CHAPTER 1

As the life goes on, my life has completely insane right now. Hindi ko alam kung saan na ba ako ngayon papatungo. Hindi ko ba alam kung sa kanang bahagi ba ako dadaan kung saan naroon ang aking kasiyahan at ang passion.

O sa kaliwang bahagi kung saan kailangan kong bitawan lahat ng gusto ko? Hindi ko alam kung kaya kong tahakin ang dalawang bahagi na ito.

"Jenna, naaalala mo pa ba si Ate?" Nakaluhod ako ngayon sa harapan ni Jenna na ngayon ay sobrang tamlay na. Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa aking kapatid na ngayon ay hindi na magawang umimik at makagalaw dahil sa pagiging mahina ng kaniyang katawan.

"I'm sorry, I'm really sorry for what I acted. For what I have done to you, if time only can rewind, I will take care of you," nangingiyak kong saad sa kaniya ngunit hindi ito umimik. I kiss her forehead, "babawi ako, okay?" Naluluha kong saad.

Lumabas na ako ng kwarto niya, bumungad sa aking harapan ang aking Kuya, "Stop blaming yourself," naaawa nitong saad sa akin ngunit umiling lang ako sa kaniya.

Kahit sabihin nilang hindi ko kasalanan, alam kong kasalanan ko ito. Kung inalagaan ko lang talaga siya, kung minahal ko lang talaga siya bilang isang tunay na kapatid siguro hindi siya magkakaganito ngayon. Edi sana naaalala pa rin niya ako o kahit ang aking mukha lamang.

2 years has passed when we figure out that Jenna has Alzheimer's disease and I was shocked that time, Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng mga panahon na 'yon.

I was messed that time, "Theressa, let's have fun!" Nakangiting bungad sa akin ni Luna pagkadating ko palang sa classroom. Ngumiti ako sa kaniya at umiling. Unti-unti na akong nagbabago, hindi na ako gano'n makagastos o makagala. Jenna situation change my lifestyle, and I'm thankful for that.

Ngayon namulat na ako sa realidad. Sa mga araw na lumipas, unti-unting nagbabago ang aking pananaw sa mundo, natuto na akong manampalayata sa panginoon na hindi ko naman gawain noon.

"You know what? You should enjoy your life. Alam ko naman ang iyong pinagdadaanan e and I understand, but please have some mercy in your life. Masyado mong binababad ang iyong sarili sa pag aalaga sa kapatid mo," napabuntong hininga nitong saad sa akin. Pero paano? Paano ako mag sasaya kung alam kong may naghihintay sa akin sa bahay upang ipaalala sa kaniya kung ano ang mayroon sa kaniya?

"Tingnan mo ang nangyari kayna Kristen and Gael, they separate now and no one knows what happened. Ni hindi ko na nga nakita ang anino ni Gael e," bigla ko tuloy naalala si Gael. Kamusta na kaya siya? Ang huli kong balita ay naaksidente raw ito and yun lang hindi ko na alam ang sunod na nangyari samantalang si Kristen ay wala na rin akong balita gayundin sa kaibigan nito na si Valentine. Tila lahat ng kaibigan ni Jenna ay dahan dahan nang lumalagas.

"Saka hello! Baka nakakalimutan mo it's your birthday tomorrow! You should enjoy!" Oo nga no? Ang bilis ng panahon, mag 22th year birthday na pala ako bukas.

August 14

Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakabunggoan akong isang bulto, napaangat ang aking tingin sa kaniyang asul na mata. Alam mo ung feeling na nasa kdrama ka? Yung scenario na tumigil ang mundo mo habang ang mga tao ay tila isang flash na dumadaan sa aming paligid?

Gano'n ang aking nararamdaman ngayon, natigil lang ito nang bigla akong sinampal ng realidad, "Ano? Tatayo ka na lang ba dyan? Alis." Malamig nitong sabi sa akin at nilagpasan ako.

Kalma Theressa. Lalaki 'yon, babae ka.

Huminga ako ng malalim bago maglakad muli. Rinig na rinig ko ang ingay sa pasilyo, ang mga tunog ng mga busina ng sasakyan ang mga taong nag aaway na akala mo ay walang pinagsamahan.

Lahat sila ay may kanya kanyang ginagawa, may sariling buhay. May nakakuha sa akin ng atensyon, it was a two teenager. Kitang kita sa kanilang mga ngiti at mata ang kasiyahan na kanilang nararamdaman, alam mo talaga na masaya sila sa isa't isa.

Sa pag uwi ko ng bahay ay naabotan kong nag kakagulohan ang aking pamilya si Ate Pauline at Kuya Matthew nag aaway.

"Pwede ba Pauline, tigilan mo nga 'yang kaartehan mo? Katrabaho ko lang ang kasama ko kagabi." Naiinis na sambit ni Kuya Matthew kay Ate Pauline. Hindi ko alam kung ano na bang nangyayari sa kanilang lahat. Sa naging sitwasyon ni Jenna, ang aming buhay ay dahan dahang nawawasak.

Kapag naman nag aaway sila ay hindi ganito kalala, it was just misunderstanding but right now? Hindi ko na alam.

Nakita ko si Gion, naluluha lang na nakatingin sa kaniyang mga magulang na nag aaway. Agad akong lumapit sa kaniya at dinala sa loob ng kwarto. Umiiyak ito, Hindi ko alam pero awang awa ako sa kaniya.

Nine years old palang si Gion pero grabe na yung pasakit na kaniyang nararamdaman ngayon. "Tita Theressa? Hindi na po ba mahal ni Papa si Mama? Bakit po sila nag aaway?" Tanong nito sa akin, Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Kahit kasi ako hindi ko na alam ang nangyayari sa relasyon nina Ate Pauline.

"Gion, listen to me. Nagka misunderstanding lang sila ng mama mo. They love each other." Nakangiti kong sambit sa kaniya habang pinupunasan ang kaniyang mga luha sa pisnge niya. Napatingin ako sa labas ng kwarto nang marinig ko muli ang sagotan nilang dalawa.

"Matthew! Huwag mo na akong gawing tanga! Alam ko kung ano ang kalokohang ginagawa mo!"

"Ako na naman ang mali? Iyan ang hirap sayo e, puro kutob ang pinapairal mo! Hindi ako nambababae okay?!"

Parehas kaming napapikit ni Gion dahil sa sagotan nilang dalawa. "Gusto mo babasahin nalang kita ng fairy tale hanggang makatulog ka?" Tanong ko sa kaniya habang nakaluhod pa rin sa kaniyang unahan. Humihikbi itong tumango sa akin, pumunta na kami sa kaniyang kama at kinuha sa kaniyang bookshelf ang isang kwentong pambata.

"Once upon a time, there was one girl who lost, Hindi niya alam kung anong daan ang kaniyang tatahakin, ang kanang daan kasi ay may mga ahas, samantalang ang unahan ay may higanteng toro at ang kaliwa ay isang kweba, kaya hindi niya alam kung anong daan ang kaniyang tatahakin." Pagkukwento ko sa kaniya na ngayon ay nakatulog na agad siya, ang bilis nga nitong makatulog.

Imbes na itago ang librong hawak ko ay binasa ko na rin ito, habang binabasa ko ay hindi ko mapigilang ilagay sa sitwasyon ng babae ang aking sarili. In the end, mas pinili niyang tahakin ang isang higanteng toro dahil siguro ay ang kaniyang biggest fear is yung higanteng toro.

Ako kaya? Paano ko kaya tatahakin ang aking daan? Nang mahimbing na itong matulog ay lumabas na ako ng kwarto niya nang dahan dahan upang hindi siya magising sa kaniyang pagtulog.

Nadatnan ko si Kuya Matthew na nag iinom, napabuntong hininga ako. Umupo ako sa kaniyang tabi, "Nasan si Ate Pauline?" Pagtatanong ko sa kaniya nang tumingin ito sa akin. Kita ko sa kaniyang mata ang lungkot at pighati nito.

"Nasa kwarto ni Jenna," walang buhay na sagot nito sa akin. Hinawakan ko ang kaniyang kamay, "Ano bang nangyayari sa inyo? Sana naman isipin nyo si Gion. Bata pa lamang siya tapos 'yan na agad ang nakikita niya sa inyong dalawa." I told him.

Nakikinig lang siya sa akin, "Do you even know what the impacts to him when he always sees both of you arguing nonstop? Be mindful Kuya Matthew," I added and looked at him serious.

Hindi ko man alam kung ano ang punot-dulo nitong away nila, alam kong hindi lang ito basta basta babae. I know that Kuya Matthew could never cheat Ate Pauline, mahal niya ito e.

"Hindi ko alam, Theressa. I don't know what to do anymore, napapagod na ako sa araw araw naming pag aaway. We both change, and we both don't know kung ano ang gagawin namin." May luha nang tumutulo sa kaniyang mga mata. And I was just stared at him with pitiful.

Grabe rin pala ang mundo 'no? Ang daming challenges na tinatapon sa atin and now we here, Hindi alam kung kakayanin pa ba. "Just think Gion, huwag kayong padalos dalos ng desisyon, isipin nyo ang magiging bunga nito kay Gion." At kasabay non ay umalis na ako sa kaniya.

At the middle of night, I find myself thinking all the problems we faced right now. Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip kung ano na ba ang sunod na mangyayari sa mga araw na ito.

Napag desisyon kong lumabas muna ng bahay at pumunta sa isang karinderya na hindi nagsasara. Ewan ko ba kay Aking Minda kung bakit tyagang-tyga siya sa pagtitinda kahit hating gabi na. Hanga talaga ako sa kaniya kahit sa kaniyang asawa na si Manong Berto isang tricycle driver.

"O? Hija bakit nasa labas ka pa? Gabi na a?" Hindi ko alam kung mata-touch ako sa kaniyang tanong o mapapatawa. "E kayo po? Bakit bukas pa ang karinderya nyo?" Natatawa kong tanong sa kaniya, siya naman at napatawa rin.

"May nabili pa kasi, tulad non!" Sagot niya sa akin at may tinuro kaya naman agad akong napatingin sa kaniyang tinuro. And I saw a man and I think we just have a same age. "Lagi 'yan natambay dito at kumakain ng aking lugaw, napakabait niyang bata na 'yan" nakangiti nitong sabi sa akin habang ako naman ay nakatitig lang sa lalaking kumakain ngayon ng lugaw.

How thoughtful he is.

"Isa nga pong lugaw at tubig na rin po," Sabi ko sa kaniya at tumango na ito sa akin at iniwan na ako. Umupo ako sa may tabi ng table nung lalaki.

Napatingin ako sa aking orasan, and It was 11: 58 pm. Dalawang minuto nalang kaarawan ko na. Biglang nag tubig ang aking mga mata nang maalala na naman si Jenna.

Dalawang taon ko nang hindi nakakasama si Jenna sa aking birthday. Napaangat ako ng tingin nang may nagbigay sa akin ng isang panyo, "here," abot nito sa akin kaya naman kinuha ko ito. Inilipat nito ang kaniyang pagkain sa aking table.

"Pasabay kumain ha?" Nakangiti nitong sambit sa akin, Wala naman akong nagawa kundi ang tumango sa kaniya.

Ilang minuto pa ay dumating na si Aling Minda dala dala ang aking lugaw. "Hijo, ano at may luha si Theressa? Pinaiyak mo ba ito?" Nakakunot nitong tanong sa kaniya, nanlaki naman ang kaniyang mata at napatawa naman ako sa kaniyang reaksyon.

"Si Aling Minda naman o, Kumakain lang ako napagbintangan pang nagpaiyak ng babae. Alam nyo namang good boy ako e," Sabi ng lalaki kay Aling Minda, tinawanan lang siya nito at umalis na sa aming harapan.

Kinuha ko ang isang maliit na kandila at sinindihan ito, 12:02 na ng madaling araw at birthday ko na ngayon.

Hinawakan ko ito, "Anong gagawin mo?" Takang tanong ng lalaking nasa harapan ko habang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Pinatahimik ko siya gamit ang aking kaliwang kamay.

Pumikit ako at kumanta ako ng happy birthday. Sa bawat sambit ko ng lyriko ay may luha namang tumutulo sa aking mga mata, at maya-maya ay hinipan ko na ang kandilang nasa harapan ko.

"Birthday mo?" Nanlaki ang kaniyang matang tanong sa akin napatawa naman ako. "Ano naman?" Nakataas kong kilay na tanong sa kaniya, "Wala ka bang pera at lugaw ang ginawa mong cake? Grabe ka, astig!" Sabi nito sa akin at nag thumbs up pa talaga sa akin.

Hindi ko mapigilang mapatawa sa kaniyang sinabi, "Tanga, may pera naman ako pero gabi na kasi wala nangbukas na bake shop dito," natatawa kong sagot sa kaniya. Napatango naman siya sa akin habang sumusubo ng lugaw.

"Anyway, I'm Jave Poliano Holmes, how about you?" Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa akin at nagpakilala.

Tinanggap ko naman ito, "I'm Theressa Jo Mercado," pakilala ko rin sa kaniya at nagkangitian kaming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top