Chapter 1: Guitar Case



Chapter 1:


Aubrey Sarmiento:



"Nandito na 'yung mangkukulam!"


"Ano kaya ang pinag-aaralan niyang black magic ngayon?"


Huminto akong maglakad at humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng guitar case na dala ko. They are talking about me. Saying that I'm witch and doing some black magic.


"Hoy! Huwag kang maingay. Baka marinig ka n'yan, kulamin ka pa."


Huminga ako ng malalim bago naglakad muli. They always talk about me. That I'm witch. Lahat ng kaklase ko at students dito sa school ay umiiwas sa akin dahil baka daw kulamin ko sila kapag nagalit nila ako.


Hay ano bang magagawa ko eh sa mahilig ako sa horror stuffs and witch. Gothic din kung manamit ako, sa loob o sa labas man ng bahay. They can't change me because I love this stuffs. Okay lang sa akin na hindi ako pansinin ng mga nasa paligid ko pero hindi naman maganda na all the time ay pag-usapan nila ako na para bang wala ako. They started giving me a callname Witch dahil sa mahilig ako sa unwanted things at may nagpakalat rin ng callname na iyon para sa akin. Hindi ko rin alam kung sino ang taong iyon at hindi ko rin alam kung bakit ako ang napagdiskitahan niya.


Naglakad ako papunta sa likod ng school building. Wala masyadong pumupunta doon na estudyante kaya doon ako minsan tumatambay. Pagkadating ko sa likod ng school building ay umupo ako sa damuhan at kinuha ang gitara ko sa guitar case. I start playing the guitar. Napangiti ako. Playing guitar makes me feel happy. Tama nga ang kasabihan ng ibang tao na music is life.


"Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo, para hanapin ka. Nilibot ang distrito ng iyong lumbay, susuyuin, susuyuin ka. Sinusundo kita, sinusundo..."


"Someone's singing, dude!"


"I know."


"Hindi ba iyan ang boses na hinahanap mo?"


"Yes, puntahan natin siya. I want to know who is she."


Napahinto ako sa pagkanta. No! Hindi nila ako pwedeng makita. Agad kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling umalis sa pwesto ko. Ayoko na makita ako ng ibang tao na kumakanta at nagtutugtog ng gitara. Baka sabihin pa nilang nagba-black magic na naman ako. No way!


"Aubrey!"


Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin. Its my one and only friend. "Gean!"


Humapit si Gean sa akin. "Hey! Lets go, malapit na mag-umpisa ang klase."


Lumingon ako sa pinaggalingan ko. "O-Okay, lets go."


"Teka, hindi nakalagay sa guitar case ang gitara mo."


Agad akong napatingin sa gitara ko. Shoot! I forget my guitar case. I frown. Bakit kailangan na maiwan ko ang guitar case ko? Paano kung magasgasan ang gitara ko.


"Aubrey? Gusto mo balikan natin?"


Umiling ako. Siguradong nandoon pa ang lalaking gusto akong makita. Ayokong malaman niya kung sino ako. Baka sabihin niya na may spell akong ginamit kaya trip niya ang boses ko. "Lets go." Lumingon ulit ako sa pinaggalingan ko bago kami naglakad papunta sa school building namin.


My guitar case.



Flynn De Vera:



"Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo, para hanapin, para hanapin ka..."


Napahinto ako sa paglalakad. That voice. Narinig ko na ulit sa wakas. Isang buwan na rin ang nakalipas noong marinig ko ang magandang boses na iyan. Napapikit ako at dinadama ang ganda ng boses.


"Pupulutin, pupulutin ka. Sinusundo kita, sinusundo..."


"Someone's singing, dude." Sabi ni Andrew sa akin.


"I know."


"Hindi ba iyan ang boses na hinahanap mo?"


Tumango ako. "Yes, puntahan natin siya. I want to know who is she." Nauna na akong maglakad papunta sa bandang likod ng school building. Tumigil ang kumakanta at ang tunog ng gitara. Pagkadating namin ni Andrew ay wala nang tao roon pero may isang guitar case na naiwan doon.


Agad kong kinuha ang guitar case at tiningnan kung may pangalan. Sad to say, wala. "Bakit siya umalis?"


"Looks like the fate playing you, Flynn."


Mahigpit kong hinawakan ang strap ng guitar case. "I will find her, whether that fate like it or not. Mag-shoutout kayo sa Serafine's Secret Files na hinahanap ko ang babaeng may pinakamagandang boses na narinig ko."


"But dude—"


"I want to see her. She have this wonderful voice that I really love. I don't know, but I love her." Nauna na akong maglakad dala-dala ang guitar case. Naalala ko noong unang beses kong narinig ang boses niya.


Naglalakad ako papunta sa likuran ng school. Umupo ako sa damuhan at pumikit. Dito muna ako dahil nag-cutting class ako sa isang subject. Mayamaya ay may narinig akong strumming ng isang gitara. Hinayaan ko na lang kung sino iyon. Common na sa dito sa campus na naggigitara ang mga estudyante kahit saan.


"I miss you, miss you so bad, I don't forget you, oh, it's so sad. I hope you can hear me, I remember it clearly. The day you slipped away, Was the day I found it won't be the same..."


Napadilat ako. Dama ko ang sakit sa boses ng taong iyon. Pero ang ganda ng boses.


"I didn't get around to kiss you, goodbye on the hands..."


Gusto kong lapitan ang babaeng kumakanta pero parang may pumipigil sa akin na lapitan siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, may parte ng utak ko na sinasabing damayan ko siya.


"I've had my wake up, Won't you wake up, I keep asking why, And I can't take it, It wasn't fake it, It happened, you passed by..."


Mayamaya ay huminto na ang pagtugtog ng gitara. Dumaan na ang katahimikan. Agad akong tumayo para lapitan ang taong iyon. Isang pigura ng babaeng naka-hooded jacket at may dalang gitara na papalayo sa akin ang tanging nakita ko. Tatawagin ko na sana siya nang may kumalabit sa akin. Paglingon ko ay si Andrew pala.


Simula nang araw na iyon, sa isip ko, naririnig ko ang boses ng misteryong babaeng iyon. Everytime I heard her voice, my heart beats fast. Maybe I'm in love to her, whatever her face she have, I will accept it. Huminga ako ng malalim. "At sabihin mo na nasa akin ang guitar case niya. We can easily find her because of her guitar case." Tiningnan ko ang hawak kong guitar case.


Sumaludo sa akin si Andrew. "Copy!"



Aubrey Sarmiento:



"Aubrey, ngayong year ipapalabas ang part four ng The Purge ah, manonood ka?"


Umiling ako. Hindi ko type ang kwento ng The Purge at isang beses ko lang pinanood ang movie na iyon. Kahit anong gawin kong try na panoorin iyon ay hindi ko magawa. "I would prepare horror books rather than watching that movie, Gean." I put my books inside my bag. Isinukbit ko sa balikat ko ang bag.


"Oh! Ebritaym ay si yooooow!"


Napangiwi ako sa babaeng kumakanta. Sobrang sintunado. Nakakairita. Nahalata ko nitong mga nakaraang araw, parang lahat ng babae dito sa campus ay kumakanta na palagi. Kahit saan. Okay, its common na kumanta everywhere but hindi na common na halos buong araw ata ay kumakanta sila. Ultimo pati mga sintunado panay kanta na rin.


"Lab dat was hang in the waaaall!"


Muli akong napangiwi. Gusto ko sila sigawan sa totoo lang kaso sayang naman effort ko kung hindi ko rin naman sila mapipigilan.


"Nowadays, parang lahat ng girls panay ang kanta. May singing contest ba dito sa Serafine University?" Curious na tanong sa akin ni Gean habang naglalakad kami palabas ng classroom ng Science.


Kumibit balikat ako. "Wala naman akong alam sa latest news ng school." Tumingin ako sa wristwatch ko. May five minutes pa kami para sa next subject. "Mamayang uwian, samahan mo ako bumili ng DVD."


"Na naman? Tapos mo na ba ang The Walking Dead?"


Napangiti ako at parang nag-shine ang mata ko. Iyan ang favorite kong T.V series. "Yes! Pinagpuyatan ko 'yun! Panoorin mo, ang astig ng kwento lalo na kung sinusugod sila ng mga zombie!"


Ngumiwi si Gean. "No thanks. Mas gusto ko pa ang kdrama kaysa dyan."


I shrug. I don't know why they love kdrama. Hindi naman maintindihan ang sinasabi nila at masakit sa mata kapag binabasa ang translator. Hindi ko nga alam kung ang scenes ang pinapanood nila o ang naka-sub. Well kanya-kanya naman tayo ng taste sa mga pinapanood natin. Sadyang marami lang ang adik sa Kdrama. "By the—Aray naman!"


"Sorry, Witch!"


Sinamaan ko ng tingin ang lalaking bumangga sa akin. Ang galing rin eh. Feeling kalye ang hallway. "Who the hell is he?"


"Flynn De Vera—Oh shoot! Girl may nag-shoutout sa iyo sa Serafine Secret Files. Sa iyong guitar case ito, di ba?"


Tiningnan ko ang cellphone ni Gean. Nanlaki ang mata ko. She's right! That's my guitar case.


***************

DISCLAIMER:

THIS IS A WORK FICTION. NAMES, CHARACTERS, BUSINESSES, SONGS, PLACES, EVENTS AND INCIDENTS ARE EITHER PRODUCTS OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OR USED IN A FICTITIOUS MANNER. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD, OR ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top