Chapter 8

     “Shit,” rinig niyang tinig kasabay ng pagkabasag ng kung ano sa likuran.

      Kaya, nang tuluyan siyang nahimasmasan, madiin niyang itinulak ang babaeng kahalikan.

      “What’s wrong with you, Heirry? Fuck! You didn't like it?”

      Sa halip sumagot, nilingon niya ang nasa likuran.

      “M-Miss?” aniya nang makita ang babaeng nakasuot ng checkered na green na palda habang may blouse na may tie na ganoon din.

      Agad itong tumayo at pinagpagan ang palda. “I’m sorry, hindi ko nais makaistorbo, nadulas lang ako,” anito sabay takbo.

       “Miss! Sandali lang!”

       “Heirry! Ano ba?” tuluyan siyang naharang ni Nicole, dahilan upang matigil siya sa akmang pag-alis.

       “Nicole, please!” may diin na sagot niya ngunit mapilit ito.

       “Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?” iritableng sagot nito sabay tulak sa kaniya. “I will do worse than that!” 

       “Please! Nicole, nakikiusap ako sa ’yo, ibaling mo na lang sa iba ang lahat. Thank you, no worries, walang makakaalam ng nangyari,” aniya sabay alis.

       “Ahh! H-Heirry, help me,” biglang wika ng nasa likuran dahilan nang paglingon niya rito.

       “Nicole!” hiyaw niya nang makitang nakahiga na sa lapag ang dalaga.

       “Hierry, help me, ang sakit ng ulo ko,” umiindang turan nito dahilan nang agaran niyang paglapit dito.

       “I’m sorry, ano bang nangyari sa ’yo?” aniya sabay buhat dito patungong Klinik.

       “I’m sorry, Mr. Hierry, hindi ka muna puwedeng pumasok, hintayin mo na lang munang ma-check namin siya,” anang nurse na bumungad sa kanila pagkapasok sa klinik.

       “Sige po, update ninyo na lang po ako,” sagot niya bago umupo sa pahabang upuan na naroon.

       “Salamat sa pag-unawa, Hierry.” Agad na itong umalis, ngunit hindi niya maiwasang maisip na kung pa-paanong kilala siya ng nurse, samantalang first time niyang nagtungo sa dakong iyon.

        “Oh my God! Where’s my daughter?” naghe-hesterikal na pasok ng babaeng sopistikadang nakasuot ng puting damit.

       Matangkad at medyo bilugang ang mga mata nito. Matangos din ang ilong na bumagay katamtamang nipis ng labi. Naka-slacks ito at nakasuot ng puting high-heels.

       “Excuse me, Iho. Did you see my daughter here?” baling nito sa kaniya.

      “P-po?”

      “Nakatanggap ako ng balita na sinugod daw rito ang daughter ko, sobra akong nag-aalala.” Hindi malaman nito kung anong gagawin. Hahawak sa telepono o lalakad sa kung saan, palibhasa malawak ang klinika.

      Nakukulayan ng kulay kremang may mga berdeng dahon na desenyo ang buong lugar. Magkakasunod din ang bawat kuwarto habang nasa tapat ng mga ito ang mismong opisina ng mga doctors.

      “P-po?” Halos wala siyang maibigkas na salita dahil sa pagkagitla.

      “Good morning, Mrs. Ash, mabuti at dumating na kayo, naroon po si Nicole,” biglang sulpot ng nurse na kausap lang kanina.

      Dahil sa narinig, nakumpirma niyang tama ang naiisip niya; kung sino nga ba ang ginang na ito.

      “Mr. Hierry, puwede ka na rin pumasok. Samahan mo si Mrs, Ash—Nicole’s mom,” nakangiting anito dahilan nang paglingon ng ginang sa kaniya.

      “Oh, you must be the one who helped my daughter?” nanlalawak na ngiting wika nito.

       “P-po?”

       “Common, let’s go inside. I’m happy that you helped my daughter, Iho. Thank you so much,” anas nito na tinatawag siyang lumapit.

      “Ah, Ma’am—kasi po—”

      “Common, huwag ka ng mahiya sa akin. Just called me, Tita Diana, and I’m happy to hear that,” anitong nilapitan siya at inakbayang iginiya sa loob ng pinagpasukan kay Nicole.

      Sa huli, walang siyang nagawa kundi sumunod kahit pa puno ng pag-aalinlangan.

      “Good morning, Iha. Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?” anito sa anak pagkapasok na pagkapasok pa lang nila.

        “No worries, Mom, I’m alright. Hierry helped me out there,” matamis na baling nito sa kaniya, na siyang dahilan ng pagkaawang ng labi niya.

        “Me too, I’m happy that he helped my silly lovely daughter,” biro ng ina nito na siyang mas ikina-uneasy niyang pilit inililibot ang tingin sa paligid.

       “Mom—Hierry, was courting me,” biglang anito dahilan nang paglingon niya sa dako nito. 

       Nanlalaking mga matang baling niya rito. “Nicole, ano bang—”

       “Is he’s better than Ralph—your ex-boyfriend?” putol ng ina nito sa tangkang pagsagot niya.

       “Yes, of course, Mom. That man was totally jerk,” anas nito na mas ikinapanghina niya. Pakiramdam niya may malaking batong nakadagan sa ulo niya.

       “I’m happy if you do, accept him then,” nakangiting anang ginang na siyang hindi niya na napigil pa.

       “I’m sorry, Ma’am, pero nagkakamali po kayo. I’m not courting your daughter, we just meet at a while ago so, I’m sorry if there’s misunderstood here,” matapang niyang sabi at akmang aalis.

       “Really, Hierry? You kissed me, then are you trying to say na, it doesn't matter that thing to you?” mapait na wika nito dahilan ng mas ikinagimbal niyang mapalingon dito.

       “Iha?” pigil ng ginang sa anak.

       “Why, Mom? He doesn't deserve to get respect if he disrespect someone by kissing the girl kapag gusto niya lang,” matapang na wika nito.

       “Excuse me, Miss Nicole and Mrs. Ash. Your daughter, she’s the one who kissed me. So, wala akong dini-disrepect na hinahalikan. I’m sorry, I have to go, by the way, nice meeting you, Mrs. Diana Ash,” puno ng respeto niyang paliwanag kahit pa parang sasabog siya sa sobrang galit.

        “Iho?” huling tawag ng ginang sa kaniya.

       “Damn it! Bakit ba ayaw niya sa akin, Mom?” hesterikal na sigaw ni Nicole, dahilan nang pagkabasag ng kung ano sa loob pagkalabas na pagkalabas niya.

       “Buwisit! Sakit siya sa ulo. Ang galing dumiskarte, dinamay pa ang nanay niya,” bulong niya habang naglalakad.

       “Aww, shit, ang sakit.” Agad siyang napalingon sa nakabungguan.

      “I-i’m sorry, hindi ko sinasadya, Miss—este Mr—”

      “Yeah, Mr. Honova, nice meeting you, Boy’s school este, Mr—”

      “Cumorfe, Mr. Honova. By the way, I’m sorry kung—”

      “No worries, kasalanan ko rin naman, e, busy ako sa kakapindot ng balita rito,” nakangiting anito.

      “Ha? Balita—”

      “Yeap, ibabalita ko ang issue ngayon—dumating si Mrs. Ash dahil sa kunyareng sakit-sakitan ng silly lovely daughter niya—Ops—I’m sorry—”

      “You mean, nakita mo ang mga naganap kanina?” hindi makapaniwalang aniya habang titig na titig sa kaharap.

      “Ah, e, kasi—nakita ko nga ang mga naganap sa pagpapanggap ng babaeng iyon—maging ang sapilitang paghalik niya sa ’y—”napatakip pa ito sa bibig.

      Mas nanlaki pa ang mga mata niya sa narinig. ”Pakiusap, nakikiusap ako sa ’yo, ilihim mo na lang ang mga bagay na iyon—alam mo naman ang grupo nila Tren—”

      “Who are you para pigilan siya?” Agad siyang natigilan sa biglang pagsulpot ng babaeng nakahalukipkip.

      “Ikaw?” nanlalaking mga mata niyang turan ng makilala ang babae.

      “Nagkita rin tayo ulit, Mr. Lalaitero,” matalim na wika nito habang nakataas ang kaliwang kilay.

      “Excuse me, Girlalu, what is behind of word ulit?” idiniin pa nito ang huling salita.

      “Infairness, Baks, hindi tayo aware sa ulit term ah,” anang kausap niyang si Honova na may maarteng tinig.

     “Yeah, Baks, hindi tayo na-aware, banatan na natin itey, Baks?” anang medyong magordong tinig na kasama ng babaeng nakahalukipkip pa rin.

      “But before our major, pompyang moves, magpakilala muna tayo sa isa’t isa. Malay natin maging friendships na tayo for real,” natutuwang ani Honova na mukha ngang friendly naman.

      “No! Hindi na kailangan!” magkasabay na sagot nila ng babaeng nakahalukipkip, dahilan upang mapa-O-shape ang labi ng dalawang kasama.

      “Naku, Baks, may namumuong O,” paunang malanding ani Honova, “O-shape na tayo. Oo-n na tayis,” dugtong ng isa pang hindi niya kilala bago naghawak palad na nagtatalon ang mga ito sa bawat puwesto.

    “Oh! Mukhang nagkakasayahan kayo?” 

     

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top