Chapter 12: Jervy
Chapter 12:
Aubrey Sarmiento:
"Cinnamon! Happy third monthsary!"
Binaba ko ang binabasa kong libro at bumungad sa akin ang isa na atang pinakagwapong lalaki sa mundo. Mariin akong pumikit bago siya taasan ng kilay. "A-Anong pinagsasabi m-mong happy t-third monthsary?" Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pag-utal ko habang nagsasalita.
"Cinnamon, three months na tayong mag-best friend, hindi mo ba alam 'yun?"
"Hindi, hanggang ngayon nga hindi pa rin ako na-inform na mag-best friend tayo eh." Biro ko sa kanya. Syempre alam kong three months na kaming matalik na magkaibigan.
"Aruy!" Napasapo pa siya sa dibdib niya na aakalaing nasaksak ito. "Ang sakit nun. Ako lang pala ang nag-iisip na mag-best friend tayo!"
Natawa ako bago siya batukan. "Baliw! Joke lang 'yun. Masyado ka namang naniwala."
"Ay joke lang ba 'yun. Hindi ako prepare dun ah. O dahil three months na tayong mag-best friend... Viola!" May pinakita siyang isang stuffed toy.
Biglang nagningning ang mata ko nang makilala ko kung anong cartoon character iyon. "Wow! Si Toothless!" Agad kong kinuha si Toothless at niyakap iyon. "Ang cute mo talagang walang ngipin na dragon!"
"Syempre cute talaga siya kasi gwapo ang nagbigay n'yan sa'yo." Kinindatan pa niya ako.
Naramdaman kong namula ang pisngi ko. "Wooooh! Ang hangin!" Kumapit ako sa armdesk. "Sa sobrang lakas ng hangin, tinatangay ako!"
"Ganyan ka sa akin ah, akin na si Toothless."
Nilayo ko sa kanya si Toothless. "No!" Tili ko kaya napatingin sa amin ang mga kaklase namin. "No—na! Dude noona ang ate sa Korean language kapag lalaki ang nagsasalita. Take down notes mo 'yun." Natawa si Flynn sa sinabi ko. Natulala naman ako sa kanya. Bakit ganyan ka sa akin? Trip mo ba talaga puso ko?
"You looked like crazy, Cinnamon."
Napatayo ako at nameywang. "T-Teka! Nahalata ko lang ah. Simula noong nagpanggap tayong magsyota doon sa tren, palagi mo na akong tinatawagan na Cinnamon. Bakit?"
Umiwas siya ng tingin sa akin. "W-Wala lang. Gusto kita bigyan ng endearment eh. Masama ba 'yun?"
"H-Hindi naman." Kaso baka umasa lang ako na mamahalin mo ako dahil sa endearment mo.
"Kung ganun, Cinnamon na ang tawagan natin simula ngayon. Halika nga, payakap!" Bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. "Kaya love na love kita eh, hindi ka pasaway. Be a good girl, Aubrey."
Pinalo ko siya sa likod. Pilit na hindi pinapansin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Bwisit ka! Ginawa mo akong bata!"
"Syempre! Baby girl kita eh." Humigpit lalo ang yakap niya sa akin.
Marahan akong pumikit. Dinadama ang masayang feeling ko ngayon. Wala na akong pakialam kung sabihin ng iba na nag-black magic na naman ako basta masaya ako ngayon.
"Announcement guys!"
Lahat kami ay napatingin sa harapan. Naroon ang president ng section namin. Lumayo kaagad ako kay Flynn at umupo sa upuan ko.
"So guys, next month na ang annual grand ball for High School level which is Grade 9, 10, 11 and 12 then syempre second time na natin ito. So bawat section may pair representative for cotillion and according sa organizer ang napiling representative na lalaki ay si Flynn." Nagpalakpakan ang mga kaklase namin. Nginitian ko naman si Flynn. Syempre proud ako sa best friend ko. "At dahil siya ang napiling male representative for cotillion, siya rin ang pipili ng kapareha niya. So Flynn may naisip ka na ba?"
Tumango si Flynn. Naku ang bilis naman niya. Sino kaya sa mga classmate namin ang napili niya. Bigla tuloy ako nakadama ng selos. Selos dahil may napili na siyang date sa grand ball. Team bahay na naman ulit ako nito.
"Sino?"
Biglang hinawakan ni Flynn ang kamay ko at hinila niya ako patayo. "Si Aubrey."
"Flynn, may ibang araw pa naman para maka—"
"That's my final decision. Si Aubrey ang gusto kong kapareha sa cotillion." Humarap siya sa akin. "Kaya pupunta ka ng grand ball."
"Per—"
"Naku naman Cinnamon! Wala namang teacher, kain tayo sa canteen." Hinila ako ni Flynn palabas ng classroom na tulala lang sa kanya.
Seryoso? Ako talaga ang pinili ni Flynn na ka-partner niya sa cotillion?
-----
"May kwento ako sa'yong nakakatakot, Cinnamon."
Huminto ako sa pagkain ng cornetto na libre ni Flynn. Na-curious tuloy ako sa ikukwento niya. Nakakita kaya siya ng kapre, duwende, aswang, engkanto o 'di matahimik na multo. Napangiti ako. Magandang topic ito. "Ano?"
"Ganito kasi 'yun, isang araw habang naglalakad ako, nakakita ako ng multo. Ang sabi niya 'Awooooh'. Tapos na."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Tapos?"
"Tapos na, the end."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Seryoso ka?" Tumango siya kaya pinagpapalo ko siya sa braso.
"Aray! Cinnamon! Abusado k—Araaaay!"
"Bwisit ka! Ang sabi mo may kwento kang nakakatakot eh hindi naman 'yun nakakatakot. Umasa ako dun!" Patuloy pa rin ako sa pagpalo sa kanya.
"Aray! Tama na. Child abuse na 'yan!"
"Hindi ka na child!"
"Excuse me."
Sabay kami ni Flynn na napatingin sa nagsalita. Isang lalaking. "Yes?"
Ngumiti ito. "Pwede ba akong umupo?"
"Hin—"
"Go, pwede ka namang umupo." Pilit akong ngumiti. Wala naman na kasing bakanteng mesa kaya hindi naman masamang may hindi kami kakilalang kasalo sa mesa.
"Thanks." Umupo siya sa katapat naming upuan. "Hi! I'm Jervy!"
"I'm not asking who you are."
Siniko ko si Flynn. Ang rude naman kasi niya sa tao. "Hi Jervy, I'm—"
"Aubrey Sarmiento. I know you. You are famous in Carlos High School."
Natigilan ako sa sinabi ni Jervy. "Hindi ah. Paano mo naman nasabi 'yan?"
"Kinuwento ng kapatid ko. I'm one of your fan noong nandoon ka pa. Here, have some milk tea." Nilapit niya sa akin ang milk tea na nasa tray niya.
"Excuse me, dude. Hindi niya gusto 'yan. Orange juice ang iniinom niya." Binalik ni Flynn sa tray ni Jervy ang milk tea. Pinatong ni Flynn sa tray ko ang orange juice niya. "Enjoy drinking this very healthy drink."
"Pero—"
"Aubrey, I buy this milk tea for you because you like drinking milk tea."
"Ah, hehe oo naman kaso mas gusto ko ang orange juice."
"I told you."
Tumango-tango si Jervy. "Noted."
Kumunot ang noo ko. "Anong noted?"
"I'm planning to court you. Pwede ba?"
Nabingi ata ako sa sinabi nito. "Court as in gusto mo akong ligawan?"
"Oo, pwede ba?"
"Ano—"
"No. Iie. Aniyo. Non. Nein. Bú shì. Hindi siya magpapaligaw sa iyo."
"Bakit ikaw ba si Aubrey para sabihin 'yan?"
"Best friend niya ako kaya may karapatan akong sabihin iyon. Ilang lengwahe pa ang sasabihin ko para maintindihan mo na hindi pwede magpaligaw si Aubrey?"
"Uhm, guys nakakakuha na tayo ng—"
"I like Aubrey kaya liligawan ko siya, sa ayaw o gusto mo dahil hindi naman ikaw ang liligawan ko. Si Aubrey iyon."
Napangiwi ako. "Guys ano—"
"Eh gago ka pala eh!" Biglang sinuntok ni Flynn si Jervy.
"Flynn!" Pipigilan ko na dapat siya nang gumanti ng suntok si Jervy.
"Eh mas gago ka pala eh! Ano bang pakialam mo kung may manliligaw kay Aubrey? Ikaw ba siya? Hawak mo ba puso niya?"
Nagkagulo na sa loob ng canteen dahil sa pagsusuntukan nilang dalawa. Sinubukan ko silang pigilan pero parang wala silang narinig sa akin. "Ano ba? Tumigil na kayo—"
"Bakit kayo nagsusuntukan?"
Parang walang narinig 'yung dalawa. Nang nilingon ko ang sumigaw ay nanlaki ang mata ko dahil ang may-ari na ng school pala iyon. Si Lenxi Jang.
"Hindi ako makakapayag na ligawan mo si Aubrey!"
"At hindi rin ako makakapayag na magbugbugan kayo dito sa loob ng campus! Aigoo! Ano pang ginagawa niyo? Ilayo niyo sa isa't isa 'yan. Sumasakit ulo ko sa inyo!" Humarap sa akin si Lenxi. "And you, what happen? They doing stupid suntukan. Hawakan niyo ng mabuti ang dalawang estupidong 'yan. Aigoo!"
"Ano kasi—"
"Paano kasi ayaw ng lalaking 'yan na ligawan ko si Aubrey. Eh best friend lang naman niya si Aubrey."
"Such a stupid reason! Nagsuntukan lang kayo dahil hindi pumapayag ang lalaking ito na ligawan mo itong—what's your name again?"
"Aubrey." Napangiwi ako.
"Yeah, itong si Aubrey. Napaka-stupid ninyo!"
Lalo akong napangiwi. Bakit ba lahat ng sentence ng babaeng ito ay may kasamang Stupid?
"Gago kasi 'yan eh. Sinabi ko na ngang bawal ligawan si Aubrey, pinagpipilitan pa rin."
"Bakit ba ayaw mo ligawan nitong estupidong ito si Aubrey? Binabakuran mo ba itong best friend mo?"
Nanlaki ang mata ko. Ano ba itong pinagsasabi ng babaeng ito?
"Ano—Oo! Syempre pinuprotektahan ko siya."
"Type mo?"
Napalingon ako kay Flynn. Bigla akong kinabahan sa sasabihin ni Flynn. May other side ng pagkatao kong umaasa na oo ang sagot ni Flynn.
"O—Hindi ah! Magkaibigan lang kami."
May parang sumaksak sa puso ko. Gusto kong maiyak. Bakit ba kasi ako umasa na magkakagusto siya sa akin?
"Eh loko ka palang estupido ka eh. Bakit mo pipigilan ang stupid na ito na ligawan si Aubrey?"
Umiwas ng tingin sa amin si Flynn. "Kasi nga ayaw ko siya masaktan."
"Stupid ka talaga. Trigger mo ako. Ikaw, Aubrey, payag ka bang ligawan ka nitong si stupid future manliligaw?"
Tumango ako. "Pwede naman."
"O, tapos na ito. Pwede mo na siyang ligawan."
Pilit akong ngumiti. "Sige aalis na ako. Sumama pakiramdam ko." Nagmamadali akong maglakad palabas ng canteen. Dapat talaga hindi ko hinayaan na mahulog ako kay Flynn.
"Naku! Napaka-stupid ninyo talagang mga lalaki! Trigger ninyo ako, super! Nasaan ba si Stupid Boy?"
Iyon na lang ang huli kong narinig bago tuluyang makalabas ng canteen. Mahigpit kong niyakap ang hawak kong si Toothless. "Ikaw na lang ang makakayakap ko ngayon, Toothless."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top