Chapter 1
Habang ang lahat ay may kanya-kanyang ginagawa dahil vacant, ako naman ay pinapanood ang dalawang timang na nasa likuran. Si Dylan at Xavi na bestfriend niya. Pareho silang nakaupo, nakakrus ang dalawang paa, ang mga kamay ay nasa gilid at medyo nakataas. Nakapikit din ang mga mata nila. Para silang si Budhha.
Kunot-noo ko silang pinapanood sa kaweirdohan nila. Kung nag memeditate man sila, hindi naman ito ang tamang lugar para gawin yan 'no.
"Aray! Potek!" bulong ko at napahawak sa buhok nang may humila nito.
Nilingon ko ang nakaupo sa likuran. Si Irish at si Nicole na nagtatawanan. Nanahimik ako dito, anong problema ng dalawang 'to?
"Ano ba? Masakit," reklamo ko.
Nagkatinginan sila at nagtawanan. Isa pa 'to, mga baliw ata. Leche!
"Anna!" tawag ni Trent.
Umalis nalang ako sa upuan ko. Mahila na naman buhok ko don kaya mas mabuti pang umalis nalang. Di ko alam bat ako ang napagtripan ng dalawang yun.
Nilapitan ko si Trent. Isa siya sa mga close kong lalaki dito sa room dahil magkapit bahay kami. Sabay kami minsan umuwi dahil pareho kaming naglalakad lang. Malapit lang naman kasi ang school.
"Ano?" tanong ko.
"Tulungan mo ako!" sabi niya at hinila ako paupo sa tabi niya.
"Bakit ba?"
"Gawan mo ko love letter!" hinawakan niya ang isang kamay ko at nagpuppy eyes. Hindi ko alam pano niya nagawa yun kahit singkit naman ang mga mata niya.
"Ang swerte mo naman!"
"Tangi! Ibigay natin kay Lulu." Nakangising sabi niya.
Inirapan ko siya at iiwan na sana. "Hoooy! Libre kita kwekkwek!" sabi niya at hinila ulit ako paupo.
Si Lulu nga pala ang long time crush ni Trent. Siya yung pinakamaganda at pinakamatalino sa Grade 4. Ang sabi ni Trent, since birth niya pa raw crush yun. Ang gago e.
"Ano bang ilalagay ko?" tanong ko. Alam ko na kung bakit ako pinapagawa ng love letter, ang pangit ng sulat kamay e! HAHAHAHA Wala lang natatawa lang ako. Actually, tatlo sila ditong parang dinaanan ng bagyo ang pagkakasulat.
Pang third lang itong si Trent, pangalawa si Xavi, ang pinaka una naman na parang hindi na maintindihan ay si Dylan.
"Wait lang, CR lang ako." Paalam ni Trent.
Ano bang ilalagay ko dito sa love letter na'to? Tsk. Sasabihin ko ba ang kabaliwan ni Trent sa kanya? Ang sarap pgtripan. Natawa ako sa isip ko, wag nalang baka mabusted, iiyak pa yun kawawa naman. Pero ano kayang mukha ni Trent pag umiiyak?
Nahinto ako sa pag-iisip nang biglag sumulpot si Xavi sa tabi ko. Gosh, napapalibutan ako ng mga weirdo.
"Anna! I learned something!" naka evil laugh pa si Xavi niyan kaya kinunotan ko ng noo.
"Busy ako, Xavi!" sabi ko.
"It's about you! Ayaw mo bang malaman?" he asked.
Napaisip naman ako, ano na naman kayang kaweirduhan ang sasabihin nito?
"Hey! Alis alis, may gagawin kami." Pagtataboy ni Trent sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya at parang nagtataka. Tinuro niya kaming dalawa ni Trent, "Uhh... Are you two dating?" he asked.
Natawa naman kami ni Trent sa sinabi niya. Jusko, ang bata bata ko pa sa dating dating na yan.
"Of course not." Sagot ko.
Pinaningkitan niya kami ng mga mata at tumango tango.
"Okay good. Cause someone might get hurt if you do." Sabi niya at iniwan na kami.
Nagkatinginan kami ni Trent. "Ano daw?" tanong ko.
"Ewan ko sa weirdong yun!" sabi naman niya.
Sinapak ko nga. Makaweirdo 'to. "Gago ka, Magkaibigan kayo nun kaya mana yun sayo." Natatawang sabi ko.
Kinurot niya naman ako sa braso kaya napa-aray ako. "Ano ba! Masakit!"
"Nanggigigil ako sayo e!" sabi niya at kukurutin sana ulit ako.
Sinapak ko nga. Boset e ang kulit!
"Guys! Maglinis na daw sabi ni Ma'am!" announce ng PIO namin.
"Ako na gagawa, bukas mo nalang ibigay." Sabi ko kay Trent.
"Aish! Tapusin mo na ngayon, wag na tayong maglinis." Sabi niya at nginitian ako. Halos di na makita ang mga mata niya dahil sa pagngiti. Para siyang kengkoy!
Tumayo ako at nilagay ang mga kamay sa bewang. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy dela Cruz baka nakakalimutan mo, ako ang President dito."
"Kaya nga, sinasabi ko sayo wag na tayo maglinis." Bulong niya pa.
Pinalo ko nga ng papel. "Anong sabi mo?!"
"Sabi ko nga maglilinis na Ma'am." Sabi niya at tumakbo na palabas.
Napatingin ako sa kakapasok lang na si Dylan. Tiningnan niya muna ako ng masama bago ako lampasan. Anong problema non?
Nagsimula na akong magwalis sa Park at hindi parin mawala sa isip ko kung bakit ang sama ng tingin ni Dylan. Tss. Nakaktakot yung tingin na yun parang anytime manununtok.
"Hoy!"
"Ay kabayo!" gulat na sabi ko.
Sinamaan ko ng tingin sa Xavi na tawa ng tawa dahil sa pagkagulat ko.
"Ano ba?!" sigaw ko.
Nilagay niya ang kamay sa chin na animoy nag-iisip, "It looks like you're in deep thought."
I stared at him for a while. Tama baka alam ni Xavi kung bakit nagkaganun yung bestfriend niya.
"Oooops."
Nagulat kami ni Xavi ng biglang dumaan si Dylan sa gitna namin, hindi lang man nag excuse ang bastos talaga!
"Anong problema nun? Kanina pa yun ah! Naiinis na ako." Reklamo ko.
Natawa si Xavi sabay bulong habang nakatingin sa papalayong si Dylan na may dalang basura. "I guess someone is jealous."
"Huh?" naguguluhang sabi ko.
Sinong nagseselos? Bakit magseselos?
"I think I need to tell you something." Sabi niya.
Leche! Bat ba siya nag eenglish?
"Ano?" tanong ko. I'm all ears.
"He likes you."
"Huh? Sino?" nagtatakang tanong ko.
"Dylan likes you."
Kumunot ang noo ko pagkatapos natawa ako. "Anong trip yan Xavi? Baka nasobrahan ka ng katol ha."
Natigil lang ako sa pagtawa nang mapansin kong seryoso lang siya. Oh okay, seryoso talaga siya? Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Tsk. Anong nangyayari sa'kin?
"Pano mo nasabi?" tanong ko.
"He told me. It's our secret." Nakangising sabi niya.
Edi hindi na secret, sinabi niya sa'kin e. Baliw ba siya?
"He also told me that he will court you." Sabi niya pa.
My heart starts beating so fast. Hinanap ng mga mata ko si Dylan and saktong papunta siya sa pwesto namin. Our eyes met.
I swore I would never like him, right?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top