04.

HEAVEN.

NAKAY KOBE NA ang lahat. Pogi? Check. Mabango? Check. Gentleman? Check. Kamalasan? Check na check.

Kaloka. Ang usapan namin, magkikita lang kami sa gymnasium pero nadatnan ko siyang naglalaro. Todo cheer pa ako kanina kahit ako lang mag-isa ang sumisigaw ng pangalan niya, tapos ayan.

May benda na ngayon ang ulo niya, kanina pang walang malay. Buti na lang at bukas pa rin ang clinic ni Dr. Alvarez na kalapit lang ng gymnasium. 'Yong gym at clinic kasi na 'to ay pagmamay-ari ng Montealto Elementary School na laging bukas para sa lahat.

Niyakap ko ang sarili ko. Medyo nanginginig na ako sa lamig. Tunog lang ng aircon ang naririnig sa clinic, habang naghahalo naman ang amoy ng alcohol at kung ano mang mabangong essential oil ang ihinalo sa humidifier. Iniwan lang kami ng doktor dito sa isang cubicle na mga puting kurtina lang ang nagsisilbing harang.

Nandito na ako mula noong tinulungan ako nina Andrei na dalhin dito si Kobe. Sabi ni doc hindi naman life-threatening at walang major injuries, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya tinawagan ko ang mga magulang niya kanina para sunduin siya.

Ipinatong ko ang siko ko sa higaan ni Kobe at saka humalumbaba. Ang sarap niyang pagmasdan. Ang haba talaga ng pilikmata niya. Iyon talaga ang lagi kong napapansin sa kanya eh. Ang kinis niya pa, mas maputi pa siya sa akin. Partida, kakulay ko na 'yong mga anghel na nasa lata ng Angel Evaporada ah.

"Hay nako ka, Kobe," sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya. "Ngayon pa naman sana ako aamin na gusto kita."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang nagmulat nang bahagya. Akala ko ba'y tulog ang isang 'to?!

Pero hindi siya nagsalita. Bahagya pa ring nakamulat ang mga mata niya na tila hindi pa siya tuluyang nagigising. Bumaling sa akin ang tingin niya nang ilang segundo bago siya muling pumikit nang dahan-dahan.

Nakahinga ako nang maluwag. Salamat naman at hindi niya narinig. Ang panget kung malalaman niya sa gantong paraan, 'no. Hindi ako ready.

Binantayan ko lang si Kobe hanggang dumating na ang mga magulang niya.

"Thank you, Heaven! Una na kami," sabi ng mommy niya habang kinakawayan ako. Tulog pa rin talaga si Kobe noong ipinasok siya ni tito sa kotse.

Ngumiti ako at kinawayan si tita pabalik. "No worries po tita, ingat po kayo."

Nalanghap ko pa ang usok galing sa tambutso ng sasakyan nila. "Pwe! Ano ba 'yan," sabi ko habang tinatakpan ang ilong ko.

"Okay, uwian na," bulong ko sa sarili. Inilagay ko sa loob ng bulsa ang mga kamay ko at saka naglakad. Palubog na ang araw. Bibili na lang ako ng pang-ulam.

Lumiko ako sa kanto kung saan nandoon ang paborito kong kainan sa Montealto: ang karinderya ni Aling Fely. Masarap ang pagkain doon. Mura pa. Doon ako lagi kumakain kapag tinatamad akong magluto o sa tuwing uuwi ako galing school at ayaw kong kasabay kumain ang punyeta kong tatay.

Ilang saglit pa'y nasa harap ko na ang glass container kung saan nandoon ang mga tindang ulam ni Aling Fely. Ewan ko ba kung anong tawag doon, imbento ko lang ang glass container. Basta do'n nakalagay iyong longganisa, tapa, ham, spam, hotdog, pati pritong tilapia. Ayaw ko nyan, isip ko.

Doon ako pumunta sa pahabang table kung saan nakahain ang iba pang ulam. Pinagbubuksan ko iyon isa-isa.

"Isa pong sinigang saka porkchop," sabi ko habang hinahanap ang wallet ko sa sling bag.

"Kakainin na dito neng?"

Napaisip ako. Sige, hindi ko na bibilhan ang tatay kong tamad. Wala namang ginawa 'yon kundi magkakat at ipusta lahat ng pera niya sa sabong. Kabwisit.

"Opo. Sinigang na lang po pala." Iniabot ko na ang bayad.

Hinintay ko lang na mailagay ni Aling Fely ang ulam, kanin, kutsara't tinidor, pati baso ng tubig ko sa tray at saka umupo.

"Thank you suki," aniya. Nginitian ko lang siya.

Umupo na ako at saka humigop ng sabaw.

Ang asim! Ganito ang gusto ko sa sinigang.

Masarap talagang kumain dito pero mainit kasi kaunti lang ang electric fan. Hindi ko nga ramdam ang hangin eh. Pinagpapawisan na ang likod ko. Madami rin laging kumakain dito kaya siksikan talaga.

Tuloy lang ako sa pagkain nang may naramdaman akong presensya sa harap ko.

"Uhm, pwedeng makiupo?"

Boses ng lalaki. Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon kaya iniangat ko agad ang tingin ko.

Siya nga.

Kung minamalas nga naman. Ang dami-daming kainan sa Montealto pero dito pa talaga napili ni Fajardo! Bwisit.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Oo nga, madaming tao kaya okupado lahat ng pwesto. . . pero ano naman ngayon? Bakit hindi muna niya tiningnan kung may upuan pa bago siya bumili ng pagkain?

Nagtama ang tingin namin.

"Dahil wala nang pwesto. . ." Ngumiti ako nang malambing. "Hindi. Dyan ka sa lapag kumain." Inirapan ko siya.

Akala ko'y aalma siya pero wala akong narinig na kahit ano habang kumakain. Nakita ko siyang naglilibot-libot sa loob ng karinderya para maghanap ng pwesto pero wala talaga.

Okay. Nakonsensya ako nang very slight.

Nasa harap ko na siya ulit, bitbit ang tray, pero tinuloy ko lang ang pagkain. Dedma sa epal.

"Sige na beh," pangungulit niya kaya napaangat ako ng tingin. Ngumuso pa ang lintek. "Lumalamig na 'yong pagkain ko oh."

Beh?! Yuck. Ano ba naman 'yan. Kadiri talaga ang lalaking 'to! Feeling close naman siya d'yan. Maka-beh 'kala mo hindi ako ghinost nang mahigit dalawang taon!

Ikinalma ko ang sarili at nagbuntong-hininga.

"Oo na, sige na. Umupo ka na bago pa magdilim ang paningin ko."

Ngiting-ngiti siya sa akin. "Thank you!" sabi niya, pero hindi ko pinansin.

Rinig na rinig ang pagtama ng mga kubyertos sa pinggan habang kumakain kami. Walang nagsasalita ni isa sa amin. Hay nako, isip ko. Kasama kong kumain si Fajardo. Parang hindi na tuloy masarap ang sinigang.

Minsan, saglit kaming nagkakatinginan pero wala pa ring nagsasalita. Iritado ko siyang tiningnan.

"Isa pang tingin mo d'yan titinidorin ko talaga 'yang mata mo."

Tiningnan niya ako na parang batang naagawan ng lollipop. "Tumitingin ka rin naman ah. . ."

Eh paanong hindi ako mapapatingin kung kada subo, nililingon niya ako?!

"Basta! 'Wag mo akong tingnan." Inirapan ko siya.

Mabuti't hindi na siya nagsalita ulit. Bakit ba parang ang tagal ng oras? Kaloka. Parang kanina pa ako kain nang kain pero hindi ko pa rin nauubos. Halos kalahati pa nga ang kanin ko eh.

Bigla siyang tumikhim.

"Uhm, Heaven.." panimula niya. "Ano... uhm, gusto ko lang magsorry sa nangyari. Biglaan lang 'yong alis namin no'n dati. Kailangan na kasi naming—"

"Hopia, tigil." Itinaas ko ang kanang kamay ko para patahimikin siya.

Ayaw ko na ng drama. Ang nasa isip ko lang ngayon ay (1) putang ina niya, (2) ayaw ko siyang makita, at (3) ang kapal ng mukha niyang magpakita sa 'kin.

Kung wala lang ako sa tamang pag-iisip, baka naihambalos ko na sa kanya itong tray na nakapatong sa table ko.

Huminga ako nang malalim. Kapag talaga nakikita ko ang pagmumukha ng kumag na 'to, nahahighblood ako kahit wala naman siyang ginagawa. Kaya ayaw ko siyang makita eh. Nadidisturb lang ang peace of mind ko.

"Sapat nang sagot sa 'kin yung hindi ka nagparamdam nang napakatagal na panahon." Sinubukan kong maging mahinahon, pero naging mariin ang pagbitaw ko sa mga salita.

Kinse anyos pa lang yata kami noon. What do 15-year-olds know about love? Hindi ko nga alam kung love bang matatawag iyon. Ang bata pa namin eh.

Ang alam ko lang, maling desisyon na pinatulan ko noon si Fajardo.

"Okay..." Tumango-tango siya. "Naiintindihan ko. Mukhang huli na ang lahat..."

Natahimik kaming dalawa. Naubos na niya pagkain niya pero ako, hindi pa. Wala na akong ganang ubusin. My gulay, bakit parang ang tagal ng oras?

"Oh, bakit nandito ka pa? Tapos ka nang kumain 'di ba?" tanong ko sa kanya.

Parang bigla akong nawalan ng ganang tarayan siya kasi wala siyang reaksyon. Nakatungo lang siya, malamlam ang mga mata.

Huy, hala. Naiiyak ba siya?

Wala pala akong pake. Tatlong tangke ang iniluha ko noong iniwan niya ako kaya bahala siya d'yan. Kung naiiyak nga siya, problema n'ya na 'yan. Saka hindi ko malilimutan 'yong ginawa n'ya sa 'kin no'ng nakaraan 'no. Sinisilipan niya ako! Tapos paawa effect siya ngayon?

"Alis na 'ko ha," sabi ko saka tumayo at naglakad na palayo.

Ay. Bakit ba ako nagpaalam sa kanya? Basta iniwan ko na siya doon. Mukha siyang tinderong nalugi sa talong.

Pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang kanan kong kamay. Why did he say that? Ang tagal na noon. Pwede namang kumain na lang nang tahimik but he had to make it awkward for us! Hay. Nakakabwisit talaga si Fajardo kahit kailan.

Ilang saglit pa'y nasa harap ko na ang pinto ng bahay namin na may nakasabit na "Welcome" sa may itaas. Leche. Welcome welcome pa dyan e puro kalat lang naman ang laman ng punyetang bahay na 'to.

Pagbukas ko, ayon na nga't bumungad sa akin ang amoy ng alak at sigarilyo. Punyetang 'yan. Nagkalat ang pinag-inuman ng punyeta kong tatay sa harap ng tv. Nakakaasar, hindi na talaga niya nililigpit kasi alam niyang to the rescue ako para maglinis. Bwisit.

Wala akong choice. Niligpit ko muna ang mga iyon kasi kung hindi, gagawa na naman siya ng bulubundukin ng mga kalat niya sa salas.

Malungkot akong napabuntong-hininga habang itinatapon sa basurahan ang mga balat ng chichirya. Kung nandito lang sana si Mama, may makakasama ako sa bahay na may pakialam sa 'kin. . .

Sa kusina naman ako. Inihanda ko na ang tira-tira mula kaninang umaga na siyang uulamin ng mahal na hari. Ayan, deserve n'ya 'yang buto-buto ng tinola. Itinaktak ko na sa mangkok pati ang tutong na kapartner noon. Tutong na lang ang kainin niya tutal hindi naman siya nagsaing. Kaimbyerna.

Pagkatapos kong ipaanyo ang bahay namin, umupo na ako sa may study table ko at saka binuksan ang laptop ko. Ako naman ngayon ang aasikasuhin ko. Ngayon pa lang, io-open ko sana ang list ng mga kasama ko sa editorial board para ma-contact ko na sila.

Tatlong araw pa bago maging effective ang appointment ko, but I want to plan ahead. Kapag kasi nagstart na ang school year, dere-deretso na ang mga event. Wala na kaming oras. Kailangan na naming kumilos agad.

Ongoing na rin nga pala ang enrollment. Auto-enrolled na ako kasi scholar ako pero hindi ko maiwasang mamroblema. Naipangsugal na yata ng tatay ko ang lahat ng pera niya. Saan ako kukuha ng pambaon? Punyeta talaga.

Napasandal ako sa upuan habang pinagmamasdan ang laptop kong nagloloading pa rin. Isa pa 'to. Kailangan ko pa naman ng bagong laptop. Ang bagal-bagal na nitong ginagamit ko, kabwisit.

Kinuha ko na lang ang phone ko para i-chat si Kobe.


5:58

Pakner 🤪✨

kobeee pagaling ka na pls

i jgh! lamoba kinakabahan na ako huhu

like what if i don't deserve the positon

hay : ((

pero ayun. see u soon!

may utang ka pa sa 'kin ah. HAHSHAHA jk

sana matuloy na kita natin <33



Pinatay ko na ang phone at humiga na lang, yakap-yakap ang hotdog kong unan. Malapit na ang pasukan. Sana okay lang si Kobe. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top