Chapter 2 : UNRELATED

    “Sir Heirry, Good—”

     “Hello, Good morning,” aniya sabay bukas ng pinto dahilan ng pagkagulat sa mata ni Manang Fee at agad itong nagsisigaw na nagtatakbong pababa ng hagdan.

      Natatawang nai-iling naman siya bago inilibot ang tingin sa kabuuan ng hallway hanggang sa tumama ang tingin niya sa katapat na kuwartong nakasara dahilan upang bahagyang pagkawala ng masayang gising niya. Gayon din, lahat ng pintuan nila ay kakulay ng barnes na may silver na palibot maging ang mismong sahig na ganoon din ang kulay ng tiles. 

     Dumako din ang tingin niya sa katabing kuwarto ng nakasarang pinto. Doon niya napansing nakaawang ito nang bahagya dahilan ng pagngiti niya bago napa-iling.

     “Madam, Sir!” sigaw na nagpabalik ng wisyo niya. Napangiti na lang tuloy siya sa reaksyon naaalala. Madalas siya ang ginigising nito kaya hindi nito inaasahan ang nangyari.

    “What was that?” nakakunot na tanong ng ama na siyang nagpawala ng ngiti sa labi niya habang pababa. Hindi niya inaasahang sasabay ito sa kanila sa unang pagkakataon.

     “Morning po, nagulat ata si Manang pagbukas ko ng pinto,” seryosong sagot niya kasabay ang hindi inaasahang pagtatagpo ng tingin nila ng ama na may nagbabagang titig.

     Nakaupo ito sa pinaka-sentro ng hapag kaya naman nakakapanibagong nandoon ito ngayon. Nasanay na kasi siyang laging blanko ang bahaging iyon kaya hindi niya alam kung paano gagalaw sa harap nito.

     Mababakas din ang katandaan sa mukha nito bagamat kulay itim pa rin ang buhok maging ang mga mata nito’y halatang hindi na naman maganda ang gising. Malaki rin ang pangangatawan nitong alaga sa Gym.

      “Maaga ka ata ngayon?” seryosong anito bago inilapag ang hawak na diyaryong tiningnan lang ang bawat pahina. Sa halip sumagot nanatili na lang siyang tahimik at naupo sa kaliwa ng ina. 

     “Iho, try this, niluto ko itong adobo. Paborito mo ’to ‘di ba?” basag ng ina sa katahimikang namumuo.

     “How’s your study?” biglang singit ng ama dahilan upang mapahinto siya sa pagsubo ng pagkain. Tuluyan din na napa-awang ang labi niya at walang kahit anong masabing paliwanag. Unang pagkakataon kasi na nagka-interes ang ama sa pag-aaral niya.

     “Mukhang napagtanto mo na rin ang kahalagahan bilang ama, Miguel,” malukong asar ng ina habang kumakain na.

      “Anastasia, hindi ikaw ang kausap ko,”  nagbabantang wika ng ama sabay balik ng tingin sa kaniya.

      “Miguel, mamaya na lang natin pag-usapan iyan. Kumain na muna tayo,” singit muli ng ina ngunit isang nagbabanta tinig muli ang sagot nito. “Anastasia!” mas madiin nitong bigkas.

      “Oo nga pala, Iho. How’s school?” baling naman ng ina sa kaniya na siyang inulit lang ang tanong ng ama.

      “Okay naman po, Mom, nag-a-adjust pa rin since hindi ko nakasanayan ang ganoong patakaran unlike sa dati kong school,” pangangatwiran niya bago sumubo ng pagkain. Pilit niyang iwinawaglit ang negatibong bagay na nais sabihin. 

     “Mabuti naman kung ganoon, mas mainam iyon kaysa mapariwara ang buhay mo,” wika ng ama bago humigop ng kape.

    Nakahain sa hapag ang Siri’s corn beef hash with eggs at adobong karne ng baboy habang may mainit-init na corn soup sa hapag.

    “Ano ba iyang sinasabi mo, Miguel? Paano naman mapapariwara ang anak natin e, genius iyan. Wala ng inatupag iyan kundi magbasa at manatili rito sa bahay,” pagtatanggol ng ina habang pahigop ng corn soup.

    “Pariho rin iyon, Anastasia. May mga kabataan naman na akala mo mabuti ang mga ginagawa ngunit isang palabas lang pala. Kaya mainam kung napapaalalahanan natin siya, mahirap na,” pangangatwiran ng ama dahilan upang lalong manlaki ang mga mata niya.

    “Wala namang bad record si Heirry, Miguel, kaya wala kang dapat ipangamba. Alam mo naman na si Cape lang ang kaibigan ni Hierry sa Bro’s noon,” pagtatanggol ng ina sa kaniya.

    “Kahit na, hindi pa rin natin sigurado kung maliban kay Cape, may iba pa siyang kinakasamang kaibigan,” sagot ng ama dahilan ng pag-igting ng panga niya habang nakahawak sa kutsara’t tinidor.

    “Ano ba, Miguel, all this time, wala kang tiwala kay Hierry. Ano bang problema? Utang na loob, matagal na iyon. Oo, dapat tayong magluksa sa pagkamatay ni Adreen pero Miguel, may isa ka pang, Anak! Anak mo rin si Hierry!” napataas ng tinig ng ina.

    “Alam ko iyon, Anastasia. Tinuturuan ko lang si Heirry maging responsable, alang-alang na lang sa kapatid niyang namatay dahil sa kaniya!” hiyaw na rin ng ama dahilan upang mapayuko siyang mapaluha.

     “Huwag mong isisi kay Hierry ang nangyari. Bata pa siya noon, hindi niya alam na malulunod si Adreen dahil sa pagsagip sa kaniya,” banat ng ina na siyang ikinatanggal na ng kamay niya sa mesa at tuluyang naikuyom sa mga hita.

     “Exactly, Anastasia, kung hindi dahil sa katigasan ng ulo ni Heirry, hindi sana mamamatay si Adreen. Kaya naman, tinuturuan ko siyang maging responsable at masunurin upang hindi na maulit iyon. Baka kasi sa susunod ikaw na ang mamatay dahil sa kaniya—”Hindi na naituloy ng ama ang mga sinasabi nang isang malakas na palakpak ang narinig mula sa pagsampal ng ina rito.

      Hindi siya nakauma maging ang kaniyang ama sa labis na paggitla sa ginawa ng ina ngunit mas lalo naman siyang parang namanhid sa nangyari.

     “Wala kang karapatang pagsabihang ng ganyan ang anak ko, Miguel. Dugo’t pawis ko ang ibinuwis ko sa kaniya kaya huwag na huwag mong kakantihin ang anak ko!” nanlilisik na turan ng ina habang nakatayong titig na titig sa ama.

     “Iyon na nga, si Hierry lang ang itinuring mong anak, Anastasia, pero paano ang anak ko? Si Adreen?” nangangalit na sigaw rin ng ama na siyang mas nagpagulo sa kaniya sa mga pangyayari.

     “Mom, ano bang sinasabi ninyo? Bakit anak ko ang usapan? Naguguluhan ako. Ano bang nangyayari!” Tuluyan ng napataas ang tinig niya kasabay ang nagbabagang nanlalaking mga matang tingin niya sa dalawa habang nagpapatakan na ang mga luha.

     “Hierry, Anak, let me explain,” biglang hinahon ng tinig ng ina habang nakabaling na sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata nitong parang maluluha na siyang nagpakumpirma sa kaniya ng katotohanan.

     “Oo, anak ka ng mom mo, Hierry. Anak ka ng mom mo sa ibang lalaki at si Adreen lang ang nag-iisang anak ko!” walang kagatol-gatol na singit ng ama dahilan upang manlaki ang mga mata niyang mapatulala. Walang kahit anong lumalabas sa bibig niya kundi pagkagitla sa mga narinig.

     “Miguel, huwag mong ganyanin si Heirry! Anak mo pa rin siya, at anak ko rin si Adreen, hindi lang ikaw ang namatayan dito, Miguel. Ako ang nagpakahirap kay Adreen, tingin mo madali kong matatanggap iyon!” naghe-hesterikal ng hiyaw ng ina. “Wala kang alam, Miguel, kaya huwag mo sabihing naging mabuti kang ama sa kaniya. Bakit, natatakot kang mawala ang yaman mo kapag kay Hierry napunta ang lahat?” nang-uuyam na pagpapatuloy ng ina dahilan upang mapatayo na siya. Hindi na kayang intindihin at pakinggan ang bawat salitang naririnig sa mga magulang. Nagtatakbong nagtungo siya palabas ng bahay.

     “Hierry, bumalik ka rito!” tawag ng ina ngunit hindi na niya pinansin pa. Wala na siyang lakas upang pakinggan ang sumbatan ng dalawa. Malinaw na rin sa kaniya ang malamig na pakikitungo ng ama.

      Hindi na kailangang magpaliwanag ng ina dahil alam na niya ang totoo, hindi siya tanga para hindi maunawaan ang bawat sumbatan ng mga ito noon pa. “Hindi siya tunay na anak ng Daddy Miguel niya.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top