Chapter 20


Naging busy ulit ang buwan ng Pebrero dahil sa SBM na ginanap. Ang buwan naman ng March ay magiging busy rin dahil Finals. Inaabangan din namin ang birthday ni Rica sa March 18.

Ang plano kasi namin magreresort kami kasama ang barkada. Buti nga pinayagan kaming lahat. Pero hindi kami mag oover night doon, uuwi rin kami. Hindi naman kasi ako papayagan sa mga overnight overnight na 'yan!

"HAPPY BIRTHDAAAAAAY"

Sigaw naming lahat kasabay ng pagputok ni Rey ng party popper. Kinantahan din namin si Rica habang hawak hawak ni Rhea ang cake na binili namin para sa birthday girl.

"Blow job na!" sabi ni Janna.

"Hoooooy!" react ko.

"Wow, virgin?"

"Oo girl!"

"Sana all!" sabi niya. Nag-apir kaming dalawa at nagtawanan.

Binlow na ni Rica ang candle at ang sunod naming ginawa, hinila namin siya papunta sa pool at tinulak.

Hanggang sa kaming lahat na naghilahan at nagtulakan sa pool. All in all, ang saya ng birthday ni Rica. Pero akala ko hanggang don lang, nagulat ako pagbalik namin sa cottage may nilabas si Vanny na alcoholic drinks.

"Charan!" sabi niya.

"Ano yan?" tanong ko.

"Hoy wag kang KJ, bday ko ngayon." Si Rica.

Nagtanong lang naman ako kung ano 'yon, walang hiya naman. Nasubukan ko ng uminom. Dati, bata pa ako tinry ko lang naman 'yong beer ni Papa sa ref at wala namang lasa. Nakalimutan ko na ang lasa.

"Bibinyagan natin si Anna ngayon! Hahahahah" si Liza.

"Uyy ikaw Nicole?" tanong ko.

"Konti lang!" sabi niya.

Inabutan ako ng baso ni Rica na may laman. Kinuha ko naman ito at inamoy. Nilayo ko agad nang hindi ko nagustuhan ang amoy.

"Ano ba 'to?"

"Try mo, masarap 'yan! Pagkatapos mong inumin yan, sipsipin mo tong lemon na may asin." Pag eexplain ni Vanny.

Ang expert naman nila sa ganito, halatang wala akong alam.

Pinikit ko ang mga mata bago nilagok ang inumin at ginawa kung anong sinabi ni Vanny.

"Ano ba namang lasa 'yan!" reklamo ko.

Nakalima o higit pa akong shot. Hindi ko na nasubaybayan. Naliligo kami sa pool para mahimasmasan daw kami. Feeling ko umiikot na ang mundo ko.

May karaoke sa cottage namin kaya kumanta kami habang nags-shot. Kumuha rin kami ng mga pictures para may maipost sa social media. Kinuha ko ang phone ko para makapag selfie rin.

Nag open ako ng instagram para makapag story. Maya-maya biglang nag pop up ang mukha ni Dylan sa chathead.

Dylan: Umuwi na kayo?

Me: Di pa. Bakit?

Inopen ko ang cam para makapagsend ng picture sa kanya. Nakapeace sign ko habang ang mga kasama ko naman hindi alam na nagpicture ako. Sinend ko 'yon kay Dylan.

Dylan: Tequila? Uminom kayo?

Me: Obviously.

Dylan: Hays, ikaw rin?

Me: Bakit? Turn off ka na sa akin?

Nagsend ulit ako ng selfie na nakasad face. Nagging makapal ata ang mukha ko ngayon. Lakas ng loob mo Annastacia ah!

Dylan: You're drunk

Me: Tipsy lang

Dylan: Umuwi na kayo

Tiningnan ko ang oras, mag aalas sinco palang ng hapon.

Me: No, Rica will decide.

Dylan: I'll go there.

What? Pupunta siya rito? Bakit? Pagkatapos ng message niya na 'yon nag off line na siya. Seryoso ba siya?

Duhh! Paasa siya remember? Kaya wag mo ng isipin, kumanta nalang ako sa karaoke at tinago na ang phone ko. Ganon lang ang ginawa namin. Tapos naligo ulit sa pool.

Pagbalik ko ng cottage binigyan ulit ako ng shot ni Vanny dahil turn ko na. Tinungga ko naman agad para matapos na. Muntik ko ng iduwal ang nainom nang makita si Dylan sa bukana ng cottage.

"Oy Dy!" bati nilang lahat.

Seryoso niya akong tinitigan. Ayan na naman ang aura niya na hindi approachable pero to the higher level. Tinanguan niya sila at naglakad siya sa direksyon ko. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko at pinandilatan nila ako ng mata, I just shrugged dahil hindi ko alam kung bakit pumunta si Dylan dito.

"Oy, nong ginagawa mo?" sabi ko.

"Ihahatid na kita," sabi niya.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya naiintindihan. Parang gusto kong sumabog kasi makaasta siya parang jowa. Eh wala namang kami? Eh diba may girlfriend siya?

Bumuntong hininga ako,

"Sasabay ako kina Rica," sabi ko.

Nilingon niya si Rica.

"Uwi na raw sabi ni Tita, gumagabi na." sabi niya rito.

Tumango naman si Rica at sinabihan ang mga kaibigan na magligpit na.

Tiningnan ako ni Dylan mula ulo hanggang paa. Naconcious tuloy ako dahil sa suot kong one piece.

"Magbihis ka na," utos niya.

Inirapan ko siya at kinuha ang towel ko para magbihis sa banyo. Mabilis akong nagbihis dahil gusto ko siyang kausapin. Alam mo 'yon parang ang lakas kasi ng loob ko ngayon kaya kailangan makausap ko siya.

Hindi na ako nagsuklay o nag-ayos pa matapos magbihis. Dumiretso agad ako sa cottage at naabutan si Dylan na seryoso lang na nakaupo doon, katabi niya ang bag ko kaya dumiretso ako doon para ilagay ang towel.

"Mag-usap nga tayo," sabi ko sa kanya.

Nagkatinginan kami ni Nicole at Vanny na hindi pa bihis. Hinila ko si Dylan patayo at naghanap kung saan kami pwede mag-usap. Napadpad kami doon sa huling cottage kung saan walang tao.

"Bakit kailangan mo pang pumunta rito?" tanong ko.

Pinagkrus ko ang mga braso habang tiningnan siya sa mga mata.

Seryoso parin ang tingin niya sa akin,

"Para sunduin ka. You're drunk I was just concerned baka mapano ka," sabi niya.

Napabuntong hininga ako. Concern? Bakit siya concern?

"Bakit ka concerned? Wala namang tayo Dylan!"

Hindi siya nagsalita at umiwas ng tingin sa akin.

"Diba may girlfriend ka? Tingin mo anong mararamdaman niya pag nalaman niyang concerned ka sa ibang babae?" dirediretsong sabi ko sa kanya.

"What girlfriend?" kunot-noong sabi niya.

Kailangan ko ng ilabas lahat ngayon sa kanya para matapos na.

"Si Jazzy ng Grade 8, diba girlfriend mo yun?! May girlfriend ka tapos nilalandi mo ako? Anong klase ka, Dy? Alam mo... ang sakit sakit na e! Lagi mo nalang akong pinapaasa. Pwede ba? Pwede bang tigilan mo na ako? Pwede bang wag kang magpakita ng motibo na gusto mo ako? Kasi Dy, asang asa ako e. Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita! Pucha! Mahal parin kita!"

"Kung hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko, tigilan mo na ako!" sabi ko at tinalikuran siya.

"Hindi ko girlfriend si Jazzy," sabi niya na nakapagpahinto sa akin.

"I'm sorry, Anne."

Naramdaman kong naglakad siya papalapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko para maiharap sa kanya.

"I was so afraid of hurting you that's why I choose to be just a friend. Akala ko hindi kita masasaktan sa ganoong paraan but I was wrong. I thought I won't lose you if we'll just stay friends but seeing this right now, you were slowly slipping away... I realized masyado lang akong naduwag. Truth is, I was scared of what I feel for you because it's too much... to the point na dinudurog ako nito," sabi niya.

"Yes, I tried to date other girls so I can compare the feelings I had for you pero wala... it wasn't the same. I realized my love for you is irrevocable and you're irreplaceable Anne,"

Nahugot ko ata ang hininga ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Lalo na nang hilain niya para yakapin.

"I still love you that's why I'm here." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top