Chapter 3: Serene



Chapter 3:


Flynn De Vera:



"Cause we lost it all, nothing last forever, I'm sorry I can't be perfect. Now its just too late, and we can't go back, I'm sorry I can't be perfect... Thank you, people! Have a nice night!" Nag-bow si Serene bago ito umalis ng stage.


Sa wakas, nakita ko na rin ang babaeng hinahanap ko. Dito ko lang pala siya makikita sa Dream Heaven. Mabuti na lang at sumama ako sa barkada ko. Ngayon ay kailangan ko malaman kung sino ang nasa likod ng maskarang iyon. Tumayo ako. Susundan ko siya.


"Saan ka pupunta, Flynn?" Tanong sa akin ni Drake.


"Kay Ms. The One." Naglakad na ako papuntang backstage. Nang nasa loob na ako ay naroon si Serene. Inaayos niya ang kanyang mga gamit. "Hey!" Kuha ko sa atensyon niya. Napalingon naman sa akin si Serene. Kumaway naman ako sa kanya. "Hi!"


"Bakit ka nandito? Bawal ang costumer dito."


"I want to know who you are. Did you know na hinahanap kita. Matagal na kitang hinahanap." Naglakad ako papalapit sa kanya.


Umiling siya. "No, hindi ako ang hinahanap mo, so sir, please go out. Inuulit ko, bawal ang costumer dito."


"But I want to see you, I want to know you. Nasa akin ang guitar case mo."


Natigilan ito. "S-Sir, please lang. Umalis na kayo." Isinukbit niya ang kanyang bag. Parang pamilyar sa akin ang bag ni Serene.


Bago pa maglakad si Serene ay hinawakan ko ang kanyang braso. Nakadama ako ng kuryente kaya nabitawan ko kaagad siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. "Can we talk?"


"No."


"Please-"


"Sir, bakit po kayo nandito?" Lumapit sa amin ang isang lalaki. Sa pagkakaalam ko ay ito ang gitarista ng banda. Umakbay siya kay Serene. "Bawal po dito ang costumer."


"I just want-"


"Dave, I'll go now. Pakisabi na lang kay Seven na umuwi na ako." Patakbong umalis si Serene.


"Wait!" Napabuntong hininga ako ng wala sa oras. Gusto ko siyang makilala.


Susundan ko dapat siya nang pinigilan ako ng lalaki. "Sir, lumabas na po kayo."


Tumango na lang ako sa gitarista bago umalis sa backstage. Gagawin ko ang lahat para makausap si Serene. I want to know her.



Aubrey Sarmiento:



"I wish dat we cud bi layk dat..."


Napapikit ako. Ang sakit sa tenga ng boses nun. Nakakairita na. Talagang sineryoso ng girls ang search for Ms. Mysterious Girl Voice.


"Please Aubrey, magpakita ka na kay Flynn. Ang sakit sa tenga ng mga boses nila, maawa ka naman sa akin."


Mariin akong umiling. "Bahala siya maghanap. Ayoko ng magulong buhay." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad while si Gean ay huminto maglakad. Nang humarap ako sa kanya ay nakapameywang siya. "What?"


"Bes, you need inspiration para naman gumanda lalo ang buhay mo."


"You're crazy. I'll go now. Tatambay na lang ako sa library. Puntahan mo na ang boyfriend mo." Nagliwanag ang mukha ni Gean bago nagmamadaling umalis. Napailing na lang ako. Baliw talaga siya sa boyfriend niya. Naglakad na ako papunta sa library.


"Witch!"


Mariin akong pumikit bago hinarap ang taong pinagsigawan na tawagin ako. "What's your problem?" Iritang tanong kay Flynn.


"Gawin na natin ang reporting sa El Filibusterismo."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Are you sure?"


Tumango siya. "Tutal wala naman tayong klase sa Math, magplano na lang tayo tungkol sa reporting natin."


Tinaasan ko siya ng kilay at nagpatuloy na lang maglakad papasok ng library. Iniwan ko sa librarian ang ID ko bago lumapit sa pinakamalapit na mesa at doon umupo. Sumunod naman sa akin si Flynn at umupo siya sa katapat kong upuan.


"Kung seryoso ka talaga, basahin mo ang Kabanata 4, 5 and 6. Then lets start planning our report. Kung anong magandang umpisa or anong magandang information ang pwedeng isingit sa kabanata."


"Noted."


Nag-umpisa na akong basahin ang kabanatang iri-report namin. Nag-umpisa na rin akong mag-jot down. "So Flynn, anong idea naisip mo?"


"Uumpisahan ko pa lang basahin ang chapter 4."


Tumango na lang ako. Habang nagbabasa ako ay panaka-nakang tumitingin ako kay Flynn. Nagsi-cellphone lang siya. Sige pagbigyan. Baka may kailangan siya i-message. Nagpatuloy lang akong magbasa. Napalingon ako sa kanya nang marinig ko siyang tumawa. Aba hindi nagbabasa ang mokong! Tumikhim ako pero hindi niya ako napansin. Mariin akong pumikit. Hinayaan ko lang siya. Magbabasa rin iyan.


Pagkaraan ng sampung minuto ay nahalata ko na natapos ko na basahin ang tatlong kabanata pero siya ay hindi man lang nagalaw ang libro. "Nakakainis ka!" Iritang sita ko kay Flynn. Wala na siyang ginawa kundi mag-cellphone at mukhang may ka-chat or ka-text siya. Wala siyang natutulong sa akin. Nakakairita na. Gusto ko na ibato sa kanya ang lahat ng libro dito sa library, sa totoo lang.


"Ano namang ginawa ko sa iyo?"


"Look, you're not helping me. Ang ginawa mo lang ay mag-cellphone. Niloloko mo ba ako? Gusto mo bang kulamin kita?"


Takot ang makikita ngayon sa mukha ni Flynn. Ngumisi ako. "S-Sabi ko n-nga tutulong ako." Kinuha niya sa akin ang libro ko na El Filibusterismo. "Anong chapter ang sa akin?"


Sinamaan ko siya ng tingin. "Kabanata 6, ako na ang bahala sa kabanata 4 at 5. Pag-aralan mo na lang ng mabuti ang chapter na 'yan then if ever na mablanko ka, sasaluhin kita. Kabisado ko naman ang kwento n'yan." Sinulat ko ang posibility style ng pag-report natin. "There are two type of visual, ito 'yung written visual aid at PowerPoint presentation. Ano ang mas prefer ka?" Nakatulala lang siya sa akin na parang nakakita ng alien. Bigla akong kinabahan. Pumitik ako sa harapan niya. "Hey! Ano na?"


"Your voice, its familiar. Parang narinig ko na."


Peke akong tumawa. Lalo akong kinabahan dahil sa sinabi ni Flynn. Baka nabosesan niya ako. "Syempre marami akong kaboses kaya malamang magmukhang pamilyar sa'yo. Nakakaloka ka rin ano?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa libro.


Mahinang tumawa si Flynn. "Tama ka nga."


Nakahinga ako dahil sa sinabi niya. Mabuti naman at naniwala siya. Mabuti na lang at hindi niya naalala ang boses ko na inaakala niyang si Serene. "So what kind of presentation ang gusto mo?"


"PowerPoint presentation na lang para hindi na tayo gumastos."


Tumango ako at sinulat ang gustong presentation ni Flynn. "So ganito ang gagawin natin sa report. You will wear ilustrado style suit. 'Yung mala-Crisostomo Ibarra or Jose Rizal then I will wear Maria Clara outfit-"


"Teka! Bakit natin kailangang magsuot ng panahon noon na damitan?"


Tinaasan ko siya ng kilay. "Nakinig ka ba kay Sir Dimaculangan? Ang sabi niya ay dapat ang suot ng mga magre-report ay connect sa El Filibusterismo or panahon ng Espanyol, so anong gusto mong suotin? Pang-prayle?"


Nagtaas siya ng kamay. "Sabi ko nga, mala-Crisostomo Ibarra ang susuotin ko."


"Yun naman pala eh, dami pang satsat. Parang story telling ang pag-report natin ah. Kabisaduhin mo ang explanation mo, walang dalang papel sa harapan. Magtanong ka sa kaklase natin para malaman natin kung nakikinig ba sila." Nakadama ako ng pagkailang nang sumalumbaba si Flynn sa harapan ko. Bakit ba kailangan na magganyan siya sa harapan ko? "What?"


"Hindi ko akalaing maboka ka pala. Hindi ko rin akalain na seryoso ka sa pag-aaral at maraming alam pagdating sa reporting. Ang tahimik mo kasi."


Umiwas ulit ako ng tingin. "Hindi lang talaga ako sinasali sa mga groupings kaya nagmumukha akong hindi nag-aaral ng mabuti."


"Kasi mangkukulam ka nga kaya ayaw ka nila maging kagrupo. Matanong ko lang, pamilya ba kayo ng mangkukulam?"


Napantig ang tenga ko. Ayoko talaga ang pinag-uusapan ay tungkol sa akin at sa pamilya ko. Agad kong niligpit ang gamit ko. "I'll go now. Kung may kailangan ka lang, just message me." Kinuha ko ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng library. Mas mabuti pang mag-isa na lang ako kaysa may kasama sa reporting dahil huhusgahan lang ako ng kasama ko.


-----


"Hoy Witch!"


Hindi ko pinansin ang tumatawag sa akin. Nagpatuloy lang akong maglakad. Papalabas na ako ng campus. Kanina pang umaga ako kinukulit ni Flynn. Paano naman kasi halos lahat ng subject, partner kami sa project or reporting. Ang malas ko naman! Gusto ko nga ng tahimik na buhay pero bakit hindi ako pinagbibigyan ngayon? Ano bang ginawa kong masama?


"Witch!"


Nagpatuloy lang ako maglakad. Kumuyom ang aking kamay.


"Notice me, Witch! Hoy! Witch!"


Humarap na ako kay Flynn sa sobrang pagkainis sa kanya. Hindi ba niya alam ang pangalan ko?


Hinihingal siyang lumapit sa akin. "Mabuti na lang at huminto ka. Ang bilis mo maglakad, Witch!"


Mariin akong pumikit sa sobrang inis. "Sa tingin mo, titigil ako maglakad dahil tinawag mo ako? Excuse me, hindi witch ang pangalan ko. I have my own name! I am Aubrey, not witch. Itatak mo sa isip 'yan! Nakakagigil ka!" Inambahan ko siya ng suntok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top