Chapter 9: Cassandra


Chapter 9:


Aubrey Sarmiento:



"Si ate Cassandra?"


"Kung kapatid ka niya po, opo siya nga po. I'm Bella San Juan, best friend niya ako. Kailangan kong makausap ang papa mo. Kailan ko ba siya pwedeng makausap?"


Napakagat labi ako. Wala si papa ngayon kaya hindi ito makakausap ng babae. "Out of the country po si papa. Ano po bang meron kay ate Cassandra?"


"Naku! I need to talk to him. Ikaw na lang kaya. Are you available right now?"


Napatingin ako kay Flynn. Tumango ako kahit hindi ako nakikita ng kausap ko. "Opo." Kahit alam kong hindi ko pa kilala itong taong 'to at dapat hindi magtiwala sa kanya, payag pa rin akong makipagkita sa kanya. Gusto kong malaman kung anong meron kay ate Cassandra.


"Thank you so much. I know naghihinala ka sa akin kaya magsama ka ng kasama mo. Do you know Dream Heaven coffee shop?"


"Yes, malapit lang iyon sa school namin."


"Glad to know that. Pwede bang magkita tayo ngayon?"


"Sige po."


"Thank you. Please pumunta ka na kaagad. I wear dark blue tshirt. Nasa bandang sulok ako ng coffee shop. You need to know as soon as possible on what happen to your sister."


"Okay po. Sige aalis na ako. Bye." Nabitawan ko ang craddle ng telephone. I feel nervous right now. Parang may masamang mangyayari. "Flynn."


"Yes?"


"Pwede bang samahan mo ako sa Dream Heaven?"


"Ngayon na ba?"


Tumango ako. "Kung pwede ihatid tayo ng driver mo doon para mapabilis tayo?"


"Oo naman. Lets go."


"Manang Hilda, aalis lang ulit kami ni Flynn!" Pasigaw kong paalam. Lumabas kaagad kami ni Flynn at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse.


"Sa Dream Heaven mang Ken. Bilisan niyo."


Agad namang nag-drive ang driver. Nakatingin lang ako sa labas at talagang kinakabahan ako. Napatingin ako kay Flynn nang hawakan niya ang kamay ko.


"Huwag kang kabahan. Kalma."


Ngumiti na lang ako. Nang makarating na kami sa tapat Dream Heaven ay agad akong lumabas.


"Oy lil sis!" Bungad na bati sa akin ni Lux na naglilinis ng mesa.


Tumango lang ako at nag-sign ng huwag siyang maingay. Hinanap ko kaagad ang babaeng tumawag sa amin. Nakita ko kaagad ang babaeng iyon.


"Aubrey."


"She's here." Tinuro ko ang babae. Tinanguhan ako ni Flynn kaya nilapitan ko ang babae. "Uhm, excuse me." Napatingin sa akin ang babae. Pilit naman akong ngumiti. "Ikaw ba si Bella San Juan?"


Tumango ang babae. "Yes, I am. Hindi na ako magtatanong kung sino ka dahil obvious na ikaw ang kapatid ni Cassandra. Magkamukha kayong dalawa. Please sit down."


Umupo naman kaagad ako. Nag-sign naman sa akin si Flynn na uupo siya sa kalapit naming mesa. "Uhm, ano pong sasabihin niyo tungkol kay ate Cassandra?"


"Huwag kang mabibigla kung anong nangyari sa kanya. I know, first time niyo lang magkikita pero hindi ito katulad ng ine-expect mo kapag nagkita kayo."


"Ano bang nangyari? Deretsuhin mo na po."


"Pasyente siya sa isang mental institution."


"Ano?" Parang nabingi ako sa sinabi ng babaeng Bella ang pangalan.


"Pasyente siya sa St. Jude Mental Institute."


"Ano? Paanong napunta siya sa mental institute? Anong nangyari sa kanya?" Naguguluhang tanong ko kay Bella. "Hindi ako naniniwala sa iyo."


Umiling ito. May inabot siya sa akin na sobre. "Galing iyan sa St. Jude."


Agad kong tiningnan ang laman ng sobre at binasa. Isa iyong diagnosis kay ate Cassandra. "Post-Traumatic Disorder at Depression?"


"Oo. Iyon ang diagnosis sa kanya ng Psychiatrist ng mental institution." Huminga ng malalim si Bella. "Best friend ako ng ate mo. Almost ten years ko siyang hinahanap at iyan, nalaman kong nandyan siya. Your ate is a rape victim at ten years na rin siya doon. She needs her family. She needs you and your father. Ang mother naman niya ay four years nang patay..."


Para akong nabingi at huminto ang nasa paligid ko dahil sa sinasabi ni Bella. Nasasaktan ako sa nangyari kay ate Cassandra. Nag-umpisa na tumulo ang luha sa pisngi ko. She's a rape victim at the age of fifteen. "Pwede bang samahan mo ako doon? Gusto ko makita ang ate ko, please."


Tumango si Bella. "Sigurado akong matutuwa siya kapag nakita ka niya. Nakwento ko sa kanya na may kapatid siya."


"Pwede bang ngayon na?"


Inabutan niya ako ng tissue paper. "Sigurado ka ba?"


Tumango ako. Napalingon ako kay Flynn at bumungad sa akin ang nag-aalala niyang mukha. "Opo. Isasama ko po ang kaibigan ko."


"Mas mabuti nga. Pumunta na tayo doon."


--------


"Nandito na po tayo." Anunsyo ng driver ni Flynn. Napatingin kaagad ako sa bintana. Isang lumang building.


"Mauna na akong bumaba."


Tumango ako kay ate Bella bago siya bumaba ng kotse ni Flynn.


"Sigurado ka bang papasok ka d'yan?" Nag-aalalang tanong ni Flynn sa akin.


"Oo. Gusto kong makita ang ate ko." Huminga ako ng malalim. Hindi ko matanggap ang sinasabi ni ate Bella sa akin kanina. Ate Cassandra was a rape victim. Sabay kaming lumabas ni Flynn ng kotse.


Hinawakan ni Flynn ang kamay ko. Nahalata niya siguro na lalo akong kinabahan. Pumasok na kaagad kami ng mental hospital. Bumungad sa amin ang mga taong nasiraan na ng bait. May tahimik lang, may naglalaro, may nakatulala at iba pa. Mga taong nawala ang katinuan dahil sa kanilang problema sa buhay o talagang may sakit sila. Nakadama ako ng lungkot para sa kanila dahil isa si ate Cassandra sa kanila.


"Aubrey!" Napalingon ako sa gawi ni ate Bella. Nagmamadali siyang maglakad papunta sa amin. "Sumunod kayo sa akin, huwag ninyo sabihin ang sinabi kong word sa inyo kanina, okay?" Tumango naman kami ni Flynn. Ang salitang hindi namin pwedeng bigkasin ay bakit baka kasi ma-trigger daw ang mga pasyente kapag narinig daw nila iyon. "Sumunod kayo sa akin."


Sumunod naman kami ni Flynn. Papunta kami sa garden ng hospital. May mga pasyente at nurse doon n may kanya-kanyang ginagawa. Dumeretso kami sa isang swing at doon may isang babaeng sobrang payat na nakatalikod sa amin. Kumabog ang dibdib ko.


"Bessie!" Lumapit kaagad si ate Bella sa amin kaya sumunod kami. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang ate ko. Sobrang payat niya at parang buto't balat na lang siya. Puno ng lungkot ang kanyang mata at tulala siya. "Cassandra nandito na ako." Walang response si ate kay ate Bella. "Bessie."


Tumulo ang luha sa pisngi ko. Hindi ko matanggap na ganitong makikita ko ang ate ko. Nasasaktan ako sa nangyari sa kanya.


"Cassandra, si Bella ito. 'Di ba nangako ako sa'yo na isasama ko ang kapatid mo. Nandito siya, kasama ko. Aubrey ang pangalan niya." Wala pa ring response si ate Cassandra. "Cass, si Bella ito. Bessie, nandito na kami. Hindi ka na namin iiwan."


Nag-blink ang mata ni ate Cassandra. "B-Bella?"


Namasa ang mata ni ate Bella. "Ako nga. Cassandra, kasama ko ang kapatid mo." Hinila ako ni ate Bella. "Heto siya o. Si Aubrey."


Tipid na ngiti ang binigay sa akin ni ate Cassandra. "A-Ang ganda ng p-pangalan mo b-bagay sa'yo. D-dapat m-magki-kikita t-tayo n-noon k-kaso—" Namasa ang mata ni ate Cassandra.


"Ate." Lalo akong naiyak at niyakap ko siya. Napahagulgol si ate Cassandra.


"K-Kaso b-binab-boy ang a-ate mo. H-Hindi na ako n-nakapunta s-sa m-meet up n-nam-min ni d-daddy k-ka-kasi b-binaboy a-ako ng h-hayop na 'yun."


"Ate..."


"B-Binaboy a-ako n-ng as-sawa n-ni mom-my." Humigpit ang yakap ko kay ate. Nanginginig ako sa galit dahil doon sa walanghiyang nanggahasa sa ate ko. "A-Araw-araw n-niya a-akong binab-baboy a-at s-sina-saktan. K-Kap-pag nags-sumbong a-ako k-kay mommy, p-pat-tayin k-ka d-daw n-niya, s-si B-Bella at p-pati si mo-mommy."


"Cassandra tama na."


"N-Natakot ako k-kasi a-alam k-kong g-gagawin t-talaga n-niya 'yun d-dahil drug a-addict s-siya at n-nakapatay n-na siya. A-Aubrey, h-hindi ko na kaya m-mabuhay. W-Wala nang nagm-mamah-hal s-sa akin."


Parang sinaksak ang puso ko dahil sa mga sinasabi ni ate. "Ate huwag mong sabihin 'yan. Nandito na ako. Hindi kita iiwan. Promise ko 'yan."


Umiling si ate Cassandra. "H-Hindi k-ko n-na k-kaya. A-Ayo-yoko n-na mabuhay."


"Ate..." Napapikit ako. "Huwag mo sabihin 'yan."


"Cassandra..."


"Ayoko na!" Halos sigaw niya kaya may lumapit sa aming nurse at may nilabas na syringe. "Ayoko n-na m-mabuhay!"


"A-Anong gagawin mo sa ate ko?"


"Kailangan po niyang matulog, miss. Kapag hindi siya naturukan ng sedative, lalo niyang maaalala ang nakaraan niya."


"Pero—"


"Hayaan mo na siya, Aubrey. Kailangan na rin magpahinga ng ate mo."


Agad na tinurukan si ate Cassandra ng sedative. Unti-unting pumikit si ate at kinarga naman kaagad siya ng nurse. "Ihahatid ko na po siya sa kwarto niya."


Natulala ako. Hindi ko talaga matanggap na nangyari ito kay ate Cassandra. Kitang-kita ko ang paghihirap niya. "Walanghiya 'yung hayop na 'yon!" Kumuyom ang kamay ko.


"Miss Bella, ihahatid ko na sa bahay nila si Aubrey." Nagpatangay na lang ako kay Flynn. Ni hindi ko na naintindihan ang sinabi ni ate Bella.


Nang nasa loob na kami ng kotse ni Flynn ay lalong kumuyom ang kamay ko. "Flynn, bakit ginawa niya iyon kay ate? Hayop siya!"


"Aubrey..." Niyakap ako ni Flynn kaya tuluyan na akong napahagulgol.


"Bakit nangyari 'yun kay ate? Bakit niya kailangang maranasan iyon? Hindi niya deserve 'yun, Flynn. Ang sakit dito." Tinuro ko ang tapat ng puso ko. "She was only fifteen years old that time. Sa edad na iyan, naranasan niya mapagsamantalahan. Isang taon at kalahati siyang araw-araw binababoy. Nasira ang pagkatao ni ate at ngayon nandyan siya sa isang mental institute habang ang nambaboy sa kanya ay hindi pa nakikita. Anong gagawin ko? Gusto ko magkaroon ng hustisya para kay ate." Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon pero walang tutumbas sa sakit na nararamdaman ni ate. Prinotektaha niya kaming mga mahal niya sa buhay kahit ang kapalit nun ay tuluyang pagsira ng pagkababae niya. "Flynn, ang sakit-sakit."


Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. "Gagawa tayo ng paraan para mahanap ang gumawa nun sa ate mo. Kukunin natin ang pinakamagaling na abogado para sa ate mo. Kakayanin ninyo ng ate mo 'yan basta nandito lang ako sa tabi mo."


Tumango ako. Mabuti na lang nandito si Flynn. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya ngayon dito. Pinilit kong ngumiti. "Salamat, Flynn."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top