Chapter 1: Our Little Mom

"Sir! Gising na po," tinig mula sa pintuan.

"Pinapatawag na po kayo nina Ma'am at Sir." Katok mula rito dahilan upang maalimpungatan siya.

Agad siyang napatingin sa kaliwang mesa kung saan naroon ang cellphone niyang nakapatong. "7:30 am na?"

Agad siyang napabangon sabay suot ng eyeglasses na naroon din. Napahawak pa siya sa ulo dahil sa bahagyang pagkirot nito. Nabigla ata siya sa biglang pagtayo.

"Sir-"tanong pa muli sa likod ng pintuan.

"Bababa na po ako, Manang," pigil niya sa akmang sasabihin pa nito.

Nang masiguro niyang wala na ito inilibot na niya ang tingin sa kabuuan ng kaniyang kama. Agad niyang napansin ang librong binabasa kagabi.

Nasa dulo na ito sa bandang paanan. Kaunti na lang ay mahuhulog na. Nakatulugan pala niya ito kagabi. Agad niya itong kinuha at ibinalik sa lagayan ng kaniyang mga libro (Bookshelf).

Ngunit agad na naman siyang nagulantang nang may kumatok muli mula sa pintuan.

"Manang, tama na po sa pagkatok, bababa na po ako," pauna niya rito.

"Sir, kasi-"

"Manang Fee, lalabas na po 'ko. Please. Pakisabi susunod na po ako," iritableng sagot niya. Ayaw niya kasi ng makulit at paulit-ulit.

"Okay, Sir, bababa na kayo agad?" pangungulit pang muli nito. Ito na nga ang sinasabi niya e. Ayaw paawat.

"Yes po, Manang," ulit niya. Talagang ayaw siyang tantanan hangga't hindi siya sumusunod at nakikitang pababa.

"Iho-"

"Maryosep, Manang!" hiyaw na niya ng maubusan ng pasensiya. Mukha namang naunawaan nito ang pakiwari niya. Nataranta itong papalayong bumaba ng hagdan.

"Mama, Ano 'yan?" dinig niyang tanong ng isa sa mga anak nitong naroon.

Si manang talaga. Nangingiting anang isip niya. Napasabunot na lang tuloy siya sa buhok dahil sa kakulitan ng kanilang mayordoma.

Ngunit sa kabila nito, malapit sa puso niya ang ginang. Mula pagkabata ito na ang nag-alaga at nag-aruga sa kaniya hanggang sa kasalukuyan na nasa ika-3rd year High School na siya.

Kaya naman bago pa ito bumalik ulit agad na siyang nagtungo sa banyo; sa kaliwang bahagi ng kaniyang silid.

Ginawa ang routine niyang pagmumumog, pagto-toothbrush, paghihilamus at pagligo. Nakasanayan na kasi niyang gawin ang mga ito kaya hindi na bago sa kaniya.

Pagkatapos, nagtungo na siya sa kaniyang wardrobe na nasa kanang bahagi naman. Kahilera ng pinto, kung saan doon nangungulit ang ginang.

Kinuha niya ang black pants na tinernuhan ng loose navy blue sleeve shirt habang may suot na white sneakers shoes.

Gayon din sinuklay niya ang buhok pataas na sadyang nagpalitaw ng hugis M na istilo (style) ng buhok. Napangiti na lang tuloy siya sa harap ng salamin.

"Si-"

"Pababa na po," putol niya sa sasabihin ni Manang Fee.

Naramdaman na naman niya ang presensya nito mula sa likod ng pintong nakapinid. Nagulat naman ito sa narinig dahilan upang mataranta itong magtatakbong muli.

Napangiti at naiiling na lang tuloy siya. Ang kulit talaga. Bago bumaba agad na niyang kinuha ang kulay Black-grey messenger bag.

***

"Good morning, Iho. Common, let's eat," bungad ng kaniyang ina nang mapalingon sa gawi niya. Pababa na siya ng hagdan.

Katamtaman ang laki ng Iron grand staircase na ito na may bente pirasong hakbang. Nakukulayan din ito ng silver with black dragon design. Nasa kanan na bahagi ang kusina na kita ang pagbaba niya mula rito. Nasa kaliwa naman ang visitor's lounge.

"Morning, Mom. Where's dad?" puna niya matapos makipagbeso sa ina.

"Don't mind him, he left already. May kailangan pa raw siyang asikasuhin. Also, there's a meeting para sa bagong investor," anitong sumusubo ng pagkain.

Napailing na lang tuloy siya bago umupo sa tapat nito. Lagi naman e. He's always busy with others than his own family.

"By the way, Mom. I thought there's something you want to say?" basag niya sa katahimikan na namuo sa hapagkainan matapos ang tanong niya.

"Ah, yeah, before I forgot, may ipinatayo kasing bagong branch ng Hotel and Resto ang dad mo sa San Nicholas so gusto niyang siya mismo mag-handle roon," anito habang patuloy sa pagsubo.

"Kaya naman, kailangan nating lumipat doon at the same time doon ka na rin mag-aaral," paliwanag nito bago uminom ng Pineapple juice na nasa baso nito.

"What? Mom!" napalakas na pagkakasabi niya.

"Relax, Iho, mababait naman ang mga tao roon," pagpapakalma nito habang pinupunasan ng puting table napkin ang bibig.

"Mom, hindi ako aalis sa Bro's High," salungat niya. Nanlalaki ang mga mata at boses niya sa pagka-disgusto sa narinig.

"Hindi na natin mababago ang desisyon ng daddy mo, Heirry. Sige na, I gotta go. Late na ako sa office," wika nito bago siya hinalikan sa noo.

"Mom-"nakasimangot na bigkas niya habang nakasandal na sa upuan. Ayaw niya ng nangyayari.

"You knew better your dad, my son. Take care yourself. Have a blessed day today."

"Mom?"

"Sorry, Son. I love you," pahabol pa nito bago tuluyang kinuha ang wristlet bag nito. "See yah later."

"Mom," naisatinig niya sa huling pagkakataon ngunit tuluyan ng napihit ng ina ang seradura ng Iron door sa tapat ng hagdan.

Napabuntong-hininga na lang siya kasabay ang pagbitiw sa kutsara at tinidor na hawak. I'm very dissapointed.

"Sir Heirry, okay ka lang ba?" sulpot ni Manang Fee sa tapat niya.

"Okay lang po ako, Manang Fee. Nasaan na pala sila Ate Carolina at Lira? Sabayan po ninyo akong kumain," sa halip na sabi niya.

Ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa tanong kung okay lang ba siya dahil hindi talaga.

Muli niyang hinawakan ang kutsara at tinidor kahit pa alam niyang wala na siyang ganang kumain pa. Hindi dahil sa ayaw niya ng pagkain kundi nahihirapan siya sa mga desisyon ng magulang. Bakit kaya ganoon kapag batang paslit ka.

"Nakakahiya naman po, Sir Heirry," wika ni Manang Fee na siyang ikinaangat tingin niya rito. Akala niya nakaalis na 'to.

"Ano ba kayo, Manang, parang hindi na kayo nasanay sa akin. Para ko na kayong ina at kapatid sina Ate Carolina at Lira," natatawang sabi niya habang pasubo ng pagkain. Iba talaga ang impact nito sa kaniya.

Kahit mahirap ang sitwasyon niya ito ang nagbibigay kulay muli. Unexpected ang biro nito na para dito ay simpleng bagay lang yet para sa kaniya.

This is the best key to his emotional state. Hindi kasi maalis sa isip niyang aalis siya sa Bro's High na mula kindergarten ay eskwelahan na niya.

"Oh, sige, tatawagin ko muna sila," tuwang-tuwang sabi nito habang nagtatakbo.

Naiiling na lang tuloy siya rito. Sa kabila ng pagiging makulit at batang pag-iisip nito ay malaking bagay ang naibibigay nito mula noon hanggang ngayon.

Bata pa ito ng mapunta sa kanila ayon sa kwento ng kaniyang mga magulang, pero ng mamatay ang ina't ama nitong dating mayordoma at driver nila, sila na mismo ang kumupkop dito.

At sa kasalukuyan nga ay ito ang pumalit sa yumaong mga magulang nito, liban na lang sa pagmamaneho na nakakuha sila ng bagong driver para dito.

"Sir, nandito na po sila," sulpot muli ni Manang dahilan upang bumalik sa realidad ang wisyo ng utak niya.

"Good morning po, Sir," magalang na bati ng dalawang babaeng kararating lang.

Nakasuot ito ng parihong maong na pantalon at puting damit habang may parihong bilugan din na mga mata.

Matangos din ang ilong ng mga ito na bumagay sa parihong katamtamang kapal ng labi. Iyon nga lang parihong may taas na 5'2. Tamang size bilang babae.

"Good morning, Ate Carolina at Lira. Sabayan na po ninyo akong kumain," nakangiting balik niya sa mga ito bago muling sumubo ng pagkain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top