Chapter 15


Saturday came and it was Kiro's birthday. Gaya nga ng usapan namin ni Vanny sumama siya.

It was 5pm when we arrived at Kiro's house. Hindi na kami nagpasundo sa kanya dahil hassle naman 'yon. Birthday niya tapos papasundo pa kami? Ngi. He offered but I declined.

"Happy birthday Kiro!" I greeted.

Nagdadalawang isip ako kung yayakapin ko ba siya but I hugged him anyway.

"Naks, best gift!" sabi niya.

Pinalo ko siya sa braso dahil don.

"Sira! Ito 'yong gift," sabay abot ko ng regalo ko.

Tinanggap niya naman ito at sinuri habang nakangiti. Napailing ako habang nakangiting pinapanood siya, ang cute lang.

"Oy, nandito pa ako. Happy birthday Kiro!" si Vanny.

"Thank you, Van. Nasa loob na si Ashton, hinihintay ka niya."

Kiro winked at me dahil tinutukso niya si Vanny kay Ashton. Alam din pala niya.

"Luh? Pake ko naman don! Tara na nga, nasan ba siya?"

Natawa nalang kami ni Kiro dahil nauna ng pumasok si Vanny. Giniya kami ni Kiro sa Garden nila, nandon na ang kabanda namin at ibang kaklase at kaibigan ni Kiro. Pinansin ko naman ang mga kakilala at nginingitian ang mga nakakasalubong ko ng tingin.

Nilagay muna namin ang gift doon sa table para sa mga gifts tapos si Vanny naman ay pinaupo na ni Ashton doon sa table nila.

"Tara... Ipapakilala kita kay Mama," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Wait ano?" napahinto ako sa paglalakad kaya huminto rin siya.

He smirked, "Scared ka?"

"Hindi naman hahaha Nahihiya lang?"

"Don't worry, mabait si Mama."

Hala naman! Hindi naman kailangan pero sige na nga bilang respeto narin na nandito ako sa party. Huhu Nakakahiya

Pumasok kami sa loob ng bahay nila Kiro, dumiretso kami sa kusina kung nasaan ang Mama niya. Binabati ko rin ang mga taong nakakasalubong namin. Relatives ata ni Kiro.

"Ma!" tawag ni Kiro sa Mama niya. Nagb-bake ata siya dahil may mga flour sa mesa.

"Oh anak?" nilingon niya si Kiro at napunta ang tingin niya sa akin.

Maganda ang Mama niya, may mga features si Kiro na manang mana sa kanya. Gaya nalang ng mata at ilong.

"Ma, si Annastacia. Nililigawan ko po,"

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kinabahan tuloy ako kasi naman itong si Kiro.

"Hello po," I greeted then smiled.

Hindi ko alam anong gagawin ko kaya iniextend ko nalang ang kamay ko for a handshake.

"Luh? Masyado namang formal, Anna. Let's make beso nalang,"

Ngumiti siya kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil don. Lumapit ako sa kanya para bumeso.

"Itong si Kiro ba nanliligaw ng maayos? Naku! Pag ikaw talaga sinaktan ng batang 'to, sabihin mo sa akin uupakan ko 'to." Biro niya.

"Ma naman," napahawak si Kiro sa batok niya.

"Hehe maayos naman po, Ma'am." Sabi ko.

"Too formal, Anna. Just call me Tita. Okay?" she smiled sweetly.

"Okay po, Tita."

"Labas na po kami, Ma. Kakain lang," paalam ni Kiro at hinawakan ako sa magkabilang balikat at dahan dahang tinulak palabas ng kitchen.

"Okies, eat well. Don't be shy, Anna. Feel at home," pahabol ni Tita.

"Thank you po," sagot ko.

Doon na kami pumwesto kung nasaan sila Vanny. Nag-iinuman 'yong ibang kaibigan ni Kiro habang kumakanta sa karaoke.

"Ako na kukuha ng food mo," sabi niya nang maihatid ako sa table.

"Ha? No, tara sabay na tayo." Sabi ko.

Tumayo na ako para hindi niya na ako pigilan. Kumuha kami ng pagkain sa buffet para dalhin don sa table namin. Masaya ang birthday ni Kiro, we played games na pinangunahan ng president ng klase nila. Sumali kami pareho ni Vanny dahil bawal naman KJ. Nang mag n-nine na nagpaalam na kaming umuwi ni Vanny dahil tinext na ako ng ate ko. Hinahanap na raw ako sa bahay.

"Anna, sasabay ako kay Ash." Vanny wiggled her eyebrows. Napapailing na natatawa nalang ako sa kanya.

"Uwi agad ha? Wag na kung saan saan," sabi ko. Ginaya ko 'yong sinabi niya nong Acquintance.

She just laughed and bid her goodbye. Ihahatid naman ako ni Kiro ngayon dahil wala ng maskyan. Gabi na e. Hindi na ako nakapagpaalam kay Tita dahil natulog na raw sa sobrang pagod.

"Thank you," sabi ko nang makababa sa motor niya. Nasa harap na kami ng bahay namin.

"No, thank you, you made me happy." He said with a smile on his face.

I smiled too.

"Happy birthday ulit. Ingat ka sa pag-uwi,"

"Aye, aye captain!" sumaludo pa siya bago pinaharurot ang motor paalis.

Si Ate nalang ang gising pa pagpasok ko ng bahay. Buti naman kasi baka iinterviewhin na naman ako ni Mama at Papa e. Pumasok na ako sa kwarto ko. Nag half bath at nagbihis ng pantulog.

Tinapon ko agad ang sarili sa kama pagkatapos magbihis. Kinuha ko ang phone na nasa side table para icheck kung may message ba.

Bumangon ako agad nang makita ang pangalan ni Dylan sa lock screen. I opened his message while my heart is beating so fast again. D's effect activated.

Dylan: Hi, still up?

It was sent just 5 minutes ago.

Me: Yep, why?

Dylan: What u doing?

Me: Higa. Ikaw?

Humiga na ko ulit habang naghihintay sa reply niya.

Dylan: Patabi

Natawa ako sa text niya. Walang hiya naman 'to.

Me: Walang space. Hahaha

Dylan: L

Me: Tulog ka na.

Dylan: Maya na, usap pa tayo.

Me: Tungkol saan?

Dylan: Ikaw bahala.

Inaantok na ako pero dahil katext ko pa ang damuhong 'to. Pinipilit kong idilat ang mga mata ko mareplyan lang siya. Pero walang hiya naman, siya unang nagtext kaya dapat siya ang mag-isip ng topic.

Me: Tulog ka nalang.

Dylan: Are u sleepy?

Me: Hindi pa naman, baka ikaw?

Dylan: I had a few drinks.

Me: What? Uminom ka? Sinong kasama mo?

Dylan: Si Papa, pinainom ako e

Me: Lasing ka?

Dylan: No, just tipsy.

Me: Then sleep, sasakit ang ulo mo nyan

Dylan: Saw u

Me: Ha? Saan?

Nagtaka ako sa text niya. Nakita niya ba ako kanina na kasama si Kiro?

Dylan: Saw u lang ako.

Pfffft! Feeling ko uminit ang pisngi ko dahil sa nabasa ko. Nabangon ako at pinaypayan ang sarili. Gosh! Anong gagawin ko sa'yo Dylan?

Me: HAHAHAHAHA ang corny naman

Dylan: L

Dylan: But did it make u kilig?

I bit my lips while thinking of a reply. Eto na naman si Dylan, pinapaasa na naman ako. Sadyang binibigyan ko lang ng meaning ang mga sinasabi niya kaya ako umaasa.

Me: lol Dy, just sleep. Hahhaha

Dylan: I miss you

Gosh! Dylan is drunk texting me! What should I feel about this? Gaga! I caught myself smiling while reading his text. But then my tears started to pool in my eyes.

Hindi ko kalian man sinabi sa kanya na mahal ko pa siya pero mararamdaman niya naman sana 'yon sa mga kilos ko. Mararamdaman niya 'yon kung hindi siya manhid.

Nasasaktan ako kasi eto na naman e, eto na naman kami. Naguguluhan na ako sa kanya.

Dylan: Goodnight

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top