Chapter 11: Quiapo



Chapter 11


Aubrey Sarmiento:



Nagmamadali akong pumasok ng campus dahil malapit na akong ma-late. Hindi ko alam kung bakit hindi ako sinundo ni Flynn. T-in-ext ko naman siya pero walang reply. "Baka tulog pa." Tinali ko ang buhok ko dahil bawal nga pala sa T.L.E subject namin ang nakalugay. Arte ni ma'am Salve. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. "Naku! Buti nag-reply ka na."


Wala tayong klase kay ma'am. Punta ka library


Bigla akong nainis kay Flynn. Nauna na pala siyang pumasok, hindi man lang nagsabi. Nagmadali ako maglakad papuntang library para mabatukan ko siya sa ginawa niya.


Nahinto akong maglakad nang makita ko na kasama niya si Elaine at mukhang nagkakasiyahan sila sa usapan nila. Biglang kumirot ang puso ko. Tumalikod ako. Ayoko dito. Bakit ba ako nasasaktan ngayon? Wala akong karapatan masaktan.


"Aubrey!"


Lumingon ako sa kanila at pilit na ngumiti. Naglakad ako papalapit sa kanila. "H-Hi."


Bigla akong inakbayan ni Flynn. "Elaine, si Aubrey, best friend ko. Siya ang isa sa pinaka-special na tao sa buhay ko."


Pekeng ngiti ang binigay ko kay Elaine. "Hi Elaine."


"Aubrey, girlfriend—"


"Mo?" Pangunguna ko sa kanya para hindi masakit. Maganda nang unahan ko siya. "Hindi ko akalain na nakita mo na si Ms. Mysterious Voice." Tumawa si Elaine kaya napakunot noo ako. "Bakit ka tumatawa?" Cold na tanong ko sa kanya. Nakakairita itong babaeng ito. Makatawa, wagas! "Mukha ba akong nagbibiro? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"


Napahintong tumawa si Elaine at mukha siyang natatakot sa akin. "H-Hindi naman. A-Ano kasi hindi ko boyfriend si Flynn. Boyfriend ko ang kabarkada niyang si Andrew."


Napanganga ako. Gusto kong lumubog ngayon. Nakakahiya! "T-Totoo?"


Tumango si Elaine. "Kaya huwag ka magselos d'yan."


"H-Hindi ako nagsiselos—Aray! Hindi ako makahinga, Flynn!" Bigla pa naman akong sinakal ni Flynn.


"Pasensya na ah, selosa itong best friend ko eh kaya ganyan siya. Nagdi-deny lang siya."


"Ah ganun ba?" Siniko ko siya kaya lumuwag ang pagkakasakal niya. "Loko ka! Gusto mo bang kulamin kita, Flynn?"


"Anong kukulamin mo ako? Sus, assuming ka masyadong babae ka. Hindi ka naman mangkukulam eh. Kaya mo bang kulamin ang best friend mo?"


Natawa ako dahil sa pagpapa-cute ni Flynn kaya tinampal ko ang noo niya kahit hirap akong abutin iyon. "Oo na, hindi ko kaya. Tama na! Mukha kang tanga!"


"Sus! Kaya love kita, Aubrey eh. Safe ako sa iyo at alam kong hindi mo ako kukulamin. Pa-kiss nga!" At bigla niya akong hinalikan sa pisngi ko.


Namula bigla ang mukha ko at bumilis rin ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Flynn. Bakit kailangan niya iyon gawin? Bigla ko siyang binatukan. "Bwisit ka! Ang dami mong alam!"


"Sus! Naglalambing lang ako. Ganyan ka sa best friend mo ah!"


"Nakakairita ka!"


"Ang cute ninyong dalawa tingnan."


Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Nandyan pa pala si Elaine. "Huh?" Sabay naming sabi ni Flynn.


"Hindi na ako naniniwala sa sinabi niya na Mangkukulam ka." Natawa si Elaine. "Hindi ko akalaing napaniwala niya kaming lahat."


Kumunot ang noo ko. "Kilala mo kung sino nagpakalat na mangkukulam ako?"


Umiling ito. "H-Hindi. Poser account lang ang nag-message sa akin na mangkukulam ka."


Nagkatinginan kami ni Flynn. "Ganun rin sa akin, Aubrey. May video pa nga na nagsasalita ka ng isang ritwal kaya lalo akong naniwala noon na mangkukulam ka."


Nag-ring bigla ang bell bago ako makapagsalita. Kumaway sa amin si Elaine bago umalis.


"Acting lang ang ritwal na 'yun. Sino naman ang taong 'yun?"


"Malalaman rin natin kung sino ang nagkalat ng video na 'yun. Kapag nalaman natin kung sino siya, malalagot siya sa school administration."


------


"Ate Bella, ano po ang hobbies ni ate noon?" Umupo ako sa sofa. Siya lang ang kilala kong pwedeng matanungan tungkol kay ate Cassandra. May sinabi kasi ang doctor ni ate Cassandra at kay ate Bella ko lang malalaman iyon.


"Wala naman masyado bukod sa magbasa ng romance pocketbook at gumawa ng accessories. Bakit mo natanong, Au?"


"Kailangan kasi may pagkaabalahan si ate kapag inuwi na namin siya dito."


"Aaah, ganun ba? Accessories ang magandang pagkakaabalahan. Bumili ka sa Quiapo, doon maraming klase ng beads and tools for making accessories. For sure matutuwa siya kapag meron siya niyan. Please samahan mo rin siya gumawa, baka kung ano maisip niya kapag alam mo na, mag-isa siyang gumagawa niyan. Alam mo ba papunta doon?"


"Opo ate. Sige thank you po, bye." Pagkababa ko ng craddle ay muntik na akong mapamura sa gulat dahil kay Flynn. "Alam mo bang muntik na akong ma-cardiac arrest dahil sa'yo?"


"Spell Cardiac Arrest." Umupo siya sa sofa.


Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Spell sapak."


"Sabi ko nga sorry na." Nag-peacr sign pa siya sa akin. "Pupunta ba tayo kay ate Cassandra kaya mo ako pinapunta dito?"


"Hindi, pupunta tayo sa Quiapo."


"Anong gagawin naman natin doon?"


"Bibili tayo ng beads at mga tools sa paggawa ng accessories." Tumayo na ako at kinuha ang sling bag ko. "Ano sasama ka?"


"Oo naman. Hindi ko naman hahayaang mag-isa ka pumunta doon. Baka mapaano ka pa doon. Support kita sa trip mo ngayon sa buhay."


"Hindi para sa akin iyon. Para kay ate Cassandra 'yun."


"Support kita para sa pagbabago ng buhay ni ate Cassandra. New life for the win tayo, pre!"


Napangiti ako dahil sa sinabi ni Flynn. Tama siya. New life for the win ito para kay ate Cassandra. Mukha ring tanga ngayon si Flynn dahil panay ang sayaw niya at kanta ng new life for the win na hindi ko malaman ang tono. "Umalis na nga tayo. Magdala ka na lang ng wallet mo. Magko-commute tayo."


"New life for the win—ano? Magko-commute tayo? May kotse naman ah." Huminto na siya sa kakasayaw.


"Pare kapag nagkotse tayo baka mapagdiskitahan tayo ng mga holdaper."


"Pero hindi ko pa nararanasang mag-commute."


Nameywang ako sa harapan niya. "P'wes ngayon mararanasan mo na. Ano sasama ka ba?"


"Ano—sige! New experience din 'to, pare! Adventure ito para sa akin."


Napailing na lang ako bago naunang lumabas. Mga rich kid nga naman talaga o.


-------


"Sasakay tayo d'yan?"Tanong sa akin ni Flynn sabay turo sa daan papuntang hintayan ng tren.


Napa-eye rolled tuloy ako ng wala sa oras. Pangatlong beses na niyang sinabi ang tanong na iyan. Una, 'yung sasakay kami sa tricycle, pangalawa noong sasakay kami ng jeep at pangatlo na ang ngayon. Nakakalokang isama mag-commute ang isang rich kid. Wala man lang experience na sumakay sa ganitong uri ng transportasyon. "Oo sasakay tayo d'yan. Pahinging 30 pesos, pamasahe mo." Inilahad ko ang kamay ko. Kumuha kaagad siya sa wallet niya at binigay niya sa akin ang 1000 bill. Tinaasan ko siya ng kilay. "Pare barya lang sa umaga, walang panukli sa isang libo mo. Kanina ka pa ah."


"Eh sa puros isang libo at limang daang piso lamang ang laman ng wallet ko. O heto may isang daan pala ako." Inabot niya sa akin ang pera. "Damay mo na pamasahe mo d'yan."


Ngumisi ako. "Ikaw na. Salamat ah." Pumila kaagad kami. Sumama talaga siya sa akin sa pila kahit sinabi ko na sa kanya na doon lang siya sa pwesto niya kanina. Pasaway na bata. "Dalawa po sa Carriedo."


"Akala ko ba sa Quiapo, bakit Carriedo?" Tanong kaagad ni Flynn sa akin.


"Pare, 'yun kasi ang station papuntang Quiapo." Nginitian ko na ang babae pagkabayad ko sa beep card namin. Umalis na kaagad kami sa pila. "O, gate pass mo 'yan para makasakay sa tren." Inabot ko sa kanya ang beep card niya. "Ingatan mo 'yan, baka mawala. Lagot ka."


"Paano 'to gamitin?"


"Gayahin mo na lang ako." Idinikit ko na sa detector ng gate pass ang beep card ko bago ako dumaan. Nang si Flynn na ay tumunog ang detector.


"Langya! Ba't ayaw?"


"Yung kabila gamitin mo, hindi 'yan." Ginawa naman kaagad ni Flynn. "O daan na." Hinawakan ko siya sa pulso niya. Baka kasi magkahiwalay kaming dalawa, mawala pa siya. Konsensya ko rin kapag nawala siya. Mayamaya ay huminto na ang tren at eksakto sa harapan namin ang pintuan.


"Tangna parang Train To Busan datingan nito ah."


"Sssh, don't say bad words." Sita ko sa kanya. Pagkabukas ng pintuan ay pumasok na kami. Mabuti na lang nasa first station kami dahil may mauupuan kami kasi kung nasa Monumento kami, malamang siksikan na kami nito. Magkatabi kami ni Flynn. Mayamaya ay umandar na ang tren.


"Astig! Lumilipad tayo, pare!"


Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Flynn. "Huwag kang maingay! Nakakahiya!"


"Eh lumilipad naman talaga tayo."


Napa-facepalm ako. "Baliw hindi!" Napailing na lang ako. Sasakit ata ulo ko dahil sa lalaking ito. Sumiksik sa akin si Flynn nang huminto kami sa sumunod na station at may tumabi sa kanya na pasahero. "Pare, mainit."


"Pare, magtiis ka. Pinasakay mo ako dito sa mala-Train to Busan na sasakyan, magtiis ka."


"Loko ka, Pare!" Asik ko sa kanya. May pumuwesto sa harapan namin na grupo ng mga babaeng kasing edad namin. Nahalata ko na panay pa-cute nila kay Flynn at ang loko naman ay parang hindi niya pansin. Medyo naiinis na din ako sa kanila. Landi nila ah.


"Uhm, hi oppa!"


Tinaasan ko sila ng kilay. Aba! Sumimple na. Alam ba nila ang meaning ng Integrals para manlandi kaagad? Tapos itong si Flynn, nginitian lang sila. Batukan ko kaya siya. Ginigigil nila ako ah.


"Single ka pa, oppa?"


"Aah—"


"Hindi, bakit?" Bumalingkis ako sa braso ni Flynn at inirapan sila.


"Naku selos ka naman, Cinnamon." Marahan niyang pinisil ang ilong ko bago niya ako halikan sa noo. "Sorry miss, taken na ako." Tapos nag-holding hands na kami.


Umiwas ako ng tingin. Feeling ko namumula ang ilong ko. Kinilig ata ako. Letseng lalaki ito.


"Landi mo kasi eh may girlfriend na si kuya."


"Sorry po." Tinalikuran na nila kami.


"Huwag na magselos ang Cinnamon ko." Pipisilin sana niya ulit ang ilong ko kaya inunahan ko ng palo ang kamay niya.


"Pare, saan mo nakuha ang idea na cinnamon?"


"Malamang sa'yo. Ang hilig mo kasi maglagay ng Cinnamon sa kape mo."


Umiwas ako ng tingin. "Okay." Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Tahimik lang kami hanggang makarating na kami sa Carriedo station. Na-realize ko na nakalabas na kami ng tren at nakadaan na sa gate pass ay magka-holding hands pa rin kaming dalawa. Bigla kong binitawan ang kamay ni Flynn pero inabot niya ang kamay ko. "Flynn!"


"Cinnamon este pare, baka mawala ako kapag bumitaw ako sa iyo." Nag-puppy eye pa siya kaya no choice ako kundi pumayag sa trip niya. "Saan ba banda ang tindahan ng beads?"


"Villabobos St. daw sabi ni ate Bella. Medyo malayo dito. Alam ko 'yun dahil mas gusto kong shopping mall ang Quiapo kaysa mall." Nagsimula kaming maglakad.


"Tangina! Bakit hile-hilera ang hotel dito? Shit naman! Bakit may tindang hindi kaayaaya dito?"


Napasapo ako sa noo ko ng wala sa oras. "Shut up, Flynn."


"Tang—Aray bakit mo ako pinalo sa bibig?"


"Ang ingay mo eh, mura ka ng mura. Sinabi ko na nga kanina sa train station na don't say a bad words, 'di ba?"


"Sorry na, Cinnamon."


"Tse!" Binilisan ko pa ang lakad namin para hindi na siya mamura nang magmura. Bakit nga naman kasi may ganung klase ng tinda dito?


"Cinnamon, huwag—bakit miss?"


Napalingon ako sa kinausap ni Flynn. Tinaasan ko ng kilay ang babaeng halos wala nang masuot. May tinuro ito kaya sinundan namin ang tinuturo nito. Isang hotel ang tinuturo nito. Huminga ako ng malalim bago ito samaan ng tingin. "Miss, kung naghahanap ka ng makakasama mo d'yan sa loob, huwag ang boyfriend ko. Baka gusto mong isabay kita sa kukulamin ko?"


"Ay sorry po." Nagmamadaling lumayo sa amin ang babae.


Sabay rin kaming huminga ng malalim ni Flynn. "I can't believe it! May ganung tao dito?"


Nginisihan ko siya. "Well welcome to reality world, rich kid. Huwag mo na lang pansinin ang kumakalabit sa iyo." Nagpatuloy na kaming maglakad. Malayo rin ang nilakad namin ni Flynn bago kami makarating sa Villabobos Street.


"Ang layo naman nito!" Angal ni Flynn.


Pinalo ko siya sa braso. "Arte mo. Sabi mo kanina, adventure ito para sa'yo tapos ngayon umaangal ka na. Nandyan na ang nagtitinda ng mga beads at accessories tools oh. Magba-backout ka pa." Tinuro ko ang isang tindahan ng beads.


"Sabi ko nga kaya ko ito. For ate Cassandra's new life for the win ito, Cinnamon! Pumasok na tayo." Nauna pa siyang pumasok sa loob kaya sumunod na ako. "Ano palang bibilhin natin? Ang daming tinda dito o."


"Meron akong listahan. Medyo marami ito pero keri natin ito." Pinakita ko sa kanya ang message ni ate Bella.


"Yan lang pala eh, ipaasa na natin 'yan sa staff ng shop na ito."


Binatukan ko siya. "Loko, tayo ang pipili. Huwag ka na magreklamo."


"Mapanakit ka na ah. Sabi ko nga tayo ang kukuha ng mga materials." Kumuha siya ng basket. "Ayoko lang naman mahirapan ka." Halos pabulong niyang sabi.


Napangiti na lang ako dahil kahit anong bulong niya ay naririnig ko pa rin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top