Chapter 19: Flynn
Chapter 19:
Flynn De Vera:
Napangiti ako sa hawak kong kwintas na ibibigay ko para kay Aubrey. May pendant iyon na G-cleft dahil alam kong mahilig siya sa mga bagay na may disenyo na music note. Pinagawa ko ang kwintas na ito sa isang sikat na jewelry designer para sa pinakaespesyal na babae sa buong mundo.
"Sir, mukhang hindi ka na po makahintay na makita ang best friend mo ah. Kanina ka pa nakatitig sa kwintas na iyan."
Mahina akong tumawa dahil sa sinabi ni mang Ken. "Oo nga po eh. Sobra ko po kasi siyang na-miss. Sa tingin mo, mang Ken, magugustuhan niya kaya ito?"
"Oo naman, sir, galing sa iyo kaya siguradong magugustuha niya 'yan."
"I hope you're right, mang Ken." Tumingin ako sa labas ng bintana. Mukhang maiipit pa kami sa gitna ng traffic. "Huwag naman sana."
Mahigit isang linggo rin akong hindi nagpakita kay Aubrey. Noong nakasalubong ko sila ni ate Cassandra niya, gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang kausapin at kulang na lang ay kaming dalawa na lang ang pupunta sa designer para sa gown na susuotin niya.
Palihim ko siyang pinagmamasdan kapag nakikita ko siya sa school. Gusto ko siyang lapitan lalo na't nakikita ko sa mata niya ang kalungkutan. Gusto ko siyang makitang sumaya. Bihira lang na magkaroon siya ng kasama at si Lenxi lang ang taong kasa-kasama niya. Palaging siya lang mag-isa. Iniiwasan pa rin siya ng mga estudyante. Ewan ko ba kung bakit ganyan sila kay Aubrey. Pasimple ko siyang kinukuhaan ng litrato, hindi lang sa school pati rin sa Dream Heaven. Gusto ko siyang kausapin at magpatawa para makita ko ulit ang ngiti niya ngunit inuunahan palagi ako ng hiya dahil sa inakto ko sa kanya noon.
Ilang araw rin akong pumasok sa magulong section ni Lenxi para lang makahabol sa mga lesson. Mabuti na lang at pumayag si Lenxi sa pangsamantalang panggugulo ko sa klase nila. Minsan naman ay nagri-reklamo si Lenxi dahil inuunahan niya akong sumagot sa mga tanong ng mga teacher. Hindi na lang mag-give way eh alam naman na niya lahat 'yun.
Nag-aaral ako ng mabuti ngayon para kay Aubrey. Siya ang inspirasyon ko. Siya ang iniisip ko sa tuwing nahihirapan ako sa aralin ko dahil pinangako ko sa sarili ko na si Aubrey ang babaeng makakasama ko habangbuhay.
"Sir, mukhang mata-traffic tayo."
"Mang Ken, may mga shortcut naman papunta kina Aubrey. Dumaan na lang tayo doon, para makarating tayo kaagad sa kanila."
"Sige po, sir."
Huminga ako ng malalim. Alam kong naghihintay sa akin si Aubrey. Ayokong isipin niya na hindi ako babalik sa buhay niya. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nasabi ko iyon sa kanya at kitang-kita ko na nasaktan ko siya. Nasaktan ko ang babaeng mahal ko. Ang tanga kong lalaki.
Napatingin ako sa cellphone ko dahil tumunog iyon. Sunud-sunod na text galing kay ate Cassandra.
Flynn nasan ka na?
Tpos na sya ayusan
Ui
Nag-reply ako kaagad kay ate Cassandra na papunta na ako sa kanila. Si ate Cassandra lang ang nakakaalam na darating ako sa bahay nila.
Huminga ako ng malalim. Lumiko ang kotseng sinasakyan ko. Mukhang dadaan na kami sa shortcut na alam nito papunta kina Aubrey. Mayamaya ay huminto ang kotse. "Anong nangyari, mang Ken?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Parang masamang balita ang sasabihin nito base sa pag-iling nito. "Mang Ken?"
"Sir, mukhang nasiraan tayo."
"Ano?"
"Sandali lang, sir. Titingnan ko kung nasiraan ba talaga tayo." Agad na lumabas si mang Ken. Sumunod naman ako sa kanya para malaman ko kaagad kung nasiraan kami. "Sir, buksan mo nga ang flashlight ng cellphone mo para makita kong mabuti."
Agad kong in-open ang flashlight ng cellphone ko at itinutok ang liwanag sa makina ng kotse. "Ano na, mang Ken?"
"Sir, nasiraan nga tayo."
Napailing ako. "Hindi mo ba tiningnan 'yan kanina?"
"Sir na-check ko pa ito kanina at ayos naman. Hindi ko po alam na masisiraan tayo."
"Wrong timing naman!" Pinadyakan ko ang gulong ng kotse. Bakit ngayon pa nasira ang kotseng ito? Kung kailan kailangan kong dumating kaagad sa bahay ni Aubrey, ngayon pa ito nasira. Napatingin ako sa wristwatch ko. 7:15pm na. Fifteen minutes na akong late sa usapan. Binasa ko ang message ni ate Cassandra.
Bkit ang tgal mo?
Knina ka pa hinihintay ni bunso
Napakagat labi ako. "Hindi ba kaagad 'yan maayos, mang Ken?"
"Opo, sir. Pasensya na."
Napailing na lang ulit ako. Magga-grab na lang ako. Agad kong in-open ang Grab app at nag-set ng place kung nasaan ako. May mga nag-message na malapit sila kung nasaan ako ngayon at ten minutes pa bago makarating dito ang pinaka mas malapit sa akin. Kinuha ko iyon.
Tumingin ulit ako sa wristwatch ko. 7:23pm na. I'm too late. "Wrong timing talaga." Agad akong nag-dial sa cellphone ko at mabuti na lang sinagot kaagad iyon ng tinatawagan ko. "Hello pare! Favor naman o."
Aubrey Sarmiento:
Tahimik lang akong nakaupo sa backseat at panaka-nakang tumitingin sa nagda-drive ng kotse. I know him. Siya ang kumausap at inayakan ni ate. Hindi iniiyakan ni ate gabi-gabi. Kaano-ano kaya ito ni Jervy? Tito o kuya?
"Hey young lady, its not good to stare someone who are driving. Maybe it can cause of accident because the driver can't concentrate."
Umiwas tuloy ako ng tingin ng wala sa oras. Ano ba naman 'yan? Bumalik ang tingin ko sa kanya dahil talagang hindi ko mapigilang tingnan ang taong dahilan kung bakit umiiyak si ate Cassandra gabi-gabi. Sino ba ito sa buhay ni ate Cassandra?
"I think you have a question to me? C'mon ask it."
Huminga ako ng malalim. "Ikaw ang kausap ni ate Cassandra last week, 'di ba? Ikaw si Yohann?"
Natigilan ito at napatingin na si Jervy sa lalaki. Bumuntong hininga ito. "Oo."
"Ikaw pala si Yohann." Napatango-tango ako. "Ako pala si Aubrey, bunsong kapatid ni ate Cassandra."
Napalingon naman sa akin si Jervy at nanlalaki ang mata niya. "Kapatid ka ni tita Cassandra?"
"Kung sino ka man sa buhay ni ate noon please lang kung plano mong bumalik sa buhay niya, huwag mo sana siya sasaktan. Mahirap ang pinagdaanan ng ate ko kaya hindi ako nakakapayag na masaktan siya."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Shut up lang ako besh. Your question is too confidential." Inirapan ko pa siya. Syempre maganda nang ipakita ko sa kanya na seryoso ako sa sinasabi ko.
"I will not hurt her, I promise you."
"Promises are meant to be broken, mister. Huwag kang mangako, totohanin mo dahil kapag nasaktan mo ang kapatid ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyo." I look outside. Nandito na pala kami sa venue. Nakita ko rin sila Lux at nakita rin nila ako kaya kinawayan ko sila.
"Uhm, Aubrey, nasaan ang mask mo?" Tanong sa akin ni Jervy. Nakasuot na siya ng mask. Naka-park na rin ang sinasakyan naming kotse.
Lumapit sila Lux sa kotse at kumatok sa bintana. Ngumiti ako kay Jervy. "Nasa kabanda ko ang mask ko."
Nanlaki ang mata ni Jervy. "I-Ikaw si—"
Nag-sign ako na huwag siyang maingay. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at agad akong tinakpan nila Lux. Sinuot kaagad sa akin ni Henry ang mask na katulad ng design na ginagamit kong mask.
"You're ready, lil sis?"
Tumango ako at huminga ng malalim. Kumaway ako kay Jervy bago kami maglakad ng kabanda ko.
"Serene!"
Napalingon ako kay Jervy. "Yes?"
"Darating siya. May problema lang na nangyari kaya hindi siya dumating."
Ngumiti ako at tinanguhan siya. Sana nga tama si Jervy. Sama nga dumating si Flynn. Naglakad na kami papunta sa backstage dahil doon muna kami maghihintay. Kinakabahan na ako ngayon. Dinaig pa ang kaba ko noong first time ko mag-perform. In-assist kami kaagad ng mga staff na naroon. May mga nagpa-selfie rin kay Dave at Henry kahit naka-mask na sila.
"Aubrey, ready ka na ba talaga?" Pagsisigurong tanong sa akin ni Dave.
Tumango ako. May lumapit sa akin para daw mag-selfie kami, pumayag naman kami. Hindi ko naman aakalain na sa labas ng coffee shop ay maraming nagmamahal sa banda namin.
Nag-umpisa na ang program. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa sa labas basta pinapakinggan ko lang ang sinasabi ng emcee.
Pumikit ako nang tumunog ang kantang A Thousand Years. Ibig sabihin umpisa na ang cotillion ng grade 9, 10, 11 at 12. Naalala ko noong panahon na nagpa-practice kami ni Flynn ng sayaw for cotillion. Ang tyaga niya na turuan ako kahit palagi kong natatapakan ang paa niya. Go on lang daw ang pagsayaw hanggang sa matuto na ako. Mahina akong tumawa. Those memories are too precious to me.
"Be ready guys!" Masiglang sabi ni Lux.
Huminga ako ng malalim at tumayo. Pumunta na kami sa gilid ng stage kaya nagsigawan ang mga tao sa loob ng venue. Nakakabingi at nakakataba ng puso ang sigawan nila. First time ko itong naranasan. Mag-perform sa labas ng Dream Heaven.
"Ladies and gentlemen, this is it. Ang matagal na nating inaabangan, please welcome Dreamer band!"
Lalong lumakas ang sigawan nang makaakyat na kami ng stage. Nagsipuntahan na ang kabanda ko sa music instrument nila. Inabot naman sa akin ang gitarang gagamitin ko. Kinuha ko kaagad ang microphone. "Hello Serafine University!" Sigaw ko. Naglakad ako papalapit sa harapan ng stage. "Kumusta naman kayo mga kaibigan?" Tanong ko sa kanila at syempre may kanya-kanya silang sagot. "Wow! May hugot talaga ang sagot. So guys some of you ay ga-graduate na sa senior high, good luck sa college life. Balita ko may hell week daw kapag nag-college na, reliable source ang nagsabi nun." Tinuro ko si Lux at Jordan. "Sa mga grade 10 na magmu-moving up, level up na sa senior high kayo ah! Ang tanong, l-um-evel up ba kayo ng taong mahal ninyo?" Natawa ako sa mga hugot ng ibang estudyante. "Ang sakit 'no? Sabi sa inyo walang forever pero! Tayo ay forever young. Kahit dumagdag ang edad natin ay forever young tayo. Ang first song namin ay para sa mga katulad naming naniniwalang we will never growing up." Nilingon ko ang kabanda ko. "A one. One, two, three, four!" Nag-umpisa na ang pagtugtog ng music instrument. Nag-umpisa na rin ang pagiging lively ng mga estudyante.
"Singing Radiohead at the top of oir lungs, With the boom box blaring as we're falling in love, Got a bottle of whatever, but it's getting us drunk, Singing here's to never growing up..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top