Chapter 7: Wonderful Lady
Chapter 7:
Aubrey Sarmiento:
"Hija, your mama told me that you have a great day yesterday. Magkwento ka naman sa nangyari sa date niyo ng binatang iyon."
Napahinto ako sa pagsubo ng ulam. "Papa, hindi po ako nakipag-date. Gumala lang po ako sa mall kasama ang bago kong kaibigan na binulabog po ako kanina."
"Then who's that new friend?"
"His name is Flynn, darling."
Napatango si papa bago sumubo ng pagkain. "Nice name. Naalala ko tuloy ang ate Cassandra mo. Baka ngayon may boyfriend o asawa na siya ngayon."
"Hindi mo pa rin ba siya nakikita, darling?"
Bumuntong hininga si papa. "Oo, darling."
Napayuko ako. Anak ni papa sa una niyang asawa si ate Cassandra. Until now ay hindi pa rin siya nakikita ni papa. Simula nang bumalik kami dito galing sa USA dahil doon kami dati nanirahan ay hinanap na ni papa si ate Cassandra.
"Magkakasundo kayong dalawa ng ate mo kapag nagkita kayo. Mahilig rin siya manood ng horror movie."
"But papa, twelve years na noong huling kita niyo. Baka ayaw na niya sa horror." Pinagpatuloy ko lang ang kinakain ko. Hindi ko nga alam kung tatanggapin ako ni ate Cassandra bilang kapatid dahil anak ako sa pangalawang asawa ni papa.
"Sigurado akong mahilig pa rin siya sa ganyang palabas. Oo nga pala. Pwede kang makipag-boyfriend pero hija but know your limits. Tandaan mo na kuwawa ka kapag maaga kang nag-asawa."
Nanlaki ang mata ko. Anong pinagsasabi ng tatay ko? "Papa!"
"What? I'm just saying the truth. 'Wag kang mainis sa akin."
"Darling, responsableng bata naman ang anak natin, right sweetie?" Nginitian pa ako ni mama.
Napangiti ako. "Thanks, 'ma."
"But remember na huwag magpapadala sa tukso."
Napanganga ako. "Pati pa naman ikaw, mama." I can't believe it. Ang sakit sa ulo ng mga pinagsasabi ng magulang ko. Iniisip talaga nilang boyfriend ko si Flynn.
"Syempre—" Napahinto magsalita si mama dahil biglang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan kaming tatlo. "Manag Hilda, pakibukas nga po ng gate. May bisita tayo." Sigaw ni mama. "Sino kaya 'yun?"
"Baka may nagpadala sa atin. Nag-order ka ba sa online shop, hija?"
Umiling ako. Ano namang bibilhin ko doon?
"Ma'am, sir, classmate po ni Aubrey."
Napalingon ako sa gawi ni manag Hilda at nanlaki ang mata ko dahil nasa likuran niya si Flynn na kumaway pa sa akin. Bakit siya nandito?
"What's your name, hijo?" May authority na tanong ni papa.
"Flynn po, sir."
"Oh, so ikaw ang boyfriend ng anak ko?"
"Po?"
Muntik ko na mabitawan ang kubyertos na hawak ko dahil sa gulat ko sa mga pinagsasabi ni daddy. Ininom ko kaagad ang gatas sa baso ko. May plano pa atang igisa ni papa si Flynn. "Goodbye po! Late na kami! Bye!" Kinuha ko ang bag ko at hinila palabas ng bahay si Flynn. Hindi man lang ako nakapag-goodbye kiss ang parents ko. "Loko ka! Bakit ka pumunta dito?" Naiinis kong tanong sa kanya sabay hampas sa balikat niya.
"Syempre gusto kong kasama ang best friend ko."
Kumunot ang noo ko. "Best friend? Kailan pa tayo naging mag-best friend? Hindi ako na-inform."
"Syempre noong pumayag ka na maging magkaibigan tayo." Pa-cool pa niyang sabi. Sarap batukan. "Kaya sumakay ka na sa kotse at baka ma-late tayo."
Doon ko lang napansin na may kotse nga sa tabi namin. Binuksan ni Flynn ang pintuan ng kotse kaya pumasok na ako sa loob. Salamat at nakatipid ako ng pamasahe papasok ng school. Rich kid talaga itong biglang best friend ko eh. Agad siyang tumabi sa akin. Nang dumikit ang braso namin ay bigla akong nakadama ng kuryente kaya lumayo ako ng kaunti sa kanya. Ang bilis rin ng tibok ng puso ko. May sakit na ata ako sa puso.
"Aubrey, may sasabihin ako."
Humarap ako sa kanya. "Ano?" Bored kong tanong sa kanya. Sa totoo lang, nakakabagot dito sa loob ng kotse hindi tulad ng tricycle at jeep na may soundtrip minsan.
"I like a girl who are really mysterious to me."
Tinaasan ko siya ng kilay. May panibago naman siyang type. Malandi rin itong lalaking 'to 'no. "Tapos?"
"I really like her."
"Alam ko. Kakasabi mo nga lang 'di ba? Bakit mo ba sinasabi ito sa akin?"
"Because you are my best friend. I know this is gay thing but having best friend means you share secrets to each other."
"Hindi talaga ako na-inform na mag-best friend tayo."
Napapalatak siya. "Naman, Aubrey. Hindi ba halatang mag-best friend tayo. Matalik na magkaibigan."
Napangiwi naman ako. Bakit ba ayokong maging mag-best friend kami? Napailing na lang ako. "Oh tapos anong meron sa babaeng iyon?"
"Ayon na nga. I like her since I heard her singing sad song. Mali, mahal ko na siya simula noong marinig ko siyang kumakanta. Gusto ko siya yakapin nang araw na iyon."
Kumabog ang dibdib ko. Ako ba ang babaeng sinasabi niya? "S-Sino ba siya?"
"Paminsan-minsan siyang kumakanta sa coffee shop na Dream Heaven. The costumers call her Serene. Maybe her name is Serene. Hindi ko alam kung sino siya dahil kalahati ng mukha niya ay natatakpan ng maskara. Do you know the search for Ms. Mysterious Voice? Ako ang nagpapahanap sa kanya. I want to know her."
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hinahanap talaga niya ako. Hindi talaga siya naka-move on sa boses ko.
"I love her, Aubrey."
Napangiwi ako. Bakit ba ako nakadama ng hapdi sa puso ko? Bakit hindi matanggap ng sistema ko na in love si Flynn kay Serene na ako rin naman?
"I will try my best para pumayag siya na ligawan ko siya."
I think, I'm crazy.
-----------
"Flynn."
Napahinto ako sa binabasa ko at napatingin sa babaeng nasa harapan ni Flynn. I know her. She is one of the oh-so-called Nerd Fashionista. She is Elaine Honasan of Grade 10 section Chaucer.
"Ano 'yun, Elaine?"
"I want you to know that I am your Ms. Mysterious Voice."
Tumaas ang kilay ko. Seryoso? Kelan pa siya naging si Ms. Mysterious Voice?
"Then sing." Sumalumbaba si Flynn.
Umayos naman ako ng upo. I want to pull her hair. Lets see if you can be Ms. Mysterious Voice.
Huminga ng malalim si Elaine. She's from other section kaya malamng lahat ng kaklase namin ni Flynn ay nakatingin sa kanya at inaabangan ang gagawin niya. "Saying I love you, is not the word I want to hear from you, it's not—"
"Stop. I'm sorry Elaine. Hindi ikaw ang hinahanap ko."
Napanganga si Elaine. "But I have a wonderful voice."
Nagpatuloy naman ako sa binabasa ko. Pinipilit na huwag ngumiti dahil baka masabihan pa ako na 'anong nginingiti-ngiti mo dyan?' Hindi ko alam kung bakit masaya ako sa nangyayari ngayon.
"Pero hindi ikaw ang hinahanap ko. I'm sorry, Elaine." Tumayo si Flynn at naglakad palabas ng classroom para na rin siguro hindi siya kulitin ni Elaine.
Si Elaine naman ay nakayuko lang. Nagbubulungan ang mga kaklase ko. Puros tungkol sa pagkaawa at pagkainis kay Elaine. Mayamaya ay tumakbo na ito palabas ng classroom na umiiyak.
Sumilay naman ang ngiti sa labi ko. I feel great today. Kumibit balikat na lang ako at hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Bumalik naman si Flynn.
"Why are you smiling?" Curious niyang tanong sa akin.
"Maganda kasi ang scenario sa kwento. Patayan na ang scene." Alibi ko na lang. Hindi ko naman sasabihin sa kanya natutuwa ako na ni-reject niya si Elaine. Baka iba pa ang maisip ng lalaking ito.
"Ganun ba? Ngumiti ka na lang palagi. Maganda ka kapag ngumingiti."
Naramdaman ko na namula ang pisngi ko kaya agad kong hinarangan ang mukha ko ng libro. "Ssh, do not disturb. I'm reading."
Tumawa na lang si Flynn na nagpabilis ng tibok ng puso ko. What the heck heart?
-----
"Aubrey, eat this. Masarap 'yan." Nilagyan ni Flynn ng pancake ang pinggan ko.
Tiningnan ko siya. Ang weird naman kumain ng pancake kung ang kinakain ko ngayon ay pancit canton. "Why you're giving this to me?" I take a sip on my orange juice.
"Syempre best friend kita kaya share din tayo sa pagkain. Pahingi ako ah." Sabay inom niya sa orange juice ko.
Halos magwala ang buong sistema ko dahil sa ginawa niya. Bakit ba nangyayari ito sa akin?
"Mas masarap 'yung lemon juice na nabili ko." Nilapit niya sa akin ang lemon juice kaya no choice ako kundi uminom sa straw. Naku naman!
"Kuwawa naman si Flynn. Ginayuma ng Mangkukulam."
Kumuyom ang kamay ko. Nananahimik ako dito tapos pag-uusapan na naman nila ako. Nakakagigil sila. Pinagpatuloy ko na lang ang kinakain kong pancit.
"Baka siya ang hinahanap ni Flynn na Ms. Mysterious Voice?"
"Baka kamo gumamit siya ng black magic kaya akala ni Flynn si Mangkukulam ang hinahanap niya." Nagtawanan ang grupong nasa likuran ko.
Tatayo na dapat ako para sigawan sila nang biglang tumayo si Flynn. "Excuse me, ladies. Hindi mangkukulam si Aubrey. She's a wonderful lady so don't judge her by her physical appearance. Lets go." Hinila niya ako palabas ng cafeteria. "Ayoko sa lahat na tinatawag ka nilang mangkukulam o witch. Isa kang matinong tao kaya wala silang karapatang tawagin ng ganun."
Nakatingin lang ako kay Flynn habang nagpapadala sa paghila niya sa akin. I can't believe na sasabihin niya iyon ngayon. "Pero sinasabihan mo rin ako na witch."
Huminto kami sa gitna ng hallway. "Dati 'yun, noong hindi pa kita kilala. You're nice, Aubrey. You're very lovely lady and no one can change it. You are the most special girl I met. Remember that, Audrey."
Naramdaman ko ang pagbilis ng puso ko. I don't know why I feel this. I think, I'm starting liking him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top