Chapter 8: Guitar Lesson
Chapter 8:
Aubrey Sarmiento:
"Aubrey!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin at napangiti ako. "Gean!" Lumapit ako sa kanya. "Ano na ganap?"
Sumimangot si Gean. "Ano na ganap ka d'yan. Kinalimutan mo na ako."
Napanganga ako. "Anong kinalimutan?"
"Kinalimutan mo na ako. Porket naging magkaibigan na kayo ni Flynn, nakalimutan mo na ako as your friend."
"Hala siya. Nagtampo ang bata." Niyakap ko siya. "Huwag ka na magtampo. Sus, hindi naman kita kinalimutan. Bakit naman kita kakalimutan eh ikaw ang girl best friend ko? Gala tayo sa sabado, deal?"
Unti-unting ngumiti si Gean. "Sa sabado?" Tumango ako. "Sige, girl bonding tayo ah. 9am?"
"Oo naman. 9am tayo magba-bonding. Manonood tayo ng The Walking Dead, magmi-makeup tayo na parang pumatay ng tao at bibili tayo ng cake na mukhang parte ng katawan ng tao." Nagningning bigla ang mata ko. Gusto ko gawin iyon. Naku-curious ako kung anong feeling na kumakain ng cake na mukhang parte ng katawan ng tao.
Ngumiwi si Gean. "Seryoso ka?"
Umiling na lang ako. Alam ko namang ayaw ni Gean sa creepy stuff. Sosolohin ko na lang ang pangarap na ito. "Sa mall tayo. Sa dating kitaan."
"Aubrey!"
Sabay kaming napalingon ni Gean sa tumawag sa akin. Si Flynn iyon at tumatakbo siya papunta sa amin. Sumilay ang ngiti sa labi ko. Humiwalay ako kay Gean at kumaway sa kanya. "Flynn!"
"Sus, nandito na 'yung mang-aagaw ng best friend."
Rinig na rinig ko ang bulong ni Gean. Sus, nagsiselos lang ang babaeng ito.
"May ipapakita ako sa iyo!" Bungad na sabi niya sa akin na parang hindi niya napansin na kasama ko si Gean.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman ang ipapakita mo?"
"Basta!" Hinawakan niya ako sa pulso ko at hinila. Tumatakbo kaming pumunta sa likod ng school building ng Senior High.
"Bakit tayo nandito?" Curious kong tanong sa kanya at umupo ako sa damuhan. Dito ang tambayan ko noong hindi ko pa kaibigan si Flynn. Napasinghap ako. Na-miss ko rin ang simoy ng hangin dito. Mas mahangin kasi dito banda.
"Wait." Naglakad si Flynn papunta sa likod ng katapat naming puno. Nanlaki ang mata ko nang may kinuha siyang gitara. A brand new guitar.
"Wow!" Inabot ko kaagad ang gitara at nagningning ang mata ko. Ininspeksyon ko kaagad iyon. Ang ganda! Personalize na siya kasi may nakalagay na Flynn sa fretboard ng gitara. "Ang astig!" Marahan kong hinaplos ang gitara "Ang ganda talaga!" Nag-strum ako sa gitara.
"Ang cool 'no?"
Tumango ako. Nag-strum ulit ako hanggang sa napansin ko na lang na pinapatugtog ko na ito. Kisapmata pa nga ang tinutugtog ko. "Ni—" Napahinto ako. Muntik na akong kumanta. Tumingin ako kay Flynn at nakatitig lang siya sa akin na halatang gulat na gulat siya sa nakita. "Flynn..."
"Hindi mo sinabi na marunong kang maggitara."
"Aaah." Umiwas ako ng tingin. "Ano kasi hindi naman masyado. Kisapmata lang ang alam ko hehe."
"Talaga? Parang sanay ka maggitara kanina."
"Ano kasi—"
"Huwag ka na mahiya. Sus, matalik mo akong kaibigan kaya sabihin mo na."
Tumango ako. Hindi naman masama na sabihin ko sa kanya na marunong ako maggitara.
Kinuha niya sa akin ang gitara at sumilay ang ngiti sa labi niya. "Pwede bang turuan mo akong maggitara?" Natulala ako sa klase ng pagngiti niya kaya napatango na lang ako. "Yes! Thank you, Aubrey." Niyakap niya ako na ikinagulat ko.
Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. "K-Kailan mo gusto? 'Yung turuan kita maggitara?"
"Saturday morning. In your house. 9am sharp." He hold my hands. "Salamat ulit."
"Bakit gusto mong matutong maggitara?"
"Para magustuhan ako ni Serene."
Napanganga ako. Para magustuhan ko siya? No. Para magustuhan siya ni Serene. Umiwas ako ng tingin kay Flynn. Nagsiselos ako sa sarili ko. Dapat hindi ako makadama ng ganito. Hindi dapat. Mali ito. Hindi ko dapat hayaan ang sarili kong tuluyan na mahulog kay Flynn.
---------
Huminga ako ng malalim at napatingin sa wall clock. 8:55 na ng umaga. "Ang tagal naman niya." Bulong ko sa sarili ko at kinuha ang gitara sa tabi ko. Nag-strum ako. "Ang tagal mooooo!" Patonong sabi ko at sunud-sunod akong nag-strumming.
"Hija, masakit sa tenga 'yang ginagawa mo!" Sita sa akin ni manang Hilda at pinatong niya sa coffee table ang sandwich ko.
Agad kong kinuha ang sandwich at kinain iyon. "Manang paano naman kasi ang tagal dumating ni Flynn."
Napangiti si manang Hilda. Kakaiba ang ngiti niya ah. "Paano naman kasi hija tingnan mo ang orasan, mag-aalas nueve pa lang. Masyado kang atat makita ang kaibigan mo o baka iba na 'yang nararamdaman mo sa kanya kaya ka nagkakaganyan."
Nahinto ako sa pagsubo ng sandwich. "Manang! Grabe naman 'yang point of view mo." Naramdaman kong namumula ang mukha ko.
"O, kung wala bakit ka namumula? Naku hija, napagdaanan ko na iyan. Sa akin ka pa magsisinungaling." Napailing na lang si manang Hilda.
Umiwas ako ng tingin kay manang Hilda. Nanlaki ang mata ko nang may nag-doorbell at napangiti. Agad akong tumayo at nagmamadaling lumabas. Lalo akong napangiti nang pagbukas ko ng gate ay si Flynn ang nandoon.
"Hi!" Bati niya sa akin.
"H-Hi!" Huminga ako ng malalim. "Pasok ka!" Niluwag ko ang pagbukas ng gate. "So seryoso ka talagang matuto maggitara?" Sinara ko na ang gate at nauna na akong maglakad papasok ng bahay.
"Oo naman. Desidido akong matuto."
Nang nasa loob na kami ng bahay ay naroon pa rin sa sala si manang Hilda at may kakaibang ngiti ang binigay niya sa amin bago umalis.
"She's kinda like my grandma."
Napalingon ako kay Flynn at kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"Ganun ngumiti lola ko kapag may nalaman na siya lang ang nakakaalam."
"Weird ah." Umupo na ako sa sofa. "Sit down. Ready mo na ang gitara mo."
Agad namang sinunod ni Flynn ang pinapagawa ko. Halatang excited siya matuto. "Lets start!"
Ngumiti ako. "Alam mo naman na siguro parts ng gitara dahil na-lesson na siya sa music subject natin? 'Yung Headstock, Turning Pegs, Fretboard, Fret, Neck, Bridge at sound hole." Tinuro ko pa ang mga parts ng gitara. Tumatango naman si Flynn. "So ang strings simula taas hanggang baba ay E, A, D, G at E. Gets?"
Tumango si Flynn. "Alam ko na 'yung every detail ng gitara. Nag-search ako kagabi para hindi ka na mahirapan. Syempre gusto ko mapadali ka lang sa pagtuturo sa akin."
Napanganga ako. Bakit naman hindi niya sinabi kaagad? Kinuha ko ang pillowcase at binato sa kanya. "Baliw ka pala eh! Dapat sinabi mo kaagad para hindi ako nahirapang i-explain sa iyo ang parts ng gitara!"
"Sorry na, ganda mo tingnan habang nagsasalita ka eh."
Namula ang mukha ko kaya kumuha ulit akong pillowcase at binato ulit sa kanya. "Langya ka!"
"Sorry na nga! Ito naman galit kaagad."
Inirapan ko siya. "Kulamin kita d'yan eh."
"Sus hindi ka naman mangkukulam eh."
"Bahala ka d'yan! Mag-aral ka mag-isa mo." Tumayo ako at nagmamadaling pumasok ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit ako umaaktong ganito. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng heartbeat ko. Bakit ba kailangang magkaganito ang puso ko?
"Hoy, Aubrey. Sorry na, galit ka naman kaagad. Sorry na oy. Bati na tayo." Panay ang katok ni Flynn sa pintuan ng kwarto ko. "Aubrey."
"Wala! Do not disturb. Busy sa pagmumuni-muni!"
"Huwag ka na magalit. Libre na lang kita sa favorite mo fastfood chain."
"Wala ayoko! Matapunan mo pa ulit ako ng coke float."
"Wala namang ganyanan, Aubrey. Kinakalimutan ko na nga 'yan eh."
Napangisi ako at binuksan ko na ang pintuan. "Joke lang. Umalis na tayo dahil ililibre mo pa ako ng float."
"Paano ang guitar lesson—"
"Saka ko na lang pag-iisipan kapag nalibre mo na ako at hindi natapunan ng float."
"Aubrey!"
"Joke lang. 'To naman hindi mabiro." Natatawang gaya ko sa sinabi niya kanina bago kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa coffee table.
-------
"O hindi kita natapunan ng float. Tuturuan mo na ako?"
Kumain muna ako ng fries bago sagutin ang tanong ni Flynn. "Paano kita tuturuan kung nasa gitna tayo ng mall, naglalakad habang kumakain ng burger, fries at umiinom ng coke float?"
Napakamot sa ulo si Flynn. "Sabi ko nga mamaya tuturuan mo akong maggitara."
Ngumiti ako bago kumagat ng burger. Ang sarap talaga nito. "Oo nga pala. Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko para sa project natin sa Science?"
"Oo naman. Sus, ayoko nga mahirapan ka, 'di ba? Ready to print na 'yun, approval mo na lang ang kailangan."
"Mamaya send—"
"Aubrey!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nawala ang ngiti sa labi ko at bigla kong naalala ang usapan namin ni Gean na magba-bonding kami ngayon. "Gean, I'm so—"
"No need to say sorry tutal busy ka naman ngayon. I understand, sana naman sinabihan mo muna ako para hindi ako naghintay." Tinalikuran niya ako at naglakad palayo sa amin.
"Gean!" Tawag ko sa kanya pero nagpatuloy lang siyang maglakad.
Damang-dama ko ang guilt ngayon. Kasalanan ko kung bakit galit sa akin si Gean ngayon. Dapat hindi ko kinalimutan ang bonding naming dalawa.
"Anong nangyari doon?"
Napayuko ako. "Galit siya. Dapat may girl bonding kami ni Gean pero hindi ako sumipot sa meeting place namin."
"Dahil tinuruan mo akong maggitara tapos ngayon nandito tayo?" Tumango ako. "I'm sorry. Its my fault."
"Wala ka namang kasalanan. Nakalimot lang ako. Bumalik na lang tayo sa bahay."
Tumango na lang si Flynn at pumunta kaagad kami sa parking lot kung nasaan naka-park ang kotse niya. Buong biyahe namin pabalik sa bahay ay tahimik lang ako. Iniisip ko kung paano ko makakausap si Gean. For sure, hindi na niya ako kakausapin sa school. Hindi rin niya sasagutin ang tawag, text at chat ko.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Flynn ng pintuan. Kusa na akong bumaba at pumasok kaagad ng bahay. Sumunod na lang si Flynn sa akin.
"Hija."
Ngumiti lang ako kay manang Hilda. "Flynn bukas na lang tayo—mag-uusap." Kinuha ko ang craddle ng telephone dahil tumunog iyon bigla. "Hello?"
"Pwede po bang makausap si Roberto Sarmiento?" Boses iyon ng isang babae.
"Wala po siya dito, bakit po?" Umupo ako sa sofa. Umupo rin si Flynn sa sofa. Siguro para makapahinga kaunti.
"May kailangan po akong sabihin sa kanya."
"Tungkol saan po? Sasabihin ko na lang po kay papa."
"Tungkol po ito sa anak niyang si Cassandra Anne Amacio."
Kumunot ang noo ko. "Si ate Cassandra?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top