Chapter 29

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog dahil hinampas ako ni Vanny ng unan.

"Ouch. My head!" reklamo ko.

"Hoy gising! Kailangan namin ng chika!" si Liza.

Mga siraulo tong mga to ang aga aga e. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko pero kinuha lang ulit nila 'yon. Shet! Masakit pa ang ulo ko.

"Ano ba, inaantok ako!" sabi ko.

"Bakit anong ginawa mo kagabi?" tanong ni Rica.

Naalala ko ang ginawa ko kagabi. Shit! Nawala ang antok ko dahil doon.

"A-anong ginawa? Uminom diba?"

"Weh?!" pang eechos ni Liza.

"Bakit ba kasi?" tanong ko at bumangon na sa kama.

"Ang sabi ni Dy, babalik siya agad. Bakit siya natagalan?" si Vanny.

Naalala ko ang sinabi ni Dy kagabi, magbibihis daw muna siya para hindi halatang may ginawang kababalaghan. Ugh! Kababalaghan what the eff! Nahihiya ako sa nangyari kagabi at parang wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya! He saw everything!

"Ang sabi niya sa akin, babalik din siya sa room nila para magbihis. Ano bang iniisip niyo?"

"Weh? Hinatid ka lang niya kagabi?" si Liza ulit.

Tumango ako. "Oo, bakit ano pa ba?"

Makahulugan nila akong tiningnan. Bahala sila dyan hindi ako aamin!

Actually, wala naman talagang nangyari sa amin ni Dy. I mean may nangyari pero hindi kami nag sex we just made out. Pero ayokong sabihin sa kanila 'no dahil sa amin na 'yon.

But you know that feeling na hindi naman kami nagsex but I feel like I gave him everything. I let him touch me and natatakot ako ngayon kasi... it just ewan ko! It was wrong. Ang gusto ko kasi dati lahat ibibigay ko sa taong mapapangasawa ko. I mean, I won't let anyone touch me kung hindi siya ang papakasalan ko.

And I am not sure about Dy. I mean I want him to be the one I would end up with pero hindi ako sigurado kung ganon din ba siya. I ain't sure if kasama ako sa plano niya in the future. Naalala ko 'yong sinabi niya na we shouldn't worry about the future. We should focus on the present. But I can't help to think about the future. I invested too much. My time, effort and everything I invested it in our relationship.

At mas napraning lang ako nang maisip na lalayo siya. After SHS graduation pupunta na siya sa Lola niya. Magkakalayo na kami. Kakayanin ko ba? Nasanay na akong nandyan siya lagi na nakikita ko siya lagi.

Oh my gosh! What should I do?

Gusto kong magtago nang katukin kami ni Dy para ayaing magbreakfast. Gusto ko siyang iwasan kasi nahihiya ako at nap-praning! I want his assurance para di na ko mapraning!

Tinukso kami ng mga kaibigan dahil alam nilang anniversary namin ngayon at nilo-look forward din nila. Mas excited pa nga silang mag anniversary kaysa sa amin e.

"Ano sasabihin ko ba kina Tita na magpaiwan kayo rito?" si Rica na tinanong si Dy.

Hinila ko ang buhok niya dahil kung ano-ano na naman ang sinasabi. Hinarap ko na si Dy kahit nahihiya pa ako.

Hinila niya agad ang kamay ko at niyakap.

"Morning," sabi niya.

"Sana all!" kantyaw nila kaya tinawanan lang namin.

Naligo muna kami sa dagat at naglibot sa beach. Hapon pa ang uwi namin kaya free pa kaming gumala. That's how we celebrated our anniversary.

Lumapit ako sa isang tindahan na may key chain. Pumili ako ng pwedeng bilhin. Nakita ko 'yong keychain na gawa sa kahoy. Bilog siya at may nakalagay na number sa gitna. Naghanap ako ng dalawang number 19 at pina carve ko sa likod nito ang Babe. Dinesign naman ito na parang naka infinity.

Binigay ko ang isa kay Dy. Sinama niya ito sa mga flashdrive niya at sinabit ko naman 'yong akin sa purse ko.

Sabay kaming grumaduate ni Dy, obviously. Char! We got high honors and we celebrated at night. After ng celebration sa bahay with family, pumunta kami sa bahay nila ni Dy kasama ang barkada. Nakikain din kami doon. Pagkatapos sa bahay nila, kina Vanny na naman kami pumunta. Doon ang final destination kasi doon kami magc-celebrate lahat, kasali na ang mga kaibigang lalaki.

Nag-inuman kami saglit doon at hinatid naman ako ni Dy sa bahay nang mag 9 na. Uuwi narin daw siya dahil inaantok na.

His birthday came, ang plano niya ay hindi na maghahanda sa bahay nila dahil nakakapagod daw 'yon. Kaya nag date nalang kami sa labas.

Naglibot muna kami sa mall. Nadaanan namin ang ladies section at napunta kami doon sa mga bra.

"Babe, para sa'yo." Sabi niya habang hawak-hawak ang pink na bra. 'Yong malaki pa talaga ang napili. Jusko.

"Not my size," sabi ko.

"Oo nga pala." He wiggled his eyebrows like he remembered something.

"Manyak!" bulong ko.

"What?! Hahahahah baby bra nga pala ang dapat sa'yo babe!"

Hinampas ko siya sa braso at tawa naman ng tawa ang loko. We bought a couple shirt pero hindi naman namin sinuot 'yon doon. Hahaha wala lang, pareho naman kasi namin naisip na ang corny kung susuotin namin doon. Binili lang talaga namin para meron kaming bagay na magkapareha.

Kumain muna kami ng lunch sa isang fast food bago nanood ng sine. And guess what? Natry ko na rin makipag make out sa sinehan! Jusko! Buti nalang talaga konti lang ang tao sa sinehan. Hahahaha

Four pm na nang maihatid niya ako sa bahay. Sila na naman ng family niya ang magcecelebrate.

I feel so special because he celebrated his birthday with me first. Diba? Wala lang kinikilig ako. Kinikilig na nasasaktan. Kasi ayan na naman 'yong thoughts na nakakapagsira ng mood. Pwede bang maging masaya lang ako? Pwede bang magfocus lang sa kung anong meron ngayon? Pwede bang hindi mag overthink?

Nakababa na ako sa motor niya and my face looked sad because of the thoughts na nag iinvade sa mind ko.

"Nag-enjoy ka babe?" tanong niya.

I smiled and nodded. "Oo naman, babe."

Sumeryoso ang mukha niya. Gosh! Birthday niya pa naman ngayon tapos ahhh ewan ko!

"Hey ano ka ba? Nag enjoy ako, okay? Tsaka, ikaw dapat mag enjoy. It's your birthday!" inistretch ko ang mukha niya para magsmile.

"I love you babe and I miss you," natatawang sabi ko.

Seryoso parin ang mukha niya kaya kinabahan ako baka nasira ko ang birthday niya.

"Baby," panlalambing ko.

Tumango lang siya,

"Okay. I have to go, babe." Sabi niya.

"Bye, ingat." Sabi ko.

I sighed. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil wala ako sa timing kung mag overthink. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top