Chapter 2: Partner
Chapter 2:
Aubrey Sarmiento:
She's right! That guitar case is mine. Kinuha ko kay Gean ang cellphone niya at binasa ang nakasulat sa shoutout post na iyon.
Shoutout nga pala kay Miss Mysterious Voice. Ang ganda po ng boses niyo kaya na-in love sa iyo si Flynn. Magpakita ka daw sa kanya, nasa kanya ang guitar case mo.
-Gwapong Kanang Kamay ni Flynn
Nanlaki ang mata ko. Sino naman si Flynn? Paano ko makukuha ang guitar case ko? Napakamahalaga sa akin ng guitar case na iyon dahil may sentimental value sa akin 'yun pero ayoko naman magpakita sa Flynn na 'yun. Mabuting nakatago na lang itong talent ko kaysa may makaalam na iba. Baka sabihan pa nila akong nag-black magic lang ako.
"You are lucky, Aubrey! Campus Mr. Ideal Man ang naghahanap sa iyo. Paano na iyan, gusto ka makita ni Flynn? Makikipagkita ka?"
Umiling ako. "Hayaan mo na sa kanya 'yan." Labag man sa loob ko na hayaan sa taong iyon ang guitar case ko, wala na akong magagawa pa. Ayokong mahusgahan. Mahirap talaga mabuhay sa mundo na puno ng taong judgmental. Bumuntong hininga ako. May bagong post sa Serafine Secret Files. Nanlaki ang mata ko. "No way!"
It's time to search!
Searching for Ms. Mysterious Voice
If you have a beautiful voice then maybe you are the lady we searching for.
The search for mysterious voice starts NOW!
Nabitawan ko ang cellphone ni Gean. Anong ginawa kong masama para hanapin ako ng taong iyon? May pa-search for Ms. Mysterious Voice pa silang nalalaman.
"Aubrey naman! Bakit mo hinulog ang cellphone ko? Mabuti na lang hindi nasira ang screen, nagpapasalamat pala ako sa tempered glass ng phone ko." Hinila na niya ako papasok ng Filipino room. Filipino subject na pala kami. Boring naman.
"Nahuli na naman kayo, Binibining Bautista at Binibining Sarmiento." Bungad sa amin ng teacher namin na si Sir Dimaculangan.
"Sorry po, Sir." Nag-bow si Gean while me ay wala lang. Nauna na akong pumunta sa designated seat ko. Ganoon na rin ang ginawa Gean.
As usual, wala na naman ang katabi ko. Okay lang iyon, wala rin naman akong pakialam sa kanya. Ni hindi ko nga kilala kung sino ang katabi ko. Maski kaklase ko ay hindi ko masyadong kilala.
"Bakit ganyan ang iyong suot, Binibining Sarmiento? Bakit ganyan ang labi mo? Kulay itim? Nagmumukha kang adik sa kanto."
Napatingin ako sa suot ko. I wear black tshirt na may naka-print na skull then black pants at high cut black and white rubber shoes. Wala namang masama sa suot ko. Napa-eyerolled ako. "Sir, biyernes po ngayon kaya wash day ngayon. Ibig sabihin ay pwede kong suotin kung ano man ang gusto kong isuot. Eh ikaw sir, bakit ganyan ang ayos mo?"
Napailing na lang si sir. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa iyong bata ka! Mag-umpisa na tayo." Nag-umpisa na magsulat si Sir Dimaculangan na kinulangan ata ng buhok kaya naka-wig.
Tumingin na lang ako sa bintana. Ayoko makinig kay sir. Tungkol lang naman sa El Filibusterismo ang topic namin. Nabasa ko na 'yun kaya hindi ako obligadong makinig sa kanya na wala atang ginawa kundi makipag-usap sa board.
"Suko na talaga si sir kay Mangkukulam, 'no?"
"Sssh, huwag kang maingay. Mamaya bigyan ka niya ng sumpa. Maging palaka ka bigla."
"Oo nga. Shut up na lang ako."
Kumuyom ang kamay ko. Gusto ko sila sigawan na hindi ako mangkukulam.
"Ikaw rin, Ginoong De Vera, bakit ka nahuli sa klase?"
"I'm finding my Ms. The One, sir."
Kinuha ko sa bag ang El Filibusterismo kong libro. Bakit ba ang daming alam ng ibang kabataan ngayon? Finding Ms. The One daw. Hampasin ko ng libro ni Dr. Jose Rizal sa mukha ng taong iyon eh. Naaawa tuloy ako kay Dr. Rizal. Mukha mali siya ng naisip na "Kabataan Ang Pag-asa ng Bayan." dahil kaunti na lang kaming matinong kabataan.
Naramdaman ko na may katabi na ako. Aba! Pumasok ang katabi ko.
"Hoy, Witch!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin ng Witch. Anak ng tofu! Ito ang bumangga sa akin kanina ah. "Problema mo?" Masungit kong tanong sa kanya.
"Sorry kanina ah."
"Ewan ko sa iyo." Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Sarap talaga ihampas itong katabi ko ng libro na El Filibusterismo. Hindi naman sincere ang pag-sorry. Nakakairita lang siya.
"Okay, class. Magkakaroon kayo ng pairing para sa reporting ng El Filibusterismo. Bubunot kayo ng number dito sa mahiwagang chalk box. May designated name ang number na iyon. Bale mga ginoo kayo ang bubunot dito. Ang matirang numero ay mga binibining walang kapareha. Kayo ang ligtas sa reporting."
Pumikit ako. Sana hindi ako mabunot para tahimik ang buhay ko sa subject na ito. Tumayo na ang mga lalaki kong classmate at nagsibunot na sa chalk box.
"Okay, mag-umpisa na tayo. Ginoong Asuncion, anong numero ang nabunot mo?"
"Five po."
Hindi ko na lang pinansin ang mga ginagawa nila. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtingin ko sa labas ng bintana. Sana lang talaga, hindi ako mabunot.
"Ginoong De Vera?"
"Sixteen po, sir."
"Kung ganoon, si Binibining Sarmiento ang kapareha mo."
Wala sa oras na napatingin ako sa harapan. "Ano?" Halos sabay naming sabi ng lalaking nakabangga sa akin kanina.
"Bakit ako ang nabunot?" Frustrated kong tanong kay Sir Dimaculangan. Hindi ba effective ang pag-pray ko kanina kaya ako nabunot. Unfair naman po 'yan.
"Baka namali lang kayo ng tingin, Sir. Baka makulam ako kapag siya ang partner ko."
Sinamaan ko siya ng tingin. How dare him say that to me? Ang kapal ng mukha! Baka kulamin ko talaga siya. Tumayo ako. "Excuse me ah, as if naman gusto kita ka-partner."
"Wow ah, ikaw pa ang maarte ah."
Sinamaan ko ng tingin ang kaklase kong babae na sumingit sa usapan namin. Bigla itong nagtakip ng mukha.
"Singit ka kasi ng singit sa usapan." Sita ng katabi nito.
"Class, manahimik kayo. Ginoong De Vera, si Binibining Sarmiento ang nabunot mo kaya wala kang magagawa kung siya ang kapareha mo." Magsasalita pa dapat ako nang mag-sign ng stop si Sir Dimaculangan. "Iyon na. Alam niyo na kung sino ang kapareha niyo sa reporting, maagang matatapos ang klase natin para sa araw na ito. So, class dismissed."
"Sir, ayokong makulam!"
Sinamaan ko ng tingin ang ka-partner ko sa report. Ang kapal talaga. Habalusin ko siya ng librong hawak ko eh. Tumataas dugo ko sa kanya.
"Ginoong De Vera, pag-aralan mong mabuti ang kabanatang ibinigay ko sa inyo upang inyong iulat." Nagmamadaling lumabas ng classroom ang teacher namin.
Ako naman ay agad kong niligpit ang mga gamit ko.
"Ano kayang spell ang ginawa ng mangkukulam na iyan para siya ang mabunot ni Flynn?"
Napapikit ako. Nanggigigil na ako sa kanila. I get my bag. Nang nilingon ko ang upuan ni Gian ay wala na siya doon. Napanganga ako. "Iniwan ako!" Hindi man lang ako sinabihan na mauuna siyang umalis. Sinuklay ko ang aking buhok at naglakad na palabas ng room.
"Witch!"
Hinarap ko ang tumawag sa akin. "What?" Walang ganang tanong ko sa kanya.
"Ito ang report natin, kabanata 4, 5 at 6. So heto." Pinakita niya sa akin ang papel na nabunot niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong gagawin ko d'yan?"
"Pag-aralan mo, gawan mo ng visual then ibigay mo sa akin ang part ko. I know you can do it, just don't put creepy design in our visual aid." Inabot niya ang kamay ko at nilagay ang papel.
Nanlaki ang mata ko kaya binawi ko ang aking kamay. Bakit nakadama ako ng kuryente?
"So, bye!" Kumaway pa siya sa akin bago naglakad papalayo sa akin.
"Hoy! Ano 'to? Ako lang kikilos? Ano namang gagawin mo?"
Humarap siya sa akin. "I will find my Ms. The One. I know you can do it so bye!" Tumakbo na siya.
Nilamukos ko naman ang hawak kong papel. Ang kapal nun! Ako talaga ang kikilos? Ano 'to? Hayahay lang siya? Kaya ayoko ng may ka-partner or kagrupo eh. Kung hindi ako isasali, hahayaan naman na ako ang gumawa ng report or group project namin. Ayos rin eh.
"Bahala ka d'yan! Sosolohin ko ang report na ito." Kagigil na nilalang.
------
"Pasensya na, Aubrey. Wala lang talaga ang vocalist nila."
Nginitian ko lang pinsan ko. Ewan ko ba kung bakit may live band ang coffee shop niya na ang pangalan ay Dream Heaven pero kahit nagrarakrakan ang banda ay dinadayo pa rin ito ng costumer. Mas malakas pa nga ang kita ng Dream Heaven kapag gabi dahil sa live band. Dahil na rin siguro may itsura ang member ng banda.
"Heto ang mask mo. Ayaw mo ba talagang magpakita ng mukha nila?"
"Opo." Sinuot ko na ang maskara. It is perfectly fit on me. "Okay, I'm ready!" Lumabas na ako mula sa backstage. Nagsigawan ang mga costumer ng Dream Heaven. Sa una talaga ay mapagkakamalang bar ang Dream Heaven pero coffee shop talaga siya. Ang taba ng utak ng pinsan ko. "Good evening people!" Sigaw ko at nagsigawan ulit sila.
"Waaaah! Serene, nagbalik ka!"
"I love you, ate!"
"Nakakatomboy ka!"
Napangiti ako. Sa loob ng Dream Heaven, lahat ng costumer dito ay pinupuri ako. Walang nagsasabi sa akin ng Witch, Mangkukulam at gumagamit ng black magic. They love me as Serene who always wear mask. I hide myself. Ayokong malaman nila kung sino ako. Lalo na't tambayan ito ng mga estudyante ng Serafine University.
"I miss you, Serene!"
"I miss you too!" Nag-flying kiss pa ako sa costumer na iyon. "So here I am, nagbabalik. Kumusta ang lahat? Long time no see!" Nagsihiyawan ang mga costumer. Lalo akong napangiti. "Enjoy your coffee then let's start the party!"
Nag-umpisa na magpatugtog ng musical instrument ang bandang Dreamer. Slight akong naghe-headbang at dinadama ang musika. "Ikaw ba'y nalulungkot? Nababalot na ng poot, maraming hinanakit sa mundo. 'Di alam anong gagawin, kundi ubisin ang oras sa gin. Akala mo'y iya'y may mararating."
Lahat ng mga costumer ay sumasabay sa akin na kumanta kaya lalo akong ginanahan. Full energy ang battery ko ngayon. Masasabi kong sanctuary ko na rin itong coffee shop na ito. Mas sumasaya ako kapag nandito ako. Tinuro ko ang mga costumer. "Hoy kaibigan ko! Pakinggan mo ang mga bulong sa'yo. Ito'y 'di galing sa mundo. Patungo sa pangakong paraiso..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top