Chapter 20: Confession
Chapter 20:
Aubrey Sarmiento:
Masuyong ngiti ang pinapakita ko ngayon sa mga estudyanteng sumasayaw ngayon. Sa totoo lang, naiinggit ako sa kanila. Buti pa sila, nae-enjoy ang grand ball na kasama ang date nila. Samantalang ako nandito sa stage, nakadalawang set na at kumakanta. Ilang beses na rin nag-offer sa akin si Trevor na siya na ang kakanta para makasali ako sa party at tinatanggi ko naman. Magpakasaya na lang siya sa backstage kasama si Seven.
"Cause every day, every night, I keep looking at the skies, And I'll pray that someday you will wake up in my arms, Coz' every day, every night, I keep looking at the skies, And I'll pray that someday you will wake up in my arms, And love will never end..." Pumikit ako. Ayoko na umasang darating si Flynn. Mukhang nakapagdesisyon na siya na hindi magpakita sa akin habangbuhay. Bakit ganyan ka Flynn? "We belong together, always and forever, Call my name and I'll be there..." Marahang dumilat at muling masuyong ngumiti.
Lumapit sa akin si Dave. "Tapos mo na kantahin 'yan, sigurado ka bang magpapakilala ka na?" Bulong niyang sabi sa akin.
Tumango ako. "Nakapagdesisyon na ako, bahala na kung anong mangyari." Ngumiti si Dave at bumalik sa pwestp niya. Huminga ako ng malalim. "Hey guys, this past three days nag-viral ang post ng Serafine University Secret Files na magpapakilala na ang taong nasa likod ng maskarang ito." Tinuro ko ang maskara ko. "Naks naman, nakakatuwa kasi nag-viral ulit ako sa social media!" Nagsitahimikan ang lahat ng tao. Na-curious lahat sa pinagsasabi ko. "Maybe some of you didn't believe on that post, that post is true and the owner of Dream Heaven send a message to the admin of the page to tell that I will introduce myself on the night of annual grand ball. Ako ang nagpasabi nun. Feeling curious right now?" May kanya-kanya silang komento sa sinabi ko.
"I am a grade 10 student here in Serafine University." Gulat ang makikita ngayon sa kanila. "Hindi ninyo alam na nakakasalubong, nakakabangga at nakakatabi ninyo na ako doon. Frankly speaking, I'm a victim of cyberbullying and actual bullying. I'm always alone. Do you have a guess who I am?" Muli'y may kanya-kanya silang komento. "Curiousity strike? Sa daming biktima ng bullying at palaging mag-isa sa school, mukhang puno ng pangalan at tanong ang isipan ninyo." Naglakad ako papalapit sa harapan. "Isa rin ako sa sinasabi nilang nagmahal, umasa, nasaktan. Nagmahal, nagmahal ng buong puso. Umasa, umasang darating ang araw na masusuklian ang pagmamahal ko and take note—" Nagulat ako dahil pumasok sa loob ng venue ang taong hinihintay ko. Ang taong dahilan kung bakit magpapakilala na ako sa mga humahanga sa talento ko. "Nagmahal ako at nasuklian naman. Nasaktan, bakit nasaktan? Nasaktan dahil nagsikreto ako sa kanya kaya nagalit siya sa akin. Hindi lang ako ang nasaktan, pati rin siya. Remember guys, trust is the most important thing in a relationship. Mapa-couple, kapatid, pamilya at kaibigan kailangan ng tiwala. 'Yun ang nawala sa amin. Oh, may idadagdag ako, umaasa ulit ako. Yes umaasa na naman ako ahahaha. Choss!"
Nagkatinginan kami ni Flynn. Bumilis ang tibok ng puso nang nginitian niya ako. Dumating siya. Totoo siya! Napangiti ako. "Okay, maiwan na natin ang lovelife ko. Balik tayo sa kung sino ako. Ang dami kong pa-segway. Marami dito ay biktima ng bullying at frankly speaking masakit ang ma-bully. Those bullies, I don't know what's their problem in life but please stop bullying your schoolmate. It's not good. Bakit ko ba nasabing nakaranas ako ng pambu-bully? Ako ang taong palaging iniiwasan ng mga estudyante dito except na sa mga taong lumapit sa akin at alam ninyo kung sino kayo. Ako ang taong nag-viral sa social media at naging cause ng pambu-bully sa akin. Ako ang tinatawag ng lahat na Witch at Mangkukulam. Yes you're right, I'm Aubrey Leene Sarmiento."
Tinanggal ko ang suot kong maskara. Iba't iba ang expression nila at ang common expression ay pagkagulat. "Ako si Serene at bakit ako nagpakilala? Bakit nagpakita ang taong nakatago sa likod ng maskarang ito? Isa lang ang dahilan. Ipakita ko kung sino talaga ako. Someone says to me that be myself. Maging totoo lang ako at huwag pansinin ang mga humuhusga sa akin. Ang sabi nga niya, may manghuhusga sa iyo dahil parte iyon ng buhay ng tao. We live in the world of full of judgemental people." Napatingin ako kay Flynn at nag-thumbs up siya. "Malakas na ang loob kong magpakilala sa iyo." Huminga ako ng malalim. "Sana tanggapin ninyo pa rin ako."
"Tanggap ka namin, Serene!"
"We still love you!"
"Aubrey o Serene okay lang 'yun!"
"Aubrey! Aubrey! Aubrey!"
Lumawak ang ngiti ko nang i-chant nila ang pangalan ko. Ang mismong pangalan ko. "Thank you! Ang susunod na kanta ay para sa mga taong na-bully at nahirapan sa buhay pero go lang sa buhay. Be yourself guys! Huwag magpapadala sa panghuhusga. Ang awit na ito ay tungkol sa kung sino ako at ano ang nararamdaman ko. Hope you like it guys. Sana maging inspirasyon ninyo sa buhay." Mariin akong pumikit.
"Do you ever feel like breaking down?
Do you ever feel out of place,
Like somehow you just don't belong
And no one understands you?
Do you ever wanna run away?
Do you lock yourself in your room
With the radio on turned up so loud
That no one hears you're screaming?
No, you don't know what it's like
When nothing feels all right
You don't know what it's like
To be like me
To be hurt
To feel lost
To be left out in the dark
To be kicked when you're down
To feel like you've been pushed around
To be on the edge of breaking down
And no one's there to save you
No, you don't know what it's like
Welcome to my life
Do you wanna be somebody else?
Are you sick of feeling so left out?
Are you desperate to find something more
Before your life is over?
Are you stuck inside a world you hate?
Are you sick of everyone around?
With their big fake smiles and stupid lies
While deep inside you're bleeding
No, you don't know what it's like
When nothing feels all right
You don't know what it's like
To be like me
To be hurt
To feel lost
To be left out in the dark
To be kicked when you're down
To feel like you've been pushed around
To be on the edge of breaking down
And no one's there to save you
No you don't know what it's like
Welcome to my life
No one ever lied straight to your face
And no one ever stabbed you in the back
You might think I'm happy but I'm not gonna be okay
Everybody always gave you what you wanted
You never had to work it was always there
You don't know what it's like, what it's like
To be hurt
To feel lost
To be left out in the dark
To be kicked when you're down
To feel like you've been pushed around
To be on the edge of breaking down
And no one's there to save you
No, you don't know what it's like
To be hurt
To feel lost
To be left out in the dark
To be kicked when you're down
To feel like you've been pushed around
To be on the edge of breaking down
And no one's there to save you
No, you don't know what it's like
Welcome to my life
Welcome to my life
Welcome to my life..."
Nag-bow ako at malawak na ngumiti. Ngayon ay nawala na ang bigat dito sa dibdib ko. Wala na ang sakit na dalahin nito.
"Now for the traditional cotillion of annual grand ball. For the pair who choose to be part of the traditional cotillion of Serafine University, please go to center."
Huminga ako ng malalim at niri-ready ko na ang sarili ko para sa next na kakantahin ko. Nanlaki ang mata ko nang pumunta sa harapan ng stage si Flynn at inilahad niya ang kanyang kamay.
"Flynn..."
"May I dance you?"
"Pero—" May kumuha ng microphone na hawak ko. "Trevor."
"You can go now, Serene. You are part of traditional cotillion. Alam mo bang may paniniwala dito na kapag hindi sumayaw ang pair na parte ng traditional cotillion ng S.U ay minamalas sa lovelife kaya kung ako sa inyo, pumunta na kayo doon."
"Paano 'yung—"
"Ako na ang kakanta at pagbigyan mo na ako, kanina ka pang bata ka. Umay na sa'yo sina Henry." Isinuot niya sa akin ang mask ko. "Go on, enjoy dancing, our lil sis."
Ngumiti ako at bumaling ako kay Flynn na nakalahad pa rin ang kamay. "Sure." Humawak ako sa kamay niya at inalalayan niya akong bumaba sa stage. Pumunta kami sa center ng venue kung saan kami sasayaw. Nginitian ako ni Lenxi at Elaine kaya gumanti ako ng ngiti sa kanila.
Nag-bow kaming lahat sa kapareha namin sabay ng pag-umpisa ni Trevor na kumanta.
"I found a love for me, Oh darling, just dive right in and follow my lead..."
"Hi!" Nakangiting sabi ni Flynn habang sumasayaw na kami.
"Hello." Medyo naiilang na sabi ko.
"I'm sorry kung nahuli ako ng dating."
"Okay lang—"
"Magtatapat ako sa'yo, please Cinnamon, makinig ka sana."
Cinnamon. Cinnamon ulit ang tawag niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Una, tingin ko sa'yo ay isang mangkukulam kaya palagi kitang tinatawagan na witch pero noong nagalit ka sa akin dahil panay ang tawag ko sa'yo na witch, nakita ko kung sino ka talaga. Hindi ka isang mangkukulam na sinasabi nilang nagba-black magic. Isa kang simpleng babae. Nagsisi akong inisip ko iyon kaya gumawa ako ng paraan para maging kaibigan ka dahil gusto kong protektahan kita sa mga humuhusga sa'yo. Noon turing ko lang sa'yo ay matalik na kaibigan hanggang sa na-realized ko na nahuhulog na ako sa'yo. Noon, dine-deny ko pa dahil alam kong may gusto ako kay Serene. Pero iba pala kapag nakita mo ang mahal mo na may ibang gustong sumungkit sa puso niya. Doon ko napatunayang mahal na kita."
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaagad ma-digest ng utak ko ang mga sinasabi niya. "Flynn..."
"Sobra akong nagsiselos kapag nakikita kitang ngumingiti at tumatawa dahil sa ibang lalaki." Umikot ako at nagpalit kami ng pwesto. "Ang gusto ko, ako dapat ang dahilan kung bakit ngumingiti ka at tumatawa. Gusto ko na ako ang makasungkit sa puso mo." Magsasalita dapat ako kaso inunahan niya ako. "Kaya noong araw na niyaya ka ni Jervy na ililibre ka niya sa canteen, inunahan kaagad ako ng selos. Pinipilit kitang huwag sumama sa kanya. Pinapili kita at siya pinili mo. Nasaktan ako noon, tinatanong ang sarili ko na bakit siya ang pinili mo pero bumalik ka."
"At doon una kang nagtapat." Pangunguna ko sa kanya.
Tumango siya sa akin. "Sobrang saya ko noong pumayag kang magpaligaw sa akin. Ang sabi ko sa isip ko, this time I will do my best to get your heart because you already own my heart. Hanggang sa araw na umamin kang ikaw si Serene. Nasaktan ulit ako dahil para sa akin, naloko ako. Galit ang unang naramdaman ko pero dumaan ang isang araw na sinisisi ko ang sarili ko. Bakit hindi ko inalam ang rason mo kung bakit hindi ka umamin na ikaw si Serene? Sinabi ko sa sarili ko na magsu-sorry ako pero dumating ang araw na grabe ang pambu-bully sa'yo ng mga kapwa natin estudyante kaya bago ako bumalik sa'yo, hahanapin ko ang taong nagpapakalat ng video na 'yun at nalaman kong si Gean pala 'yun. Salamat kay Lenxi dahil tinulungan niya ako. Noong natapos na ang issue, ikaw ang unang kumausap sa akin. Gustong-gusto kita yakapin noon pero inunahan ako ng hiya."
"Baby I'm dancing in the dark, with you between my arms, Barefoot on the grass, listening to our favourite song..."
"Patawad kung naging duwag ako, I'm sorry if I hurt you, patawad kung nahuli ako ng dating sa buhay mo."
Nagpalit kami ng pwesto ulit sabay ng pagpalit ng partner. Nginitian ako ng partner ko ngayon. Si Buildex. "Hays, kailangan talaga palitan ng partner? Mas gusto ko ka-partner si Stupid Girl ko."
I chuckled. "You love her."
"Sssh, huwag ka maingay."
Napailing na lang ako at pasimpleng tumingin kay Flynn. Hindi ko kilala ang kasayaw niya. May sinasabi ang babaeng kasayaw niya at napatingin siya sa akin kaya bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ilang steps pa ng Waltz ang sinayaw namin bago magpalit muli ng partner. Hindi ko kilala ang kasayaw ko ngayon. Nginitian ko lang siya.
"When I saw you in that dress, looking so beautiful, I don't deserve this..."
Nakailang palit ako ng partner bago naging si Andrew ang ka-partner ko. Katulad ng ginagawa ko sa mga naunang partner ko ay nginitian ko siya.
"I hope na maging masaya kayo. Geez, si Flynn na lang walang lovelife sa amin."
Natawa ako. "Ganun ba?"
"Oo, kaya sagutin mo 'yan ng oo."
Ngumiti na lang ulit ako bago umikot at bumalik na sa totoong partner ko. "Hi, bumalik ako dito." Mahina akong tumawa.
"You're wrong. Ako ang bumalik sa iyo."
Ano ba naman itong lalaking 'to? Palagi na lang niya pinabibilis ang tibok ng puso ko.
"I have faith in what I see, Now I know I have met an angel in person..."
"I love you, Aubrey. Alam kong huli na ang dating ko pero maglalakas loob pa rin akong tanungin ito sa'yo."
"...And she looks perfect, I don't deserve this, You look perfect tonight."
"Can you still accept my heart?" Sabay ng pagsabi niya nun ang pag-bow niya sa amin hudyat na tapos na ang traditional cotillion dance.
Natulala ako sa sinabi niya. He asking me if I can still accept his heart.
"Thank you ladies and gentlemen. The party still continue."
Sabay ng pagpunta ng ibang estdyante sa pwesto namin ng mga nag-cotillion at ang pagkanta ni Trevor, ay parang bumagal ang kilos ng mundo sa paligid namin ni Flynn hanggang sa parang wala na sila. Na kami lang ni Flynn ang nandito.
"Aubrey?"
Ngumiti ako at tinanggal ko ang mask ko. Binato ko iyon sa kung saan na lang. "Ang akala ko hindi na masusuklian ang pag-ibig na nararamdaman ko para sa'yo. Palagi akong umaasam na sana makita mo ako hindi bilang best friend kundi ang babaeng maaari mong makasama habang buhay. Hindi ko aakalaing masusuklian pala itong nararamdaman ko ngayon. Noong sinabi mo na kapag pumunta ka sa bahay sa gabi ng grand ball, ibig sabihin kaya mong ipaglaban ang nararamdaman mo sa akin. Umasa ako kanina na darating ka at mahigit kalahating oras kitang hinintay. Ang akala ko ikaw ang dumating sa bahay, 'yun pala si Jervy. Bakit ngayon ka lang dumating?"
"Darating dapat ako sa bahay ninyo at alam iyon ni ate Cassandra kaso unexpected na nasiraan kami sa daan. Tinawagan ko si Jervy at sinabi ko kung pwede ka sunduin. Eksaktong malapit lang sila sa inyo kaya nasundo ka niya. Halos sigawan ko ang driver ng grab para makarating kaagad dito ngunit naipit kami sa traffic. I'm sorry—"
Pinigilan ko siya magsalita sa pamamagitan ng pagdampi ng hintuturo ko sa labi niya. "It's okay. Enough saying sorry. Napatawad na kita."
"Will you accept my gift to you? Will you accept my heart again?" Pinakita niya sa akin ang isang kwintas na may pendant na G-cleft.
Napangiti ako at tumango. "I accept your heart, Flynn."
Nanlaki ang mata niya. "Sigurado ka?"
Tumango ako kaya napangiti si Flynn. Pumunta siya sa likuran ko at isinuot sa akin ang kwintas. Nang humarap ako sa kanya ay nagulat ako nang nakawan niya ako ng halik. "Flynn!"
Bumaha sa mukha niya ang pagsisisi sa ginawa niya. "I'm sorry."
Exaggerate akong sumimangot. "Manghahalik ka na nga lang biglaan pa. Sinira mo first kiss moment ko!"
Mahina siyang tumawa. "Palitan natin ang first kiss moment mo." Hinawakan niya ako sa pisngi at masuyo akong hinalikan sa labi. Pumikit ako at dinama ang totoong first kiss ko. It was great! Humiwalay na ang aming labi at pinagdikit niya ang aming noo. "I love you, Aubrey."
Masuyo akong ngumiti. "And I love you too." Nag-umpisa na kaming sumayaw.
"So you can keep me, Inside the pocket, Of your ripped jeans, Holdin' me closer, 'Til our eyes meet, You won't ever be alone..."
Humilig ako sa dibdib ni Flynn. Maybe this is the start of our real love story. Mukhang may masusulat na rin si ate Bella na love story tungkol sa amin. Maybe may magugustuhan at hindi ang love story namin ni Flynn. Wala akong pakialam doon pero Iisa lang ang masasabi ko, may kanya-kanya tayong kwento tungkol sa pag-ibig.
-The End-
COPYRIGHT © 2018 by LightStar_Blue
All rights reserved
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top