Chapter 5: El Filibusterismo


Chapter 5:


Aubrey Sarmiento:



"If all else fail, would you be there to love me? When all else fail, would you be brave to see right through me?" Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung naging maganda ang pagkanta ko dahil sa pagkailang na nararamdaman ko. Paano naman kasi nakatingin sa akin si Flynn. Ikaw pa naman kumanta tapos may nakatingin sa'yo na parang matutunaw ka na kung makatingin, hindi ka ba mao-awkward? Nakakaloka lang, hindi ba?


Nag-prepare ng apat na stool ang staff ng Dream Heaven para sa apat na member ng Dreamer. Nasa gitna nila akong apat. Binigyan din sila ng wireless microphone. Ewan ko ba kay Seven kung bakit may ganitong pakulo pa siyang nalalaman. Getting To Know Dreamer, eh sa facebook at T.V shows lang ata nag-e-exist 'yun. Sarap niya batukan kung hindi lang siya matanda sa akin ng limang taon.


"Magbubunot kami ng name dito sa mahiwagang bowl ng Dream, then ang mabubunot naming name ay siya ang magtatanong." Ngumiti pa ng matamis si Lux. Mapang-akit na nilalang sa mga costumer. Sarap ibato sa Bermuda Triangle. "Remember, One question lang. Walang follow up question. Oh, Lauren Fajardo."


Nagtaas ng kamay ang isang babaeng kulay blonde ang buhok at malapit lang siya sa amin kaya naabutan kaagad siya ng microphone. "Hi! Kay Serene po ang tanong ko."


Mahina akong tumawa pero deep inside, kinakabahan ako. "Wow! Para sa akin kaagad!" Bakit feeling ko tatadtarin ako ng tanong ng mga costumer? I wish na sana hindi magtanong si Flynn. Aba! Baka masabi ko bigla na nasa tabi niya si Sadako at Kayako. "Go!"


"Uhm, bakit po kayo naka-mask palagi?"


Ngumiti ako. "Ayoko kasing makita niyo ang kapangitan ko."


"Woah! Maganda ka! Nahihiya lang si Serene na makita ninyo ang maganda niyang mukha." Singit ni Dave at nginisian lang ako.


"Sa totoo lang shy type kasi ako, hindi lang halata." Tumawa ako. "Pa-mysterious effect lang po ako."


Ngumiti sa amin si Lauren. "Thank you po." Bumalik na ito sa kinauupuan.


Si Lux naman ang sumunod na bumunot. "Jade Gumabay."


"Me!" Tili ng babaeng kamukha ni Janice De Belen. Naks naman pang-artista ang mukha. "My question for Serene is may boyfriend ka na po ba?"


Muntik na akong mapangiwi. Ako talaga ang trip nila tanungin. "Nope. Ahaha single for almost one year na ata."


"Aw bakit po?"


"One question lang po. Thank you." Tumango pa si Henry, ang bassist ng banda. Siya na ang bumunot. "Wendelle Sandoval."


Nagtaas ng kamay ang isang lalaki na nakasalamin. "My question for Serene—"


"Ako na naman. Curious kayo sa akin ah. Grabe, hindi ko alam interview na pala ito." Nagsitawanan ang mga costumer. "Go, Wendelle."


Tinanguan niya ako. "Para ito sa question na hindi natanong ni Jade, bakit po kayo naghiwalay ng ex mo?"


Gumuhit ang hapdi sa puso ko. Mapait akong ngumiti. "I can't answer that. Iba na lang ang tanungin mo."


"I'm sorry. Nag-aaral pa po ba kayo?"


Huminga ako ng malalim. "Yes, hindi lang halata."


"Thank you."


Ngumiti ako kay Wendelle. Inabot sa akin ni Henry ang bowl. Ako na ang bumunot at inabot ko ang bowl kay Jordan na keyboardist ng banda. Tiningnan ko ang nakasulat at nanlaki ang mata ko. Bakit siya pa? "F-Flynn De Vera."


Nagtaas ng kamay si Flynn at lumapit siya sa amin. "Para kay Serene ang tanong ko."


Lalo akong kinabahan. Kinakabahan sa magiging tanong ni Flynn.


"Bakit si Serene ang tinatanong niyo palagi?" Nakasimangot na tanong ni Lux. "Nagtatampo na ako sa inyo."


Nginitian lang ni Flynn si Lux bago bumaling sa akin ang tingin niya. "Pwede ka bang maligawan?"


Napanganga ako at nagsigawan ang mga costumer sa paligid namin. Bakit ganyan ang tanong ng lalaking ito? Sa dinami-raming tanong, tungkol pa sa panliligaw ang tinanong sa akin. Bago pa ako makapagsalita ay inakbayan ako ni Lux.


"I'm sorry dude pero hindi pwedeng ligawan ang lil sister namin. Strict kaming kuya eh."


"Tama." Pagsasang-ayon ni Henry.


Tumango naman ako. "I'm sorry, hindi rin ako tumatanggap ng manliligaw ngayon."


Parang nasaktan ang mga costumer sa sagot ko. Ganun din si Flynn. Aba, magpaligaw na lang sila kay Flynn.


"I will do my best para pumayag ka na ligawan kita."


Hah! Sorry pero wala kang pag-asa dude! Ngumiti na lang ako. "Okay, to be continue ang question and answer portion." Pumuwesto na ang kabanda ko sa musical instrument nila. Tinanggal na ng staffs ang mga stool. "Enjoy your coffee guys!" Nag-count sign ako bago mag-umpisa na magpatugtog ang banda.


"Try to tell me what I, shouldn't do. You should know by now, I won't listen to you..."


-----


"Oy, balita ko gusto ka raw ligawan ni Flynn, totoo ba 'yun?"


Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Gean. "Gusto niya akong ligawan as Serene."


"Pero bakit may Search For Ms. Mysterious Voice?"


I shrug. "Maybe because hinahanap pa rin niya ang totoong mukha ni Serene. Ikaw pa naman binusted sa harap ng maraming tao, hindi ka ba magpupursigeng hanapin 'yung tao?" I open my Facebook account. I have 5 messages from Dreamer band. Isa-isa ko sila nire-reply-an. Mukhang nagwawala ang banda sa GC namin. Inaasar nila si Seven at Trevor, ang vocalist nila.


"Eh 'di magpakilala ka para naman maging glow ang mukha mo. Move on, move on rin 'pag may time."


Natigilan ako. "I can't." How can I move on kung hindi ko matanggap na wala na siya? "I can't so huwag na natin siya pag-usapan. Samahan mo na lang ako magpalit ng damit. Reporting na namin ngayon sa El Filibusterismo." Hinila ko si Gean papunta sa C.R at dala-dala ko ang paper bag ko na naglalaman ng susuotin ko. "Gean, pahawak nito." Binigay ko sa kanya ang ID at cellphone ko bago pumasok ng cubicle.


Pinalitan ko kaagad ang damit ko at kahit mainit ang susuotin kong Maria Clara suit ay tiis-tiis na lang. Para sa magandang grade sa reporting. "Hay! Grabeng init dito sa Pilipinas!" Binura ko ang itim kong lipstick gamit ang tissue paper bago lumabas ng cubicle.


Nanlaki ang mata ni Gean pagkakita niya sa akin. "Shemay! Aubrey ikaw ba 'yan?"


Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi, si Maria Clara ako. Malamang ako 'to. Hindi lang ako nakaitim na lipstick, ganyan ka na ka-OA mag-react." Inayos ko ang buhok ko. I wear payneta. Kay mama ito, palihim ko lang kinuha sa jewelry box. Thank you na lang at may pangkulot rin si mama, nagawang kong magpakulot na mukhang wavy. Effort talaga para sa reporting na ito. I wear choker na katulad ng kay Leonor Rivera ng Ilustrado T.V series. Binili ko naman ito sa ukay-ukay. Marami talagang mabibiling magagandang gamit sa second hand shops. Kaya mas gusto ko bumili sa ukay-ukay eh. Laki ng tipid ko. Nadagdagan pa ang ipon ko para sa trip ko bilhin.


Inayos ko naman ang pagkakasuot ko sa pañuelo ko. Mukha talaga akong si Maria Clara sa ayos ko. Ang ganda ng damit na pinabili ko kay papa. Worth it ang pangungulit ko sa kanya. Magpi-picture na lang ako mamaya para maniwala siyang sinuot ko ito. Gawin ko na ring profile picture sa Facebook.


"Promise, parang hindi ikaw. Napunta ba ako sa panahon ni Rizal? Mamaya hindi na pala ikaw si Aubrey."


Nginitian ko lang siya. "Mag-a-act na ako as dalagang Pilipina kaya huwag kang ma-alien dyan ah."


"Naku! Partner mo nga eh, umaakto nang si Crisostomo Ibarra noong hindi pa siya si Simoun."


"Hayaan mo siya." Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Bumalik na tayo sa silid-aralan, Señorita Gean." Tinakip ko ang half ng mukha ko gamit ang pamaypay ko. Medyo naiilang ako habang naglalakad kami ni Gean papunta sa school dahil sa mga tingin ng mga estudyante. Nae-alien ata sila sa akin o baka hindi nila ako nakilala.


"Nabuhay si Maria Clara oh!"


Nagmadali akong maglakad and at last! Nandito na rin kami. Nagsitahimik ang mga kaklase ko at kakaiba ang tingin nila sa akin. Ngumiti ako sa kanila. "Magandang hapon aking mga kamag-aral."


"Sino ka?" Tanong sa akin ni Reiven, if I'm not mistaken.


"Señorita Aubrey! Dumating ka!"


Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko. Si Flynn na nagmukhang kagalang-galang na ilustrado. Bakit ang gwapo niya sa ayos na? Napailing ako. Anong pinagsasabi ng utak ko? Marahan akong yumuko. "Magandang araw, Señorito Flynn."


"Hala, si Mangkukulam pala 'yan!"


Lilingunin ko sana ang kaklase kong nagsalita kaso huwag na lang. In character dapat ako.


"Hindi ko akalaing maaga kang makakarating dito." Lumapit siya sa akin. Nagulat akong inabot niya ang kamay ko at hinalikan niya iyon. "Kay ganda mo ngayon Señorita Aubrey. Para kang isang rosas sa iyong kagandahan."


Tinakpan ko ang mukha ko dahil dama ko na nag-init ang pisngi ko. "Masyado mo akong binobola, Señorito Flynn." Umiwas ako ng tingin. Bakit ba kasi ako pumayag sa trip ng lalaking ito na kumilos kami na parang nasa panahon ng Espanyol?


"Maniwala ka sa aking sinambit." Lalo siyang lumapit sa akin. "Sa totoo lang, kinakabahan ako." Pabulong niya sa akin.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Nakaayos na ba ang projector?"


Tumango si Flynn. "Yung USB mo na lang ang kulang."


"Okay." Inabot ko sa kanya ang USB. Huminga ako ng malalim. Hindi ako kinakabahan sa report ko, kinakabahan ako kung maayos bang mari-report ni Flynn ang part niya o sasaluhin ko ang nakalimutan niyang part. Mahirap magkaroon ng partner talaga pagdating sa reporting.


Mayamaya ay dumating na si sir Dimaculangan at pinag-umpisa na niya kami. Pumunta kami ni Flynn sa harapan.


Pilit na ngiti ang binigay sa akin ni Flynn. Obvious na kinakabahan siya kaya nginitian ko siya para mawala kahit papaano ang kaba niya. Tumango ako sa kanya at sabay kaming humarap sa klase.


"Buenas tardes maestro y compañeros, compañeras de clase! (Good afternoon, sir, classmates!)" Sabsy naming sabi ni Flynn habang nakangiti.


"Esta es mi compañera, Señorita Aubrey Sarmiento, y mi nombre es Flynn De Vera. (This is my partner, Señorita Aubrey Sarmiento then my name is Flynn De Vera)" Tumango sa akin si Flynn.


"Mag-uulat tungkol sa capitulo cuatro, cinco at seis ng El Filibusterismo." Sabay naming sabi at nag-bow pa kami.


Gumilid kami ni Flynn para makita ng mga classmate namin ang powerpoint presentation namin. Ngumiti ako sa mga kaklase namin. "Mag-umpisa tayo sa Capitulo cuatro, Kabesang Tales..."


-----


"Aubrey!"


Huminto akong magsulat at nilingon ko ang tumawag sa akin. Nasa library ako ngayon at ang lakas ng loob nito na tawagin ako eh ang may signage nga sa bookshelves na nasa likuran ko na 'Silence please'. Bulag ba siya para hindi makita 'yun? "Problema mo, Flynn?"


Tumabi siya sa akin. "Ang galing mo sa reporting kanina. Congrats!"


Napailing na lang ako. "Ikaw rin naman. Hindi ko nga akalaing na sineryoso mo ang mga sinabi ko sa'yo na pointers sa chapter 6."


"Sus! Eh tinulungan mo ako. Salamat ah."


Ngumiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagsasagot ng assignment namin na ipapasa bukas.


"Ui, sipag mo naman."


"Hindi naman." Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa which is good. Nabalik ang focus ko sa assignment namin sa A.P. Bukas pa naman ito ipapasa kaso ayoko na maraming ginagawa sa bahay kaya dito ko na ginagawa ito.


"Uhm, Aubrey..."


"Hmn?" Hindi ko na siya tinapunan ng tingin.


"Pwede ba kita maging kaibigan?"


Natigilan ako at napakunot noo. Anong pinagsasabi nito? "Hah?"


"Friends. Pwede ba kita maging kaibigan?"


Napaisip ako. Hindi ko naman kailangan na madagdagan ang friend list ko. "Bakit mo naman ako gustong maging kaibigan?"


"Dahil nakita ko na mabait ka naman talaga."


Tinaasan ko siya ng kilay at sarkastikong tumawa. "Talaga lang huh?"


"Seryoso ako! Promise, cross my heart!" Tinaas pa niya ang kanang kamay niya.


Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa libro. "Bahala ka sa buhay mo."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top