Chapter 22

First monthsary namin ni Dylan ay sobrang epic fail muntik pa kaming mag-away! Kasi ang akala niya April 18 ang monthsary namin. Eh March 19 naging kami?! Alas dose non nong nagging official na kami ulit. Diba?

Pero syempre, pinalagpas ko lang 'yon kasi naguluhan lang naman siya. Tinawanan ko lang pero 'yong totoo nakakatampo 'yon kasi feeling ko kinalimutan niya. Hindi naman nagging boring ang bakasyon ko dahil magkatext kami lagi ni Dylan.

Kasabay ko ang mga kaibigan sa pag enrol except Janna kasi magt-transfer siya ng school. Baklang 'yon, sabi namin sa iisang school lang kami gagraduate e. Magiging loyal kami sa isang school. Pero wala e gusto niya raw ng new environment. Nakakatampo pero wala naman kaming magagawa. Kung doon naman siya mag-grow edi okay 'yon. Kung saan siya masaya, support kami. Ganon naman pag magkakaibigan diba?

Sa ICT ako nag enrol kasama ko si Gelly at Rey. Sila Vanny naman sa GAS sila na strand. Nagkahiwalay parin kami. Pinili ko ang ICT para maipagpatuloy ang kaalaman sa computer. Since Grade 7, ICT kasi ang TLE ko. Gusto ko rin magka NC2 agad para in case na hindi ako makapagcollege, magt-trabaho nalang ako.

Si Dylan din nag ICT expected na naman 'yon kasi mahilig talaga siya sa computer at mag a-IT siya pag college. Ako? Hindi ako sigurado sa course ko. Basta ang alam ko gusto kong sa office ang trabaho ko. Second batch kasi kami ng K12 na program at ang sabi sa amin, hindi naman magm-matter ang kukunin na strand sa Senior High sa course pagdating ng college kasi basic lang naman ang ituturo ngayon. 'Yon ang pinaniwalaan ko at 'yon ang maling desisyon na nagawa ko.

Medyo nahirapan akong mag adjust sa unang araw ng klase kasi hindi ko na kasama ang ibang kaibigan. Lalo na si Vanny na super close ko sa barkada. Kaming tatlo ang magkasama ni Rey at Gelly. Si Dylan naman ang lagi niyang kasama si Jones.

Konti lang kami nag enrol sa ICT. Labin dalawa lang kaya pinag-iisipan kung ipagpapatuloy pa ba. Bakit naman hindi e dito na kami nag enrol? May mga transferee galing sa malapit na school dito pero hindi namin sila pinapansin kasi hindi naman kami FC. Lol

But as the days goes by, unti-unting nagging close kami kasi konti lang naman kami kaya wala kaming choice kundi kausapin ang isa't isa. Our bonds became closer that I didn't notice I'm starting to drift away with my main friends.

Isang araw pumunta ako sa room nila only to be ignored. They were busy talking with each other, hindi na ako makacatch up. It was my time of the month kaya masyado rin akong sensitive. Umalis ako doon at bumalik sa room.

Nakita ako ni Jamie na parang may problema kaya nilapitan niya ako,

"Okay ka lang?" tanong niya.

With that unti-unting tumulo ang luha ko dahil hindi ako okay. Niyakap niya ako para patahanin. Inaalo niya ako habang iyak lang ako ng iyak. Wala akong pakealam kasi nga masakit sa akin na inignore ako ng mga kaibigan.

"What happened?" rinig kong tanong ni Dylan.

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa likuran para patahanin din.

"Hey," sinubukan niya akong iharap sa kanya pero naiiyak lang ako kaya tinago ko ang mukha ko sa balikat niya.

"Shhhh... what happened?" he asked then gently patted my back.

"Di na ako nila pinapansin," sabi ko.

"Nagbago sila, Dy. Feeling ko hindi na kami tulad ng dati," iyak ko sa kanya.

Dylan comforted me that day. Everything is slowly changing since we went to Senior High. My friends, surroundings, Dylan and me. Dylan started to became warm with the people, sa mga kaklase na nagging kaibigan narin namin. Kung noon, hindi siya nagj-joke or hindi siya majoke ngayon siya na ang pasimuno ng joke. Kahit mas waley yong joke niya kesa sakin mas supportado naman siya nila. Hindi ko alam kung takot lang sila sa kanya o gusto lang nila akong asarin. Mga walang hiya.

We told them na we're in a relationship when they asked. Three months after pa bago nila natanong kung kami ba. Lol Minsan kasi PDA si Dylan e kaya 'yon.

"Bheeeeeeeb!" tawag ko sa kanya nang sagutin niya ang phone.

Babe talaga 'yan binheb ko lang kasi feeling ko hindi bagay sa akin ang mag babe Hahahahaha Ewan ko ba sa sarili ko.

"Babe," sagot naman niya kasi pasosyal siya kaya babe.

"Happy 6 months! Hahahaha" bati ko.

Gusto ko sana siya ang maunang mag greet sa aming dalawa pero wala ata siyang plano kaya inunahan ko na!

"Happy half year, baby!" bati naman niya.

Nag-usap pa kami ng kung anong ek-ek bago binaba ang tawag. Shinare ko lang naman sa kanya 'yong naalala ni Mama na ginawa ko nong bata pa ako. Nilagay ko raw kasi 'yong kuting sa ref. Hindi ko naman naalala na ginawa ko 'yon pero naaawa ako sa kuting. Sana naman buhay pa 'yon at nasa maayos na kalagayan kung nasaan man siya ngayon.

No to animal cruelty!

Kinagabihan, nagtext ulit kami ni Dylan kasi Sabado naman ngayon at monthsary namin kaya dapat lang na sa akin ang time niya.

Dylan: Babe, nood ka little big shots.

Me: Yes babe, bakit?

Dylan: Ang talino nong Sean!

Me: Oo nga e. Sobrang galing niya.

Si Sean ay contestant nong LBS na sobrang talino. Ang bata pa nga e. Nakakabilib!

Dylan: Babe, let's have a deal

Me: Ano naman 'yan?

Dylan: Kung magkakaanak tayo dapat mga genius. Limang math genius, apat na geographic genius, tatlong science genius.

Hala siya! Ano ako baboy? Bat ang dami! Natatawa nalang ako habang binabasa ang text niya.

Me: Kakayanin ko ba yan?

Dylan: Syempre ikaw pa hahahah Ano na?

Me: O sige na sige na! Hahahhaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top