Chapter 10: Caring
Chapter 10:
Aubrey Sarmiento:
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin ngayon. Galit si Gean sa akin at ang tungkol kay ate Cassandra. Tinawagan ko kaagad si papa pagkauwi ko noon sa bahay at bukas na ang dating ng eroplanong sinasakyan niya. Huminga ako ng malalim. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang tungkol sa nangyari kay ate Cassandra. Pinaghahanap na ngayon ng mga pulis ang stepfather ni ate. Malaking tulong na may kakilalang mataas na opisyales ng PNP ang pinsan ni Flynn kaya ngayon ay todo ang paghahanap sa hayop na 'yun.
"Aubrey, heto sandwich at juice. Mukhang hindi ka pa kumakain." Tumabi sa akin si Flynn.
Napangiti ako. "Salamat pero busog pa ako." Napapikit ako dahil sa pagtunog ng tyan ko. Pasaway na tyan. Hindi nakisama.
"Busog daw pero nagrereklamo na ang tyan. Kumain ka na bilis!"
Umiwas ako ng tingin. "Wala akong ganang kumain."
"Kumain ka na, hindi ka pwedeng humarap sa ate mo na ganyan ka. Gutom. Ano 'yun? Baka batukan ka ng ate mo kapag nalaman niyang nagpapagutom ka."
Napangiti ako at kinuha ang sandwich. Oo nga pala, magkikita kami ni ate Cassandra pagkatapos ng klase. Pangatlong araw ko nang dumadalaw kay ate at mabuti na lang ay hindi niya naiisip ang tungkol sa nangyari sa kanya. Hindi nga ba? Sa kalagayan ni ate, kailangan talaga niya ng pagkalinga. Kailangan niya maramdaman na may nagmamahal sa kanya.
Masaya akong nakita siya noong pangalawang araw na dinalaw ko siya. Nagbabasa siya ng isang pocketbook. Pinagmalaki niya sa akin na iyon ang unang published book ni ate Bella at dedicated daw sa kanya ang libro na iyon.
"Ubusin mo 'yan. Last subject na ito kaya konting tiis na lang tayo para makita si ate Cassandra este ate mo."
Tumango ako at inubos ko kaagad ang sandwich.
"O, may dumi ka sa gilid ng labi mo." Agad na dumapo ang daliri ni Flynn sa gilid ng labi ko. Nang matanggal niya ang dumi na parang palaman ng sandwich. Nanlaki ang mata ko nang s-in-uck niya ang daliring iyon. "Hmn, chicken spread nga. Sarap ah."
Bumilis ang tibok ng puso ko. "B-Bakit kailangang tikman mo ang natirang palaman sa gilid ng labi ko? Pwede namang nakikain ka ng sandwich kanina."
"Eh ang sarap ng kain mo kanina. Baka mabitin ka kung nakihati pa ako. Na-curious lang ako sa lasa ng spread ng sandwich kasi tuwang-tuwa ka sa kinakain mo. Painom ah." Sabay kuha niya sa iniinom kong juice at sumipsip siya. "Hay! Sarap nito, dapat pala bumili rin ako ng akin." May kinuha siyang panyo sa bulsa niya. "O, may pawis ka naman. Naku! Huwag kang magpabaya sa sarili mo pre." Pinunasan niya ang pawis sa noo mo.
Napanganga ako at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ba niya ginagawa ito? Nasasanay na ako na inaalagaan niya ako. Umiwas ako sa kanya. "A-Ano baka may mag-akala na magsyota tayo dahil sa ginagawa mo."
"Eh ano naman?"
Bigla akong napalingon sa kanya. Anong ibig sabihin niya na 'eh ano naman?'
"Akala lang naman eh at tandaan mo maraming namamatay sa maling akala, 'di ba?"
Tumango na lang ako. Ano ba naman 'yan? Bakit parang umasa ako sa sinabi niya kanina.
"Good afternoon, class!"
Sumabay ako sa mga kaklase kong tumayo "Good afternoon, sir Caberios!"
"You may now sit down."
Sabay ng pag-upo namin ang pag-iwas ko ng tingin kay Flynn. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon. Hindi rin ako nagri-response sa mga sinasabi ni Flynn at nagpapanggap na lang ako na nakikinig kay sir Caberios, kahit ang totoo ay wala akong naiintindihan.
Flynn, huwag mo akong sanayin sa ginagawa mo.
-----
"Ate Cassandra." Umupo ako sa tabi ni ate.
Nginitian naman niya ako. "Aba, may dala kang gitara. Mahilig ka bang kumanta?"
Tumango ako. "Mamayang gabi may gig ako ate, kakanta ako sa isang coffee shop."
Kumunot ang noo niya. "Coffee shop? Ngayon ko lang narinig na may kumakanta sa isang coffee shop."
"In sa mga coffee shop ang live band performance ngayon, ate."
Napatango si ate Cassandra. Kahit papaano ay nagiging okay na si ate ngayon. "Pwede mo ba ako kantahan?"
Napangiti ako. "Oo naman, ate. Malakas ka sa akin eh. Ano bang gusto mo kantahin ko?"
"Kahit anong gusto mong kantahin basta marinig kong kumanta ka."
Tumango na lang ako at nag-umpisa na mag-strumming. "I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been lonely for so long, trapped in the past, I just can't seem to move on. I've been—ate, okay ka lang?" Bigla na lang natulala si ate at namamasa ang mata niya. "Ate?"
"Yohann."
Naguluhan ako sa sinabi ni ate. "Ate sino si Yohann?"
"Yohann... I'm sorry, Yohann." Napahagulgol si ate kaya nataranta ako. Kapag nagkakaganyan siya, maaalala na naman niya ang nakaraan niya. "Yohann, sorry."
Lumapit sa amin ang nurse na nagbabantay sa amin. "Ma'am, ihahatid ko na po siya sa kwarto niya."
Tumango na lang ako bago sila umalis. May ginawa ako na nag-trigger kay ate para maalala niya ang nakaraan niya. Niligpit ko na ang gamit ko. Nang tumayo na ako ay muntik na akong mapasigaw sa gulat kay Flynn. "Flynn, naman! Kanina ka pa ba d'yan?" Bigla akong kinabahan. Baka narinig niya akong kumanta kanina.
Umiling siya. "Kararating ko lang. Naabutan ko na lang na paalis na ang ate mo kasama ang nurse niya. Dapat dadalawin ko siya kaso mukhang kailangan na niya magpahinga."
"Ah, ganun ba?" Isinukbit ko na sa balikat ko ang bag at kinuha ko ang gitara ko.
"Hatid na kita sa inyo."
Tumango na lang ako. Mas mabuting pumayag na ihatid niya ako sa bahay. Alam kong kukulitin lang ako ni Flynn na ihatid niya ako.
Kinuha niya ang bag ko. "Aubrey..."
"Hmn?"
"Alam mong bilang matalik na kaibigan, dapat magsabihan tayo ng sikreto. May kailangan ka bang sabihin sa akin?"
Natigilan ako. Bakit parang may ibang ibig sabihin sa akin si Flynn? "W-Wala naman." Tumingin ako sa paligid ko. "Bakit mo naman natanong?" Pabulong kong tanong sa kanya.
"Wala lang. Baka gusto mo i-share kung kailan ka magkaka-period para may ready akong sanitary napkin kung sakaling wala kang dala."
Namula bigla ang mukha ko. Sa dinami-raming tanong, ang monthly period ko pa talaga ang napagdiskitahan niya. "Walanghiya ka!" Hinampas ko siya sa braso niya. "Kailangan mo ba 'yan malaman?"
"Syempre, ayoko naman magkatagos ka dahil wala kang sanitary napkin. Maganda nang sigurado para prepare. Ayokong nahihirapan ka. Hayaan mo, magdadala na rin ako palagi ng underwear at gamot para sa dysmenorrhea mo."
Nanlaki ang mata ko at lalong nag-init ang mukha ko. "Flynn!" Tumawa siya ng malakas kaya hinampas ko siya sa braso.
-------
"Aubrey naman! Bakit late ka? Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ng pinsan mo?" Bungad kaagad sa akin ni Henry pagkapasok ko ng backstage.
Pinatong ko sa mesa ang bag at gitara ko. "Hinatid pa kasi ako ni Flynn sa amin." Umupo ako. Grabe! Hinihingal ako. Tumakbo ako papuntang Dream Heaven nang makaalis na si Flynn sa bahay.
Nagmadaling lumapit sa akin si Dave. "Sinong Flynn?" Mapang-usig na tanong niya sa akin.
Magsasalita na dapat ako nang biglang nagsalita si Lux. "May boyfriend ka na, lil sis?"
"Wal—"
"Siya ba ang nagtanong na pwede ka bang ligawan?" Sunod na tanong ni Jordan.
"Oo—"
Biglang hinampas ni Henry ang mesa. "Aba! Nasaan na ang mokong na 'yun? Bubugbu—"
"Anak ng tokwa naman! Patapusin niyo ako magsalita!" Sigaw ko. Natahimik naman silang apat. Grabe naman sila, ayaw ako pagsalitain. Ni hindi ko maipagtanggol ang sarili ko. "Nakakainis kayo, alam niyo ba iyon?"
"Sorry na lil sis, huwag ka na magalit. Halika nga, yayakapin ka ni kuya Lux para hindi ka na magtampo. Halika baby Aubrey. 'Wag na magalit kay kuya Lux."
"Ako rin para hindi na magtampo si baby Aubrey kay kuya Henry."
Nanlaki ang mata ko nang susugurin nilang dalawa ako ng yakap kaya tumakbo kaagad ako. "H-Hoy! Huwag ako pagdiskitahan ninyo! Doon kayo sa mga girlfriend ninyo."
"Aba! May naghatid lang sa'yo sa bahay ninyo, ganyan ka na. Ayaw mo na magpayakap sa amin. Halika nga dito!" Hinila ako ni Jordan kaya nayakap na nila ako.
Mga walanghiya ang mga ito! Hindi na yakap ang ginagawa nila, sinasakal na nila ako. "Hindi ako makahinga!"
"Anong hindi makahinga? Nagpapaligaw ka na nga eh, arte mong bata ka!" Bigla akong kinutusan ni Dave.
"Aray naman, Dave! Ganyan na kayo sa akin ah!" Umarte akong naiiyak. Abusado rin sila eh.
"Hoy! Hinayupak ka Dave! Bakit mo kinutusan si lil sis?" Biglang sinakal ni Lux si Dave.
"Tahan na, Aubrey. Heto, sa'yo na lang ang Pringles ni Jordan, huwag ka lang umiyak." Inabot sa akin ni Henry ang Pringles.
Napangisi naman ako at binuksan ang Pringles. Hah! I win. Akin ka nang Pringles ka. Sige magbugbugan kayong apat d'yan!
"Walanghiya ka, Henry! Bigay 'yan sa akin ng girlfriend ko!"
Natawa ako sa inaakto nilang apat. Sila ang kuya-kuyahan ko. Sila ang nagsilbing pamilya ko habang nasa out of town sila mama't papa. Biglang may sumakal sa akin. "Hindi ako makahinga!"
Pinaupo ako ni Lux sa pinakamalapit na upuan sa amin. "Ikaw, bata ka, sabihin mo nga sa amin kung sinabi mo sa Flynn na 'yun na ikaw si Serene."
"Hindi, Lux."
"Lokong batang 'to. Paano ka nililigawan ng tao kung hindi niya alam na ikaw si Serene?"
"Tama nga!" Pagsasang-ayon ni Henry sa sinabi ni Jordan.
"Hindi naman niya kasi ako nililigawan, magkaibigan lang kaming dalawa at tsaka hindi ko sasabihin sa kanya na ako si Serene."
"Naku, Aubrey! Kapag nalaman niya 'yan, lagot ka. Pinagmumukha mo siyang tanga. Makakasakit ka lang ng damdamin sinasabi ko na sa'yo."
Umiwas ako ng tingin kay Lux. Alam kong masama itong ginagawa ko lalo na't sasaktan ko lang ang damdamin ni Flynn. Magsasalita na dapat ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Flynn. Nag-sign ako na huwag silang maingay bago sagutin ang tawag.
"Hi Aubrey!"
Napangiti ako. "Hey Flynn!"
"Hey Flynn!" Panggagaya sa akin ni Dave. "Pabebe. Batukan kita d'yan eh."
Sinamaan ko ng tingin si Dave. "Napatawag ka, Flynn."
"May kasama kang ibang lalaki?"
"W-Wala, T.V lang 'yun." Nag-sign ulit ako na manahimik sila dahil lalo lang silang nag-ingay. Nang-aasar ba sila?
"Ah, ganun ba? Oo nga pala. Pwede ka ba ngayon? Punta ka dito sa Dream Heaven, ililibre kita ng kape."
Napakagat labi ako. Bakit ngayon pa naisip ni Flynn na ilibre ako ng kape? "Naku! Hindi ako pwede. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Sorry ah."
"Pupuntahan kita d'yan. Sabi ko naman kasi sa'yo, huwag mong pababayaan ang sarili mo." Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Hindi pwede!" Halos pasigaw kong sabi. Napalo ko ng wala sa oras ang noo ko. Naku naman Aubrey!
"B-Bakit?"
"Ano kasi... Ano—matutulog na ako. Oo, tama. Matutulog na ako ngayon kaya bye!" Pinindot ko kaagad ang end call button bago huminga ng malalim.
"Aubrey, sinasabi ko na sa'yo bago tuluyang mahulog ang loob mo sa kanya, mas mabuti nang sabihin mo sa kanya ang totoo bago mahuli ang lahat."
Natulala ako sa sinabi ni Lux. Halata na bang nahuhulog na talaga ang loob ko kay Flynn? Pero ayokong malaman niya kung sino ako. Mas maganda nang nakatago ang dating Aubrey na kumakanta sa harap ng maraming tao. Na palabirong babae. Na pangarap maging isang recording singer dahil ang dating Aubrey ay nawala noong nawala ang isang sa espesyal na tao sa buhay ko. Isang Serene na lang ang kumakanta sa harap ng maraming tao.
At higit sa lahat, ayoko na masaktan muli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top