Chapter 19


We're back to school after a week of semestral break. Kanya-kanyang kwento ang mga kaibigan ko sa mga nangyari sa kanila nong sem break at may mga bagong chika rin silang dala.

"So may progress ba sa inyo ni Kiro?" tanong ni Rhea.

Nagkatinginan kami ni Vanny. Nakacircle form kami ngayon para lang makacatch up sa mga pangayayri sa buhay namin. Kay Vanny ko lang pala nakwento ang mga nangyayari sa akin at love life ko. Love life nga ba?

"Wala. Pinatigil ko na siya," sagot ko sa kanya.

Gulat nila akong tiningnan.

"Bakit?" sabay na tanong nila sa akin.

Hindi ko na sila nasagot dahil dumating na ang adviser namin pero alam ko naman na mamaya hindi nila ako titigilan.

I was right, the moment na matapos ang klase at break time na hinila agad ako nila papalabas ng room at brinatatan ako ng mga tanong.

"Hindi ko siya deserve, okay? Yun nay un." Sabi ko.

"Gaga! Mahal mo pa kasi si Dylan! Oh don't deny it," si Janna.

Napabuntong hininga ako at hindi na nagsalita.

Alam ko naman na natatangahan sila sa desisyon ko pero anong magagawa ko? hindi ko naman pwedeng ipilit ang nararamdaman ko.

"Tama naman ang ginawa ni Anna, kung wala naman talaga siyang nararamdaman para kay Kiro edi mas mabuti na 'yon na sinabi niya agad para hindi na umasa 'yong tao." Sabi ni Nicole.

Buti naman at rational mag-isip si Nicole.

Hindi na nila ako kinulit matapos non wala naman silang magagawa e kasi desisyon ko naman 'yon.

Iniwan ko sila sandali sa canteen para pumunta ng Press Room. Pinatawag daw ako ni Sir e. Nagsipasukan narin ang mga esudyante sa mga classroom nila dahil time na kaya konti nalang ang nasa labas.

Malayo palang tanaw ko na si Kiro na naglalakad papunta sa direksyon ko. Nginitian ko siya at ganon din naman siya.

"Hi," sabi ko at lalagpasan na sana siya kaya lang bigla niya akong hinila at niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakapagreact agad.

"Hoy!" sabi ko at tinapik siya sa balikat.

Saktong pag bitaw niya, nakita ko si Dylan na nilagpasan kami. Napatitig ako sa likuran niya sandali bago binalingan si Kiro.

Hindi naman siya nagsalita at nginitian lang ako saka umalis na walang ano mang sinabi.

What the hell?

Hapon nang utusan kaming magtapon ng basura. Magkasama kami ni Nicole dahil ang grupo namin ang cleaners ngayon.

"Teka," hinawakan ako ni Nicole sa braso para tumigil sa paglalakad. Nginuso niya ang direksyon ng field kaya napatingin ako roon. Kumabog ng malakas ang puso ko nang matanaw si Dylan na may kasamang babae sa ilalim ng puno ng pine tree. Katabi lang nong pine tree kung saan ko nireject si Kiro.

Parang piniga ang puso ko nang bigla siyang yakapin nong babae. Umiwas agad ako ng tingin at hinila si Nicole paalis doon.

"Okay ka lang? ay tanga syempre hindi!" sabi ni Nicole.

Kumalong ako sa braso niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya habang naglalakad.

"Ang tanga ko, Nics." Bulong ko.

"Buti alam mo!" sabi naman niya kaya mahina ko siyang pinalo sa braso.

"Pero alam mo hindi naman kita masisisi kung bakit hindi ka makamove on dyan kay Dylan e. Syempre, una gwapo siya, matangkad, matalino, basketball player at higit sa lahat YUMMY!"

Natawa ako sa sinabi niya, "Yummy talaga? Nalasahan mo na ghorl?"

"Hindi pa, aagawin ko pa siya sa'yo e!" biro niya.

"Kaya mo?"

"Joke lang. Di ko siya type 'no,"

"Ah. Sino ngang type mo? 'Yong sacristan?"

"Hooooy!" OA na reaksyon niya.

"HAHAHAHAHHAHAHA"

Mabilis na dumaan ang mga araw. Ganon parin naman kami ni Dylan, mag KAIBIGAN. Medyo dinidistansya ko ang sarili sa kanya for how many months. Binati ko lang siya nong Christmas at New Year, ganon din naman siya. Nagrereply lang ako kung magtetext siya hindi na ako nagf-first move.

Balita ko kasi bago mag Christmas break, sila na raw nong babaeng kasama niya sa pine tree. Grade 8 palang 'yong babae at sumali noong pageant nong Intrams. Maganda siya.

Kaya dinidistansya ko ang sarili ko kasi hindi naman ako malandi. May girlfriend 'yong tao kaya dapat lang na lumayo ako. Kaya hindi ko na siya ininvite nong birthday ko nong January. He greeted me and I say thanks.

Dylan: Happy birthday to you, Anne. Always be the loving person you were to your family, friends and me. Enjoy your day. Love u

Medyo nashock ako sa Love u niya at kinilig ako ng slight pero naisip ko na hindi tama kaya tumigil na ako sa pag assume.

Si Kiro rin binate ako, hindi naman nagbago ang tungo niya sa akin. Ganon parin siya kung anong trato niya sa akin noon.

"Happy Valentines!"

binati ko ang mga nakakasalubong na kakilala papuntang room. Bawat classroom na nadadaanan ko ay may mga nakasabit na mga puso. Ang mga estudyante naman ay naka color coding. Syempre pag pula ibig sabihin in love o kaya may jowa. Wala sa color coding ang suot ko ngayon. Nakawhite blouse ako at ang meaning non sa akin ay "Wala lang"

Ang sabi ng officers may multa raw pag hindi sumunod sa color coding, pake ko ba sa kanila? Charot!

Nilagay ko lang ang bag ko sa room at dumiretso na sa field para mag flag ceremony. Himala at nandito na ang mga kaibigan ko. Excited ba sila sa activity ngayong umaga?

"Himalaaaaa,"

Kumanta ako at sinadyang iparinig 'yon sa kanila.

"Hoy Anna! Magbago ka na lagi ka nalang late," sabi ni Liza.

"Wow, hiyang hiya naman ako sa inyo!"

Nagtawanan kami at nag apir dahil wala lang. Trip lang namin e. Pinatahimik na kami ng magl-lead ng flag ceremony kaya umayos na kami.

Pagkatapos ng flag ceremony and all, hindi pa kami umalis ng field dahil may pakulo ang SSG. Kanina pala sa gate nagbigay sila ng half na heart at ang sabi nila ngayon daw namin hahanapin kung sino ang kabiyak n gaming puso. Naks!

"Hoy bakit parang wala akong kabiyak!" reklamo ni Rhea.

"Baka single ka na talaga forever mare!" sabi naman ni Liza.

Lol ewan ko sa dalawang 'to. Pinagdikit ko ang puso ko sa mga kakilala ko pero wala naman akong kamatch.

"Hoy try mo kay insan!" si Rica sabay hila sa'kin papunta kay Dylan. Nagmatigas ako pero malakas talaga si Rica kahit na maliit kaya wala akong nagawa.

"Hoy try niyo nga!" utos niya.

"Hindi yan match," sabi ko sabay irap kay Dylan.

Kumunot ang noo ni Dylan.

"Try nga lang. Gaga!"

Hinila ni Rica ang buhok ko pero mahina lang naman. Nilapit ko ang puso ko kay Dylan.

"Try," sabi ko.

Deep inside alam kong gusto kong match kami para meant to be ang drama.

"Huh? Hindi ako kumuha," sabi niya.

Ayy potek! Walang hiyaaaaaa! Uminit ang mukha ko dahil nakakahiya ang ginawa ni Rica.

"Pfffft! HAHAHAHAHA" Tawa ni Rica. "Peste! Bat di mo sinabi agad?"

"Wala ka talagang puso, Dy." Biro ko nalang.

Umalis kami sa linya ni Dylan habang sinasakal ko si Rica. Walang hiya siya! Pinahiya niya ako.

"Sorry naman, Anna! HAHAHAHA"

"ANNA!"

Nilingon ko si Kiro na papalapit sa pwesto namin. Tinaas niya ang dala niyang puso habang nakangiti sa akin.

"Ang gwapo," bulong ni Liza at kinurot ang tagiliran ko.

"San ang puso mo?" tanong niya.

Tinuro ko ang kaliwang dibdib ko.

"Nandito!" biro ko.

Natawa naman siya,

"Akin na?" nakangising tanong niya.

"Yieeeeeee!" panunukso ng mga kaibigan ko kaya napapatingin ang ibang estudyante sa amin. Pinandilatan ko sila ng mga mata para tumigil.

"Try natin imatch!" sabi niya.

Dinikit ko ang puso ko sa puso niya.

"Yaaaaay! It's a match!" masayang sabi niya.

Tinukso ulit kami nila hanggang sa may mga estudyante na sa ibang year ang sumali. Mas lalong lumakas ang tuksuhan nang papuntahin kami sa stage. Hindi lang naman kami kundi ang mga nagmatch din.

Nang nasa stage na kami pabiro kong sinamaan ng tingin ang mga kaibigan. Nahagip naman ng tingin ko si Dylan na seryoso lang ang tingin sa akin. Umiwas ako agad at hindi na lang siya pinansin. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top