Chapter 12

Tumambay muna kami sandali sa café bago bumalik sa room. Hindi rin nagtagal ang chika namin ni Kiro dahil kailangan na nilang bumalik sa room nila.

"May pasok kaya tayo mamaya sa P.E.?" tanong ko.

Tinatamad na naman kasi ako. Baka magv-volleyball kami mamaya pero lagi namang busy si Sir Ian kaya sana walang PE mamaya.

"Ugh. Kairita!" si Rhea habang nagliliptint. Walang hiya naman 'to.

"Busy ata si Sir," sagot ni Vanny.

"Sana walang PE," si Janna na tinatamad din.

Tumayo ako dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

"CR lang ako," paalam ko at naglakad papuntang CR.

"Anna!" biglang kumabog ng malakas ang puso ko. The D's effect again. Imbis na lingunin siya binilisan ko ang lakad ko.

"Anna," tawag niya ulit. Hindi ko ulit siya nilingon. Hindi naman ako galit sa kanya, ayaw ko lang siyang pansinin dahil naiinis ako sa nararamdaman ko.

"Anna!" he called again.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya sinasabayan ko nalang kung saan ako dadalhin ng paa ko nang biglang hindi ko napansin na end of the way na pala yun at wala ng hagdan kaya ang ending, nadapa ako.

"Shit!"

"Anna!" sigaw ni Dylan.

Napapikit ako dahil naabutan niya ako. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Ano ba?" mahinang sabi ko. Yumuko ako para tignan ang sugat sa tuhod ko. Tanga ka talaga Anna kahit kailan.

Inalalayan niya akong tumayo. "Let's go to the clinic," sabi niya at hinawakan ang palapulsuhan ko. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa akin.

"Kaya ko ang sarili ko," sabi ko sa kanya.

Ayan na naman ang mga tingin niya na napakasuplado kaya napaiwas ako. "Sasamahan kita sa ayaw at sa gusto mo," sabi niya.

"Ayoko nga!" reklamo ko at pinilit na tanggalin ang kamay niya sa kamay ko.

"Sasamahan kita o bubuhatin kita papuntang clinic?" pambabanta niya. Para kaming nasa staring contest dahil pareho kaming nakatitig lang sa mata ng isa't isa walang nagpapatalo.

"Tsk! Ang kulit! Pupunta na nga!" sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya. I can't win.

Tss. As if naman kaya niya talaga akong buhatin 'no?

Iniirapan ko siya habang papunta kami sa clinic. Naiinis ako sa presence niya. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng clinic.

"Goodmorning Ma'am Dianne," bati ko.

"Oh Anna? Bakit?" tanong niya.

Tinuro ko ang sugat ko sa tuhod.

"Hala, napano yan?" tanong niya.

Napakamot ako sa ulo ko. "Nadapa Ma'am," sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Naku Anna, ano ba yan? High School ka na bat ka pa nadadapa?"

Bata lang ba pwedeng madapa?

"Hehe..." tanging sagot ko.

"O sya," tiningnan niya si Dylan na nasa likuran ko.

"Mr. Ruiz, ikaw na muna ang bahala rito kay Anna. Alam niyo na naman ang first aid diba? Pupuntahan ko pa kasi si Ma'am Marilyn dahil magpapa bp daw."

"Okay Ma'am," sagot ni Dylan.

Ano? Ayaw ko nga siyang kasama e tapos siya pa ipapaasikaso ni Ma'am sa akin? Magrereklamo pa sana ako pero iniwan na kami ni Ma'am Dianne.

Pumasok na lang ako sa clinic at hinanap ang first aid kit. "Ako na rito kaya ko na," sabi ko sa kanya.

Napalingon ako sa dalawang bakanteng bed. Wala na si Kate baka pinauwi or okay na siya? Ewan ko! Inagaw ni Dylan sa akin ang first aid kit at hinila ako paupo sa bed.

"Ako na," sabi niya. Napaiwas ako ng tingin nang tingnan niya ako ng mariin sa mga mata. Damn it! Mas malakas na ang tibok ng puso ko ngayon na malapit siya sa akin plus kami lang dalawa rito sa clinic. Baka anong isipin ng mga makakakita sa amin dahil dalawa lang kami rito. Duhh! Sino ba naman kasi ang may matinong pag-iisip ang gagawa ng kababalaghan sa clinic? I mentally slapped myself. Yan! Kung ano ano na naman iniisip mo Anna.

Pinunasan ko ang noo ko dahil sa namumuong pawis. Tiningnan ko rin si Dylan na nilalagyan ng betadine ang cotton. Pinagpapawisan din siya. Naku! Baka talaga anong iisipin ng mga tao pag nakita kaming pinagpapawisang dalawa rito.

Napaubo tuloy ako at pinaypayan ang sarili. "Alam mo kaya ko naman e. Hindi kita kailangan," sabi ko.

"Alam ko," sabi niya rin. Sinimulan niya ng gamutin ang sugat ko. "Aray naman!" reklamo ko.

"I'm sorry."

"Kasalanan mo 'to e," paninisi ko.

"Hindi naman kita tinulak. Ikaw 'tong hindi nag-iingat,"

"Kasi naman, tawag ka ng tawag."

"'Cause you were running away. Were you avoiding me?" diretsong tanong niya kaya nagulat ako. Hindi ako nakapagsalita agad. Ayaw kong aminin sa kanya. Kailangan ko pa bang aminin sa kanya? Hindi niya ba feel yun? Manhid ba talaga siya?

"E-ewan ko sayo," sabi ko nalang.

Napailing naman siya at hindi na ulit nagsalita. Ano ba? Bakit tahimik lang siya? Ayoko ng tahimik lang.

Napaatras ako ng bigla siyang tumayo.

"Oh?"

Kumunot naman ang noo niya saka tumabi sa akin. Mas lalo akong napaatras,

"Hoy!" nagpapanic na ako.

Kinuha niya ang braso ko at pinakita sa akin ang sugat ko sa siko. Luhh? May sugat pala ako rito? Hindi ko man lang napansin.

"What are you thinking?" he smirked.

Inirapan ko siya. "Wala!"

Mas lalo siyang ngumisi. "Tell me,"

"Ang kulit mo sinabing wala nga e, upakan kita dyan e."

He chuckled. leche! Wag nga siyang tumawa kasi naiinis ako. Ang sarap ng tawa niya e. Marupok pa naman ako!

"Calm down baby," he whispered.

Nanlaki ang mga mata ko. harujuskooooo! Lord, ilayo niyo po ako sa temptasyon!

"Tell me why you want to avoid me," he looked intently in my eyes.

Should I tell him?

"Kate..." napayuko ako at nilaro ang mga daliri ko.

"Are you jealous?" he asked.

"Asa ka naman!"

Natawa siya at napailing, "Don't worry I just helped her kanina."

"Hindi kayo nagkabalikan?" I asked.

He shook his head. "I don't want to."

"Why?"

"Anong why?"

"Bakit?"

"I don't love her anymore."

Ah so he really loved her? Bakit parang nasaktan ako doon. Ano ba self? Pwede ba? Hindi lang naman ikaw ang pwede niyang mahalin eh, maraming babae sa mundo. Tsaka pareho lang kayo ni Kate na ex na. Haha

I sighed. "Okay,"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top