Chapter 21

Kami na ba ulit?

Hindi ko alam. Hindi ako makatulog nong gabing 'yon kahit pa sumasakit ang ulo ko. Hindi ko naman siya tinanong kasi nashock ako sa confession niya! Pero diba sabi niya mahal niya ako? At sinabi ko rin na mahal ko siya. Kami na ba ulit?

Sinabunutan ko ang buhok ko at kinuha ang cellphone na nasa side table. Itetext ko ba siya? Nakakahiya naman! Pero kasi hindi ako matatahimik kapag hindi ko siya tinanong! Pero gabi na, alas dose na nga baka tulog na 'yon.

Nag vibrate bigla ang cellphone kaya sa sobrang kaba nahulog sa mukha ko.

Leche! Ang sakit!

Hawak-hawak ko ang ilong ko na natamaan habang nilagay ang phone sa tenga.

"Leche Dylan! Nahulog sa mukha ko ang cellphone!" sabi ko.

Narinig ko siyang natawa.

"Anong tinatawa tawa mo? Masakit kaya!" galit kunwari na sabi ko.

"After my confession, aawayin mo 'ko Anne? Hmmm?" he said softly.

Feeling ko nanlambot ang mga tuhod ko at buong katawan ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi kita inaaway ah. S-sinabi ko lang naman na masakit." Kandautal na sabi ko.

Ano ka ba Anna? Leche naman! Kinakabahan ako sa tawag na'to. Ahhhh! Lagi naman akong kinakabahan pagdating sa kanya e, ano pa bang bago?

"San masakit? I'll kiss the pain away," sabi niya.

"Ang landi mo!" sabi ko.

Natawa na naman siya. Ang saya niya ha? Leche! Pero effective naman ang panlalandi kasi nakalimutan ko ang sakit. Char!

Dumaan ang katahimikan pagkatapos niyang tumawa. Feeling ko ang awkward.

"Dy..." mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Itatanong ko na ngayon kinakabahan ako. Baka pala ako lang nag-assume 'no? Kaya nga tatanungin Anna e! Siraulo ka ba? Nababaliw na ata ako.

"Hmmmm..."

Ayan na naman ang hmmmm niya!

"Hoooy!" sabi ko.

"Hahahaha bakit?"

"Wag ka nga mag hmmm..."

"Anne, nag-iimagine ka naman ah."

"Hindi ah! Sira!"

"Hahahahaha. Okay hmm hindi na,"

Leche talaga! Ang tigas ng ulo.

"May itatanong ako," sabi ko.

"Hmmm?"

Sinasadya talaga ng loko pero di ko na pinansin 'yon.

"Naguguluhan ako e. Di ako sure."

"With what?"

"Tayo na ba ulit?" lakas loob na tanong ko.

He chuckled.

"Gagi! Seryoso kasi, wag mo 'kong tawanan!"

"I love you," sabi niya.

Nahugot ko na naman ang hininga ko. My ghad! Ano raw?

"Let's make it official, Anne."

"Okay," pigil hiningang sagot ko.

It was so awkward I mean kami na ulit ... parang hindi ako makapaniwala?

Lunes, tahimik akong pumasok sa school ain't the usual me na makikichika agad sa mga kaibigan.

"Oh bat tahimik ka?" nagtatakang tanong ni Vanny.

"H-ha? Tahimik naman ako lagi." Sabi ko.

"May tinatago ka 'no?" pinanliitan niya ako ng mga mata.

"Wala 'no!" OA na reaction ko.

"Weh? Don't worry malalaman ko rin 'yan!" nakangising sabi niya.

Kinabahan tuloy ako. Hindi pa ako ready na malaman nila na kami na ulit kasi... wala lang. Ewan ko ba. Gusto ko lang na private at lowkey ang relationship namin ni Dylan, ganon din naman siya. Pero kung may magtatanong kung kami ba, aaminin ko naman.

Keep it lowkey but don't deny it.

Ganern!

"Oh my god!" bulong ko nang makitang dumating na si Dylan. D's effect activated again. Gusto ko tuloy magtago kasi hindi pa ako handang makita siya!

"Pahiram nga phone Anne, makikitext lang." si Vanny.

Humarap ako sa kanya para matalikuran ko ang direksyon ni Dylan. Papa as if nalang ako na hindi ko siya nakita.

"Ha? Here." Inabot ko sa kanya ang phone ko.

Sure naman ako na hindi niya mababasa 'yong convo namin ni Dy kasi naka private 'yon.

"Anong March 19?" tanong niya.

Namilog ang mga mata ko at mas dumoble pa ang tibok ng puso ko. Shet! Nakalimutan kong binio ko pala 'yon sa lockscreen!

"Haaaa? Wala yan! Birthday ng aso ko!" sabi ko.

Ano baaaaa? Hindi pa ako handang malaman nila!

"Ha? Kakapanganak lang ng aso niyo nong Feb ha? Wala naman kayong ibang aso, ano yon nanganak ulit Annastacia?"

I bit the inside of my cheek because I don't know what to say.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"Akin na nga!" sinubukan kong agawin sa kanya ang phone ko pero tinaas niya to para hindi ko maabot.

"March 19!" sigaw niya.

Oh my god! Tinakpan ko ang bibig niya habang nagsasalita parin siya ng March 19. Leche Vanessa!

"Okay! Okay! Shut up!" bulong ko.

Tinawanan ako ng gaga dahil alam niyang nanalo siya. Demonya talaga!

"Sasabihin ko sa'yo mamaya!" sabi ko dahil napansin kong dumating na ang adviser namin.

"Oh my ghad! Sabi na nga ba e!" sabi niya matapos kong sabihin sa kanya ang nangyari nong birthday ni Rica.

Nandito kami ngayon sa learning camp. Ang ibang kaibigan namin ay gumala sa Senior High building kaya kami lang ang nandito. Tsaka sinadya ko lang na kami lang kasi sa kanya ko lang muna sasabihin dahil nahuli na ako.

"Wag mo munang sabihin sa iba ah?" pinanlakihan ko siya ng mata.

Zinipper niya kunwari ang bibig niya at tinapon kuno ang susi.

"Char! May spare key!" sabi niya at binuksan ulit ang bibig.

Pinalo ko siya sa braso dahil walang hiya naman kasi.

Bumalik na kami sa room dahil malapit ng matapos ang break. Pagdating namin sa room nandoon ang mga walang hiya kong kaibigan kaya ang ingay na naman ng room. Ang lalakas kasi ng boses e. Wala pa si Dylan buti naman dahil nahihiya talaga ako sa kanya.

Dumiretso ako sa seat, malapit lang naman sila roon kaya rinig na rinig ko parin ang usapan nila. Chinichismis nila 'yong babaeng nabuntis sa G11. Hindi ko naman kilala 'yon at inaantok ako kaya sinandal ko nalang ang ulo ko sa arm chair para matulog. Ginawa kong unan ang braso ko para makatulog ako ng maayos.

Feeling ko nakatulog naman ako ng konti. Minulat ko ang mga mata dahil may na-sense akong aura na kailangang iwasan. At tama nga ako... katabi ko na si Dylan. Nakatingin siya sa kausap niyang si Xavi kaya natitigan ko ang side profile niya.

Ang gwapo ng boyfriend ko.

Yay! Boyfriend!

Medyo nagulat pa ako nang lingunin niya ako at nginitian.

Shet! Nakakatunaw!

Nilapit niya sa mukha ko ang kamay niya at kinuha ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

Shet! Oo nga pala, nahihiya nga pala ako sa kanya!

Tinago ko ang mukha ko dahil umiinit na naman ang pisngi ko para akong lalagnatin.

"Hey are you okay?" tanong niya hinwakan ako sa balikat.

Tumango ako pero hindi ko parin pinapakita sa kanya ang mukha.

Naramdaman kong dinampi niya ang likod ng palad sa leeg ko.

"Masakit pa ba ulo mo?" tanong niya ulit.

Tumango lang ako para hindi niya gulohin. Naramdaman kong umalis siya sa tabi ko kaya nakahinga ako ng maayos. Hindi ko parin inaangat ang ulo ko kasi baka nasa paligid lang siya.

Maya-maya naramdaman ko naman ang presence niya. Tumabi ulit siya sa akin at kinabit ako.

"Anne, wake up." Sabi niya.

Wala akong nagawa kundi harapin siya kasi baka magtampo o ano. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang gamut. May hawak din siyang bottled water.

"A-ano to?"

"Obviously, medicine."

Sinamaan ko siya ng tingin kunwari at inirapan.

Naguguluhan ako sa sarili ko hindi ba dapat sweet narin ako kasi nga kami na ulit? Bakit kabaliktaran ang pinapakita ko?

"Is it the time of the month?" pabulong na tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit?"

"Ang suplada mo e," natatawang sabi niya. "'Tsaka kanina mo pa ako di pinapansin."

Halaaa! Napansin niya, kinabahan tuloy ako. Anong ipapalusot ko?

"Masakit lang talaga ulo ko at anong di pinapansin?"

"You were acting like I was invisible." Seryosong sabi niya.

In the end, I don't wanna lie. Kakastart palang ulit ng relationship namin kaya hindi dapat ako ganito.

"I'm sorry, nahihiya kasi ako."

"Ikinakahiya mo ako?"

"No! Not like that! Never kitang ikakahiya, okay?" depensa ko.

Bakit niya naman naisip 'yon?

"Ano lang? So bakit ka nahihiya?"

Nagtatampo ba siya? I smiled...

"What?" supladong tanong niya at nagshift siya ng pwesto. Hindi na siya nakaharap sa akin.

"Do you really still love me?" bulong ko sa kanya.

Nilingon niya ako na may kasamang matalim na tingin.

"I already told you. You don't believe me?"

Parang nasaktan siya sa sinabi kaya napabuntong hininga ako. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Maybe I doubted him. Kasi naman marami siyang nagging babae. Ngayon lang 'yon nagsink in sa akin.

"I believe in you." sabi ko para di na siya magtampo.

Hindi niya ako pinansin at diretso lang ang tingin sa harapan. Teka nga? Bakit ako na ang nanunuyo ngayon? Jusko!

"Do you still love me?" natatawang tanong ko ulit. Pabulong syempre para di nila marinig.

"Yes baby," sa mapupungay na mata niya akong tiningnan.

"I'm just pissed off,"

Dahil don natawa ako at kinilig at the same time.

Haaay naku! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top