Chapter 4: Popcorn



Chapter 4:


Aubrey Sarmiento:




Inambahan ko siya ng suntok. "Kukulamin talaga kita!" Halos sigaw ko sa kanya. Ilang tabo ng dugo ko kaya ang nasayang nang dahil sa lalaking ito? Nakakabwisit!


"Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ah. Gusto lang naman kita makausap, 'di ba witch ka naman talaga? Bakit ka nagagalit?"


Impit akong tumili. Nakakaloko na 'to ah! Peke akong ngumiti. "For your information, hindi ako witch o mangkukulam. Sadyang ganito lang ang ayusan ko kaya huwag kayong manghusga ng tao dahil sa ayos niya. Kilalanin niyo muna bago kayo manghusga, okay?" Nanggigigil kong sabi sa kanya. Naglakad na ulit ako.


"Wait!" Hinawakan ako ni Flynn sa kanang braso ko.


Bigla akong nakadama ng kuryente kaya pumiksi ako. "Ano ba?" Marahan kong hinaplos ang braso ko dahil dama ko pa rin ang kuryente.


Umiwas siya ng tingin sa akin. "I-I'm sorry. I try my best para hindi ka tawaging witch, promise."


Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako naniniwala sa kanya dahil promises meant to be broken at sa isang tulad niyang sikat daw sa school ay alam kong hindi uso sa kanila ang tumupad ng pangako. "Maniniwala lang ako kapag ginawa mo." Malamig kong sabi bago maglakad palayo sa kanya.


"I will do that, Aubrey!"


Natigilan ako sa sinabi ni Flynn. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang gustong-gusto na binigkas niya ang pangalan ko. Agad akong umiling at nagpatuloy na lang maglakad. "Guni-guni mo lang 'yon, Aubrey."


------


"Hija, may naghahanap sa iyo."


Pinindot ko ang pause button bago humarap sa nag-iisa naming katulong sa bahay. "Sino po?"


"Kaklase mo raw, nandoon na siya sa sala."


Napatayo ako. Sino namang kaklase ko ang nakaalam ng address ko sa bahay? Si Gean lang naman ang nakakaalam kung saan ako nakatira at kilala naman siya ni manang Hilda. "Sige po lalabas na ako." Pinatay ko ang T.V at kinuha ang cellphone ko bago sumunod kay manang Hilda. Halos mapasigaw ako nang makita ko si Flynn na nakaupo sa sofa at sarap na sarap sa kinakain na bibingka. Bakit binigay sa kanya ni manang Glenda ang pagkain ko? Tumikhim ako kaya napalingon sa gawi ko si Flynn. "Bakit ka nandito?" Tanong ko kaagad sa kanya.


"Hi Aubrey! Sarap ng bibingkang binigay ng katulong niyo."


Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi niya sinagot ang tanong ko at kinakain niya ang paborito kong bibingka na binili ko pa sa palengke. "Sagutin mo ang tanong ko, bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako nakatira?"


"Woah! Kanina isa lang ang tanong mo, ngayon dalawa na. Baka kapag hindi ko nasagot ang tanong mo, maging tatlong question na siya."


Lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Ang ganda ng tanong ko tapos pipilosopohin lang ako. Astig rin nito 'no? "I'm serious, Flynn."


Pinatong niya sa coffee table ang platito na wala nang laman. My bibingka is gone! "Heto naman, hindi mabiro. Nandito ako para gawin na natin ang projects at reports."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga lang ah?"


"Sus, seryoso ako. May dala akong mga materials and according to your friend, Gean, mahilig ka raw sa horror movies so I have this!" Pinakita niya sa akin ang isang pirated CD na The Conjuring 2. Nanlaki ang mata ko dahil sa totoo lang ay plano ko pa lang i-download ang movie na iyan. "Kay kuya Yuan ko ito at hiniram ko, hindi ko pa siya napapanood so sabay tayong manood while doing our activities?" Doon ko lang din napansin na may katabi siyang tatlong malalaking paper bag ng National Bookstore. "May iba pa akong dalang horror movies." Pinakita niya sa akin ang ibang 2017 horror movies. May mga napanood ko na at may hindi pa. May Train To Busan pa nga eh.


Nagningning ang mata ko at napatango ako ng wala sa oras pero binalik ko ang dating expression ng mukha ko. The Cold Expression. "Seryoso kang manonood ka ng mga 'yan?" Tinuro ko pa ang mga horror movies na hawak niya.


Mukhang nag-gulp ito. "Oo naman!"


Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga? Hindi ka matatakot?"


"Oo naman! Bakit ako matatakot? Kalalaki kong tao tapos matatakot lang d'yan? Hah, nagbibiro ka ba? Mag-umpisa na tayong manood habang nagtatrabaho."


Napangiti ako. Biglang bumalik ang nararamdaman ko na saya. Excited akong manood dahil movie marathon ito! "Manang magluto nga po kayo ng popcorn at magdala dito ng dalawang 1.5 na Coca Cola!"


------------


"Walanghiya! Anak ng tokwa!"


Halos sumakit ang tyan ko sa kakatawa. Paano naman kasi panay ang tili ni Flynn, dinaig pa ang babae. Pangatlong horror movie na namin ito pero hindi pa rin tumitigil si Flynn sa kakatili. Buti nga hindi pa ito namamaos. Marami na ring popcorn ang nakakalat sa sahig. Partida madilim rin ang paligid namin dahil siya ang nag-suggest na dapat madilim para dama ang palabas.


"Walanghiya! Nandyan na sa likod mo! Nan—aaaaaah!"


"Hahahahahaha! I can't breathe! Hahahaha!" Halos mapahiga na ako sa sahig sa kakatawa. Imbes na sa movie ang atensyon ko, napupunta kay Flynn dahil mukha talaga siyang tanga.


"Grabe ka sa akin ah!"


"Mukha ka kasing tanga! Ahahaha! Promise mukha kang tanga."


"Hindi ah! Ang tino kong nanono—waaaaah!" Biglang napayakap sa akin si Flynn.


Nakadama ako ng kuryente at sobrang bilis ng tibok ko ngayon. Nagkatinginan kami ni Flynn. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?


"Hija at hijo, buksan na natin ang ilaw. Magdidilim na."


Tinulak ko palayo sa akin si Flynn bago bumukas ang ilaw. Dama ko ang pamumula ng mukha ko. Umiwas ako ng tingin kay Flynn.


"Dios mio! Bakit nagkalat ang popcorn dito?"


"Ah, n-nagulat po kasi ako k-kaya natapon ko po 'yung popcorn." Nag-umpisa na si Flynn na pulutin ang nakakalat na popcorn.


"Naku hijo, ako na ang bahala d'yan. Alas cinco na baka hinahanap ka na sa inyo."


"O-Oo nga, F-Flynn. Baka pagalitan ka sa inyo." Pagsasang-ayon ko kay manang Hilda at nag-umpisa na rin akong pulutin ang mga popcorn. "Sige na umuwi ka na."


"Tutulungan kita—"


Natigilan ako dahil sa unexpected na paghawak ni Flynn sa kamay ko. Agad kong binawi ang kamay ko. 'Yan na naman ang kuryente galing sa kanya.


"Aalis na po ako." Agad na tumayo si Flynn at kinuha ang bag na nakapatong sa sofa.


"Aubrey, ihatid mo naman sa gate ang kaklase mo. Magliligpit na ako dito baka dumating na ang magulang mo."


Tumango na lang ako kahit ayoko. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko habang naglalakad kami palabas ng bahay. "Mag-ingat ka ah." Mahinang sabi ko. Syempre hindi ako sanay na may bisita kaya medyo ilang pa ako sa ganitong linyahan. Huminto kaming maglakad at binuksan ko ang gate.


"Sige, sa susunod na lang."


Tumango ako. Naglakad na si Flynn. Biglang may pumasok sa isip ko at napangisi ako. Huminga ako ng malalim. "Flynn! Si Sadako nasa tabi mo!"


Bigla siyang tumalon at tumili. Tumawa naman ako ng malakas. Humarap siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Nag-sign naman ako sa kanya na get lost bago isara ang gate. Tatawa-tawa akong pumasok ng bahay.


"Mukhang masaya ang alaga ko ah."


Umiwas ako ng tingin kay manang Hilda at humintong tumawa. "I'll go to my room. Hindi na po ako kakain." Tinakbo ko ang papunta sa kwarto ko at hindi ko na hinintay ang sasabihin ni manang Hilda.


------


"Seryoso, nahahalata ko na panay ang absent ng bokalista ng Dreamer." Kinuha ko kay Seven ang suklay at sinimulan ko na suklayan ang buhok ko. Paano naman kasi sa loob ng isang linggo, dalawa o tatlong beses kung mag-absent ang vocalist ng Dreamer. "What happen, cousin?"


Umiwas ng tingin sa akin si Seven. "I-I don't know. Mag-ready ka na. Mag-uumpisa na ang gig mo." Iniwan na lang ako ni Seven na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.


Feeling ko may something sila ng vocalist ng Dreamer. Naku! Nagsikreto pa sa akin ang babaeng iyon. Ibato ko sa kanya ang bokalista ng Dreamer eh.


"Lil sis! Sunod ka na!"


Tumango ako sa drummer ng Dreamer na si Lux. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng backstage. Nagsigawan ang mga costumer. Kumaway ako sa kanila bago umupo sa stool na nasa stage. "Good evening everyone!" Masayang bati ko sa kanila. Tinugunan naman nila ang pagbati ko. Everyone screaming our name. They really love me and Dreamer. "First time ko na sumali sa pakulong ito ng owner ng Dream Heaven because many of you want to know who I am. Maybe I can't answer some of your question because you know, its confidential. So before we start the Getting To Know Dreamer! Let us give you all a song." Humarap ako sa kabanda ko at tumango. Nag-umpisa na ang sila magpatugtog.


Ngumiti ako sa mga costumer. "My love, It's been a long time since I cried, And left you out of the blue. It's hard, Leaving you that way when I never wanted to..." Pumikit ako para damhin ang musika. Unti-unting dinadala ako ng musika. "Self-denial, Is a game a stranger I never would wantes until, there was you..." Muntik na akong humintong kumanta nang makita ko na nandito sa loob ng Dream Heaven si Flynn. Bakit siya nandito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top