Chapter 15: Truth
Chapter 15:
Aubrey Sarmiento:
Tahimik akong pumasok ng building ng Grade 10 at dinadama ang kantang naririnig ko ngayon sa earphone. Pinipigilan ang sarili na mapakanta. Hay! Ang mga musika talaga ang nagpapakalma sa mga tao. Naalala ko tuloy si ate Bella noong nag-overnight sleep siya sa bahay, hindi 'yun makakasulat ng nobela na walang tugtog kaya buong gabi ay may soundtrip sa kwarto namin.
Napahinto akong maglakad nang makita ko si Gean na kausap si Flynn. Kumabog ang dibdib ko. Bakit parang may sinasabi siya kay Flynn na hindi maganda. Nagmadali akong lumapit sa kanila. "Good morning!" Bati ko sa kanila.
"Tell him the truth, Aubrey."
"Anong tell him the truth, Gean?" Huwag niyang sabihin na sinabi niya kay Flynn na—
"Sinasabi niya na ikaw si Ms. Mysterious Voice. Baliw lang, 'di ba?"
"Aah, hehe oo nga eh." Sinamaan ko ng tingin si Gean. How could she do that to me? Pinangungunahan niya ako!
"Bahala ka! Ayaw mong maniwala sa akin eh 'di huwag!" Padabog na umalis si Gean.
Sinundan ko siya ng tingin. Hindi aakalaing gagawin niya ito sa akin. Napalingon ako kay Flynn dahil tumatawa siya. "Bakit ka tumatawa?"
"Paano naman kasi 'di ba hindi kagandahan boses mo? Tapos pinagpipilitan niya na ikaw si Ms. Mysterious Voice. Sa way ng pagsabi niya sa akin, parang gusto niyang magkasiraan tayo at hindi ba niya alam na hindi ko na hinahanap ang taong iyon? She's crazy."
Umiwas ako ng tingin kay Flynn. Oo, ang pagkakaalam niya ay pangit ang boses ko dahil may isang beses na pinakanta niya ako at pinapangit ko talaga ang boses ko. "Ano, pasok na tayo sa classroom. Baka dumating na si sir Tadeo." Nauna na akong maglakad. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Flynn ang totoo. Base sa sinabi kanina ni Flynn, talagang magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang ako at si Serene ay iisa lang. "Paano na 'to?"
-------
"Naku! Hindi ko talaga aakalaing kakaibiganin ni Flynn 'yung Mangkukulam na iyon."
Mariin akong pumikit. Ako na naman ang topic nila. Kailan ba nila ako pipigilan? Huminga ako ng malalim. Kalma lang, Aubrey. Ituloy mo na lang ang binabasa mo. Nilipat ko ang page ng binabasa ko.
"Ano ka ba? Gumamit 'yan ng black magic kay Flynn kaya naging magkaibigan sila."
"Girl, bali-balita na nililigawan 'yan ni Flynn."
Malakas kong sinara ang librong binabasa ko at pilit na ngiting humarap sa kanila. "Mga ate, library ito. Lugar kung saan dapat tahimik at dapat nag-aaral o nagbabasa. Kung gusto ninyo pag-usapan ang isang tao, doon kayo sa labas, huwag dito at dapat hindi naririnig nung tao." Tumayo ako at kinuha ang librong binabasa ko. Hihiramin ko na lang ito. "Makaalis na nga, panira kayo ng pagbabasa ko." Naglakad na ako papunta sa librarian.
"Grabeng kaba ko doon."
Pumikit ulit ako. Sa Carlos High School, hindi ako sinasabihan na mangkukulam at witch. Gusto ko murahin ang nagpakalat na mangkukulam ako. "Ma'am hihiramin ko po ito." Pinakita ko ang librong Philippine Civil Law.
"For Law student lang ang librong iyan, hija. Hindi pwede hiramin ng isang junior high school student."
Nalungkot ako sa sinabi ng Librarian. Gusto ko lang naman pag-aralan ang mga batas dito sa Pilipinas. Gusto kong ipagtanggol lahat ng mga kababaihang biktimang katulad ni ate Cassandra.
"Miss Librarian, let her borrow the book. I know her, she can be a future prosecutor."
Napalingon ako sa nagsalita. "Lenxi."
"Yah! It's me. Ilista mo na lang, Miss Librarian, sa name ko ang hiniram niya. Babasahin ko din kasi 'yan." Kinindatan pa ako ni Lenxi bago hinila palabas ng library.
"Bakit mo ginawa 'yun?"
"Isa lang ang sagot, because you are my friend now."
Naguluhan ako sa sinabi ni Lenxi. Bakit ako?
"I know what you thinking. Bakit ikaw? Because you are true to yourself. Hindi ka plastic na kaibigan. Mas magandang kaibiganin ang taong sinasabihan na mangkukulam kaysa sa taong panay puri at pinupuri. Nakakairita lang, hindi ba? Ang dami kasing stupid sa mundo, hindi sa isipan kundi sa inaakto. Kaunti na lang tayong matino."
Napakamot ako sa ulo. Parang siya kasi hindi matino eh.
"Magkasama pala tayo na sasayaw sa traditional dance sa annual grand ball. Ang Stupid Best Friend mo ba ang partner mo?"
Napangiwi ako. Stupid talaga. "Oo, ikaw?"
"Syempre ang Stupid Boy ko, mas gusto kong siya partner ko kaysa iba 'no. Kahit stupid 'yun, mahalaga sa akin 'yun." Natigilan ito. "Wala naman akong sinabing mahalaga siya sa akin, 'di ba?"
"Meron."
"Shoot! Ano ba itong pinagsasabi ko? Huwag mong pansinin 'yun. Sige aalis na ako, sasama kasi akong magligtas kahit papaano sa kalikasan. You know, love nature, save mother nature. Bye!" Patakbong umalis si Lenxi.
Napailing na lang ako. Mukhang may sapi iyon sa utak. "Makauwi na nga. Message ko na kang si Flynn na hindi ko na siya madadaanan sa football practice niya."
-----
"So class ready na ba kayo sa activity na gagawin natin ngayon?"
Nagkatinginan kami ni Flynn dahil sa tanong ni sir Caberios. Nagtaas ng kamay si Flynn. "Sir!"
"Yes, Mr. De Vera?"
"Ano pong activity, sir?"
"Kakanta kayo ng partner mo ng isang new song with musical instrument. Duet kayo, don't tell me, hijo, na nakalimutan ninyong lahat ang activity na ito?"
Nagkomento ang mga kaklase ko na alam nila at prepare sila. Ibig sabihin tanging kami lang ni Flynn ang hindi alam ang tungkol doon.
"Sir Caberios, alam po namin ni Aubrey. Marami lang po kasing activity kaming gagawin."
"Well that's good. Let's start. Pair number 1, Galvez and Renomeron."
Napa-facepalm ako. Hindi kami prepare ni Flynn. Nawala sa isip namin ang activity na ito dahil sa kaka-practice ng cotillion.
"Anong gagawin natin, Cinnamon?" Medyo worried na tanong ni Flynn.
Napatingin ako sa kanya at may idea na pumasok sa isipan ko. Maybe ito na ang tamang oras para sabihin kay Flynn ang totoo. "Huwag kang mag-alala, may plano ako." Agad akong nag-text kay Lux. Alam kong may klase siya ngayon at dala niya palagi ang gitara niya. Malapit lang naman dito sa building namin ang building ng College of Liberal Arts and Sciences.
Lux:
Ano kailangan mo lil sis?
Me:
I need ur guitar now
Lux:
Ok ur room #
Me:
#16
Lux:
OTW
Napakagat labi ako sabay tingin sa sumunod na magpe-perform. Sana dumating na kaagad si Lux.
"Cinnamon, hindi tayo prepare baka magkalat lang tayo." Bulong sa akin ni Flynn.
"Magtiwala ka lang sa akin." Tumingin ako sa pintuan. "Wala pa siya."
"Sino?"
"Si Lux."
"Sino naman 'yun?"
"Basta." Lumingon ako sa kanya at iba ang aura niya. Parang nagsiselos. "Cinnamon, kuya ko 'yon."
Ngumiti siya. "Akala ko kung sinong epal eh."
Napailing ako. Kinakabahan ako. Hindi dahil sa magiging resulta ng performance namin. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Flynn kapag nalaman niyang si Serene ako. "Flynn, may mga alam ka bang kanta ni Ed Sheeran?"
"Malamang oo. Nakalimutan mo atang paborito kong singer 'yun."
Napangiwi ako. "Oo nga pala." Ano ba ito? Masyado akong kinakabahan.
"Excuse me po."
Lahat kami ay napatingin sa pintuan ng room. Napangiti ako dahil si Lux iyon. Good! Nagsigawan naman ang mga kaklase naming babae. Malamang myembro ng Dreamer, bumisita bigla dito.
"Yes, sir?"
"Ibibigay ko lang po itong gitara kay lil sis este Aubrey Leene Sarmiento. Naiwan niya po kasi ang gitara niya." Pinakita ni Lux ang gitara niya.
Agad akong lumapit kay Lux at kinuha ang gitara. Nag-fist to fist pa kaming dalawa.
"Sige po!" Kumaway pa si Lux na lalong nagpalakas ng tilian nila.
Bumalik kaagad ako sa upuan ko na hindi na hinihintay na umalis si Lux. "Sarap talaga batukan ang lalaking 'yun."
"Kailan mo pa nakilala si Lux?" Bungad na tanong ni Flynn sa akin.
Bumuntong hininga ako. "Matagal na."
"Quiet class! Next, De Vera and Sarmiento."
"Cinnamon."
"Magtiwala ka lang." Nauna na akong pumunta sa harapan at umupo sa nakalaang upuan doon. Sumunod sa akin si Flynn at umupo na rin. "Sumabay ka na lang sa kakantahin ko. Just trust me." Tama, magtiwala ka pa rin sana sa akin sa oras na malaman ko kung sino ako.
"You can start now."
Tumango ako kay sir Caberios. Tahimik ang buong klase at lahat ng atensyon nila ay nasa amin ni Flynn. Huminga ako ng malalim.
"People fall in love in mysterious way..." Nag-umpisa na akong mag-strumming sa gitara. "When your legs don't work like they used to before, And I can't sweep you off of your feet..." Tumingin ako kay Flynn na nakatulala sa akin at mukhang naintindihan niya ang tingin ko.
"Will your mouth still remember the taste of my love? Will your eyes still smile from your cheeks?" Tinanguhan ko pa siya para magpatuloy siya kumanta. "And darling, I will be loving you 'til we're 70."
Huminga akong malalim at sumabay na sa pagkanta ni Flynn. "And, baby, my heart could still fall as hard at 23, And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways, Maybe just the touch of a hand, Well, me—I fall in love with you every single day, And I just wanna tell you I am..."
Humintong kumanta si Flynn at natulala lang sa akin. Panay ang sign ko na kumanta siya pero hindi niya sinusunod kaya ako na lang ang kumanta. "So honey, now, Take me into your loving arms, Kiss me under the light of a thousand stars, Place your head on my beating heart, I'm thinking out loud, Maybe we found love right where we are..." Tinapos ko ang performance namin sa pagbagal ng strumming.
"Very well performance."
"Flynn..."
Hindi niya ako pinansin at nagmadaling bumalik sa upuan namin. Kinuha niya ang kanyang bag at nagmadaling lumabas ng classroom.
"What happen to him, hija?" Nagtatakang tanong sa akin ni sir Caberios.
"Excuse, sir. Susundan ko po siya." Tumango muna ako bago lumabas ng classroom. Nakita ko kaagad si Flynn pero malayo na siya sa akin. "Flynn!" Parang hindi niya ako narinig kaya tumakbo ako papalapit sa kanya bago pa siya makalabas ng building. "Flynn." Humarang ako sa harapan niya. "Kausapin mo naman ako."
"Not now, Aubrey." Nilampasan niya ako.
"Flynn naman." Hinawakan ko ang kanang kamay niya. Binawi niya ang kanyang kamay. "Flynn please, lets talk."
Humarap siya sa akin. "Hindi ako nakikipag-usap sa taong pinagmukha akong tanga."
Yumuko ako. Sapul ako sa sinabi niya. Tama siya, pinagmukha ko siya tanga. "I'm sorry."
"Aubrey, ilang buwan kong hinanap si Serene. Apat na buwan kitang hinanap simula noong araw na narinig kitang kumanta. Tatlong buwan na naka-post sa social media na hinahanap kita, tatlong buwan rin tayong magkaibigan at sa tatlong buwan na iyon, nasa harapan ko na pala ang hinahanap ko. Ang tanga ko!"
"Ayoko lang naman na may masabi ka sa akin."
"Ayaw mo pero ngayon may masasabi na ako sa iyo ngayon. Sinira mo ang tiwala ko sa iyo dahil niloko mo ako at pinagmukha mo akong tanga. Tangang naghahanap sa iyo. Na ang Serene na hinahanap Ang hirap kasi sa iyo, masyado mong dina-down ang sarili mo at iisipin mo na may masamang masasabi sa iyo kahit ang totoo ay wala." Tinalikuran niya ako. "Kaya pala kilala mo si Lux dahil magkabanda kayo."
"Flynn..."
"Hindi ko alam kung kaya pa kitang kausapin, Aubrey." Tuluyan na siyang naglakad papalayo sa akin.
Unti-unting tumulo ang luha ko at napaupo sa sahig. Wala na, sira na ang lahat. Wala na siyang tiwala sa akin.
"Lil sis."
"Kuya Lux, ang sakit dito." Tinuro ko ang tapat ng puso ko. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko, ganoon siya kasakit.
Niyakap ako ni Lux. "Sssh, lil sis, sige lang iiyak mo lang 'yan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top