Chapter 7
Mabigat man ang nararamdaman dahil sa mga salitang narinig mula sa ama, ngunit hindi niya maiwasang maisip ang bawat katagang binigkas nito.
Nang makalabas ng pinto hindi niya napansing tumutulo na ang mga luhang nagpatigas ng nararamdaman para sagutin ang ama.
Sobrang bigat ng dibdib niya; sa puntong gusto niyang sumabog sa mga hinaing na gustong sabihin dito. Damang-dama na rin niya ang mga luhang hindi napapansin kanina. “Kuya Adreen?” naisa-isip niya. “Baki—”
“Excuse me, Sir Heirry, okay ka lang ba?” biglang wika ng may edad na driver—Mang Isidro.
May mga puting mga buhok na ito at nakasuot ng green na polo habang nakatunghay sa kaniya, nakatigil pa pala ang sasakyan at hindi pa tuluyang nakaalis.
“H-ho? Okay lang po ako, Mang Isidro,” aniya sabay punas ng luha sa mukhang patuloy dumadaloy.
“Pasensiya na po, pero narinig ko po ang sagutan nina Madam at Sir—ang maipapayo ko lang, Sir, huwag ninyo na lang po pansinin ang daddy ninyo, mabait naman po iyan, talagang hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ni Sir Adreen.”
“Okay lang po ako, Mang Isidro.” Pilit niyang ngiti matapos punusan ang mga luhang papatak na naman.
“Pasensiya na po kayo, Sir. Ang akin lang naman, gusto ko lang mapagaan ang loob ninyo,” paliwanag pa nito nang maramdaman ang hindi niya komportableng sagot.
“Huwag na po kayo mag-alala, Mang Isidro. Okay lang po ako. Tayo na po, kakain pa po ako sa school,” aniya sabay kuha ng teleponong nasa loob ng messenger bag.
“Sige po, Sir. Pasensiya na po,” anito pagkatapos ay tuluyan ng pinaandar ang sasakyan.
Tinitingnan niya ang telepono at sinusuri ang mga mensaheng nandoon pero, tanging ang mga lumang mensahe at alarm na hindi pa niya natanggal sa screen ang naroon.
“Hays,” napapabuntong-hininga niyang wika na siyang tingin sa dako ng bintana.
“I miss those days,” wika ng isip niya.
“Kuya, bilisan mo na, ang tagal mo naman, mala-late na tayo sa klase,” maktol niya habang nasa pinto ng sasakyan.
“Oo na, saglit lang,” sagot nito habang hila-hila ang bag.
“Ano ba kasi iyan? Ikaw lang iyong lalaking ang hilig sa di-hilang bag, kung ganitong na lang kaya ang gamit mo?” Sabay pakita sa messenger bag niya.
“Tsk! Ayaw ko nga ninyan, ang korne, pang-istudyos iyan. Mamaya mas ipilit na naman ni Daddy sa akin iyang ganyan. Oo, may eyeglasses ako pero iyong susunod ako parang magmukhang genius? No way,” mapaklang anito habang nagkakandahirap na ipinapasok ang bag.
“Hintayin mo na lang si Mang Isidro, pinapahirapan mo pa ang sarili mo sa pagpasok niyan dito, e,” napapakamot sa ulong aniya.
“Kaya ko na ’to, big boy na ako. Ayaw kong isipin nila na porke’t ako ang laging trip ni Daddy e, mapagmataas na ako,” anitong hingal na hingal na naipasok din ang bag.
“Hays, bahala ka, Kuya Adreen,” aniya sabay tuloy sa pagbabasa ng pabulang librong hawak.
Pagkapasok nito sa sasakyan agad nitong isinalpak sa tainga ang kakalabas na earphone.
Ito ang hilig nito, tuwing sila-sila lang, nailalabas nito ang hilig sa musika pero, kapag kasabay ang daddy nila animo’y istudyos itong nagbabasa. Madalas pang sabihin nito na sakal na sakal na sa daddy nila, ayaw na raw nitong minamanduhan sa mga bagay-bagay, kaya naman hanggang sa naisipan nitong—
“Sir,” pukaw ni Mang Isidro sa momentum ng isip niya.
“P-po?”
“Nandito na tayo, Sir. Lumabas ka na po habang wala pang tao sa labas,” paalala nito na siyang naunawaan naman niya ang ibig sabihin.
Talagang wala siya sa sarili para isipin ang mga bagay-bagay, lalo na ang pagtatago sa tunay nilang karangyaan. Kaya ipinagpapasalamat niya kay Mang Isidro na ipinaalala nito ang mga dapat niyang gawin.
Nilingon muna niya paligid bago tuluyang bumababa ng sasakyan at patakbong nagtungo sa gate. Hindi na nagpitada si Mang Isidro gaya ng laging ginagawa nito upang hindi makatawag pansin.
“Good Morning,” tinig na bumungad sa kaniya.
Nang lingunin niya kung kanino iyon ay labis siyang nagulatang. “N-Nicole?”
“Yeap! Ako nga, napapansin kong maaga kang dumarating, kaya naman napagpasyahan kong hinatayin ka rito,” nakangiting turan nito habang inaayos ang buhok na tumabing sa mukha.
“N-Nicole? Ah, kas—k-kanina ka pa ba riyan?” aniyang nanlalaki ang mga mata habang napapahigpit ng kapit sa strap ng bag.
“Yes, No—actually, kararating ko lang, nakita kasi kitang bumungad ng gate,” nakangiting anito habang sinusuklay ng kamay ang basang buhok.
“Ah, ganoon ba? Mabuti naman,” aniyang hininaan ang dalawang huling salita.
“Let’s go, kain muna tayo, alam kong kakain ka pa,” anitong kumapit pa sa braso niya.
“S-saglit lang,” aniyang tinatanggal ang pagkakakapit ng babae.
“Why? What’s wrong? Bakit ayaw mong kumapit ako?” nakangiting saad nito at muling idadantay ang kamay sa kaniya.
“Sandali, mauuna na ako, may gagawin pa kasi ’ko,” aniya sabay atras dahilan upang hindi makakapit ang babaeng kaharap.
“Huh! Ano bang problema mo? Bakit iniiwasan mo ako?” medyo napataas na nitong tinig.
“Hindi, ano—may gagawin kasi ’ko—C.R, pupunta ko ng C.R, medyong masama ang tiyan ’ko,” pagpapalusot niya habang umiiskapo.
“No! Naghintay ako sa ’yo! Bakit ganyan ka? Nag-effort akong pumasok nang maaga dahil sa ’yo tapos mababalewala lang?” anitong hinarang ang daanan niya.
“N-Nicole! Ano ba!” napataas ng hiyaw niya. “Hindi ka ba nakakaintindi? Layuan mo ako! Napapahamak ako dahil sa ’yo. Wala akong pakialam kung anak ka ng principal. Hindi ako pumasok dito para mambabae, kaya utang na loob lubayan mo ako,” napuno ng sabi niya. Wala na kasi siyang choice kundi prangkahin ito para tumigil na. Marami na siyang problema, ayaw na niyang makadagdag pa ito sa mga iyon.
“Ano? Dahil ba kay Ralph? Utang na loob, ex ko na si Ralph so, wala na siyang magagawa if boyfriend na kita,” walang kagatol-gatol na anito.
“What! I mean, boyfriend? Excuse me, wala akong balak magkaroon ng girlfriend. I’m sorry, Miss Ash. Kung puwede, sa iba mo na lang ibaling ang nararamdaman mo. Salamat,” aniya at agarang umalis, ngunit hindi pa siyang nakaka-hakbang nang maramdaman ang labi nito sa bibig niya.
Gulat na gulat siya sa ginawa nito ngunit mas nagulat pa siya nang diinan nito ang halik at mas idiniin pa ang sarili sa kaniya.
Hindi siya nakaporma sa nangyari, walang salitang ang nais maibigkas, at mas lalong na-torete ang kilos niya, dahilan upang hindi siya makagalaw o makapigil man lang. Bumalik lang siya sa realidad ng marinig ang ungol nitong enjoy na enjoy sa nagaganap sa kanila.
“Shit!” rinig niyang tinig kasabay ang pagkabasag ng kung ano sa likuran.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top