Chapter 28

Nagkaayos kami ni Dy that day but I admit our relationship was already stained. Alam kong konting pagkakamali na naman, tuluyan nang matatapos. But because I love him I continued to fight for us and try to save our failing relationship.

We celebrate our Christmas and New Year with our families. Hindi ko pa nam-meet formally ang parents niya at ganon din naman siya sa akin but they knew na we're in a relationship.

It was my 18th birthday and we only had a simple celebration. Wala akong 18 roses or dances ek-ek. Simple fam and friends gathering lang.

Babe:

Anong susuotin ko babe? Magf-formal ba?

I laughed at his text. Sinabi ko naman sa kanya na simple lang ang celebration and no need to be formal. Feeling ko kinakabahan siya! Hahahaah My god! Si Dylan Ruiz kinakabahan?

Me:

Casual lang babe. Sinabi ko na naman sa'yo diba?

Dylan:

Yeah lol. See you later. I love you. Mwua :*

Me:

Mwua :*

We had a simple program like nag devotion and birthday greetings and wishes pero hindi naabutan ni Dylan and friends. They texted me nang nasa labas na sila ng bahay.

Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. I was wearing a simple maroon dress and white sandals na regalo ni Ate Aria sa akin. Naglagay ako ng konting liptint bago lumabas.

"HAPPY BIRTHDAAAAAAAY!" Demi, Dina, Ella and Gelly and Xavi greeted. I invited Xavi too because he's Dy's bestfriend and kaibigan ko rin naman siya.

"Thank you!" sabi ko at bineso sila isa-isa.

"Ito ang regalo namin sa'yo!" sabi ni Ella. Nahati sila sa gitna at bumungad sa akin si Dy na may hawak na boquet of roses.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Presents no longer excites me. His presence is.

"Happy birthday baby," he greeted and kissed my cheeks.

"Oy! Oy! Tama na 'yan baka makita pa kayo ni erpats at hindi na tayo papatuluyin!" natawa kami sa sinabi ni Demi.

Bumitaw na ako sa yakap at giniya sila papasok sa bahay. Winelcome naman sila nina Papa at pinakilala ko naman sila isa-isa.

"Pa, si Dylan po." Sabi ko.

Alam niya nan a boyfriend ko si Dy kasi sinagot ko siya nong tinanong niya ako. Ang sabi niya lang non, "Ah yong anak ni Sir Ruiz?"

Nagshake hands sila ni Papa.

"Welcome iho, feel at home lang kayo ah." Sabi ni Papa.

"Yes Sir," sagot naman ni Dy.

"O sya, maiwan ko na muna kayo. Ikaw na bahala sa kanila, anak."

Tinanguan ko lang siya at binaling ang atensyon kay Dy na napahawak sa dibdib at bumuntong hininga.

"Okay ka lang?" natatawang tanong ko.

"Muntik na akong magkaheart attack babe," sabi niya kaya natawa ako.

Pagkatapos naming kumain, nagchikahan lang kami na syempre pinangunahan ni Demi. It was seven pm when they decided to go home. Dylan also needs to go home early at hindi na hinintay ang main friends. Hinatid ko sila sa labas ng bahay. May dala-dala silang motor kaya okay na na hindi sila ihatid.

"Happy birthday ulit ate!" sabi ni Dylan kaya hinampas ko siya sa balikat.

"Anong ate?" inis na sabi ko. Mas matanda lang naman ako ng two months sa kanya e!

He chuckled. napatingin siya paligid bago binaling ulit sa akin ang tingin at hinalikan ako sa labi ng mabilis.

"hoy!" sabi ko at napatingin din sa bahay.

"Happy birthday baby. To more birthdays to celebrate with me," nakangiting sabi niya.

I smiled too. "Thank you babe, so much."

Hindi na naabutan ng main friends si Dy. Nagpahuli sila ng dating para daw marami silang makain. Mga loka loka e papaubos na ang pagkain dahil nahuli sila.

My 18th birthday was fun. I celebrated it with a complete fam, umuwi ang dalawang ate para sa birthday ko and we had finally a complete fam picture. Also I have my friends and my bestfriend and boyfriend. I won't ask for more. I'm so blessed to have these people.

The next birthday we celebrated was Rica's. She celebrated it in a beach resort but this time, we were with her family and relatives. Buti nga pinayagan ako nina Papa na mag overnight. Ilang gabi akong nagdasal para lang makasama.

The beach was their private resort. Bongga ang birthday ni Rica dahil may 18 roses and candles. Kasama si Dy sa roses of course at sa candle naman ako. I was too shy to speak pa infront kasi Dy's fam and relatives was there also kasi magpinsan nga sila ni Rica.

Magkatabi kami nina Nicole at Vanny, nagchichikahan kaming tatlo dahil tapos na kaming kumain. Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Dy.

"Babe, come with me." Sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko pero sumunod narin sa kanya. He held my hand while walking papunta sa direksyon ng kung saan nag iinuman ang Papa at mga uncle niya.

Wtf?! Hindi ako ready!

"Pa, girlfriend ko po!" pakilala niya.

I swear my cheeks burned and my heart was beating so fast. I didn't expect this.

"Oh, what's your name iha?" tanong ng Papa niya.

"Annastacia Bianca Sir," sagot ko.

"What a beautiful name!" he offered his hand for a handshake and I accept it immediately.

"Thank you po," nahihiyang sabi ko.

"Take care of each other, okay?" sabi niya pa.

"Yes po," sagot ko.

Nagpaalam na kami agad matapos ang ganap na 'yon. Rica prepared some wine for us on our table.

"Dzai, nauuhaw ako." Sabi ko sa kanila nang mahatid na ulit ako ni Dy doon.

Imbes na tubig ang ibigay sa akin, 'yong wine ang binigay ng mga gaga pero binalewala ko lang 'yon.

Pinagbihis muna namin si Rica dahil pupunta kami sa resto bar sa malapit. Nakapagpaalam na kami sa parents niya at pinayagan naman kami. Kami lang magb-barkada.

Hindi sumama sina Dylan dahil nag-iinuman pa sila kasama ang mga pinsan pero ang sabi nila susunod daw sila. Pinayagan niya naman akong uminom dahil nasa malapit lang naman siya at wala kaming lalaking kasama except Rey at Janna.

Buti nakasama si bakla kahit busy dahil malapit na ang graduation.

10 pm nang makarating kami sa resto bar. May banda na tumutugtog kaya chill lang kami habang umiinom doon. Nakatatlong bote na ata kami ng alcohol nang dumating sina Dylan at mga pinsan niya.

Pumasok sila sa restobar at umupo sa table na katabi namin.

Pinuntahan niya ako sa table namin at umupo sa tabi ko. Namumungay ang mga mata ko habang tinitingnan siyang papalapit.

"You're drunk," bulong niya sa tenga ko. Maingay ang banda kaya kailangan niyang lumapit.

"Nope!" sagot ko.

Nakakaramdam ako ng hilo pero kaya ko pa naman at alam ko pa ang ginagawa ko. Hindi pa ako nasusuka.

"Hatid na kita sa room niyo," bulong niya ulit. Dumaan ang hininga niya sa leeg ko at hindi ko alam kung naiinitan ba ako dahil nakainom o dahil sa presence niya.

"Ikaw siguro ang lasing 'no?" bulong ko rin sa kanya.

Ngumisi siya at napatingin sa labi ko, "No, baby."

Parang may pinagkasunduan kami ni Dylan gamit ang mga tingin lang. Nagpaalam kami sa mga kaibigan na mauna na sa hotel.

"Anne needs to go back to the hotel. Tinatawagan na siya ng Papa niya. And looked at her, she's drunk."

Guso kong matawa sa palusot niya. Bat naman ako tatawagan ni Papa? Ano para pauwiin? Lol

Makahulugan kaming tiningnan ng mga kaibigan.

"Talaga lang?" si Vanny.

"Siraulo kayo! Ako pa talaga pinag-isipan niyo ng ganyan!" natatawang sabi ko sa kanila.

Matapos namin silang makumbinsi at magpaalam si Dy sa mga pinsan. Ang sabi niya babalik din daw siya agad matapos akong ihatid. Lumabas na kami ng resto bar. Tahimik lang kaming naglalakad. Muntik na akong matumba kaya hinawakan niya ako sa bewang.

"Chansing!" sabi ko.

Ngumisi lang siya. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila sa malapit na kubo. Madilim sa parteng 'yon. Kinakabahan ako at naeexcite at the same time. Hindi ko alam kung gusto kong may mangyari or tinutulak ako ng alcohol sa katawan dahil nagiging aggressive narin ako.

Nang makapasok kami sa kubo sinunggaban agad ako ng halik ni Dy. We kissed like we're thirsting for each other. Kung saan saan narin napadpad ang kamay niya and I let him. I let him explore my body and I did that to him too. Prinsipyo ko na ata sa buhay 'yon na kung anong gagawin mo sa akin, gagawin ko rin sayo to be fair. Lol

"Happy anniversary, babe. I love you." he said.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top