Chapter 16: Video
Chapter 16:
Aubrey Sarmiento:
5 messages received
Hindi ko pinansin ang sunud-sunod na text messages sa aking kabanda ko at ni Seven. Alam kong tungkol lang iyon sa hindi ko pagsipot sa gig namin kagabi at ang pagkabasag ng puso ko. Flynn.
Pinigilan ko ang sarili ko na huwag tumulo ang luha pero pasaway dahil talagang tumulo siya. "Ano ba naman 'yan!" Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Wala ngayon si Flynn. Absent o baka nag-cutting class dahil ayaw niya akong makatabi.
Nagsisisi ako kung bakit hindi ko sinabi sa kanya kaagad. Kung sinabi ko kaagad sa kanya, hindi dapat kami magkakaganito. Kasalanan ko ito.
May dahilan ka naman kung bakit hindi mo sinabi sa kanya agad.
Sumubsob ako sa mesa at hinayaang tumulo ang luha ko. Narinig ko ang pagbuhos ng ulan. "Ano ba 'yan? Nakikiramay ba sa akin itong panahon? Ang sakit!"
"Grabe siya."
"Mangkukulam talaga."
Marahan kong inangat ang ulo ko at nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. "Bakit kayo nakatingin sa akin?" Umiwas sila ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganun ang tingin nila sa akin kanina. Parang galit na parang natatakot sa akin.
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Mayamaya'y nag-bell na, hudyat ng breaktime na. Agad na nagsialisan ang mga kaklase ko. Ako naman ay walang ganang kinuha ang bag bago lumabas. Lulugo-lugo akong naglalakad sa hallway. Nakadama ako ng pagkailang na matagal ko nang hindi naramdaman. Ilang dahil sa way ng pagtingin sa akin ng mga estudyante. Parang nang-uusig sila.
Nagtataka man ay nagpatuloy lang ako maglakad hanggang sa makapasok na ako ng canteen. Huminto ang ingay sa paligid ko at hindi ko alam kung bakit. Katulad nang kanina ay mapang-usig rin ang pamamaraan ng pagtingin nila sa akin. Hinayaan ko na lang iyon at lumapit kaagad ako sa counter.
"Pancake nga po at isang orange juice." Natigilan ako. Gusto kong maiyak dahil naalala ko na naman si Flynn. Bakit lahat ng nasa paligid ko ay si Flynn ang naaalala ko? Mapang-asar ka talaga, tadhana!
"Bente otso lang, hija."
Binayaran ko ang nagtitinda bago kunin ang tray ko. Lalo akong nailang dahil sinusundan nila ako ng tingin hanggang sa makakuha na ako ng pwesto. Nang susubo na ako ay biglang may bumato sa akin. Nang tiningnan ko iyon, isang basag na itlog. Hinanap ko kaagad ang nangbato sa akin ngunit sunud-sunod na ang pagbato sa akin ng mga itlog, spaghetti, juice at kung ano pa.
Tumayo ako at hinampas ko anh mesa. "Bakit ninyo ba ako binabato ng ganito?" Halos sigaw ko sa kanila. Gusto kong maiyak. Ano bang ginawa kong masama para gawin nila ito sa akin?
"Dahil mamamatay tao ka!"
"Witch na nga, killer pa!"
Pinagbabato na naman ulit nila ako. Tumulo ang luha sa pisngi ko. Ano bang pinagsasabi nila. May pinatay daw ako. "Wala ako—" Naramdaman ko na lang ang pagtama ng isang matigas na bagay sa ulo ko. Nang hawakan ko ang parteng tinamaan ay nakita ko sa kamay ko ang dugo. Nakadama na rin ako ng pagkahilo at dama ko rin ang pagsakit ng ibang parte ng katawan ko dahil hindi lang pagkain ang binabato nila sa akin kundi mga gamit na rin. "Tama na." Halos pabulong na sabi ko. Unti-unti akong pumikit.
"Anong ginagawa ninyo sa kanya?"
Hindi ko alam kung imagination ko lang iyon pero parang narinig ko ang boses ni Flynn. Sobra na akong nanghihina kaya hinayaan ko na lang na tuluyang matumba nang biglang may naramdaman kong may sumalo sa akin.
"Aubrey!"
Pinilit kong maaninag ang tumawag sa pangalan ko. Mapait akong ngumiti nang makilala ko kung sino iyon. "Flynn..." Iyon na lang ang huli kong nasabi bago tuluyang dumilim ang paligid ko.
------
Marahan kong idinilat ang aking mata at bumungad sa akin ang puting kisame. Nasaan ako? Marahan akong umupo at nakita ko si mama na nakaupo sa gilid ko. "Mama, bakit ka umiiyak?"
Pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi niya. "Wala ito, hija."
"Mama."
"Hija, I'm sorry." Hinawakan ni mama ang kamay ko. "I'm sorry kung hindi kita naipagtanggol sa mga nambu-bully sa iyo. Naging pabaya akong ina para sa iyo."
Ngumiti ako kay mama. "Mama, hindi ninyo naman po ako napabayaan."
"Ipapahanap natin ang nagpakalat ng ganoong video sa mga estudyante."
Naguluhan ako sa sinabi ni mama. "A-Anong video po?"
"Hija, hindi mo ba alam na may kumalat na video na sinasabi mong pinatay mo si Jourdine at gustong-gusto mo iyon. May isa pang video na nagriritwal ka. Hija, saan nanggaling iyon?"
"Mama, hindi ko po ginawa iyon." Parang bigla kong naririnig ang mga sinasabi sa akin ng mga estudyanteng nagbabato sa akin ng kung anu-ano.
Witch na nga, killer pa!
Mamamatay tao!
Mangkukulam ka talaga!
"Mama, hindi ko ginawa iyon!" Napatakip ako sa tenga ko at tumulo na ang luha sa pisngi ko. Ano bang ginawa kong masama para gawin iyon sa akin ng nagpakalat ng ganoong klase ng video?
"Sssh, anak." Niyakap ako ni mama. "Naniniwala ako sa iyo, anak. Naniniwala ako sa iyo."
"Mama, wala akong ginawang kasalanan."
-----
"Why can't I say that I'm in love, I wanna shout it from the rooftops, I wish that it could be like that, Why can't we be like that? Cause I'm yours... Why can't we be like that? Wish we could be like that..." Unti-unti akong pumikit. Gusto kong umiyak. Bakit nagkakaganito ang buhay ko? Naging mabuting tao naman ako. Dumilat ako at pinaskil ko ang isang pekeng masayang ngiti sa harap ng maraming tao. "Thank you, people! Sa susunod ulit, enjoy your coffee!" Nauna na akong pumasok ng backstage at halos mapasigaw sa gulat dahil kay Lenxi. "Hello po!" Nag-bow pa ako sa kanya. "Bawal po dito ang costumer, ma'am."
Umupo si Lenxi at binigyan niya ako ng isang mapang-asar na ngiti. "Oh, I'm not your costumer, Serene or should I say Aubrey."
Peke akong tumawa kahit ang totoo ay kinakabahan ako. Paano niya nalaman na ako si Serene? "Si ma'am, mapagbiro. Serene po ang pangalan ko." Pinatong ko sa mesa ang gitarang ginamit ko kanina.
"Ako pa ang niloko mo, Aubrey. From the very start, I know who are you that's why I act like I don't know who you are. Oh, I'm just a girl who really loves playing someone's life because of boredom." Naglakad siya papalapit sa akin. "And how I'm so happy because everyone in school talks about you. They don't know that the person they always called Witch is the lady in mask of Dreamer band." Pumalakpak siya. "Naaawa ako sa iyo." Marahas niyang tinanggal ang maskarang suot ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw ang nagpakalat ng video na 'yun! Ang sama mo!"
Napasapo siya sa dibdib niya. "Oh I'm so flattered. I'm so brilliant, right? Nagawa ko iyon na walang nakahalata na ako 'yun. Well that's my real personality. I'm oh so called devil in disguise." Binato niya sa akin ang maskara ko. "Pumasok ka bukas bago tuluyang mawala sa'yo ang estupido mong best friend. Jal-ga-yo!" Kumaway pa si Lenxi at malademonyo pang tumawa bago umalis ng backstage.
Kumuyom ang kamay ko. All this time, nasa harap ko lang pala ang simuno ng pagkalat ng video na iyon. How could she do that to me? Ang sama niya! Tapos ngayon si Flynn naman ang pagdidiskitahan niya. May sira na siya sa utak!
------
"Aubrey, may nagpapabigay pala nito sa iyo." Inabot sa akin ni ate Cassandra ang isang nakatuping papel.
"Kanino galing, ate?"
"Buildex ata name niya." Umupo si ate sa kama.
Agad kong binasa ang nakasulat sa papel. Galing iyon kay Lenxi.
Dear Witch,
Hey! I just want to inform you that today is the bomb finale for you. Go to my daddy's office ASAP before I release this video on social media and I know you will hate this video once you watch it.
Oh by the way, I can easily steal Flynn to you
Lenxi
Nilamukos ko ang papel na hawak ko. Napakasama niya talaga. Wala naman akong ginawang masama sa kanya para ako ang napagdiskitahan niyang paglaruan.
"Aubrey, please be brave. Alam kong malalampasan mo 'yan."
Nginitian ko si ate Cassandra. I'm glad that she's always there to motivate me in my daily life. "Thank you, ate. Alis na po ako."
"Hatid ka na namin."
"No need ate. Kaya ko naman mag-isa." Kinuha ko ang bag ko.
"Sigurado ka ba? Mamaya, may nakaamba na sa iyong mambato ng kung ano."
"Wala na 'yan, ate." Hinalikan ko sa cheeks si ate. "I love you, ate!"
"I love you too, lil bunny! Ingat sa byahe."
Tumango lang ako bago nagmamadaling umalis. Eksaktong pagkalabas ko ng bahay ay may dumaang tricycle. Agad ko iyon pinara. "Sa Serafine University po." Habang nasa byahe ako ay kinakagat ko ang daliri ko sa kamay sa sobrang kaba. Ano naman ngayon ang ipagkakalat ni Lenxi. "May saltik talaga 'yun. Pati ata si Buildex, may saltik na rin."
After seven minutes ay nasa tapat na ng main gate ng Serafine University ang sinasakyan kong tricycle. Binigyan ko ng fifty pesos ang driver at hindi ko na hinintay ang sukli. Ang mahalaga ngayon ay makapunta kaagad ako sa office ng tatay ni Lenxi.
Halos mag-marathon na ako dahil sa bilis ng takbo ko. Pagkarating ko sa office ay walang katok-katok ay binuksan ko ang pintuan nun. Naroon si Lenxi na prenteng nakaupo sa likod ng mahogany table at nakatayo sa tabi niya si Buildex. "Nandito na ako, Lenxi. Ano bang kailangan mo sa akin?"
"Please sit down." Tinuro pa niya ang bakanteng upuan sa harap ng mesa niya.
Agad akong lumapit at umupo. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko kung anong nakasulat na pangalan doon sa mesa.
Lenxi Jang
CEO of Jang Empire
"Yeah, I owned this school and my family's empire." Umayos ng upo si Lenxi. "I am a degree holder at the age of twelve years old and Masteral Arts in Business Management holder too at the age of fifteen. Yeah, I'm freaking brilliant and I don't know the feel of being child."
Halos mapanganga ako sa sinabi ni Lenxi pero agad ko iyon iwinaksi. Mamaya, front lang niya iyon. "I don't believe in you."
Kumibit balikat lang siya. "Oh well, talagang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko dahil sa ginawa ko kahapon. I'm such a great actress. Just wait for my surprise, lady."
Magsasalita na dapat ako nang biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin kami ni Lenxi doon. Ang pumasok lang naman ay si Gean at si Flynn. "Gean, Flynn, anong ginagawa ninyo dito?"
"Surprise! As you can see, the mastermind of sending your videos of acting witch and crying in the front of someones tomb is here. Thank you Flynn sa paghahatid sa kanya dito."
"What?" Halos gulat kong nasabi. "Sinasabi mo bang—"
"Oh yes, lady. Say hi to your number 1 frienemy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top