Chapter 14: Courting
Chapter 14:
Aubrey Sarmiento:
" Please don't leave me. I need you right now."
Umiwas ako ng tingin sa kanya at tuluyan ko na nabawi ang kamay ko. "Lets go, Jervy." Nauna na akong maglakad. Hindi ko pinakinggan ang pagtawag sa akin ni Flynn. Alam ko ring nakasunod sa akin si Jervy hanggang makarating kami ng canteen. Pumunta ako sa bandang sulok ng canteen.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nagi-guilty ako na sumama kay Jervy imbes na doon dapat ako sa tabi ni Flynn? Bakit feeling ko mali ang ginawa ko?
Bakit? Sinunod ko lang naman kung ano ang sinasabi ng isip ko ah. Nasasaktan ako at alam kong mali itong nararamdaman ko.
"Anong gusto mong snacks?"
Pilit akong ngumiti. "Anything." Tumango si Jervy bago pumunta sa counter. Sumubsob naman ako sa mesa. Hindi ako mapalagay sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko dapat talaga pinili ko si Flynn. Pero masasaktan lang ako sa tuwing pinangangalandakan niya na best friend niya lang ako. "Ayoko na."
"You love him."
Umangat ako ng tingin. It's Jervy holding two glass of milk tea. "Hah?"
Umupo siya sa katapat kong upuan. Pinatong niya sa harapan ko ang isang milk tea. "You love him."
Peke akong tumawa. "Ha? Hindi 'no."
"Kakasabi mo lang kanina na ayaw mo na. Hindi mo ba matanggap na hanggang mag-best friend lang kayo?"
Umiwas ako ng tingin. Bakit ba kailangan ng lalaking ito na pakialaman ang nararamdaman ko para kay Flynn?
"Naniniwala ka sa sinasabi niya?"
"Malamang oo. Ilang beses na niya iyon sinabi sa akin."
"Sa tingin ko, kailangan mo na bumalik doon."
"Bakit? Bakit mo ako pinababalik doon?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Siya ang pinili ko pero bakit gusto niyang bumalik ako kay Flynn?
"Its all because you love him. I concede. Hindi na kita liligawan pa. Ayokong maging hadlang sa taong nagmamahalan. Bumalik ka na doon, sigurado akong hinihintay ka pa niya doon."
Napangiti ako at tumakbo ako pabalik kung saan namin iniwan si Flynn. Pagdating ko doon ay wala na siya. Bigla akong nanlumo. Dapat hindi na lang ako bumalik. Nagpaniwala pa kasi ako sa sinabi ni Jervy. "Umasa ka na naman kasi, Aubrey."
"Cinnamon?"
Nilingon ko ang nilalang na tumawag sa napakagandang endearment na narinig ko sa tanang ng buhay ko. "Flynn..."
"Bumalik ka." Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako. "Akala ko, siya ang pinili mo."
"Baliw ka talaga, syempre ikaw ang pipiliin ko. Ikaw ang cinnamon ko eh."
Humigpit ang yakap niya sa akin. "Huwag ka nang babalik doon ah. Huwag ka na lumapit sa lalaking 'yun."
T-in-ap ko ang likod niya. "Hindi na, promise. Hindi na rin niya ako liligawan."
"Mabuti kung ganun." Naramdaman ko ang magaang pagdampi ng labi niya sa noo ko. "Alam ko na kung anong pakiramdam ng kuya ko noong may nanligaw sa best friend niya."
"Hah?"
"Yung pakiramdam na parang inagaw sa'yo ang taong mahal mo pero hindi mo naman siya pagmamay-ari."
"Hah?" Lalo akong naguluhan sa sinasabi ni Flynn.
"Aubrey, sa tingin ko nahuhulog na ako sa'yo."
"Ano?" Parang nabingi ako sa sinabi niya o baka madumi lang ang tenga ko.
"Oo, alam kong best friend ang turing mo sa akin pero Aubrey, nahuhulog na ako sa iyo. Minamahal na kita." Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam kong mali ito pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mahalin ka."
"P-Pero paano si Serene?"
"Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo kanina kung hindi lang umepal ang Jervy na 'yun. Sasabihin ko dapat na hindi ko na siya mahal. Minahal ko siya dahil sa boses niya."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang ang tagal mag-loading sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. Parang nananaginip ata ako. "Flynn..."
"Cinnamon, kung pwede lang. Pwede ba—"
"Aubrey!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Lenxi iyon at naka-piggy backride siya sa isang lalaki na ang pagkakaalam ko ay si Buildex. Lalaking dakilang tagahakot ng mga academic at non-academic awards sa bawat school year niya.
Lumapit sila sa amin. "Bakit kayo magkasama? Ay ang stupid ng tanong ko, malamang mag-best friend kayo. Ikaw na may cute na pangalan at may stupid na best friend. Padaan nga kami! Bawal matamis dito, masira pa ang grass."
Pinaghiwalay ni Buildex ang kamay namin at nagsimula na siyang maglakad.
"Hoy, Stupid Boy."
"Ano, Stupid Girl?"
"Mabilis ba tibok ng puso mo?"
"Oo, bakit? Mabilis din ba tibok ng puso mo?"
"Oo eh. Gusto mo pagkatapos ng class ko magpa-check up tayo sa kakilala kong cardiologist? Baka may sakit na tayo sa puso."
"O, sige."
Natawa ako sa kanila. Mukhang in love na sila sa isa't isa, hindi lang nila alam. "Mga baliw."
"Tama, panira sila eh. Bakit ba sa tuwing may gusto ako sabihin, palaging may umeepal?" Hinarap niya ako sa kanya. "Aubrey, pwede ka bang ligawan?"
"Hah?" Nagwala ang buong sistema ko. Gusto akong ligawan ni Flynn. Parang gusto ko himatayin. "B-Bakit?"
"Kasi gusto kong patunayan sa'yo na totoo ang nararamdaman ko para sa'yo."
"Ganun ba?"
Tumango siya sa akin. "Oo, payag ka ba?"
I shrug. "Ewan? Bahala ka?" Gusto kong batukan ang sarili ko. Anong klaseng sagot 'yan, Aubrey?
"Ibig sabihin pwede akong manligaw? Bahala ako, 'di ba?" Pilit akong tumango. Bigla niya akong niyakap. "Hindi ka magsisisi na payagan akong ligawan ka. Patutunayan kong malinis ang hangarin ko sa iyo, Cinnamon."
-----
"Ate pwede na ba ito?" Pinakita ko kay ate Cassandra ang bracelet na ginawa ko. Simple lang ang bracelet na ginawa ko. 'Yung pwede na isuot araw-araw sa galaan. Hindi naman kasi ako kasing talented ni ate Cassandra na sa isang araw ay nakakagawa siya ng apat hanggang tatlong design ng accessories.
"Oo naman. Ang ganda nga eh." Kinuha niya ang ginawa ko. "Isama natin ito i-post sa facebook page na ginawa mo." Sinukat pa niya iyon at bagay sa kanya.
Napangiti ako. Dalawang linggo na dito sa bahay si ate Cassandra at magkasama kami sa kwarto. Wala na sa kwarto ko ang mga poster na creepy at itinago ko ang mga CD ng horror movies. Sa ngayon, makikita na kay ate na bumubuti na siya. Nagkakalaman na rin siya. "Ate..."
"Hmn?"
"I love you, ate."
Napangiti siya. "I love you too, Aubrey." Niligpit na niya ang mga beads at tools na nakakalat sa worktable niya.
"Ate, ayaw mo na gumawa?"
"Mamaya na lang. Gusto ko magkwento ka sa akin." Kinuha niya si Toothless na nasa kama namin. Inabot niya sa akin si Toothless. "Kayo ba ng nagbigay sa iyo n'yan?"
"Naku ate, hindi ah. Ano... Nanliligaw pa lang siya sa akin."
"Alam nila daddy at tita este mama Bree?"
"Hindi pa, ate."
"Naku! Dapat sabihin niya kina daddy. Magiging bad shot kay daddy kapag hindi niya sinabi kaagad." Hinila ako ni ate paupo sa kama. "Ang tanong, type mo ba siya?"
"Ano..." Umiwas ako ng tingin at feeling ko namula ang pisngi ko.
"Type mo nga siya. Ayiiee! In love si bunso." Kiniliti pa ako ni ate Cassandra.
"Ate naman!"
"Kinikilig lang ang ate mo. Bagay kasi kayo, machika nga iyan kay Bella. Baka gumulong 'yun sa sobrang pagkakilig sa inyo. Alam mo bang gusto namin ang chemistry ninyong dalawa? Ang sweet ninyo kaya. Oh my gosh, paano pa kaya kapag naging kayo?"
Lalo akong namula dahil sa pinagsasabi nila. Maski ako ay kinikilig kapag naiisip ang mga scenario kapag naging kami na ni Flynn. Napangiti ako pero biglang nawala iyon nang maalala ko ang sikretong tinatago ko kay Flynn.
"O bakit ka napasimangot d'yan? May nasabi ba akong mali?"
Umiling ako. "Wala naman ate. May naalala lang ako."
"Sa tingin ko may problema ka. Nararamdaman ko iyon. Huwag ka na mahiya sa akin. Ate mo naman ako, baka matulungan kita sa problema mo."
Napatingin ako kay ate Cassandra. "Ate..."
"Sige na, sabihin mo na."
"Ate, may tanong ako sa iyo."
"Sige itanong mo na kung ang magiging sagot ko ay makakatulong sa iyo."
Humiga ako at ipinatong ko ang ulo ko sa lap niya. Si ate naman ay sinuklay ang buhok ko. Nakadama ako ng pagkakomportable dahil sa ginagawa niya. "Ate, anong gagawin mo kung sakaling may sikreto ka na hindi mo masabi sa taong mahal mo? 'Yung sikretong iyon ay connect sa dati niyang minahal na kahit kailan hindi niya nakilala at nakita ang totoong mukha, anong gagawin mo?"
"Kung ang sikretong iyon ay connect sa akin o ako mismo ang taong sinasabi mong minahal noon na hindi nakita o nakilala man lang ng mahal ko, siguro sasabihin ko sa kanya. Tama. Mas magandang sabihin ang totoo kaysa mahuli pa ang lahat. Mas mabuting maging tapat kaysa hindi, 'di ba?" Huminto siya sa pagsuklay sa buhok ko. "Bakit mo natanong 'yan? May sikreto ka bang hindi sinasabi sa kanya? O ikaw mismo ang sinasabi mo sa tanong mo kanina?"
Huminga ako ng malalim bago sunud-sunod na tumango. "Ate, 'di ba naggi-gig ako sa isang coffee shop? Si Serene ako doon. Isang babaeng may suot na maskara. Isang babaeng hinahangaan ng lahat. Isang babaeng hindi tinatawagan na Witch at Mangkukulam. Ate nagkagusto si Flynn kay Serene dahil sa boses niya. Hinanap niya si Serene sa school dahil doon niya unang narinig ako na kumakanta then on the same time naging magkaibigan kami."
"Bakit kasi hindi mo sinasabi sa kanya?"
"Kasi ate kapag nalaman niya na ako si Serene baka sabihin niya na gumamit ako ng black magic kaya na-in love siya sa boses ko. Ate ayoko na kasing mahusgahan."
"Aw, mahirap nga 'yan. Alam mo bunso, mas maganda ngang sabihin mo na sa kanya. Kung magalit siya, husgahan ka at hindi ka niya mapatawad, wala tayong magagawa bunso. Mapaglaro kasi ang tadhana, minsan bigla ka na lang niya bibigyan ng twist sa buhay bago mo makilala ang para sa iyo. Kung hindi si Flynn ang para sa iyo, tanggapin na lang natin."
"Ate..."
"Basta tandaan mo, nandito lang si ate na tagakinig ng hinanaing mo sa mundo. Kung anuman ang resulta n'yan, nandito lang ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top