Chapter 13: Choose
Chapter 13:
Aubrey Sarmiento:
"Guys, manahimik muna kayo." Nag-tap pa sa teacher's desk ang president naming si Florence. Nagsitahimikan ang mga kaklase ko. "Okay, three weeks na before the annual grand ball. Be ready, ladies bawal daw ang cocktail dress. As usual ball gown ang suot. Wear mask because masquerade ang theme ng ball. Boys, wear proper suit. Huwag naman parang pupunta kayo sa kanto at tatambay. Ayusin ninyo ang porma ninyo. So sa girls, may isusuot kayong red rose sa wrist ninyo. Ibibigay na lang bago ang araw ng grand ball."
Tumingin na lang ako sa labas. Wala pa akong nabibiling gown para sa grand ball. aaNapabuntong hininga tuloy ako ng wala sa oras.
"Then, Flynn and Aubrey, kailan daw kayo pupunta sa practice ninyo sa cotillion? Kayo na lang daw ang hindi pumupunta sa practice."
"Aba, malay ko. Tanungin mo 'yung isa d'yan na mukhang busy sa pagpapaligaw."
Napantig ang tenga ko. Ako pa ata sinisisi niya sa hindi namin pagpunta sa practice eh siya nga ang hindi namamansin ng isang linggo. "Aba, malay ko sa isa d'yan. Tanungin mo siya kung kailan niya gusto pumunta sa practice. Siya lang naman ang hinihintay ko para pumunta ng practice."
"Aba malay ko sa inyong dalawa. Kung may problema kayo, pag-usapan ninyo. Huwag ninyo siraan ang name ng section natin. Tinaguriang star section tayo tapos sisirain n'yo lang."
"Pwede ba magpalit ng partner?"
"Hindi na Flynn. Official na kayong nakasulat sa list ng magko-cotillion."
"Tss." Inirapan ko si Flynn.
"So may good news pa tayo, susubukan ng school organization kung pwede mag-perform ang Dreamer sa grand ball."
Nagsigawan ang mga kaklase ko. Dreamer lang pala eh. "Ano? Dreamer?" Halos nasigaw kong tanong kaya lahat ng kaklase namin ay napatingin sa akin.
"Oo, bhe. Dreamer nga. The organization says na kung pwede ay si Serene ang maging bokalista ng Dreamer kasi iyon ang gusto ng mga senior high."
Gusto kong magwala. Hindi pwede ito. Hindi naman ako pwedeng mag-perform habang nasa kalagitnaan ng cotillion.
"Is that true?" Tanong ni Flynn kaya napatingin ako sa kanya.
"Opo."
"That's great! Makikita ko na ulit si Ms. Mysterious Voice."
Gusto kong sigawan si Flynn na hindi pwede. Kakausapin ko si Seven at Lux na hindi ako pwede mag-perform dahil a-atend ako ng grand ball.
"Okay, that's all. Uwian na guys!"
Agad kong kinuha ang bag ko. Kailangan kong makausap kaagad si Seven bago pa siya maka-oo sa organizer. Nang lalabas na ako ng classroom ay muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil kay Jervy.
"Hi Aubrey!"
"H-Hi!" Pilit na bati ko. "Bakit ka nandito?"
"I just want to give this-"
"Excuse me! Harang sa daanan eh!" Biglang tinulak ni Flynn si Jervy bago ito naglakad papalayo sa amin.
"He's so rude. Naging best friend mo ba talaga iyon?"
Tumango ako habang sinusundan ng tingin si Flynn. I miss my best friend.
"So heto na nga. Ito ang ibibigay ko sa iyo." Pinakita sa akin ni Jervy ang isang box ng chocolate.
"T-Thank you." Pilit akong ngumiti. Alam ba ni Jervy na bawal kumain ng sobrang dami ng chocolate ang isang umaawit?
"I hope it will help you to be happy."
"I'm hoping too. Sige, I need to go." Tumakbo akong iniwan si Jervy. Ni-reject ko na kaagad siya noong unang araw na manligaw siya pero talagang pinipilit niya na ligawan ako. "Matauhan ka sana na hindi kita type."
-------
Chillax lil sis. Alam kong magagawan mo ng paraan ang grand ball na iyon.
Gusto kong maiyak dahil sa message ni Lux. Kanina pa niya ako inaasar sa GC nami . Paano naman kasi nahuli ako ng dating kahapon para sabihan si Seven na hindi ako pwedeng mag-perform dahil eksaktong pagdating ko ay naka-oo na siya sa organizer at hindi na pwedeng mag-backout. Ngayon inaasar nila ako sa GC.
Pabalang akong umupo sa bench. Anong gagawin ko nito.
"Pwede bang tumabi sa iyo?"
That voice. Napalingon ako kay Flynn. "P-Pwede naman."
Agad na umupo sa tabi ko si Flynn. Medyo nakadama ako ng pagka-awkward dahil na rin siguro sa mahigit isang linggo naming hindi pag-uusap. "I'm sorry."
"Sorry saan?"
"I'm sorry dahil hindi kita pinansin ng isang linggo. Masyado kasi akong nagtampo sa iyo dahil pumayag kang magpaligaw sa Jervy na 'yun." Nanatili lang akong tahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Sorry talaga."
Ngumiti ako "Okay lang 'yun."
"Bati na tayo?" Tumango ako kaya napangiti siya. "Payakap nga!" Bigla niya akong hinila at niyakap. Nanlaki ang mata ko. Shoot! Heto na naman ang puso ko, ang bilis ng tibok at nakadama ng kuryente. "Na-miss kita, Cinnamon."
"Loko ka kasi eh. Kung pinansin mo ako, hindi mo sana ako mami-miss."
"Wow ah! Sinermunan mo pa ako. Hindi ba pwedeng sabihin mo na na-miss mo rin ako?"
Natawa ako. "Oo na, na-miss rin kita, Cinnamon."
"Much better."
Tama siya. Much better ngayon. Okay na ako ngayon.
----
"Okay, kapag sumasayaw kayo na may kapareha dapat makikita sa inyo na may connection kayo sa isa't isa. Doon mo kasi mararamdaman ang diwa ng sayaw. Now, harap sa partner."
Humarap na kami sa ka-partner namin. Ngumiti sa akin si Flynn. Halata sa mukha niya na kinakabahan siya.
"Now, slow kayong maglakad, four counts." Sinunod namin ang sinabi ng instructor. "Then bow, ladies bow like a princess and gentlemen bow like a prince. Act like you're a royalty... Good! Now ladies put your left hands in your partner's right shoulder like this."
Napatingin ako sa instructors at ginaya ko ang ginagawa nito. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. He put his right hand to my waist. Kusa rin niyang hinawakan ang kamay ko. He smiled on me. "Hi!"
"H-Hi!"
"Ang partner sa gitna. Tama ang ginagawa ninyo! Gayahin ninyo sila. Back to the position."
Agad akong humiwalay kay Flynn at bumalik sa first position. "Okay, and one, two, three, go! One, two, three, four..." Ginawa ulit namin ang unang tinuro ng instructor. Hindi ko naman aakalaing mahirap pala sumayaw ng ganito. Ang daming alam. "Five, six, seven and eight! Stop! You, the couple who are unique, come here."
Nagkatinginan kami ni Flynn at bumalik ang tingin sa instructor. Apat kasi kaming nasa gitna kaya hindi namin alam kung sino ang sinasabi ng instructor.
"The lady who used black lipstick in your lips, lumapit kayo ng partner mo dito."
Kami na talaga ni Flynn ang tinatawag ng instructor. "Let's go." Hinawakan ako ni Flynn sa kamay at hinila papunta sa instructor.
"Can you two dance Waltz?"
"Opo." Tumango na lang ako bilang support kay Flynn kahit ang totoo ay hindi ko masyadong alam ang steps ng Waltz.
"Good, hiwalay kayo sa group na ito. Magiging part kayo ng piling pair para sa pinaka-last dance ng event. 'Yung traditional dance cotillion."
Nanlaki ang mata ko. "Seryoso po kayo?" 'Di makapaniwalang tanong ko.
"Yes, lady. Just don't use that kind of lipstick. Baka magalit si Azalea sa ayos ng labi mo."
Napangiwi ako. Bakit ba pati lipstick ko, pakikialaman? Tumango na lang ako.
"Then you can go. Ciao!"
Tumango na lang kami ni Flynn. "Sige po!" Hinawakan niya ulit ang kamay ko habang naglalakad palabas ng grand hall. Naramdaman kong namumula ang pisngi ko dahil sa ginagawa ni Flynn ngayon "Nagutom ako, Cinnamon. Kain tayo!"
-----
Napakagat ako ng labi. Pinipilit na hindi tumili sa sobrang kilig para hindi ako mapansin ng mga estudyanteng nakakalat dito sa garden ng school at mapagkamalang baliw. I can't believe na makaka-relate ako sa kwento ng pocketbook na ito. Nakikinita ko si Flynn bilang hero ng nobelang ito.
"Woah! You reading that story!"
Napahinto ako sa pagbabasa at napatingin sa libro. "Yeah, I like the flow of the story."
Umupo sa tabi ko si Flynn. "Akala ko hindi mo babasahin 'yan."
"Yun rin ang akala ko. Wala na kasi akong mabasa kaya napilitan akonf basahin ito. Buti na lang sinama mo ito sa notebook na binigay mo sa akin as sign of your everlasting friendship to me." Gusto kong ngumiwi. Hindi ko matanggap ang everlasting friendship sign na iyon. Gusto kong ibalik tuloy kay Flynn ang notebook.
"Sus, wala 'yun. O, orange juice." Inabot niya sa akin ang isang bote ng orange juice at may straw na doon.
Napangiti ako. "Thank you."
"Malapit na pala ang grand ball." Tumango ako. "Malapit ko na rin makita si Serene. Kakausapin ko siya at magtatapat ulit ng feelings ko para sa kanya."
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Talagang gusto niya si Serene. Bakit si Serene pa? Bakit hindi ako? Hindi naman totoo si Serene.
"Sa tingin mo, tamang timing ba 'yun?"
Kumibit balikat ako. "Bahala ka."
"Huwag kang magselos kung sakaling maging kami ni Serene."
Napapikit ako. Ang sakit sa dibdib. Alam kong ako si Serene pero hindi naman ako ang minahal ni Flynn kundi ang boses ni Serene. Nagsiselos ako sa sarili kong katauhan. "B-Bakit ako magsiselos?"
"Wala lang. Sinisiguro lang."
Huminga ako ng malalim. "Okay." Pilit akong ngumiti.
"Pero parang hindi ko ata magagawa iyon."
Kumunot ang noo ko. Parang may pag-asang sumibol sa puso ko. "Bakit mo naman nasabi 'yun?"
"Nalilito kasi ako. Hindi ko alam kung totoo ba ito pero parang hindi ko na ma-"
"Aubrey!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Jervy. "Hello." Bati ko sa kanya. Pansin kong tagagtak sa pawis ito. "Pawisan ka."
"Wala kasing magpupunas para sa akin."
"Anong tingin mo kay Aubrey? Yaya?"
Ang harsh talaga nito kay Jervy. "Bakit ka pawisan?"
"Galing ako sa basketball practice. Pwede ka bang isama sa canteen? I'll treat you."
Napalingon ako kay Flynn. Busy siya sa pagsi-cellphone. Mukhang may sarili na siyang mundo. Tumango na lang ako. "Sure." Nang tumayo ako ay bigla akong pinigilan ni Flynn. "Cinnamon, kamay ko."
"Dude, next time na lang. Nakita mo namang nag-uusap kami kanina, 'di ba?"
"Sorry, dude, pumayag na siyang sumama sa akin." Hinawakan ni Jervy ang kanang kamay ko.
"No, she can't." Humigpit ang hawak sa akin ni Flynn. Ganoon rin si Jervy. Nagmumukha tulot kaming nagta-tug of war at hindi ba nila napapansin na nasasaktan ako sa pinaggagawa nila?
"Bakit ka ba ganyan? Makaakto ka parang pagmamay-ari mo si Aubrey eh best friend ka lang niya."
"Eh tanga ka pala eh, best friend ka eh malamang may care ako sa kanya."
Nasaktan ako sa sinabi ni Flynn. Bilang best friend lang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin. "Guys masakit na ang kamay ko."
"Pumili ka sa amin, Aubrey. Si Flynn o ako?"
Humarap sa akin si Flynn. "Please, choose me." Nagsusumamong sabi niya.
Umiling ako kay Flynn. "Sorry, pero kailangan kong sumama muna sa kanya." Gusto ko munang makalimot sandali. Masakit kasi Flynn.
Ngumisi si Jervy. "I told you."
Babawiin ko na dapat ang kamay ko nang lalo humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Flynn. "Flynn..."
"Please don't leave. I need you right now."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top