Chapter 17: Revelation
Chapter 17:
Aubrey Sarmiento:
"Say hello to your number one frienemy."
"Ano?"
Lumapit sa akin si Lenxi at pumunta siya sa likod ko. "Yes, si Gean lang naman ang mastermind ng pagkalat ng video mo."
Pekeng tumawa si Gean. "Miss Lenxi, ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko magagawa iyon sa best friend ko."
"Oh really? How to be not you? Talagang best friend ka ba ni Aubrey? How come?"
"Miss Lenxi, hindi ko magagawa—"
"Just tell the truth, Gean." Malamig na sabi ni Flynn sa kanya. "I need to go now, may gagawin pa ako." Nagmamadali siyang umalis ng office.
"Gean..." Sobra na akong nalilito sa nangyayari ngayon. Sinasabi ni Lenxi na si Gean ang nagpakalat ng video. Hindi iyon magagawa ni Gean sa akin.
"Excited naman 'yun umalis. Okay, lets back to our business. Miss Bautista, I will not tolerate this kind of misbehavior in my school."
"Hindi ako ang nagpakalat ng video. Bakit ba ayaw ninyo maniwala sa akin?"
"Because I have a proof."
"Anong proof ba ang pinagsasabi mo?"
"Someone saw you following Miss Sarmiento. Doon sa sementeryo."
"Miss Lenxi, hindi ba pwedeng nagkataon lang na may dinalaw akong kamag-anak na namayapa na doon nakalibing."
"Pero anong masasabi mo sa naka-track ng IP address mo? Infairness ang galing mo rin magpabago-bago ng IP address. May future ka sana sa world of Information Technology kaso ganyan ang ugali mo."
"H-Hindi nga ako—"
"Stop, Gean. Huwag ka na mag-alibi pa." Unti-unting tumulo ang luha ko. "Gean, wala ka namang kamag-anak na nakahimlay doon, 'di ba? Ang kilala mo na nakahimlay doon ay si Jourdine." Lumapit ako sa kanya. Bakit ngayon ko lang na-realized na ang posibleng nagkakalat ng naunang video ay si Gean dahil siya lang naman ang may kopya ng video na umaarte akong mangkukulam. "Bakit mo ginawa ito sa akin? Best friend kita, Gean, bakit mo ako trinaydor?"
"Hah! Stop calling me as your best friend. Hindi kita tinuring na ganun. For the first place, I really hate you. Inagaw mo sa akin si Jourdine at binuwis pa niya ang buhay niya para lang iligtas ka—"
"Hindi ko siya inagaw sa iyo!"
"Inagaw mo siya sa akin. Inagaw mo lahat sa akin. Noong nasa Carlos High School pa tayo. Dapat ako ang leader sa chearing squad natin pero dumating ka, nagpakitang gilas at sa isang iglap nakuha mo na ang position na 'yun. Noong lumipat ako dito sa Serafine University dapat susunod sa akin si Jourdine. Dapat susunod siya pero nagbago ang isip niya dahil sinagot mo siya. Sa akin siya una pa lang. Itinakda na ng magulang namin na ikasal kami pagkatapos naming mag-college pero ano? Dumating ka sa buhay niya kaya nasira lahat ng pangarap ko na kasama siya. Akala mo natuwa ako noong lumipat ka dito? No, Aubrey. Kung sa CHS, masaya ang buhay mo pwes dito gumawa ako ng paraan para masira ang buhay mo kaso may dumating namang knight in shining armor mo. Umayos ulit buhay mo kahit tinatago mo pa noon na ikaw si Serene. Letse! Pati si Flynn na gusto kong mapunta sa akin, inagaw mo rin! Walanghiya ka talagang mang—"
Sinampal ko siya ng malakas. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko ngayon. All this time ganoon pala ang tingin sa akin ni Gean. "Napakasama mo!"
"No. Naging ganito ako dahil dumating ka sa buhay ko!"
Sasampalin ko pa ulit siya pero pinigilan ako ni Buildex. "Tama na, Aubrey."
"As the owner of this school, I will not tolerate this. I'm sorry Miss Bautista, but you are drop in this school."
"Ano?"
"If you'll sue our school, we have a proof that you do something not good inside the school specially ruining one of our student name. Magpa-file kami ng kaso para sa'yo, what is it? Anti-cyberbullying? May isa pa eh. And oh by the way, hindi ko pipirmahan ang proposal ng father mo. Sign para magtanda ka."
Namutla si Gean. "Miss Jang, please huwag ninyo idamay ang pamilya ko po."
"The door is open, you may now leave, Miss Bautista.
"Pero, Miss—"
"Again, you may now go." Tinuro pa ni Lenxi ang pintuan at agad namang umalis si Gean. Inabutan naman ako ng panyo ni Lenxi. "I'm sorry on what happen to you and on what I act last night."
"Okay lang 'yun. Thank you sa pagtulong sa paghanap ng nagpapakalat ng video. Hindi ko lang talaga matanggap na kaibigan ko pa ang gumawa nito sa akin." Mapait akong ngumiti.
"She's not your friend at tsaka, role ko bilang head ng school na protektahan lahat ng estudyanteng nag-aaral dito."
"Akala ko talaga ikaw at si Buildex ang gumawa nun."
"Di ba nga may kasabihang maraming namamatay sa maling akala, 'di ba Stupid Boy?"
"Ewan ko sa'yo. Muntik na masira pangalan ko sa'yo."
"Heh! Sira na talaga pangalan mo para sa akin! Okay, let's go out and have some drinks. Uhaw na uhaw ako eh. Don't worry, my treat!" Naunang lumabas si Lenxi kaya sumunod kami ni Buildex sa kanya.
Napapikit ako sa silaw ng araw at pagdilat ko ay puno ng estudyante sa labas ng office ni Lenxi.
"We're sorry, Aubrey." Sabay-sabay nilang sabi.
Nagtataka kong pinagmasdan sila. May ibang may hawak na banner at may nakasulat na sorry. "A-Anong nangyayari?"
Napailing siya. "Si Flynn talaga, tsk, sinabing huwag sila dito sa labas ng office ko dahil ayoko ng maingay, aba't hindi ako sinunod." Pabulong na sabi ni Lenxi bago humarap sa akin.
Panay naman ang sabi ng mga kapwa estudyante ng sorry. Hindi ko akalaing magsu-sorry sila sa akin ng ganito. Makikita rin kasi sa kanila na nagsisisi sila.
"They want to apologize to you because on what they do to you. Inisa-isa 'yan kausapin ng stupid best friend mo at siya rin ang gumawa ng paraan para malaman kung sino ang nagpakalat ng video Such a nice best friend, right? Ideal boyfriend 'yan."
Biglang humarang sa amin si Buildex. "Hoy! Ako din ideal boyfriend."
"Huwag ka nga humarang! Pinapaganda ko lang kay Aubrey ang pangalan ni Flynn."
"Ay ganun ba?"
"Oo, epal ka talaga. Huwag kang mag-alala, ideal boyfriend ka na rin, Stupid Boy."
"I love you na talaga, Stupid Girl!"
Parang huminto ang oras ko dahil sa sinabi ni Lenxi. Si Flynn lahat ng gumawa nito. Kahit galit siya sa akin ay gumawa siya ng paraan para mahanap kung sino ang nagpakalat ng video. Tumulo ang luha sa pisngi ko. Guilt ang nararamdaman ko ngayon. Nagsinungaling ako sa kanya pero heto, gumawa pa rin siya ng mabuti sa akin. Napakabuting tao ni Flynn.
"Aubrey, bakit ka umiiyak?" Lumapit sa akin si Lenxi. "Okay ka lang ba?"
Tumango ako. "Oo, okay lang ako." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
"Ano pala ang say mo sa pagsu-sorry nila? Ang sabi ko kasi kapag hindi sincere sorry nila, masususpende silang lahat at hindi sila papasa sa fourth grading."
Napangiwi ako. "Bakit kailangang pagbantaan pa sila?"
"Para seryosuhin nila ang sinabi ko. So what's your verdict?"
"Kahit hindi naman sila mag-sorry ng ganito, napatawad ko na sila." Ngumiti ako sa kanila. "Basta ang tandaan ninyo, huwag kayo basta-basta manghusga ng tao."
"Aw that was a heartful speech. Pabatok nga, Aubrey. Masyado kang mabait eh." Pumalakpak siya. "Okay, students, go back to your classroom. Chop! Chop! In a count of three kapag nandito pa kayo, papapirma ko kay daddy ang—" Agad na nagsi-alisan ang mga kapwa namin estudyante. "Very good. So what's your plan, Aubrey? Inom tayong juice? Tama juice muna kasi minor pa tayo kaya bawal pa uminom ng soju."
"Hahanapin ko si Flynn." Tumakbo ako papalayo sa kanila.
"Hanapin kaagad siya? Hindi ba pwedeng uminom muna tayo ng juice?"
"Hahanapin ko muna siya, huwag ka makulit!" Sigaw ko sa kanya. Hahanapin ko talaga si Flynn para makapag-thank you sa kanya at makausap siya ng maayos.
"Tumingin ka sa likuran mo!"
"Ay, bahala ka d'yan sa buhay mo!" Halos bulong ko bago lumiko.
------
Halos kalahating oras ko nang hinahanap si Flynn. Mula sa football field, halos lahat ng classroom, rooftop, library, canteen at school garden ay pinuntahan ko pero wala akong nakitang Flynn. Ang laki-laki ng Serafine University, saan ko naman siya makikita? Napapikit ako.
"Tumingin ka sa likuran mo!"
Napadilat ako. Ang sabi ni Lenxi, tumingin daw ako sa likuran ko. Bigla kong naalala ang araw na naiwan ko ang guitar case ko dahil kay Flynn. Nasa likod ng senior high building ko naiwan iyon ibig sabihin ay nandoon si Flynn. Bakit hindi ko kaagad naisip 'yun? Malamang si Flynn ang nasa isip mo kaya hindi mo naisip 'yun.
Agad akong tumakbo papunta sa likod ng senior high building. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga estudyante.
"Hoy, lil sis!"
Hindi ko rin pinansin ang pagtawag sa akin ni Lux. Nang nasa gilid na ako ng building ay huminto ako sa kakatakbo dahil sa sobra na akong hinihingal. May narinig ako pag-strum ng gitara. Marahan akong naglakad papunta sa likod ng school building at doon nakita ko si Flynn na nakatalikod sa akin. "Flynn."
Huminto sa paggigitara si Flynn at napatingin siya sa akin. "Ikaw pala, Aubrey. Anong nangyari kay Gean."
"Ayon, dr-in-op ni Lenxi dahil sa ginawa niya." Naglakad ako papalapit kay Flynn. Napangito ako dahil sa suot niyang varsity jacket. De Vera 17. Naalala ko kung bakit 17 ang number sa varsity jacket niya. Ang sabi niya ay 'yun daw ang date noong naging official best friend kami. October 17, 2017. Fourth month of our friendship next week. Bumuntong hininga ako bago umupo sa tabi niya.
"Mabuti nga 'yun. Sana magtanda siya sa ginawa niya."
Huminga ako ng malalim. "Salamat, Flynn."
"Wala 'yun. Tinupad ko lang ang pangako ko sa'yo noon at para na rin tigilan ka na niya."
Humarap ako sa kanya. "Flynn, I'm sorry. Sana mapatawad mo ako sa ginawa kong pagtatago sa'yo na ako si Serene."
Bumuntong hininga siya. "Bakit ba hindi mo sinabi sa akin ang totoo, Aubrey, na ikaw si Serene? Bakit pinatagal mo ng ganito?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top