Chapter 11
Lunes, maaga akong pumasok dahil tinext ako ni Janna. Hindi niya raw natapos ang assignment niya kagabi kaya kokopya siya ngayon. Medyo hindi niya kasi nakuha yung isang solvings sa Math. Nagets ko naman kaya tutulungan ko siya.
"Ayy gurl, pakopya!" bungad niya pagdating ko sa room.
Kinuha ko naman agad sa bag ko ang assignment at binigay sa kanya. Pinanood ko lang siya at tinuro nadin sa kanya yung hindi niya magets.
"I'm done!" anunsyo niya.
"Hoy! Pakopya din!" si Rica na kakarating lang. Tumabi agad siya kay Janna at kinuha ang papel nito.
"Hoy ikaw!" hinarap ako ni Janna.
"Hoy ako. Bakit?"
"Hinatid ka ni Dylan nong Friday ah. Ayiiieeee!" sabay kurot niya sa tagiliran ko. Hinampas ko naman agad ang kamay niya.
"Gaga! Anong ayiiiee."
"Sus, if I know kinikilig yang bilat mo! Ikaw pa, basta sa ex mong yun!"
Napailing ako dahil sa sinabi niya. "Bunganga mo, Janna!"
"Ay bakit?! Hindi ba totoo? Marufokfok ka kaya pagdating kay Dylan! So anong nangyari? Ikaw ha! Wag mo akong echosen alam kong meron yan!" mahabang lintanya niya.
Wala pa nga akong sinasabi pang eechos agad.
"Ano bang iniexpect mong mangyari?" kunot-noong tanong ko.
"Wala naman, baka muling naibalik na ang tamis ng pag-ibig niyong dalawa."
"Hinatid lang, nagbalikan na?"
"Alam mo namang wala silang label diba?" singit ni Rica.
"Friends nga lang kami diba?"
"Friends my ass!"
"So anong plano mo dun kay Kiro? Sasagutin mo ba yun?"
I just shrugged. Hindi pa naman kasi ako nakakapagdecide.
"Sinong pipiliin mo, iha?"
"Kailangan ko ba talagang mamili?"
"Aba! Oo, hindi naman pwedeng sabay silang umaaligid sa'yo 'no."
Naalala ko tuloy yung tinanong ako ni Xavi, kung ako yung babae sino ang pipiliin ko? yung mahal ko o mahal ako? And I answered, yung mahal ako kasi matututunan ko namang mahalin yun. And thinking of it now, matututunan nga ba?
Ah, oo nga pala. Hindi niya naman ako inupdate kung anong nangyari don sa story na binabasa niya. Matanong nga mamaya.
"Kung ako sa'yo paprangkahin ko si Dylan kung mahal niya pa ako. Cause girl, he's so confusing! Kung mahal ka niya, he should make you his girlfriend at kung hindi naman, he must leave you alone and stop acting like he's a jealous boyfriend!"
Akala naman niya madali yun. Tsk.
"Ewan ko, Janna. Nasstress ako," sagot ko nalang.
Buti tinigilan niya na rin ako dahil sa pagdating ng ibang kaibigan. Nagbatian kami at nagchika about sa nangyari nong Acquaintance. Katulad ni Janna, kinulit din nila ako anong nangyari nong hinatid ako ni Dylan.
Ano bang iniexpect ng mga 'to?
"Wala ata si Ma'am," puna ni Rhea.
Napatingin ako sa relo ko, 8:30 na nga. Mukhang hindi na siya papasok. Inikot ko ang tingin ko sa classroom, si Dylan din hindi pa dumarating. Late na naman ata? Eh ang lapit lapit ng bahay e.
Speaking of, pumasok na siya suot ang malinis niyang uniform. Nagtama ang tingin namin pero umiwas naman ako agad. Ayan na naman ang puso ko. Kumakabog na naman ng malakas. Kailan kaya mawawala ang epekto ni Dylan sa'kin? O mawawala pa kaya?
"Shit! ang gwapo!" malakas na bulong ni Janna sa tabi ko kaya nasapak ko. Napalingon kasi si Dylan sa min at nagtinginan lang naman kami.
"Aray ha! Hindi mo pag-aari yan kaya wag kang madamot."
"OOOOOOOhhhhhh!"
Ouch. Truth hurts!
Nawala na ulit ang atensyon sa kakapasok lang na si Dylan. May bagong chismis na naman kasing nasagap si Gelly kaya sa kanya nabaling atensyon namin. Pero hindi ko maiwasan ang pagtingin sa pwesto niya. Nasa row 1 siya at kami naman ay nasa row 3. Nakita kong lumapit si Kate sa pwesto niya. Kumunot ang noo ko. Sila na ata yata talaga.
Napatayo ako nang muntik na siyang matumba, nahilo ata buti nalang nahawakan siya ni Dylan. Kumunot ang noo ko nang yakapin niya si Dylan, ang lalaki naman ay inalalayan siya. Bakit kailangan yumakap? Bakit? May ibang kaklase namin ang lumapit sa pwesto nila para tingnan siya.
Iniwas ko ang tingin ko at umupo nalang. Parang kinukurot ang puso ko dahil sa nakita ko. Gusto kong umiyak dahil nasasaktan ako pero anong karaptan ko? This is what I was talking about, I don't have the right to be jealous.
Napansin kong napapatingin ang mga kaklase namin sa akin, tinitingnan ata kung anong reaksyon ko sa nangyari. Mga punyeta! Syempre, masakit! Mahal ko yan e pero nginitian ko nalang sila para hindi na sila mag-isip ng kahit na ano. I don't want them to see that I am hurting. Ayokong magmukhang pathetic sa harapan nila. Never!
"Okay ka lang?" Janna asked.
My friends looked worried but I just smiled at them.
"Bakit naman hindi?" tanong ko pabalik.
Buti nalang hindi narin nila ako kinulit dahil baka mag walk out lang ako. Ano ba talagang relasyon nila ng Kate na yan? Nagkabalikan ba sila? Damn! Anong pake ko? Shit, bat ang sakit?
Hinatid nila si Kate sa clinic dahil nahihilo nga talaga siya.
"Baka preggy?" si Janna habang nakatingin sa akin.
Bakit ba ako tinitingnan ng baklang 'to? Ako ba nakabuntis? Tsaka nahilo lang, buntis na agad? Jusko naman!
"Hala! Sino kaya ang ama?" si Gelly naman na sinang-ayonan ang konklusyon ni Janna.
"Baka si Dylan?" nakangising sabi ni Rey. Binatukan naman agad siya ng katabi niyang si Vanny.
Kumabog tuloy ng malakas ang puso ko. Chismis din kasi ng mga kaklase ko na may nangyari na daw sa kanila. Hindi naman ako naniniwala pero... hindi ko na alam ngayon.
"Mga gaga kayo! Nahilo lang buntis na agad?" bara ni Nicole.
Buti naman may matino pang mag-isip sa barkadang 'to.
"Alam mo! Wala naman si Ma'am kaya halika at makichismis tayo doon!" aya ni Rhea at hinila patayo ang nakaupong si Liza.
"Hoy teka! Sama ako!" si Rica naman na tumayo na at sinamahan ang dalawang babae.
Napapailing nalang akong pinanood silang tumakbo palabas. Naiwan nalang dito si Janna at Vanny. Kinunotan ko ng noo si Janna, bakit pa siya nandito e isa din tong chismosa.
"Bat di ka sumama don?" tanong ko.
"Tinatamad ako gurl."
"Tss. Baka nag iinarte lang yung babae,"
Napatingin ako kay Vanny nang bigla niyang sabihin yun. I just shrugged. Ayoko ng makealam. Kung ano mang meron sa kanila ni Dylan, bahala na sila don.
Hindi din pumasok ang prof sa pangalawang subject kaya pumunta nalang kami sa canteen. Ginugutom na raw kasi si Vanny kaya gumora na kami. Naabutan naman namin don ang banda.
"Hi Anna!" bati nila.
Nauna ng umorder sila Vanny dahil huminto pa ako sa table ng Unbothered.
"Hi guys!"
"Hi Miss," si Kiro na ang tamis ng ngiti sa'kin.
"Kita..." dagdag niya pa.
"Ooooooh! Smooth!" panunukso ng barkada niya.
Uminit ang pisngi ko dahil don. I'm really starting to like Kiro, sana magtuloy tuloy na.
"Hi." I smiled.
"Hmmm, may problema ba?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Huh? Wala naman. Bakit?"
Napaatras ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Medyo nailang tuloy ako, buti nalang konti pa ang estudyante ang narito dahil hindi pa naman talaga break time.
"Weh? Bat ang lungkot ng mga mata mo?"
I blinked twice, I don't know what to react. Napuna niya ang lungkot sa mga mata ko, ganun ba siya kaobservant? O ganun ako ka transparent?
"Huh?"
"Hakdog!"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pambabara niya. He just chuckled and say,
"Ang cute mo talaga!" before letting go of my face.
For the second time, I felt my cheeks burning. Gosh! Kiro, anong gagawin ko sa'yo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top