Confession 8 -Paperplanes and Hearts

Babalik ako sa punto bago naging ikaw.

Babalik ako sa dating tayo.

Tayo. Oo. 'Yong dating tayo...

Ibinalibag ko sa kama ang dala-dala kong bag noong araw na 'yon dahil una sa lahat, ayaw kong tumira sa studio-type apartment na pagmamay-ari ng parents ko. Two blocks away 'yon mula sa campus.

Maski na.

Mas gusto kong mamalagi doon sa condo unit na nirerentahan ko kasi nandoon ang mga kaibigan ko kahit na halos tatlong kilomentro pa ang layo no'n sa school. I would not compromise comfort over happiness. Gigil na gigil ako! Gigil kong pinaghahampas ang unan at kama habang nagpapapadyak sa hangin.

Alam mo 'yong parang gusto mong magwala pero hindi mo kayang gawin? 

Hindi ko kayang basagin ang luma at maliit na LED TV sa dingding, hindi ko pwedeng panggigilan ang maingay na airconditioner sa paanan ng kama ko at hindi mo pwedeng pagbuhusan ng galit mo ang ref kasi bukod sa magugutom ako ay paparusahan ako na naman ng parents ko.

I have been living with all the goddamn rules and I was forced to walk in the shadows of my parents.

Kailangan kong sumunod sa lahat ng gusto nila. Kailangang gawin ko 'to, gawin ko 'yan dahil kailangan kong maging katulad nila--kailangan kong maging doktor!

Ngayon nandito ako sa apartment na 'to with a neighbor on both sides of this apartment and disgustingly, pati pala sa may bintana'y hindi ko matatanaw ang relaxing environment dahil halos tatlong metro lang ay may katabing building ang kinaroroonan ko at parang isang apartment din.

Hell!

Maingay ang paligid. It did not appear that there was a lot of fresh air coming into the flat from the outside. This place isn't even secure. Kinakalawang ang signage ng 'Fire Exit', may pundidong ilaw sa lobby at hindi gumagana ang elevator kaya kailangan kong maghagdan hanggang fourth! I don't even know if the outside is safe.

Did my parents just punish me?

Did they want me dead?

I am not sure.

Minsan naisip kong ampon ako dahil sa nga parusa ko pero binalewala ko 'yon. I didn't want to handle another drama in my life. I have had enough. From failures, betrayal, and heartbreak.

As the proverbial "black sheep," I am the outcast in my family. Out of their three kids, ako ang middle child at ako ang natatanging anak nilang ayaw mag-medisina. My older sister graduated with honors and aced the licensing examinations. Nasa New York na siya ngayon at gumagawa ng sariling pangalan bilang isang surgeon.My little brother graduated at the top of his class and has expressed an interest in medicine. He is also studying for a BS in Biology in the United States.

Ako lang ang sa Pilipinas nag-aral. Ako ang may pinakamahinang utak. Ako ang ayaw magseryoso sa buhay. Ako ang laging nasasangkot sa gulo. Ako ang kahihiyan sa pamilya.

Lucky me!

Napabuntong hininga ako bago ko binuksan ang bintana ng apartment. Walang preskong hangin ang sumambulat saakin.

Ano nga bang aasahan ko?

Napaupo ako sa harap ng study table. Kahit papano'y napaghandaan naman nila ang paglipat ko at kompleto naman ang gamit ko sa lumang apartment.

Sa sobrang bagot at inis ko, hinablot ko ang isang blank paper at doon ko binuhos lahat ng galit ko sa mundo. Lahat ng hinaing ko. Lahat ng reklamo ko sa buhay. Lahat ng gigil ko!

That was my stress reliever maliban sa pagtili. Kahit papano'y nakatulong 'yon. Muling akong bumuntong hininga. I made a paper airplane out of a sheet of paper on which I had written in calligraphy every object of hatred I could muster for the rest of my life.

"Ohh, life, please don't bore me. Send me something exciting. Send me something that could change me," bulong ko sa hangin sabay tapon sa eroplanong papel sa hangin. I didn't give a hoot if someone told me I was a litterbug. There was already too much on my mind; focusing my attention on the inconvenience of littering was like staring at a pimple when I had better things to do.

It took me three days bago ko natanggap na sa lumang apartment ko na talaga gugugulin ang tatlong taon kong pag-aaral ng medisina.

Sabado noon kinatanghalian nang pumasok ako sa apartment at naabutan ko ang mga nagkalat na paper planes sa loob ng kwarto. Halos kumulo ang dugo ko sa sobrang gigil pero nagawa ko pa ring magtimpi kahit papano. 

Ang bilis ng karma! Nagtapon ako ng isang eroplanong papel pero sampo ang bumalik.

Isa-isa kong pinulot ang mga papel na 'yon saka ipinatong sa study table ko at kaagad na dumungaw sa may bintana para mapasadahan kung sino sa mga kapitbahay ko ang lumapastangan sa kwarto ko. Walang ibang nakabukas na bintana noon maliban sa katapat kong kwarto na nasa kabilang building. At sigurado akong sa kwartong mo nga galing ang mga basurang pinulot ko. Nahuli pa kitang nagsara ng bintana mo. Mabilis mong inayos ang kulay asul mong kurtina na parang walang nangyari.

Sa sobrang gigil ko, halos punitin ko na ang mga pinadala mong paper planes pero may napansin ako bigla sa mga pinadala mo. May mga nakasulat doon. Bawat isang eroplano may mga numero na sa tingin ko'y ang pagkakasunod-sunod ng mga mensahe mo.

1. No littering in accordance with Building Rule #4.2. Use less paper. Millions of trees are taken down every day to manufacture papers, so avoid using them in your dramas.3. Never write with red pens. It heightens your feelings.4. So, I suppose you have a problem.5. I just finished reading your full message. I apologize for grabbing a pistol so quickly.6. Do not be depressed. Sadness can result in depression. Depression may consume you.7. It's fine to be a demon, but don't surround yourself with demons. You will lose the battle.8. The world does not despise you.9. You are not a failure. A loser has no friends or family.

10. Take all of these paperwork with you. You'll be grateful later. :)

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga sulat mo. Pero nahuli ko ang sarili kong nakangiti sa mga mensahe mo. So, I guess natuwa ako maliban sa ideyang nagkalat ka sa kwarto ko.

Ngumisi ako, mabilis kong hinablot ang blank paper sa study table. Kinuha ko ang marker saka ako nagreply ng: Wala kang pakialam! Saka ko ipinambalot sa isang round marble stone na nasa vase.

Gigil kong ibinato ang sulat ko sa nakasarado mong bintana. Dahil sanay akong maglaro ng baseball noong high school, walang mintis na naitama ko ang bato sa mismong salamin ng bintana. Narinig ko ang tunog ng basag na salamin bago ko mabilis na naisara ang aking bintana.

Lumipas ang ilang araw, wala akong natanggap mula sa'yo. Hanggang sa kinagabihan, paglabas ko ng banyo at naiwan kong nakabukas ang bintana, isang paper plane na naman ang napansin ko sa mismong window frame. Halos tangayin na 'yon ng hangin. Mabuti at nahablot ko kaagad.

You wrote:

You don't have to shatter the glass to grab my attention. On the first paper plane, you had it.P.S. I'm going to leave my window open. You can say whatever you want without breaking my window. -Bernard


I rolled my eyes. You sounded cheesy. Lalaki ka nga gaya ng unang hinala ko dahil sa kulay ng kurtina mo. Hindi pa man ako nakakapagbihis, basa pa man ang kamay ko, hinablot ko na ang papel at muli kang sinulatan. I replied:

Sorry about the window, Bernard. Babayaran ko na lang ang pagpapaayos. I don't have anything to tell you. I do not usually talk to strangers. -Vicky

Sa isang iglap, naihagis ko ang paper plane without breaking your window.

Hindi na ako nakatanggap ng papel mula sa'yo. I left my window open even when I was outside.

Honestly, I figured you'd reply. I desperately wanted a companion at that time. I just didn't feel ready to come out and declare it yet for fear of giving the impression that I'm too easy to please to a total stranger.

A week after nang muli akong nakatanggap ng paper plane mula sa'yo. Nakasulat iyon sa isang Japanese paper na kulay dilaw.

You wrote:

Vicky,

I will not be a stranger forever if you let me get to know you. :) Whatever you're going through, be strong. Things will get better. It may be stormy now but it never rains forever.

P.S. Forget about the shattered glass. I dealt with it.

-Bernard

Hindi ko alam kung desperada na ba akong may makausap noon or your sensibility got me. There was something about your statements that piqued my interest. In addition, your cursive calligraphy was immaculate. I even responded to you right away after reading your letter.

I said: THANK YOU!

After a few minutes, habang nakahiga ako sa kama, isang lumilipad na berdeng paper plane ang pumasok sa kwarto ko. Nagpaikot-ikot iyon and it landed on my chest.

You said on the letter:

Vicky,

I would forgive you shouting your "THANK YOU" but I hope everything gets better. Have you been crying?

-Bernard

I answered you with a white paper plane:

Yes. Life sucks.

Nakatulog ako nang gabing 'yon. Sa sobrang pagod ko sa pagsusunog ng kilay sa mga klaseng kailanman ay hindi ako natuwa, hindi ko nahintay ang sasabihin mo.

Kinabukasan, isa na namang dilaw na papel ang nasa paanan ng kama ko. Marahil ay pinadala mo 'yon habang natutulog ako.

You wrote:

Vicky,

When you're shedding tears everytime you miss the sun, you also miss the stars if you don't wipe them.

-Bernard

The depth of your words, their perfect timing, got into me. Parang matagal mo na akong kilala. Parang alam mo na ang bawat sasabihin mo para mapaagan ang loob ko. My curiosity brought me into the study table. I grabbed a paper and wrote:

Sino ka ba talaga Bernard? I'm curious. I would like to meet you!

###

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top