Confession 2 -Love Sketch (Part 2)
Nasa likod ako ng pintuan ng publication office nang mapansin mo ang ginuhit ko para sayo. Pinaghirapan ko yan kagabi nang hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko alam kung bakit parang gustong-gusto kong mapalapit sayo sa kabila ng pagiging mailap mo at sa araw-araw na pagsusungit mo.
You are totally different from the other girls in the campus. You are rare.
Naalala ko nung winisikan mo ako ng ulan gamit ang payong mo at tinapunan mo ako ng isang nakakamatay na irap. I seldom get that. You caught my interest.
Most girls would melt and scream kapag kindatan at nginitian ko na. In their desperation to get my attention, they would risk death by yelling my name. People will do anything to be in my company. You broke that rule when you walked in here with your dorky glasses and old, out-of-place clothing. Someone was prepared to look past someone like me.
Nagbago ang pananaw ko sa mga babae. Hindi pala lahat ay easy to get at madaling bolahin -that's when I met you.
When my buddies informed me I couldn't get you laid in a month, I was taken aback. Sabi ko mahaba na ang isang buwan pero lagpas isang buwan na at wala parin ako sa first base. Doon ako nagsimulang humanga sayo.
Well, apparently you had my attention noong first days of June nang supladahan mo ako, noong napansin ng marami na matalino ka but when I lost the bet, my attraction got stronger. Limang libo ang talo ko noong lumagpas ang isang buwan na hindi ako naka-score sayo kahit holding hands man lang. Daig ko pa ang hineteng napilayan ng kabayo sa gitna ng karera.
Good thing I caught you grinning as you tucked the drawing away in your file folder. Nagmamadali kang lumabas ng publication office at hindi mo nakitang napapasuntok ako sa hangin sa sobrang tuwa na kinuha mo 'yong drawing ko. Bigla akong na-excite para sa klase natin kinabukasan. Pinagdasal ko nga na sa araw na 'yon magpatawag ng urgent meeting and editor-in-chief natin para makita kitang muli. Kaso last class ko na at tila mahina ako kay Cupido dahil walang urgent meeting na nangyari.
Maghapong hindi kita nakita sa campus. Inabangan pa kita sa nilalabasan mong gate pero parang nahuli na ako ng dating at di na kita naabutang umuwi.
Habang nanonood ako ng inaabangang NBA finals kinagabihan, bigla akong nainip ng naisip kong magkikita tayo kinabukasan. Kung pwede lang na hilain ko ang magdamag para mag-umaga na ay noon ko pa nagawa makita lang kita.
Hindi ko na tinapos ang laro. Talo na ang Spurs at hindi ko na 'yon kontrolado kahit na magsisisigaw pa ako sa harap ng T.V, parang ang nararamdaman mo, hindi ko kontrolado at mas lalong hindi ko sigurado kung anong tingin mo sa akin dahil para kang T.V na walang antena- walang signal... malabo.
***
Kinabukasan, sinadya kong maagang pumasok na hindi ko naman madalas gawin. Simula no'ng maging magkaklase tayo madalang na akong ma-late. Siguro ay excited lang ako na makita ka. Kinikilig ako kapag sinusungitan mo at hindi pinapansin.
Ako ang pinakamaaga sa classroom. Dinikit ko sa assigned seat mo ang ginuhit ko kagabi. Isa iyong larawan ng lalaking nakaupo kaharap ng sketchpad habang ginuguhit niya ang babaeng nakasalamin sa harapan niya. May inside thoughts pa ang lalaki at nakasulat doon Lumingon ka naman.
Pagkatapos no'n ay agad akong lumabas at nagpa-late ng ten minutes bago pumasok sa klase. Sampong minutong pagpipigil 'yon at 'yon ang pinakamatagal na sampong minuto ng buhay ko. Agad akong naupo sa harapan kung saan nandoon ang mga katropa ko. Bago ako naupo ay nasulyapan kita pero para sayo parang balewala lang ang pagdating ko. Ni hindi mo napansin ang statement shirt ko. Nagsusumigaw na "I AM FALLING INLOVE WITH A GEEK!" ang nakasulat doon.
Hirap palang hindi ka pansinin ng taong pinagkakaabalahan mong pansinin ka. Ganoon din siguro ang nararamdaman ng mga babae at binabaeng hindi ko pinapansin tuwing tinatawag ako. Sa totoo lang... masakit.
'Yon ang unang beses na pagluluksa ko bilang isang gwapong lalaki. Dalawang bagay lang naman ang inapakan mo eh, ang ego ko at ang puso ko. Pero hindi ako sumuko. Hindi ganoon kadaling sukuan ang tanging babaeng nagbibigay saakin ng dahilan para pumasok ng maaga at huwag lumiban sa klase.
***
Nagtawag ng emergency meeting ang editor-in-chief. Late nang sinagot ni kupido ang hiniling ko noong isang araw pa. Nahuli ako ng dating noon dahil sa pangungulit ng ex kong si Vanessa. Lahat kayo ay napalingon sa akin nang pumasok ako sa publication office habang nagpapaliwanag ang associate editor nating bading na halatang may gusto sa akin. Tumigil ito sa pagsasalita at hinintay akong makaupo... sa tabi mo.
'Yon ang unang pagkakataong kinabahan ako sa tabi ng isang babae.
Habang nagpapagalingan sa speech ang mga nakakataas na editorial board ay hawak ko ang aking sketch pad at abalang nag-drawing. Isa sa mga paraan ko para matanggal ang kaba sa aking dibdib. Ilang minuto pang diskusyon nang matapos ko ang dinu-drawing kong magkatabing lalaki at babae o pwede bang sabihin ko nang magkatabing IKAW at AKO habang may kanya-kanyang iniisip.
Sa drawing ng magkatabing IKAW at AKO nakasulat sa kanilang isip, "PAANO KO BA IPAPAALIWANAG SA KANYANG NAGUGUSTUHAN KO NA SIYA?" -AKO at "KAILAN MO SASABIHIN YANG NARARAMDAMAN MO?"- IKAW.
Nanginginig pa ako nang lihim kong ibigay sayo ang drawing ko. Sa paraang ikaw at ako lang ang nakakaalam, umabot sayo ang papel na isinuksok ko sa ilalim ng notebook mo. Napansin mo 'yon pero kunwaring wala kang nakita.
Natapos ang napakahabang usapan na ang tanging naging resulta lang naman ay ang overnight presswork ng buong publication team. Andaming mga policy na sinabi, andaming nasayang na salita at oras. Sa isang desisyon lang naman pala babagsak. Presswork ng buong magdamagang Saturday night. Labis ko iyong ikinatuwa.
Hapon na nang matapos ang meeting. Wala ka nang klase kaya pauwi ka na at ako'y may practice game pa sa basketball. Unang beses kang hindi nagmadaling umuwi at nagtangkang umiwas sa akin. Nakita ko rin ang bahagyang pag-angat ng gilid ng iyong mga labi nang pasadahan mo ang drawing na ibinigay ko sayo. Lumulundag ang puso ko nang makita kitang natuwa kahit konti lang.
Siyempre pagkakataon ko iyon para dumiskarte kasi good mood ka. Walang bagyo kaya susuong ang bangkero para mangisda ng nararamdaman.
"Uwi ka na?" tanong ko sa'yo habang sinasabayan ka sa hallway. Saka ko lang na-realized na katangahan ang tanong kong iyon dahil obvious na uwian mo na. Lihim akong napamura sa sarili. 'Gwapo ka nga pero torpe naman. Tanga pa!
"Ano sa tingin mo?" Mataray mong sagot habang isinusuksok ang notebook mo kung saan nandoon ang tinupi mong drawing ko. Lihim akong kinilig do'n.
"H-hatid na kita." Isang first time na naman for the record na mabulol ako sa harap ng isang babae.
"Bakit?" asiwa mong tanong.
"Gusto ko lang makipagmalapitan sayo. I mean honestly, I want to know you better."
"Why?"
"Cause I LIKE YOU!" Nagulat ako sa nasabi ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng relief nang masabi ko 'yon.
Parehas tayong natigilan. Pati ikaw ay nagulat din sa narinig mo.
"Okay then. Kilalanin mo ako." Mapanghamon mong sabi saakin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot sa sinabi mo. Sa huli'y umiral ang tuwa sa loob ko.
Para akong tumama sa lotto. Lihim akong napa-YES sabay suntok sa hangin. Saka ako agad bumawi ng sabi. Mahirap na baka magbago isip mo. "I'll just take my car sa condo?"
Kinabahan pa ako nang tinaasan mo ako ng kilay at hindi agad sumagot.
Tapos ang sabi mo. "No fancy cars are allowed at home. Walang parking area. Magji-jeep ako pauwi."
Lalo akong napamangha. Isa kang diyamante sa pagiging honest mo. Unlike other pretentious girls I dated before, you are genuinely true. Lalong lumalim ang pagtingin ko sa'yo. Walang pag-aalinlangan kong nasabi. "Okay! Sakay tayo ng jeep!" Kahit na sa buong buhay ko ay hindi ko pa naranasang mag-jeep.
First time kong sumakay ng jeep. Sa harap pa mismo katabi ng driver. Andami kong first time sayo. Napakapit pa ako ng mahigpit nang humarurot ang jeep. Dalawang kamay ang takot na takot bumitaw habang tumatakbo ang jeep. Nasa malapit sa side mirror ang kanang kamay ko habang ang kaliwa namay nasa likuran mo na halos nakaakbay sayo. Pinagdasal ko ngang sanay traffic para mas matagal na ganon ang posisyon natin. Pinagdasal ko ring sana'y dalasan ng drayber ang pagsu-swerving at pagpreno para mas madalas ding bumabangga ang katawan mo sa bisig at dibdib ko.
Kilig.
Kuryente.
A million hyperactive butterflies in my stomach.
Aaraw-arawin ko nang mag-jeep kahit na pagbawalan ako ng parents ko. Nasambit ko sa aking sarili.
Natapos ang maligayang oras ko sa jeep nang bumaba tayo sa may Cartimar. Tinahak natin ang madilim na kanto papasok sa inyo. Maraming batang naglalaro, maingay at masaya ang mga tao na parang fiesta. Ilang metro pa ang nilakad natin nang marating natin ang lumang bahay niyo. Nanibago lang siguro ako sa liit at sobrang simple ng bahay niyo na halos singlaki lang ng kwarto ko.
Pinakilala mo ko sa mga magulang mo na abala sa pagsusupot ng itlog ng pugo at mani. Palangiti ang iyong ama at ina na agad akong binigyan ng upuan at maiinom. Kahawig mo rin ang nakababata mong kapatid na lalaki na abala sa paglalaro ng laruang kotseng dadalawa na lang ang gulong. Inaya ako ng tatay mo na doon na kumain. Sinubukan mo pang tumanggi para saakin pero pinaunlakan ko ang imbitasyon nila. Gaya ng sabi ko, gusto kitang kilalanin.
Ang chopsuey ng nanay mo at prinitong talong na may kamatis at bagoong na halos ubusin ko. Ang Tang four seasons juice sa pitsel na binili mo pa sa tindahan at ang masayang kwentuhan ng pamilya mo habang kumakain ang naging dahilan kung bakit nangako akong babalik at makikikain uli. Sa araw na iyon nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Nag-iba din ang pangarap ko. 'Yon ay ang maging girlfriend kita at maging kabiyak hanggang sa pagtanda ko.
Lumipas ang araw, naging mas malapit ako sayo. Naging madalas ang paghatid-sundo ko sayo sa bahay hanggang sa nasanay na akong sumakay ng jeep na madalas ay nagiging konduktor dahil lagi akong masa harapan. Anim na buwan kitang niligawan. Sa wakas, sa harap ng mga magulang mo, tinanong kita kung papayag kang maging nobya ko.
Sabi mo'y "OO".
Pagkatapos no'n ay ang palakpakan ng nga magulang mo. 'Yon ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko.
"Sh*t! Inlove ako!"
Mag-iisang taon na tayo noon nang nakauwi galing sa states ang parents ko. Noong una'y ngilag ka pang kilalanin sila. Sinabi ko sa'yong hindi ako magpapakilala ng girlfriend sa kanila kung hindi ako siguradong magugustuhan nila. Nakilala mo ang mga magulang ko. Natuwa sayo ang daddy ko dahil parehas kayong maraming alam sa libro. Mas lalong natuwa sayo ang mommy ko dahil sa pagtuturo mo sa kanya kung paano magluto ng masarap na kare-kare. Mom said, you were her younger version. I disagreed. You are the original version of you. Walang katulad.
They didn't like you, they love you!
You won their hearts at hindi ako nabigo.
***
Ilang beses din tayong nagkatampuhan, nag-away-bati. Maraming nanggulo sa'yong babae. Mga nakaraan kong pilit tayong hinahabol pabalik sa nakalipas. Mga babae ko dati na tinanggap mo bilang bahagi ng nakaraan ko. Hindi ka nagpahila pabalik sa nakaraan ko. Nilingon mo ang nakalipas ko at hawak kamay tayong naglakad pasulong.
Minsan nga nasampal ka ng isa kong nobya at halos mabasag ang suot mong salamin dahil doon. Hindi mo ako sinisi. Hindi ka nagalit sa akin. Ang sabi mo dahil mahal mo ako. Dahil hindi sumusuko at hindi nagiging duwag sa pagsubok ang taong nagmamahal.
Hindi ka bumitaw.
***
Dalawang taon matapos mong masigurong nasa maayos na kalagayan na ang iyong pamilya at nailipat mo na sila sa isang village, nagpakasal tayo at nanirahan sa katabing bahay na binili mo para sa pamilya mo.
Natupad ang pangarap kong mapangasawa kita. Yes!
Nasa huling pahina na ako ng compilation ng mga drawings na binigay ko sayo. Mula sa unang araw na winisikan mo ako ng ulan gamit ang payong mo, hanggang sa magpakasal tayo isang taon na ang lumipas.
Siguro ngayo'y nahihirapan ka na at nasasaktan habang sinisigaw mo ang pangalan ko at sinisisi kung bakit sa kabila ng pagmamahal mo saakin ay nasasaktan ka at sinasabing "Hayop kang lalaki ka! Last na 'to! Ayoko na!"
Naririnig kita mula sa delivery room habang hawak ko ang sketchpad ko; nakangiti at masayang umiiyak habang ginuguhit ang IKAW at AKO kasama ang panganay natin...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top