Chapter 23
Inutusan kami ni Ma'am Via, ang research 1 subject namin na pumunta sa Library para magresearch. May gagawin daw kasi siya sa office kaya hinayaan niya kami. Ang section lang namin ang nasa Library kaya pwede kaming mag-ingay. Wala rin kasi ang Librarian kumakain sa canteen. Kaibigan namin si Ma'am Lib kaya may tiwala siya sa amin.
Magkagrupo kami ni Ella kaya magkatabi kami. Kanina pa kami nagre-research.
"Anon gang date ngayon?" tanong niya dahil siya ang pinasulat ko sa research namin.
"September 26," sagot ko.
"Tulog muna ako," paalam ko at pumunta sa likuran.
Parihaba ang upuan kaya pwede akong humiga hindi naman ako mapapansin agad kung may papasok na teacher.
Tinaasan pa ako ni Dylan ng kilay nang mapansin ang gagawin ko. I just smiled at him at nahiga sa upuan. Hindi pa ata sila tapos.
Nanood kasi ako ng Kdrama kagabi kaya medyo puyat ako. Tinakpan ko ng panyo ang mukha para di ako madistract sa ilaw. Nakatulog naman ako ng ilang minute nagising lang nong may gumalaw.
Tinanggal ko ang panyo sa mukha ko, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Dylan.
"Natutulog ako," sabi ko at binalik ang panyo sa mukha.
"Wag ka nang matulog," parang batang sabi niya.
Umiling lang ako at pinikit ulit ang mga mata.
Maya-maya naramdaman kong may dumampi sa labi ko kahit na may nakaharang naman na panyo. Pagkatapos non tinanggal niya ang panyo. Hindi ako makagalaw, malakas masyado ang kabog ng puso ko. Seryoso lang din ang titig niya sa akin.
Mas lalo akong kinabahan nang ilapit niya ulit ang mukha sa mukha ko. Nakadilat ako habang idinampi ang labi niya sa labi ko. Parang may mga paru-parong nagsiliparan sa tiyan ko.
"Tulog ka na," sabi niya at iniwan ako doong tulala.
Gusto kong sumigaw! Leche! Napahawak ako sa labi ko. ANG FIRST KISS KO! SA LIBRARY TALAGA?!
Ilang gabi akong hindi makatulog at hindi makamove on dahil sa nangyaring 'yon. Sa tuwing naiisip ko lumilipad ang mga paru-paru sa tiyan ko. At isa pa, parang wala lang sa kanya ang nangyari samantalang ako halos mabaliw na dahil kinuha niya yong first kiss ko. Bakit may iba pa ba akong bibigyan? Wala! At hindi ko naiimagine ang sarili kong may hahalik na iba.
Ayan na naman ang paru-paru sa tiyan ko. Leche!
Intrams na ulit namin. At as usual nagperform na ulit ang banda. Ah hindi ko pala nasabi, Kiro transferred school. Nagpaalam naman siya sa akin nong Summer. Sabi niya doon daw siya mag-aaral sa lugar ng Lola niya. May pumalit sa kanya and okay naman ang pagsasamahan ng banda.
Nanonood kami ng basketball nina Vanny at tatlong bebe. Nagulat ako nang biglang tumabi si Dylan sa akin. Hindi pa ako nakakamove on sa first kiss kaya mas lalong kumabog ang puso ko.
Hindi ko alam ang gagawin kaya inoffer ko sa kanya ang bottled soft drinks na hawak ko. Nainuman ko naman 'yon pero konti lang. Napansin ko rin kasing pinagpapawisan siya.
"Gusto mo?" tanong ko.
Kinuha niya sa akin ang bote at ininuman ito. Nagulat ako kasi ... parang nag indirect kiss narin kami don. Akala ko kasi hindi niya ididikit sa lips yong bote.
Umiwas agad ako ng tingin dahil nilingon niya ako. Mamamatay ata ako ng maaga dahil dito kay Dylan e!
Pagkatapos naming manood ng game ng G12 at G10 bumalik kami sa room nila Vanny para maglunch doon, may baon kaming dala. Si Dylan naman umuwi sa kanila para tulungan sa store ang Mama niya. Sila ang first game mamayang hapon kalaban ata nila ang G9.
Pagkatapos naming kumain nakichika sina Vanny sa kabilang room at nagpaiwan naman ako dahil inaantok ako. Parihaba ang table sa room nina Vanny kaya naisipan kong matulog doon. Nakadis arrange naman ang mga gamit sa room nila e kaya okay lang na matulog. Dinikit ko sa dingding ang table para hindi ako mahulog at makatulog ako ng maayos.
Kilala na talaga ng katawan ko ang presence ni Dylan kaya nagising ako nang maramdamang nasa malapit siya. Nakaupo siya sa mesa na hinihigaan ko habang nakayakap ang kamay sa tiyan ko.
"Wake up, sleepy head." Bulong niya.
Iginala ko ang tingin sa buong room dahil maingay. Nandito rin pala ang mga team mates niya.
"Maglalaro na kayo?" inaantok na tanong ko.
"Yep, kaya kailangan ko ng energizer!"
"ha? Energizer? Kailangan mo ng energy drink?" naguguluhang sabi ko.
Umiling siya habang nakangisi. Nakuha ko lang kung anong ibig sabihin niya nang ngumuso siya. Tinago ko agad ang mukha ko gamit ang kamay dahil naalala ko na naman ang kiss.
"Hahahah isa lang babe," sabi niya.
"Siraulo ka! Dito talaga Dy?"
"Saan mo gusto? Hahahah"
Tinulak ko ang mukha niya papalayo sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ko sa pag tulak sa kanya.
"Isa lang babe," sabi niya.
Lumabas na isa-isa ang mga boys sa room namin. May natira pa naman pero nakatalikod sa banda namin dahil nagc-charge ng phone.
"Isa lang ha!" sabi ko. Ginamit ko pa ang hintuturo para iemphasize na isa lang.
"Yes!" parang batang sabi niya.
Ah I'm so scared.
He slowly bent down and his lips touch mine. Akala ko yun lang pero tinagalan niya pa kaya tinulak ko na siya, Leche! Bawal 'to.
He just laughed at bumaba na sa mesa.
"Una na kami sa court babe," paalam niya.
"Okay, goodluck!" sabi ko nakahiga parin.
Tinalikuran na niya ako pero bumalik ulit para magnakaw ng isang mabilis na halik. Pinandilatan ko siya ng mata!
"mananalo kami ngayon," natatawang sabi niya saka umalis.
Magiging kiss addict pa ata siya?
Sumunod naman agad kami sa court pagdating nila Vanny galing kabilang room. Medyo mainit ang labanan ng Grade 8 at G11. Magagaling at mabibilis kasi ang mga Grade 8.
Maingay kami habang nagc-cheer bakit? May tahimik ban a nagc-cheer? Lol!
"Foul 'yon!" sigaw ni Vanny.
Pati si Vanny nag-iinit narin dahil sa labanan na'to e. Pagod narin ang mga players. Salitan kasi sila sa pag-angat ng score. Ngayon ang lamang ay Grade 8. Nasa 68 ang score nila samantalang 66 naman ang Grade 11.
Last quarter na kaya kailangang humabol ng Grade 11. Pinapasok si Dylan sa court bilang sub kay John kasi kanina pa 'yon naglalaro. Halatang pagod na nga siya.
Kinakabahan ako para kay Dylan, sana naman makashot siya para makabawi sila. Okay Anna, trust your boyfriend.
The game started again at mas lalong uminit. Nafoul pa nong isa si Dylan kaya nagreklamo rin ako. Char! Wag niyo nga saktan ang bebe ko.
Mas lalo akong ginanahan mag cheer nang maagaw ni Dylan ang bola at sinubukang ishot!
"Ruiz for three...." Sabi ng announcer.
"Three points!" sigaw ng announcer.
Ahhhh nagsigawan kami nila Vanny at nagtalunan. Akala mo naman nanalo na e. Wala ang saya namin e hahahahaha I'm so proud!
Mas lalo namin siyang chinicheer nang maagaw niya ang bola sa kalaban.
"BHEB! PAISA!" Sigaw ko.
Natahimik ang lahat dahil sa sigaw ko. Umingay lang ulit dahil sa tukso nang mashoot na naman ni Dylan.
"Ruiz for two points! Paisa daw babe!" sabi ng announcer.
Shet! Para na naman akong lalagnatin sa init ng mukha ko. NAKAKAHIYA! LUPA EAT ME NOW NA!
Sa huli, nanalo sila sa game at sobrang saya namin. Tinukso ako ni Sir Macky dahil sa ginawa ko.
"Ikaw Anna ha, may paisa isa kana!" sabi ni Sir.
"Sir naman! Joke lang 'yon,"
"Asuuus! Oh ayan na ang bheb mo." Sabi niya.
Naglalakad papunta sa direksyon namin si Dylan kaya nagtago ako sa likuran ni Vanny.
"Wala rito si Annastacia Bianca umuwi na," sabi niya kay Dylan.
Hindi ko nakita ang reaksyon niya kasi nga nagtatago ako pero naramdaman kong papalapit siya. Biglang umalis si Vanny sa harapan ko kaya ang dibdib ni Dylan ang bumungad sa akin.
"Yiieeeeeee..." panunukso ng mga estudyante.
Ah leche talaga! Ano nang nangyari sa lowkey relationship Anna?
"Hatid na kita," sabi niya.
Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papalabas ng gym. Dahil kami nalang dalawa lumabas na ang totoong ugali nitong si Dylan.
"Anong sabi mo kanina, babe?" nakangisi niya akong tiningnan habang hawak-hawak parin ang kamay ko.
"Sabi ko, ishoot mo!"
"Di 'yon ang narinig ko e, sabi mo paisa."
"Luh? Di kaya!"
"Paisang ano babe?"
Inaasar niya ako hanggang maihatid niya ako sa bahay.
"Thanks bheb, Congrats!" sabi ko at niyakap siya.
"Paisa nga! Hahaahha"
"Che!" kiniss ko lang siya sa cheeks at umalis naman siya pagkatapos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top