Beauty

Who's the fairest of them all?

—————

Higit dalawang Linggo ang iginugol ko bilang paghahanda para sa nalalapit na beauty contest ng aming unibersidad.

Maliban sa magiging tulong ito sa aming pinansiyal ay tulong din ito sa aking grado. Matutuwa pa sa akin ang mga kaklase ko at tiyak na magkakaroon na ako ng mas maraming pang kaibigan maliban kay Mary at sa iilan pa.

Gusto ko sanang maging tan nang kahit kaunti para sa contest pero matatagalan pa iyon kaya hinayaan ko nalang ang pagiging natural kong maputi.

Hindi naman ako binigo ng aming departamento at talagang tinulungan nila ako. Nagkaroon ng ambagan para sa mga props at maging sa mga susuotin. Nagrenta pa sila ng aking gown para sa segment ng long gown. Ibinili rin ako ni Mrs. Natividad ng black and pink na two piece na tatanggihan ko sana kung hindi ko lang talaga kailangan para sa swimsuit competition. Bawat kategorya ng pageant ay mayroong mga premyo kaya pinaghahandaan namin. Ayos na ito para kung sakaling hindi palarin sa pagkapanalo ay mayroon pa rin kaming maiuuwi. Hahatiin ko ang premyo para sa amin ni mama at sa aming departamento. Dagdag funds ng aming klase.

Mayroon kaming kaklase na ang negosyo ng kanilang pamilya ay salon kaya naka-libre kami ng mag-aayos sa akin. Natutuwa ako dahil hindi naman ako pinagastos ng aming klase bilang ako naman daw ang representante ng aming klase.

"Ganito ang gawin mong lakad para iwas patid o 'di kaya ay tapilok," suhestiyon sa akin ng isa sa mga kaklase kong maituturing na maraming alam ukol sa mga beauty pageant. Siya ang nagsilbing taga-payo ko sa mga gagawin. Mula postura, pagngiti, pagkaway, at ngayon naman ay paglalakad.

Sinunod ko ang ginawa niya at sa una ay nagkamali ako agad.

"Girl, lagyan mo ng kembot. Huwag kang maglakad na para kang kawayan," sita niya sa akin. Imbes na mainsulto ay natawa lang ako. Sanay na ako sa kaniya at sa matabil niyang dila at alam kong may punto naman siya.

"Ganito..." aniya at nagsimulang rumampa. "Lakad, kembot, kembot, kembot, ikot ng dahan-dahan. Seryusong mukha harap sa mga judges sabay ngiti then kembot ulit bago talikod at lakad exit!"

Nakailang subok pa ako bago ko nakuha ang tamang lakad na gusto niyang gawin ko.

Last day before the pageant night, which will be the last part of the university's founding celebration. Sinabihan ako ng mga kaklase ko na maagang magpahinga at magsanay na lang ng pagsasalita para sa question and answer portion. Sumang-ayon naman ako dahil alam kong kailangan ko ng pahinga ngayon para sa aking mahabang araw bukas.

Gumising ako ng alas singko ng madaling araw para mag-jogging. Kailangan ito para mas magmukhang firm at mahaba ang binti ko. Pagkatapos ay nagpahinga muna ako bago naligo at maghanda para sa pagpasok sa unibersidad. Ang mga itinalagang alalay ko, mula sa aming klase, kasama na si Mary ang nag-aasikaso at nag-ayos ng mga gagamitin ko. Naroon ang para sa aking national costume, long gown, mga takong at mga props na nirentahan at ginawa nila. Ang dadalhin ko lang ay ang two piece ko at ang susuoting black fitted dress na abot lang sa kalahati ng aking hita ang haba.

Talagang kinakabahan ako pero kailangan kong alisin iyon pansamantala para magtagumpay.

Nang umaga ay tinawag kaming mga kandidata para sa huling rehearsal para sa opening dance. Nakailang rehearse lang kami at pinayagan naman na kaming pansamantalang magsaya sa mga booths na inihanda ng bawat clubs.

Iniwasan ko muna ang pagpunta sa mga food stools para hindi mapagastos at para na rin maayos ang katawan ko para mamaya. Ayaw ko namang pagdating ng kaorasan ay bundat akong rumarampa sa stage.

Mayroon dedication booth sa gilid ng stage, kung saan konektado ang mikropono sa dalawang malaking speaker dahilan para marinig nang lahat ang mga sulat para sa kanila.

Gustong pumunta roon ni Mary pero kanina ko pa siya pinipigilan. Nagpapigil naman ang babae at inabala na lang ang sarili sa panlalait sa mga booths na hindi raw pasok sa panlasa niya lalo na sa design pa lang. Napailing naman ako sa kaniya, bahala siya...kung saan siya masaya.

Nasa labas kami ng isang booth kung saan ay mayroong palaro. Nagulat nalang ako nang marinig ang pangalan ko mula sa speaker. Akala ko pa nga ay namali ako ng dinig pero nang sikuhin ako ni Mary ay natanto kong ako nga 'yon.

"Dear Resurreccion, ang taray ng pangalan! Pangalan yata ito ng kaibigan ng lola ko," sambit ng baklang nagsasalita roon.

Dinig pa nga ang bahagyang pagtawa nila ng kasama niya. Wala naman akong pake, gusto ko naman ang pangalan ko dahil isinunod ito sa pangalan ng kapatid ng lola ko. It is so important to her and she love it, so there's no reason for me to be ashamed about it.

“Hindi ko gustong tawagin ka sa palayaw mo dahil mas gusto kong tawagin ka sa pangalang kasing-ganda mo, natural walang halong anumang uri ng peke sa mundo. Hindi ko alam kung napapansin mo ba ako, pero ako? Lagi akong nakatanaw sa'yo, sa malapit man o sa malayo. Magkaiba man tayo ng departamento, asahan mong ang boto at suporta ko ay tanging sa'yo. Lubos na humahanga, R.Y.A.”

Inulit pa iyon ng tatlong beses kaya naging tampulan ako ng tukso mula kay Mary at sa iba pa naming mga kaklase na nakakasalubong namin.

"Kung puwede mo lang ibenta ang mga manliligaw mo, naku! Mayaman ka na siguro ngayon," pang-aasar pa rin ni Mary sa akin na inirapan ko lang.

"Hala! Marunong ng magtaray ang dalaga," aniya pa sabay subok na kilitiin ang baywang ko. Pinigilan ko siya at sinimangutan.

Tinawanan niya naman ako lalo sabay ilag kuno sa likuran ko habang may kung anong inaayos, "sorry! 'yong buhok mo natatapakan ko na pala dahil sa sobrang haba."

Tinawanan ko na lang din ang mga biro at pang-aasar niya. Tumigil din naman siya nang mapagod na kaya naging payapa rin ang maghapon ko.

Sumapit ang oras ng contest at naging seryuso at abala na ako maging ang ibang kapwa ko kalahok at ang mga alalay namin.

"Alam mo ba? 'yong Stephanie Arellano?" bulong ni Anji sa akin. Nakatoka sa pagtulong sa nag-aayos ng buhok ko. Hindi ko kilala ang binanggit niyang pangalan kaya umiling ako ng konti. "Si candidate number twelve... naghiwalay sila no'ng jowa niya last month, ang dinig kong usapan sa department nila ay dahil daw nakita ni Steph na mayroong picture na tinitingnan palagi 'yong jowa niya. Alam mo ba kung sino?" bulong na naman niya.

Sumagot ako ng hindi na pabulong din.

"Ikaw!" aniya na parang pinipigilan ang tumili.

"Mainit ka sa mga mata ng ibang babae rito. Hindi mo lang siguro alam dahil wala kang pake o sadyang ayaw mo lang pansinin pero iyon ang totoo. Nakakagalit kasi ang ganda mo, girl!" dagdag pa nito.

Napaisip naman ako. Ang kagandahan pala minsan ay biyaya ngunit minsan din ay puwedeng maging disgrasya. Kahit na ayaw kong magkaroon ng kaaway o maski hindi pagkakaunawaan sa ibang tao ay nangyayari pa rin nang hindi ko alam ng dahil dalang kapahamakan ng aking kagandahan. Hindi ko tuloy alam kung ano bang mas mainam? Ang maging maganda o maging hindi nalang kagandahan. Tingin ko'y mas magiging tahimik ang buhay ko sa panghuli. Sana nga ay ganoon na lang ako.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #beauty