Chapter 3
Ang saya saya ko kasi magkatabi kami ni Dylan sa bus. Hala sorry po, ang bata bata ko pa pero ang landi ko na.
"Curious talaga ako e." sabi ko sa kanya.
What I mean is yung sinabi ni Jana. "Sinilipan nila kami while we're taking a bath." Pag-amin niya.
Napatakip ako sa bibig ko. "Really? Ang bad. Jana talaga." Sabi ko.
He just tsk-ed.
I yawned. "You wanna sleep?" he asked.
I nodded. "Here." Turo niya sa balikat niya.
"H-huh?" gulat na tanong ko.
"Put your head on my shoulders so you can sleep."
Teka nga englisher talaga tong si Dylan baka dudugo ang ilong ko sa kanya pag tatagal kami. Pero okay lang, syempre.
"Okay." Sabi ko at sinunod siya.
Narinig kong nag fake cough ang mga kaklase namin. Nahiya tuloy ako pero pinikit ko nalang ang mga mata ko. Bahala sila dyan basta ako, kinikilig ako ditto.
Pagdating sa bahay kinamusta ako nila Mama. Sabi ko masaya ang scouting. Pero nasira din ang mood ko nang madamay ako sa galit nila kay Ate. Nalaman nilang may jowa si Ate e.
"Kaya ikaw, Anna wag ka munang magb-boyfriend. Wag kang gagaya sa mga ate mong nabuntis ng maaga."
Hindi ako nakatulog nong gabing yun, natatakot akong malaman nila na may boyfriend na ako. Grade 6 palang ako may boyfriend na pano naman yun?
I sighed. Bumangon ako sa pagkakahiga at nagsulat. Napatingin ako sa bracelet at sa heart na binigay ni Dylan sa'kin.
"Ang bata pa natin." Bulong ko.
Kinabukasan, iniwan ko ang letter sa loob ng bag ni Dylan.
"Bakit mo ginawa yun?" tanong ni Rica, pinsan ni Dylan.
"Ayokong malaman nila Papa e." sagot ko.
"OMO! Umiiyak siya!" sabi naman ni Rhea kaya napasilip tuloy kami.
He's now reading the letter. The letter that contains the words of breaking up. Sana hindi ko pagsisisihan 'to.
"Wait, uuwi ata siya!" sabi naman ni Liza.
Should I talk to him and stop him? I just smiled. "Magiging okay din yan." Sabi ko nalang.
Since we broke up, we don't talk anymore. But still, no hard feelings. Baka nga puppy love lang talaga yun. Talagang puppy love lang 'yon! We talked again nang malapit na ang grad day. Inaasar niya ako e kaya ayun. We were so happy dahil nakagraduate na kami ng elementary pero kinakabhan ako mag high school kasi mahirap daw.
May graduation ball kami kaya excited ako. Muntik na akong hindi makapunta kasi umulan. Tsaka gabi na, ayaw sana akong payagan kaso umiyak ako kaya ayun. Sabay kami ni Trent na pumuntang school.
Masaya ang grad ball namin, mas masaya sana kung nanalo ako sa rampa para makasayaw ko si Dylan eh leche yung Sheena ang nakapartner niya. Sila yung Mr. and Ms. Grad Ball.
Napasimangot tuloy ako habang sumasayaw sila buti nilang inaya ako ni Jana pala na sumayaw.
"Selos ka naman ghorl."
"Di no."
"Asus!"
Grade 7
Hindi na kami magkaklase nina Dylan at Xavi. Si Trent naman, nagtransfer ng school. Sa isang private school siya lumipat. Hindi kami masyadong nagpapansinan ni Dylan kahit magkatabi lang room namin.
Ahh... minsan tumatambay naman siya sa room namin. Rinig ko may nililigawan daw siya na kaklase ko. Edi wow.
Grade 8
Magkaklase na ulit kami. Yung mga kaklase ko nong Grade 6, kaklase ko ulit ngayon. Wala, masaya parin naman. Dylan and I were treating each other like we don't exist. In short, we don't talk anymore. May kalandian din siya sa room namin si Kate, rinig ko naging sila nga raw e. Di ko sure. Wala naman akong pake.
Grade 9
Ganun parin, hindi kami nagpapansinan. I heard, wala na sila ni Kate. Pake ko naman sa kanila diba? Duhh
Grade 10
Huling taon ng Junior High kaya magdiwang! Char. Huling taon agad ang iniisip e, kakasimula palang nga ng klase.
"San kayo mag S-senior High?" tanong ni Jana. Nandito kami ngayon nakatambay sa dating guard house. Malapit to sa classroom naming tsaka vacant namin. First week of school palang kasi.
"Dito parin siguro." Sagot ko. Dito na kasi ang mas malapit kaya dito parin ako. Ayaw din nina Mama magtransfer pa ako e.
"Wow, loyal." Sabi niya. "Baka lilipat ako."
Napasimangot naman kaming lahat. Silang walo ang naging squad ko since Grade 8. Sina Jana, Rey, Rica, Rhea, Liza, Gelly, Nicole at Vanessa. They are my main friends. Kaya nakakalungkot kung hindi kami sa iisang school gagraduate.
"Di pa ko sure." Sabi naman ni Vanny.
Napabuntong hininga kami at kumain nalang ng lollipop.
"Kita mo ang dalawang yun!" sabay turo ni Rey sa loob ng room gamit ang lollipop. Napalingon kaming lahat sa loob.
"Oh baka may mahurt!" natatawang sabi ni Rica.
"Takpan mo mata, dali!" sabi naman ni Rhea.
Tinanggal ko ang pagkatakip ni Liza. "Mga sira! Di ako affected 'no. Matagal na yun!" sabi ko.
Immune na ako na nakikita si Dylan na may kasamang iba. If he's happy with that then that's fine with me.
"What if, gusto ka niyang balikan?" Gelly asked.
Natawa ako at umiling sa sinabi niya. "Tangeks! Di yan."
"What if lang gaga." Sabay hila sa buhok ko kaya napa aray ako.
"Alam mo bang may sinabi siya sa'kin." Pang eechos ni Rica.
Hindi ko pinahalatang na-curious ako. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sabi niya gusto ka parin niya."
"Ayiiiieeeeee!" pang-aasar nilang lahat.
"Tigilan mo 'ko, Rica!" sabi ko.
"Oo nga, bat ayaw mong maniwala. Galing kami dun kagabi, birthday ni Tito."
Napailing ako. Eto na naman yung pakiramdam na bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Teka nga? Ilang buwan nga ang tinagal niyo ni Dylan?" tanong ni Liza.
Napaisip ako. Hindi ko maalala pero parang apat na buwan. Hindi naman uso ang monthsarry noon eh.
"Apat na buwan ata. Di ko sure." Sagot ko.
Hinila na naman ni Nicole ang buhok ko kaya napa aray ko. "Tatahimik tahimik ka lang pero ang landi mo palang gaga ka. Imagine Grade 6 may bf ka na."
Nagtawanan kami sa sinabi niya. Di naman ako naoffend kasi totoo naman.
"Hmmm... May naisip ako!" biglang sabi ni Rhea. Parang may light bulb pa sa ulo niya.
"May isip ka pala?" pambabara ni Nicole. Magsasabunutan pa sana ang dalawa kung hindi lang pinigilan ni Rica. "Mga leche kayo! Tigilan niyo nga, ano yun?"
"Magpahula nalang tayo kay Isaac." Sabi ni Rhea.
Natawa kaming lahat kasi hindi naman kami naniniwala na totoo ang hula niya. Marami na kaming kaklase na nagpapahula sa kanya pero di ko alam kung naging totoo ba. Sabi kasi niya, manghuhula daw ang parents niya at namana niya yun. Weirdo din kasi yung si Isaac, ewan ko ba.
"Wala namang mawawala kung susubukan natin diba?" dugtong pa niya.
Dahil bored kaming lahat, nilapitan namin si Isaac na busy magdrawing. Talented din ang isang 'to e. Napakagaling magdrawing.
"Isaaaaaaac!" sabay na sigaw nina Rica, Rhea at Liza.
Napailing nalang kami, tong tatlong 'to. Ang liliit pero ang lalakas ng boses.
"Pwede ba kaming magpahula?" nagpapacute pa si Rhea habang sinasabi yun.
"Sige."
I sighed. Ang bait bait din ng taong 'to. Di marunong tumanggi.
"Halika!" hinila nila ako papalapit kay Isaac at inilahad ang palad ko.
Hala bakit ako?
"Hulaan mo lovelife niya!" excited na sabi ni Rica.
Hinawakan naman ni Isaac ang palad ko at sinuri ito. Tinitingnan niya yung mga lines.
"Hmmm... May darating at babalik." Sabi niya.
"Ahhhhhh! May babalik daw!" tili nilang walo.
May darating? Sinong darating?
"Masasaktan ka ng husto." Nalulungkot na saad ni Isaac.
Kinabahan naman ako sa sinabi niya.
"Yun lang muna. Ingatan mo puso mo." Sabi niya at binitawan ang kamay ko.
"Salamat." Sabi ko.
"Ako naman! Ako naman!" nag-uunahan na silang walo magpahula kay Isaac, napalingon tuloy ang mga kaklase namin sa'min at nacurious sa ginagawa. Dudumugin na naman yan si Isaac, nakuuu!
Pero may darating daw at babalik? Hmmmm...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top