Cofession 6 -Free Hug

Alam mo bang noong araw ng initiation ko sa sinalihan kong fraternity ay ang araw ng pagiging broken hearted mo?

I was standing half-naked infront of the campus while holding a banner marked "free hug". Binudburan pa ng kaunting langis ang katawan ko para daw magmukha akong sexy sa harap ng mga pumapasok na estudyante. Confident naman ako sa katawan ko dahil regular akong nagji-gym for the purpose of staying fit. Maraming tumitiling babae at nakikipag-hug saakin na halos hindi ko matandaan kung sinu-sino. Nakailang 'free hugs' na ako nang makita kita.

Umiiyak ka. You were a mess. Your curly hair runs everywhere na parang wala ka nang panahon para magsuklay. Namumugto ang mga mata mo at halatang galing ka sa pag-iyak. You looked like a lost soul trying to look for a safe hearth. You looked terribly hurt.
I knew, the first time I saw you that you needed a hug. Well not just a hug but more than that -sympathy, solace or repose. I was not sure but the first instinct I had was to hug you tight.

Three years na ako sa university pero parang iyon ang unang beses na nakita kita. You were a total stranger to me. Marahil nakikita mo na ako dati, sa mga newsletters, campus magazines, tarpaulins at sa mga pamaypay ng mga estudyante noong sumali ako sa Mr. Campus Hearthrob. Many would want to give me a hug that day except you dahil noong araw na 'yon, the first time I stared at a nobody or a stranger, you were looking down and sulking deeply. Ni hindi mo pinansin ang pagngiti ko at pag-open ng mga bisig ko para yakapin ka dahil siguro brokenhearted ka or may pinagdadaanan.
And because isa akong certified gago na gustong damayan ka sa pagyakap ko sa'yo, niyakap kita ng mahigpit at hinaplos-haplos ang likuran mo. Pinatahan kita sa pag-iyak at wala akong narinig sa'yo kundi puro hikbi lang. "Shhhh, tahan na. Reresbakan natin ang nanakit sa'yo," bulong ko sa'yo at hindi ko namalayang napahalik ako sa bumbunan mo.

Ang akala ko'y gusto mo ang naging tugon ko para damayan ka. Hindi pala. Nagulat ako at bigla mo na lang akong tinulak palayo sa'yo. Nanlilisik ang mga mata mo nang tignan kita. Magpapaliwanag pa sana ako nang bigla mo na lang pinalipad ang kamay mo patungo sa pisngi ko. Natigagal ako at halos yanigin ang mundo ko sa sampal na 'yon. Iyon ang unang beses na sinampal ako ng isang babae. I might be crazy saying this but it felt great!

Hindi ko alam kung dala lang ng pagiging gago ko pero imbes na masaktan at magalit ay labis kong ikinamangha ang pagsampal mo saakin.

"Get off me pervert!" 'yon ang huli kong narinig bago mo ako iwang nakatungaga. Nang tanawin kita'y patakbo ka nang pumasok sa campus habang nakatingin sa'yo ang mga estudyanteng dinadaanan mo. Alam ko kahit nakatalikod ka, dala-dala mo parin ang sakit na dahilan ng labis mong pag-iyak.

Hindi ka na nawala sa isip ko pagkatapos. Parang ang kalungkutang nakita ko sa mga mata mo ay nakatanim sa dibdib ko kahit na ilang araw na ang lumipas. Hinanap kita pero sadyang hindi ka talaga pansinin sa campus o sadyang magaling ka talagang magtago. Naglaro sa isip ko na marahil ay iniwasan mo na ako dahil nalaman mo kung sino ako. Si Lyndon Perez, ang dakilang hearthrob at heartbreaker ng campus.

Dalawang lingo matapos ang insidenteng namagitan sa ating dalawa. Nakita kita. Sa wakas! Para akong nakahanap ng isang hidden treasure noong nakita kitang nakaupo sa ilalim ng puno ng narra habang abalang nagsusulat sa kulay dilaw mong notebook. Wala kang kasama at nilalagpasan ka lang ng mga estudyante. Siguro marahil ay walang tumatambay doon at tanging ikaw lang. You were an introvert at mas gustong maupo sa pinaka-liblib na tambayang nasa likod ng guard house.

"Kung saan-saan na ako nakarating, dito lang pala kita makikita," bati ko sa'yo sabay ngiti ng maluwag. First time akong kabahan sa pakikipag-usap sa babae.

Tinignan mo lang ako saka ka bumalik sa pagsusulat mo. Parang sa mabilis na iglap ay naglaho ako sa harapan mo.

Dahil nga isa akong dakilang gago, naupo ako sa tabi mo at pinagmasdan ka habang nagsusulat. Abala ang mapupungay mong mga mata sa sinusulatan mo. Naroon parin ang makakapal na pilik matang nagbigay buhay sa kulay tsokolate mong mga mata. Napakaamo ng iyong mukha. Napakainosente. Ito siguro ang dahilan kung bakit nagkainteres akong makilala ka bukod sa dinadala mong kalungkutan. You were the most interesting and most mysterious girl I have ever met.

Napatikhim ako para pansinin mo. Nagtagumpay naman ako dahil tinapunan mo ako ng isang mabilis na sulyap na tila iritable ka na. "I'm Lyndon," pagpapakilala ko.

"I know," tipid mong sabi habang sinasabayan ng mabilis mong pagsusulat.

"So you know I'm a jerk? A playboy? A heartbreaker?"

"I know. That's why I don't like you," mataray mong sabi. "What do you need?"

Lihim akong natuwa dahil hindi lang one-liner ang sagot mo. Tinanong mo pa ako kung anong kailangan ko. Nahihibang na marahil ako. Oo. The best feeling of being a fool maybe?

"Sino nagpaiyak sa'yo?" seryoso kong tanong sabay sandal sa kamay ko sa sementadong lamesa habang hindi ko binibitawan ang pagtitig ko sa mukha mo.

"Bubugbugin mo?"

"Kakausapin ko. Then if his reasons for making you cry are not acceptable, I can hit him hard."

"Why?"

"Huh?"

"Why would you do such stupid thing for a stranger you just met?" you sounded so cool with your accent. Sa tono ng pananalita mo, alam kong hindi ka pangkaraniwang babae.

"Pangarap ko kasing maging super hero," nagsisi ako sa naging dahilan ko. I sounded so stupid.

Minsan, may nagagawa din pala ang pagiging stupid at corny when it comes to cracking jokes. Napatawa kita. Biglang nagdiwang ang mga anghel na may trumpeta. Your laughters sounded music to me. Sa awakas ay itinigil mo ang iyong pagsusulat at tumingin sa akin. Halos matunaw ang dibdib ko. I felt something strange.

"Pangarap mong maging super hero so ipaghihiganti mo ako? Sino ka? Avenger or si... Super Hug?" natawa ka ulit. That was the most genuine laughter I have heard from girls like you. Malakas. Punong-puno. Buong-buo.

Natawa din ako sabay sabi, "Super Hug! Yes! Yes!"

Tumawa ka uli. Habang tumatagal ang naging usapan natin, mas tumitindi ang kagustuhan kong manatili sa tabi mo. Hindi ako sigurado pero attracted na yata ako sa'yo that time. Marahil ay nagulat ka nang tiniklop ko ang notebook mo at mabilis na inilagay sa Jansport mong bag. Hinawakan kita sa braso mo at natuwa ako nang hindi mo iyon binawi kahit na tinanong mo kung saan tayo pupunta.

Pinagtitinginan tayo ng mga tao. Yumuko ka habang nakatabi ka saakin patungong Engineering Building. Ilang minuto lang ay nasa harapan na tayo ng office ng College of Engineering Student Body. Kusang lumabas ang lalaking moreno at matikas kasunod ng iba pang mga estudyante. Bulungan ang karamihang nadoon at halos manginig ka sa eksena.

Hindi ko namalayang napahawak sa nanginginig mong palad para pakalmahin ka. Natuon ang tingin ng ex mo sa magkahawak nating kamay. Ngumisi ito ng nakakagago. Gusto kong manapak that time pero napakalma mo ako sa bahagyang pagpisil mo sa kamay ko. Nagtimpi ako dahil nangako ako sa'yong aalamin ko muna ang rason ng pagpapaiyak niya sa'yo.

"Can I help you, Lyndon? Reese?" sarkastikong tanong ng ex mo na parang naiilang sa presensya natin.

"Ah, n-no. W-wala ak-"

"You are Reese's ex?" Pinutol ko ang sasabihin mo dahil ayaw kong magmukha ka na namang agrabyado sa harap ng gago mong ex.

"Y-yes why?" he answered with confidence.

"Okay. I just want to know who you are and see what you look like. Since nakita na kita, I think I should no longer be jealous of the past since my girlfriend told me to do so," gago na ako na sabihing girlfriend kita sa harap ng ex mo. Sa harap ng maraming tao pero gago ako kung hindi ko aamining masaya ako habang sinasabi 'yon. Habang magkahawak tayo ng kamay. Nang lingunin kita'y nakita ko ang pigil na tawa sa mga mata mo. Hindi ka tumutol at hiniling kong sana totoo ang lahat. "Heartie, let's go."

Doon nagsimula ang lahat. Naging ako si Super Hug na super hero mo sa tuwing malungkot ka at umiiyak. Naging magkaibigan tayo. Nakasama kita sa lahat ng mga lakad ko. Naging good boy ako dahil sabi mo, mas gu-gwapo pa ako kapag nawala ang playboy at badboy image ko. Umiwas ako sa mga babae. Madalang na lang akong uminom. Naipasa ko ang accounting subjects ko dahil halos araw-araw mo akong tinuturuan ng libre sa subject na 'yon.

Ilang buwang naging parang tayo pero hindi. Hanggang sa nagpaalam akong ligawan ka at pumayag ka naman. Isang taon kitang niligawan pero hindi ako napagod. Iyon ang pinakamahaba pero pinaka-kinilig akong panliligaw sa buong buhay ko. Hindi naman kita nakitaan ng pagtanggi o pagka-disgusto saakin kaya hindi ako nawalan ng pag-asa. Hindi kita sinukuan.

Birthday ko nang sinagot mo ako. Iyon na marahil ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko. Hindi ko malilimutan ang araw na 'yon. 'Yong araw na naging tayo. Na tinupad ng diyos ang dasal ko gabi-gabi sa lumipas na taon. Iyon din ang araw na unang beses kitang nahalikan. Hindi ko makakalimutan ang mga sandaling 'yon. Hanggang ngayon dama ko ang first kiss natin... nasa labi ko, nasa isip ko, nasa puso ko pa.

Ngunit, ilang lingo matapos mo akong sagutin, bigla na lang natigil ang lahat. Bigla ka na lang nawala. Bigla ka na lang hindi pumapasok sa mga subjects mo. Ilang araw akong naghintay na sagutin mo ang tawag at texts ko. Isa? Dalawa? Isang lingo? Dalawang lingong parang dinurog ang puso ko at piniga ang utak ko kakaisip kung ano nang nagyari sa'yo.

Sinadya kita sa bahay niyo pero sabi ng kasambahay na wala ka. Kinulit ko pa ang kasambahay niyo pero ayaw niyang sabihin kung nasaan ka. Ilang araw akong pabalik-balik hanggang sa maabutan ko sa bahay niyo ang ex mong si Patrick. Ang akala ko'y nagkabalikan kayo pero mas malala pa pala ang nalaman ko.

Stage 3 lymphoma. Noong una hindi ako naniwala pero nang makita kitang nakaratay sa hospital, doon ako tuluyang nag-break down. Hindi ko napigilang humagulgol habang tulog ka. Wala akong magawa kundi umiyak at hilinging sana lahat ng nararamdaman mong sakit at hirap ay saakin na lang napunta. Sana ako na lang ang nasa kalagayan mo kasi sigurado akong kakayanin kong lagpasan ang lahat ng yan dahil gugustuhin kong gumaling at mabuhay kasama ka.

Halos limang buwan kang pabalik-balik sa ospital para sa chemotherapy mo. Nalagas ang iyong buhok, bumigay ang katawan mo at kusa nang nangayayat, nag-iba ang kulay ng balat mo, nangitim ang gilid ng iyong mga mata. Nasukaan mo na ako ng ilang beses, nasigawan, napuyat habang sinasamahan kang labanan ang sakit mo. Nangyari ang lahat ng 'yan nagbago ang itsura mo, umiksi ang pasensya mo pero sa puso ko, ikaw parin si Reese -ang babaeng sinampal ako dahil niyakap kita, ang babaeng gugustuhin kong kasamang tumanda, ang tanging babaeng gustong kulungin ng mga bisig ko.

Hindi ako sumuko. Hindi kita sinukuan. Alam kong gusto mo pang lumaban pero hindi na kaya ng katawan mo ang kagustuhan ng puso at isip mo. Minsan, tinanong ko ang diyos kung bakit sa lahat ng tao ikaw pa? Ikaw na may pangarap. Ikaw na may takot at pananalig sa Kaniya.

Ang sabi mo, may dahilan ang lahat. Ang sabi mo manalig ako para sa'yo... para saatin, Ang sabi mo, ayaw mong ikaw ang maging dahilan para mawala ang pananalig ko sa Kaniya.

"L-Lyndon," halos hindi mo na kayang bigkasin ang pangalan ko. Ramdam ko ang hirap mo lalo na't nakikita mo ang pigil na hikbi ng pamilya mo.

Niyakap kita. Napaluha ako habang hinahaplos ng nangayayat mo nang katawan. Kumawala ang hikbi sa bibig ko. Hindi ko napigilan. "Please don't leave me heartie..." himutok ko. Nagsimulang lumakas ang hagulgol ko.

Napahawak ka sa mukha ko. Sinubukan mo kahit hirap na hirap ka na. Pinilit mong ngumiti habang pinupunasan mo ang mga luha ko kahit hirap na hirap ka na. "I'm not leaving, I will always be around you. Yayakapin kita kahit wala na ako."

Wala na akong naisagot. Napayakap ako sa'yo at sumandal ka naman sa balikat ko. Alam kong sa ilang sandali lang ay iiwan mo na ako. Hindi na ako kumawala sa yakap mo. Baka sakaling maligtas ka ng super hug ko. Baka sakali...

Ilang beses ko nang inihanda ang sarili ko. Pero ang sakit hindi pala napaghahandaan. Hindi pala ganoon kadali. Hindi pala madaling kumawala sa yakap mo na halos nakasanayan ko na. Parang hindi ko kaya. Tumigil ang mundo ko nang kusang bumagsak ang mga kamay mong nakadantay sa likod ko. Alam kong wala ka na pero ayaw ko pang kumawala. Ayaw pa kitang bitawan sa pagkakayakap ko dahil alam kong sa oras na kumawala ako sa'yo, mawawala ka na. Hindi na kita mararamdaman.

"I love you Reese..." it took me numerous pain just to say those words and let you go. You had me at one hug and I lost you forever with one.

It would take a lifetime healing this pain. You're still in my heart. I know it would take me forever to get used to life without you around, your smile, your bright eyes, your laughters and your warm hug that makes me the person I am today...

"Sir Perez, nandito na po sila. They would really want to see you at personal na magpasalamat."

Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad saakin ang sampong mukhang puno ng pag-asa. Lahat sila nakangiti at halos mapatalon sa kinauupuan nang makita ako. Sa puso ko, alam ko ito ang nais mong iparating. Alam kong ito ang gustong mong gawin ko. Alam kong isa ito sa maraming dahilan Niya.

"Magandang umaga po. Narito na po ang founder ng Super Hug Foundation, please meet Mr. Lyndon Perez."

Habang buhay, dala-dala kita. Ramdam kita. Yakap-yakap ka... ng puso ko.
####

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top