Chapter 18: Answer


Chapter 18:


Aubrey Sarmiento:



"Bakit ba hindi mo sinabi sa akin ang totoo, Aubrey, na ikaw si Serene? Bakit pinatagal mo ng ganito?"


Napayuko ako. "Ayoko kasing husgahan mo ako. Masyado na kasi akong nada-down sa sarili ko noong time na 'yun. Wala akong lakas na loob na ipakilala sa buong mundo kung sino talaga ako simula noong kumalat ang video na 'yun. Masyado na akong takot sa sasabihin ng mga tao sa akin." Sumubsob ako sa tuhod ko at tumulo ang luha ko dahil naalala ko na naman ang nangyari sa akin noon. "Nakatatak na ata sa isip ko na huhusgahan na ako ng mga tao sa paligid ko kahit wala pa akong ginagawa. Mas gugustuhin ko na lang na nakatago sa likod ng maskara ni Serene. Si Serene na minamahal ng mga tao, si Serene na hindi hinuhusgahan. Si Serene na hindi nakakaranas ng cyberbullying and actual bullying."


"Now I know. Aubrey, hindi magandang bagay 'yan. Nabubuhay ka sa mundong puno ng mapanghusgang tao. Kung ipagpapatuloy mo gawin iyan sa sarili mo, lalo ka lang babagsak. Pinapakita mo kasi sa kanila na kung anong nakikita o nababalita nila sa iyo ay ganun ka nga." He hold my hands. "Serene, be yourself. Huwag mong hahayaang mawala ang tunay mong pagkatao. Oo, may taong manghuhusga sa iyo dahil parte iyon ng buhay. Ipakita mo na lang sa kanila na mali sila ng akala. Wala kang kasalanan kung huhusgahan ka nila. Be yourself, Aubrey. Ipakita mo ang tunay na ikaw, huwag ka nang magtago sa likod ng maskara ni Serene." Tumayo siya dala-dala ang gitara niya. "Sige, aalis na ako. May practice pa kami sa football." Naglakad na si Flynn papalayo sa akin.


"Cinnamon!"


Huminto siya at humarap sa akin. "Bakit, Aubrey?"


Nasaktan ako dahil hindi na cinnamon ng tawag niya sa akin. "Mapapatawad mo pa ba ako?"


Ngumiti siya sa akin. "Oo naman, Aubrey."


"Paano na tayo?"


"Hindi ko alam kung paano pa kita haharapin. Masyado akong nahihiya sa inakto ko sa iyo." Huminga siya ng malalim. "Sa darating na annual grand ball kapag pumunta ako sa bahay ninyo, ibig sabihin ay kaya kong ipaglaban ang nararamdaman ko para sa iyo. Kung hindi, baka hindi na ako magpakita rin sa araw ng grand ball at sa iyo rin. Have a good life, Aubrey. I know you're brave." At naglakad na ulit siya.


Huminga ako ng malalim. Panghahawakan ko ang mga sinabi niya sa akin. "Aasahan ko ang pagdating mo sa gabing 'yun."


-----


"Excited na ako sa pipiliin mong gown para sa grand ball ninyo."


Napangiti ako. Kanina pang umaga excited si ate na pumunta kami sa kakilala niyang fashion designer. Bonding daw kasi ito naming dalawa. "Ako rin naman, ate." Limang araw na lang bago ang grand ball namin at ngayon pa lang ako magpapasukat ng gown. Siguro'y ready to made gown na lang ang pipiliin ko. Syempre may touch of gothic ang pipiliin ko. Sa performance naman ng Dreamer, salitan kami ni Trevor sa pagkanta kung sakaling dumating si Flynn. Bigla tuloy akong nakadama ng pagkalungkot. Paano kung hindi dumating si Flynn? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko din alam kung makakapag-perform ako ng maayos ngayon.


"Oh, akala ko ba excited ka? Bakit ang lungkot ng mukha mo?"


"Wala ate, naalala ko ang aso kong namatay one year ago."


"Aah. Gusto mo mag-ampon tayo ng tuta?"


"Naku ate, baka hindi ko 'yun maalagaan ng mabuti."


"Eh 'di tayong dalawa mag-aalaga. Hayaan mo, mamayang gabi maghahanap ako ng reliable dog seller."


Nagpatuloy kaming maglakad ni ate papunta sa third floor dahil doon daw ang shop ng kakilala ni ate. Panay ang kwento ni ate tungkol sa mga buyer ng accessories na ginagawa niya. Masaya akong marinig na dumarami ang tumatangkilik sa gawa niya. Bigla akong nahintong maglakad nang makilala ko ang taong papalapit sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko. "Flynn..."


"O, Flynn!" Kinawayan pa ni ate si Flynn.


Huminto sa harap namin si Flynn at nag-bow sa harapan namin. "Hello po. Ano pong ginagawa ninyo dito sa mall?"


"Bibili kami ng gown ni Aubrey, 'di ba?"


Gusto kong yakapin si Flynn ngayon dahil sobra ko siyang nami-miss. Ang tagal naming hindi nagkikita ni Flynn dahil hindi talaga siya pumapasok sa school.


"Hala natulala ka d'yan."


Napakurap ako ng wala sa oras. "Ano, oo."


"Gusto mo bang samahan kami ni Aubrey na pumili ng gown?"


"Ate, pasensya na hindi ako pwede ngayon. Dumaan lang po ako sa magtatahi ng isusuot ko sa isang party ng pupunyahan namin ng parents ko."


"Saan ka nagpatahi?"


"Sa JL clothings po."


Napalingon bigla ako kay ate Cassandra. Kakilala niya ang may-ari nun. "That was great. Doon din kami pupunta."


"Ganoon po ba? Nandoon po si JL, mukhang kayo po ang hinihintay niya. Sige po, mauna na ako."


"Ingat ka."


Sinundan ko ng tingin si Flynn. Ni hindi man lang niya ako sinubukang kausapin o tapunan man lang ng tingin. Talagang iniiwasan niya ako.


"Anong nangyari sa inyo? Bakit hindi kayo nagpapansinan kanina?"


"Wala naman ate, halika na." Nauna na akong maglakad para hindi makita ni ate na kung gaano ako nasasaktan ngayon. Mukhang ayaw na ako makita ni Flynn.


"Excited naman ito pumunta doon. Hintayin mo naman ako."


-------


"Sigurado ka bang 'yan ang susuotin mong gown?" Medyo nag-aalalang tanong ni ate Cassandra sa akin bago kami lumapit sa isang bakanteng mesa na nasa bintana banda.


"Oo naman ate, hindi naman pang-gothic ang style n'yan, maganda naman at tsaka ikaw ang pumili ng design ng gown. Kapag ikaw ang pumili ng isang damit, for sure maganda 'yun. Ate, idol kaya kita! Payakap nga!" Niyakap ko ng mahigpit si ate nang makaupo kami.


Mahina namang tumawa si ate. "Sigurado ka? Mamaya binubola mo lang ako tapos ayaw mo pala ng design ng gown."


"Si ate naman ayaw maniwala sa akin. Basta 'yan ang susuotin ko." Tinuro ko pa ang nakakahon na gown. Si ate Cassandra ang nagdala nun at trip niya talaga dalhin ang gown. "Ate, ikaw rin gumawa ng susuoting kong kwintas, hikaw at bracelet ah."


"Syempre naman. Ikaw ang little bunny ko eh." Humigpit ang yakap ni ate sa akin. "Anong kape ang bibilhin natin?"


"Ako na lang mag-o-order. Caramel Macchiato sa akin, ano sa'yo?"


"Americano na lang."


Tumango ako at pumunta kaagad sa pila ng mag-o-order. Infairness maraming costumer dito. Panaka-naka akong tumitingin sa cellphone ko dahil panay ang text sa akin nila Lux at Henry. Paulit-ulit ang pag-remind sa akin na may practice kami mamayang gabi. Napailing na lang ako sa kakulitan nila.


"What's your order, ma'am?"


Hindi ko napansin na ako na pala ang mag-o-order. "One Caramel Macchiato and Americano. Two slice of cheesecake too."


"One Caramel Macchiato and Americano. Then two slice of cheescake. Is that all, ma'am?"


Tumango ako. Habang pini-prepare ang order ko ay napalingon ako kay ate Cassandra. May isang lalaki na nasa harapan ni ate at hindi ko maaninag ang mukha niya. Magka-edad ata sila ni ate. Mabuti na lang ang nabigay na sa akin ang order ko at binayaran ko kaagad iyon. Mukha kasing may something. Nagmadali akong lumapit sa kanila. "Ate Cassandra!" Napalingon si ate at ang lalaki sa akin. Gwapo ang lalaki at base sa suot nito ay sagana ang buhay nito. Tumango ako sa lalaki. "Hello po." Pinatong ko sa mesa ang tray ng order namin.


"Aubrey, halika na, uwi na tayo." Nanginginig ang boses niya. Kinuha ni ate ang box na naglalaman ng gown ko at hinila niya ako.


"Ate 'yung order natin sayang."


"Doon na lang tayo sa coffee shop ng pinsan mo. Hayaan mo libre kita."


"Cassandra!"


Napahinto kami ni ate. Mariin siyang pumikit at hinila ako. Nanginginig ang kamay ni ate Cassandra.


"Okay ka lang ba, ate? Sino 'yung lalaking iyon?" Curious na tanong ko nang makasakay na kami ni ate sa taxi. Nag-umpisa nang paandarin ng driver.


"Sa Dream Heaven coffee shop po."


"Ate."


Pumikit ng mariin si ate. Tumulo ang luha niya. "Yohan..."


Napakunot ang noo ko at naalala ko noong kinanta ko ang Way Back Into Love kay ate. Sinabi niya ang pangalan na 'yun noon at nag-umpisa na siyang umiyak. Paulit-ulit na nagsu-sorry sa pangalan na 'yun. "Sino si Yohan, ate?" Hindi na nasagot ni ate ang tanong ko dahil napahagulgol siya. Bumuntong hininga ako at sinabi ko na lang sa taxi driver ihatid kami sa bahay. Kailangang makauwi nito si ate.


------


"Hayan! Pwede ka na po lumabas ng kwarto mo." Masayang sabi ng makeup artist na pinili ni mama at ate Cassandra. Silang dalawa talaga ang nagplano ng magiging ayos ko ngayong gabi.


Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Parang hindi ako ang nasa harapan ng salamin. Walang bakas ng babaeng nakaitim na lipstick at gothic kung manamit. Isang prinsesa ang nasa harapan ng salamin. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko.


"Wow! Ang ganda naman ng bunso namin!" Bungad na sabi ni mama.


"Tama ka po, mama Bree!"


Pilit akong napangiti at lumapit sa kanila.


"Ang ganda ng ginawa mong accessories, Cassandra."


"Para sa bunso natin ang design na 'yan, 'ma. Tingin ko iiyak si daddy kapag nakita ka niya, Aubrey. Ang ganda mo talaga."


"Ahehe, hindi naman masyado, ate."


"Anong oras darating ang date mo, anak?"


"7p.m po, mama."


"7:07p.m na ah. Bakit wala pa siya?" Lumapit sa akin si ate at inayos ang pagkakasuot ko ng kwintas.


"Bak na-traffic lang po."


"Siguro nga. Umupo ka muna para hindi ka mangalay sa suot mong heels." Inalalayan pa ako ni ate na umupo sa sofa.


"Ay, oo nga pala! May niluluto akong ulam. Iwan ko muna kayong dalawa."


Tumango lang ako kay mama. Si ate naman ay panay ang picture sa akin. "Ate, tama na."


"Dapat marami kang picture para ipagmalaki natin sa buong mundong maganda ka."


Kahit naiilang ako'y hinayaan ko na si ate. Pagkatapos niya ako kuhaan ng picture ay nagpaalam siya na maliligo muna.


Panay ang tingin ko sa wall clock at magkakalahating oras ko na hinihintay si Flynn. Bumuntong hininga ako. Mukhang hindi siya dadating.


"Anak, wala pa ba ang date mo?"


Tumango ako. "Mama, ihatid mo na lang ako—" Bigla akong nabuhayan dahil sa pagtunog ng doorbell namin.


"Mukhang nandyan na siya, halika na." Inalalayan ako ni mama na lumabas ng bahay. Siya na rin ang nagbukas ng gate.


Nawala ang ngiti sa labi ko nang makilala ko kung sino ang nag-doorbell. "Jervy."


"Hi, Aubrey! Hello po, ma'am!"


"Ikaw ba ang date ng anak ko?"


"Opo, ma'm."


"Siya ba talaga, anak?"


Tumango na lang ako. Gusto kong umiyak ngayon dahil mukhang hindi talaga darating si Flynn.


"Maagang umuwi ah."


"Opo, ma'am. Ihahatid ko po siya kaagad dito. Safe."


"Sige, mag-ingat kayo sa daan."


Tumango na lang ako kay mama at bago pumasok ng kotse. Nagulat ako kung sino ang nasa loob ng kotse.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top