tayo sa isa't isa. Sabihin mo lang na ayaw mo na, papakawalan kita.

Nanginginig ako habang tinatype ko ang message na yan. I want him to tell me that nothing is wrong, na napaparanoid lang ako pero ayaw kong mag-expect. Naf-feel ko na ayaw na niya. You know we have this what we called girl's instinct. At kahit kalian hindi pa ito nagkakamali.

Hindi siya agad nakapagreply. Gusto ko tuloy bawiin 'yong text ko. I regretted sending that message but it was too late. He replied after 10 minutes. Nainis ako kasi may load naman siya, makakapagreply naman pala!

Babe:

I think I, we don't love each other anymore.

Natulala ako sa message niya. I didn't expect him to tell me that directly. We don't love each other anymore? I know in myself that I love him. I still love him. Pero siya? He doesn't love me anymore?

Me:

Ouch babe. What makes you think that we don't love each other anymore?

Babe:

Kasi hindi na tayo nagkakasama palagi. I miss you so much this past few months Anne and wala, nakasanayan ko nalang na ganun. I think the love is fading. The fire that fuels our relationship was gone.

Bakit ganun kadali? Bakit biglang nawala? Ang bilis naman? Bakit siya ganyan? Nakahanap na ba siya ng iba? Malakas ang kabog ng dibdib ko, nanginginig ako at nanlamig sa mga nabasa ko. Nakakapanghina parang gusto ko nalang maglaho na parang bula. Iniisip ko pa anong sasabihin ko nang makareceive ulit ako ng text na galing sa kanya.

Babe:

I'm sorry Anne but we should end this. I don't want to hurt you more. I know you're not okay right now but you will. Take some time to heal Anne, and soon you will realize that I am not the one for you, that you don't need a man like me in your life. You deserve someone a lot better than me. Never settle to anything until you get the best. It's better off this way, Anne. I know it will be hard pero kaya mo yan, kaya na'tin to.

Babe:

Thank you for loving me. I will never forget, promise. But I will still move on carrying everything from the past for me to be a better person.

Binabasa ko ng paulit-ulit ang message niya sa'kin. Napahawak ako sa dibdib ko. Para itong pinipiga at dinurog-durog. My eyes pooled with tears hanggang sa mapahagulgol na ako. Ang sakit sakit ng puso ko.

Why is he giving up that easily? Bakit parang madali lang sa kanya na pakawalan ako? He's always the first to fall out of love. Nakakasawa ba talaga akong mahalin?

I sat down and bend my knees. Lumuhod ako. Hindi ko na kaya, ang sakit sakit.

Lord, ang sakit sakit sakit sakit ng puso ko. Heal me father God. This pain is unbearable but Lord I know nothing is impossible with you. If this is the best for us, I will accept it Lord pero Lord sana naman bawasan mo po yung sakit. Hindi ko naman alam na ganito pala 'yon?

I opened my eyes at pinunasan ko ulit ang mga mata ko. Hindi na ako iiyak. Tama na Anne. Tama na 'yon. Sapat na lahat ng 'yon.

Napatingin ako sa orasan ng phone ko.

It's 8:00pm.

I can still go out.

I typed a message for Dylan.

Me:

Let's talk. Punta ka dito sa bahay.

Natulala lang ako sa kisame habang hinihintay si Dylan. Wala ng luha ang lumalabas sa mga mata ko. Siguro napagod na rin. Ilang beses na kasi siyang parang waterfalls. Hahahaha Nakakainis. Hindi pa naman siya patay kaya bat iiyakan? Sige Anne, comfort yourself.

I typed a message for Vanny saying na icomfort niya ako. I don't have anyone right now but her because the person that I always run to is the one who's hurting me right now.

Ilang saglit pa I received a message from Dylan na nasa labas na siya. Pasimple akong lumabas at hindi gumawa ng kahit na anong ingay.

Naabutan ko siyang nakasandal sa motor niya at suot niya yung cap na bigay ko noong second anniversary namin. While suot ko yung T-shirt na bigay niya.

I smiled when our eyes met. I missed him so much. Ngayon nalang ulit kami nagkita at gustong gusto ko siyang yakapin. Tapos ngayon magb-break pa talaga kami. Ang saklap naman!

Hindi niya ako nginitian. His eyes looks tired, sad and I don't know. I don't want to look in his eyes anymore because I might cry and I don't want to cry in front of him for the last time.

"Uhm... Lumayo-layo tayo ditto kasi baka magising sina Papa." Sabi ko.

Tumango naman siya at sumakay sa motor niya.

Sumakay din ako at hindi ko siya hinawakan. Para akong mapapaso kung gagawin ko yun.

Pumunta kami sa park. Bumaba ako sa motor niya at sumandal dito. Tumingala ako at tinanaw ang langit. Walang bituin. Mukhang uulan ata.

Walang nagsalita sa'min pareho ni Dylan. Nakikita ko sa peripheral vision ko na tinitingnan niya ako kaya lumingon ako sa kanya. Nagtama ang paningin pero umiwas agad ako at tumingala ulit sa langit, nagpipigil dahil nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. Sinasabi ko sa inyo mga luha, wag kayong mahuhulog!

Pero taksil sila kasi noong niyakap ako ni Dylan biglang may lapastangan na tumulo, pero agad ko itong pinunasan. Napakahigpit ng yakap ni Dylan sa'kin. Buti sana kong ganoon din kahigpit ang kapit niya sa'kin at wag siyang bumitaw.

"I'm sorry," Bulong niya.

Please say you love me and you don't want to let go. Sabihin mo sa akin babe na hindi totoo 'yong mga sinabi mo sa akin kanina. Please babe... Gusto kong sabihin sa kanya.

Kumalas ako sa yakap niya at nagtama ulit ang paningin namin. This time, sunod-sunod na ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na talaga napigilan agad agad ko namang pinunasan ang mukha ko.

"Okay lang babe. Tanggap ko na hanggang ditto nalang lahat. I understand your reasons. Ano ba! Pesteng luha naman 'to oh" sabi ko habang natatawa pa. Bakit hindi ko masabi? Ayokong maging tanga! Baka nga kasi tama siya ito nga ang makakabuti sa aming dalawa.

Niyakap niya ulit ako and this time napahagulgol na ako. Hindi ko kaya, hindi ko kayang magpretend na okay ako pero hindi pala. Ang sakit sakit ng puso ko. Shit!

"Hindi ko deserve ang mga luha mo, ba---" natigilan siya. "Anne."

Naiyak nalang ulit ako. Call me babe please, I want to say it to him pero para ano pa? Ayoko ng magmakaawa na wag siyang sumuko. Pagod na ako. Pagod na pagod na.

"Yeah, you're right." Tumigil na ako sa pag-iyak. Awang awa na ako sa sarili ko right now. Do I deserve this pain? Niyakap ko nalang ulit si Dylan.

"Babe, ayaw mo na ba talaga?" I asked while hugging him.

Kakasabi ko lang na naaawa ako sa sarili ko pero bakit ko pa tinanong.

"Anne, this is the best for us."

Ilang sandali pa kaming nagstay sa park, tahimik, pinapakiramdaman ang isa't isa. Naiiyak ulit ako kasi gusto ko pa siyang makasama kahit ngayon lang, huling gabi.

"Thank you," sabi niya. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak ulit. I smiled at him.

"Thank you," sabi ko rin. Tumingkayad ako at hinalikan siya sa labi pagkatapos niyakap siya ng mahigpit. "I love you." sabi ko. Kumalas ako sa pagkakayakap at tinalikuran siya hindi na muli pang nilingon. Hindi na ako nagpahatid sa kanya pabalik sa bahay.Gusto kong magpag-isa at iiyak lahat.

Napapikit ako. Ang sakit sakit. Gusto ko ulit umiyak pero pinigilan ko. Tama na Anne, mag move on ka na. I know magiging okay din ako. I just need time, time to heal and finally accept that our love won't last. Ganyan talaga ang buhay, may mga bagay na dapat matapos at tuluyan ng bitawan para hindi na masaktan pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top