Chapter 5
Pagka-akyat sa kuwarto, agad siyang dumapa sa kama. Sobrang bigat ng dibdib niya, paulit-ulit sinasabi ng ama na wala siyang kuwenta at ang kuya niya ang laging bida.
“Mom, tingnan mo naman ’tong assignment ko. Ang hirap naman kasi nitong multiplication. Hindi ko alam kung paano,” aniyang nakanguso. Kahit anong gawin niya hindi niya makuha-kuha ang nasa kuwaderno.
“Mom, tingnan mo ito, naka-perfect ako sa exam.” Wagayway ng Kuya Adreen niya sa hawak na notebook habang pababa ng hagdan.
“Wow! Ang galing naman ng panganay ko. Tiyak matutuwa ang Daddy mo kapag nalaman niya iyan,” nangiting haplos ng ina sa ulo ng kuya niya matapos makita ang hawak nito.
Pa-simple naman niyang sinilip ang naroon, at doon nga nakitang perfect score nga ang kapatid.
“Mom—tama na muna iyan, turuan mo ako sa times,” singit niya sa usapan matapos matanawan ang hawak nito.
“Mom, si Hierry, tur—”
“Sinasabi ko na nga ba, ang galing-galing ng anak ko. Nagmana ka kay Daddy, magaling din ako sa klase noong nag-aaral ako,” singit ng kanilang ama na kararating lang sa pinto; dahilan upang matigil sa sinasabi ang Kuya Adreen niya.
“Dad, si Hier—”
“Look, Son, may binili nga pala ako sa ’yong Acrylic painting art supplies. I know you like it,” tuwang-tuwang anang kanilang ama sabay yakap sa kuya niya.
“Daddy—”
“Common, go to your room now, Son. Ayaw kong ma-stress ang pintor ko,” nakangiting ani pa rin ng daddy niya.
Dahil sa narinig na pag-uusap ng mga ito, napatingin na lang siya sa hawak na notebook na may perfect score na 100 percent, at napayukong naglakad palayo.
“Daddy, si Hierry—”
“I love you, Son. I’m proud of you, common, here I buy your favorite food—Fried chicken wings,” tuwang-tuwang tinig ng ama. Napatingin pa siya sa dako ng mga ito habang pa-akyat ng hagdan.
“Thanks, Daddy—si Hier—”
“Taste it, Son, it's hot and spicy. Big boy ka na talaga para magustuhan ’to,” masayang tinig pa rin nito.
“Daddy—”huling narinig niyang sabi ng kuya niya bago tuluyang napasok ang silid.
Ang Kuya Adreen niya ang laging napapansin ng ama at ito ang laging pinapakitaan ng mga magagandang bagay. Ito rin ang siyang pangunahing nabibigyan ng luho unlike sa kaniya na kung ’di pa magsasabi mapapagalitan pa siya.
Dahil sa sobrang bigat ng kalooban nakatulugan na niya ang pag-iyak. Hindi na namalayan ang mga nangyari, na siyang ikinagitla nang magising.
“Hierry, gising-gising.” Yugyog sa kaniya ng kapatid. Agad naman siyang napadilat na napatingin sa Kuya Adreen niya. “Ito oh,” abot nito sa kaniya ng isang puting styro.
“Kuya Adreen?” Kinukusot na mga matang bangon niya.
“Kumain ka, alam kong favorite mo ito,” nakangiting sabi ng kuya niya. Nakaupo ito sa espayo ng kama habang may suot na blue t-shirt.
Napapansin din niya ang sensero nitong mga ngiti at nagniningning na mga matang naninikit. Matangos din ang ilong nito na bumagay sa maninipis nitong labi, hindi ito kaputian pero makikita ang gandang lalaki nito.
“Kuya Adreen, binigay ni Daddy sa ’yo ’to. Bakit hindi mo pa kinain?” aniyang naguguluhang napaupo na.
“Sinabi kong mamaya ko na kakainin para makasabay kita. Alam kong paborito mo rin ito gaya ng pagkahilig mo sa pagdra-drawing,” nakangiting anang kapatid na siyang hinaplos pa ang buhok niya.
“Kuya Adreen—”tanging letrang nabigkas niya. Hindi siya makapaniwalang napakabuti ng kapatid.
“Ito pa, sa ’yo na lang ito.” Sabay abot nito ng Acrylic painting art supplies na binili ng Daddy nila.
“Kuya Adreen, sa ’yo ito binili ni—”hindi makapaniwalang aniya sabay nanlalaking mga matang tingin sa kuya niya.
“Alam ko, pero alam kong alam mo na hindi ito ang hilig ko, Hierry. Gusto kong maging musician which is na ayaw ni Daddy,” malungkot na anang kapatid na siyang ikinalungkot niya nang makita ang lungkot sa mga mata nito.
“Kuya Adreen—”
“Gaya ng napag-usapan natin, iguhit mo si Daddy at dalhin sa kuwarto ko pero huwag na huwag mong ipapakita kay daddy na nasa iyo lahat ng ’to,” anito sabay turo sa materials na nakapatong sa kama.
Halos mapuno na ang kabinet niya ng mga kagamitan sa pagguhit. Hindi naman nagagawi ang ama sa kuwarto niya kaya hindi nito alam ang sabwatan nilang magkapatid.
“Kuya, kapag makita ni Daddy na nasa akin ’to—”
“Hierry, alam mong basura ang tingin ko sa mga ’to. Ayaw ko ng mga ito, hindi ko gustong maging gaya ni Daddy. Ayaw kong itinutulad niya ’ko sa pamamaraan ni Lolo Fernan. Hindi ako gaya niya na laging sumusunod sa mga magulang, lalo na pagdating sa gusto ko,” nanlilisik na tingin ng kapatid sa kaniya.
“Kuya Adreen—”
“Pakiusap, Hierry, ayaw ko ng banggitin mo ang tungkol sa mga walang kuwentang ’to.” Linga nito sa mga gamit na nasa harapan.
“Pasensiya ka na, Kuya. Sorry,” yukong aniya nang maunawaan ang nais sabihin ng kapatid.
“Sorry rin, Hierry, hindi ko gustong magalit sa ’yo, pero ayaw ko lang mabanggit-banggit iyang drawing na iyan. Naiirita na ako sa kakaulit-ulit ni Daddy. Nakakasawa na,” anito bago tumayong nagtungo sa isang kabinet.
Inilabas nito ang isang gitara niya at sinimulang mag-strum nang makaupo ulit sa kama, naging tambayan nito ang kuwarto niya tuwing umaawit at nagsasanay, palibhasa’t soundproof ang buong silid.
“Kuya, kumain na tayo, natatakam na ako,” aniyang binubuksan ang styro. Nang tuluyang mabuksan umalingasaw agad ang halimuyak ng pagkain. “Grabe, Kuya Adreen, nakakapaglaway ito,” aniyang sumubo ng isang pirasong pakpak at kanin.
“Yeah, our favorite food,” balik ng mood nito bago binitiwan ang hawak na gitara at nagtungo sa banyo.
Pagkalabas, sumampa na ito sa kama at parihong nilantakan ang masarap na pagkain. Sarap na sarap at napapasinghot pa sila dahil sa anghang ng manok ngunit masaya silang magkasalo, palibhasa’t big size ang styrong nasa harapan.
“Kuya, nasaan ka na ba? Masaya ka ba ngayon diyan? I-kumusta mo na lang ako kina Lolo Fernan at Lola Aring. Kung nakikita mo man ako ngayon—alam kong alam mong miserable ang buhay ko dahil kay Daddy. Never niya akong pinakinggan at kahit kailan hindi niya ’ko natanggap bilang anak. Kung nandito ka lang sana—sana may tagapagtanggol ako kay Daddy,” anang isip habang nakadapa. Puno nang luha ang mga matang pilit nilalabanan ang sakit.
Masakit para sa kaniyang maalala ang nakaraang masaya silang nagsasabwatan ng kapatid. Hindi man niya ginusto ang nangyari pero alam niya sa sariling wala siyang kasalanan sa pagkamatay nito, pinili lang niyang itago ang totoo alang-alang sa pangakong binitiwan sa kapatid.
“Kuya, hindi ko na alam kung hanggang saan ko kakayanin ang lahat at kung hanggang saan ko itatago ang totoong hindi naman nila paniniwalaan kahit pa sabihin ko. Kuya Adreen, bakit? Bakit mo ’to ginawa? Bakit mo ’ko inilagay sa sitwasyong ito? Hindi ko maiwasang hindi magalit sa ’yo, Kuya. Napaka-unfair mo!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top